Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Naalimpungan na lamang ako nang may naramdamang mabigat na bagay sa aking beywang. Nang tingnan ko 'yon nagulat ako nang malamang kay Klaxon galing iyon. I was about to remove his arm from my waist, but I froze when I saw him sleeping soundly beside me. He wasn't wearing a shirt, magulo ang buhok at nasa ulunan pa ang eye glasses na ginamit niya kanina.

Ang bait naman nito matulog. Parang walang ginawang kahalayaan noon ah. Magagalit kaya siya kung gigisingin ko siya? Putcha!

Sandali! Anong oras na? Baka kanina pa ako hinahanap sa baba. Hindi puwedeng malaman ni Ma'am Alma ito. Malilintikan ako.

Papaano ba ako makaalis dito? Ang bigat ng braso ni Klaxon. Hindi ko kayang hawiin. Pinaglihi ba sa bakal ang mga braso nito?

"Ugh, Klaxon, wake up..." bulo
ng ko sa kaniyang tainga upang marinig niya ngunit wala pa ring epekto. Shit. Mas lalo lamang bumigat ang kaniyang kamay na nakadagan sa akin.

"Klaxon..."

Iginalaw ko ng bahagya ang aking isang kamay upang abutin ang kaniyang mukha ngunit akoy natigilan at napatitig ng matagal sa kaniyang mukhang natutulog. Thick eyebrows, long lashes, a prominent nose, and those slightly pink lips. His face hasn’t changed much—he just looks a bit more mature, as people age and do not grow younger.

His messy hair covered one of his eyes, so I carefully lifted a hand to brush it away. Napalunok pa ako dahil hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng hiya habang pinagmamasdan ang kaniyang mukha. Pakiramdam ko umiinit na ang mukha ko ngayon sa harapan niya.

I can't help it, alright. Masyado kasing maamo ang kaniyang mukha. Parang hindi naging dragon kanina no'ng lumabas siya ng opisina. Mukhang napagod talaga siya ng husto dahil kahit anong gawin ko hindi siya gumagalaw.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Binalingan ko ng tingin ang cellphone ko. My eyes widened in shock when I saw that it was already 10 PM.

"Lagot." Baka hinahanap na ako ngayon ni Klarissa. Kailangan ko nang umuwi bago pa man maghestirikal 'yon.

"Shit." Muli na naman akong napamura nang sunod-sunod ang missed calls sa akin ni Jenie. Ugh. Paano ba ako makakaalis sa kamay ng lalaking 'to? Sobrang bigat naman kasi.

Binaba ko ang cellphone saka muli siyang tiningnan. "Klaxon, wake up. Kailangan ko nang umuwi," mahinang sabi ko. Gano'n pa rin, wala siyang naging response sa sinabi ko.

"Klaxon..." kinagat ko ng mariin ang aking labi kasabay nang pag dahan-dahan kong galaw. Medyo lumuwag naman ang kaniyang pagkadagan sa akin kaya naman sa wakas nakaalis rin sa tabi niya.

Inayos ko ang aking suot na uniform saka lumapit sa kaniyang malaking lamesa para kunin ang mga gamit ko. Pagkatapos lumapit ako sa malaking window kung saan makikita ang nagtataasang buildings at dagat na sinlawak ng aming lugar.

Ang ganda.

Bago pa man magising nang tuluyan si Klaxon, nagpasya na akong lumabas. Pero bago 'yon, nilagyan ko siya ng kumot. Oo may kumot pero hindi niya man lang ginamit.

He let out a faint groan as I tucked the blanket around him. Akala ko magigising ko 'to, mabuti na lang mahimbing pa rin ang kaniyang tulog.

"Ang bait mo talaga kapag tulog ka." Bungisngis ko. Hindi mawala ang ngiti sa aking labi. Ang cute niya naman kasi. Parang hindi nagwawala kanina.

"Goodnight, sir." Namamaos na boses na paalam ko saka tuluyan nang lumisan sa kaniyang opisina.

Usual wala nang mga tao sa buong building. Tanging ang iilang guards lang at si Klaxon ang nasa loob. Magiging okay naman siguro siya doon dahil wala namang mananakit o magtatangka sa buhay niya. Isa pa, kilala siya ng lahat, kinatatakutan at kaya ka niyang patumbahin sa isang pitik lang. Ngayon, kailangan kong maging maingat dahil buhay ng anak ko ang nakasasalay dito. Kung puwede ay iiwas ako kung kinakailangan.

Nang makababa na sa ground floor, muntikan na akong mapatalon sa gulat nang tumayo ang isang lalaking naka-tuxedo. May tatlo siyang bodyguard sa kaniyang likuran. Nakatayo din at seryosong nakatitig sa akin. Kinalibutan tuloy ako. Hindi naman sila mukhang manyakis, sa katunayan nga niyan ay nakaka-intimidate ang presensya nila.

"May kailangan ba kayo?" lakas loob kong tanong. Wala naman talaga akong balak na magtanong pero katakataka kasi ang kanilang kinikilos. Parang kanina pa sila naghihintay.

Ngumisi 'yong lalaking naka-tuxedo. "Good evening, Miss Kelra. Ako nga pala si Henderson, ang assistant ni Mr. Klaxon. Gusto ko lang sanang itanong kung kumusta si Klaxon sa loob?"

Napakamot ako sa aking ulo. Naramdaman ko rin ang pag-init ng aking mukha. Shit! Wala lang naman 'yon, saka siya ang tumabi sa akin. Hindi ako!

"He's sleeping. May kailangan ka ba sa kaniya?" parang asawa ang atake, ah.

"Wala naman, Miss Kelra. Ngunit kailangan na po naming umuwi ngayon dahil hindi po safe dito sa kumpanya,"

"Anong ibig mong sabihin?" bigla akong ginapangan ng kaba.

"It's better if you don't know, Miss Kelra. Are you heading home now?"

"Oo sana," mahinang sagot ko saka binalingan ng tingin ang labas. Tahimik na at wala na gaanong sasakyang tumatakbo sa highway. Mabuti na lang dala ko ang sasakyan ko.

"Will you allow my guards to follow you home? Don't worry, they won't harm you. They're just here to ensure your safety—it's dangerous tonight."

"Don't worry about me, Mr. Henderson. I can handle myself."

"Hindi sa gabing 'to, Miss Kelra."

"Ano ba talaga ang nais mong iparating? Bakit mukhang madadamay pa ako sa mangyayari sa boss niyo?"

"Because you're connected to him."

"In what way?"

"You're his wife." Para akong nabingi sa kaniyang sinagot.

"W-What?"

Mabilis niyang nilabas ang kaniyang cellphone sa loob ng kaniyang tuxedo nang bigla itong umilaw. Naguguluhan naman akong nakatitig sa kaniya, hinihintay na matapos ang katawagan.

Anong ibig niyang sabihin? Asawa ko ni Klaxon? Ni wala nga akong matandaan na nagpakasal kami e. My mother was supposed to marry him—that was the plan. But after the tragedy that happened, there was no wedding. So how come he's saying this? Is Henderson messing with me?

"I will take her home. Don't worry. Yes, she's fine. Stupid, wala akong gagawing masama sa kaniya," binalingan niya ako ng tingin. Tinaasan ko lang naman siya ng kilay.

"What did you two do, huh? Letting yourself get swept up again?"

Napairap ako. Hindi ko alam kung bakit. Matagal pa ba 'tong usapan nila? I need answers para makauwi na ako. Tangina naman.

"I'm sorry. I won't tell." Huling sabi niya bago binaba ang tawag at tumingin sa akin.

Ang kaninang nakangisi niyang mukha, ngayon ay napalitan ng seryoso.

Napalunok ako. "Anong ibig mong sabihin—"

"Kalimutan mo na 'yon, Miss Kelra. Nagbibiro lamang ako at pasensya na."

Hindi ko alam bakit nainis ako bigla sa sinagot niya. Imbes na gatungan ang kaniyang sinabi, iritado akong lumabas ng kumpanya at tinungo ang sasakyan ko sa parking lot. Sumunod naman ang tatlong bodyguards sa akin. Naiwan si Henderson sa loob, nakatingin lamang sa amin hindi kalayuan.

Parang may something talaga sa lalaking 'yon. Hindi ko lang ma-explain. Something dangerous. Parang gano'n.

Habang nasa biyahe, tahimik lamang ako. Nasa likuran ko naman ang isang itim na sasakyan. Bodyguards na pinadala ni Henderson upang hindi daw ako mapahamak. Pambihira, kahit gulong-gulo, sinawalang bahala ko na lamang dahil ayokong mangialam sa buhay ni Klaxon. Tapos na ako doon.

Nang makarating ako sa bahay, huminto din naman ang sasakyan sa aking likuran saka sabay Silang lumabas. Hawin pa rin ang nagtataasang mga baril.

"Salamat sa paghatid. Puwede na kayong bumalik." Pagtataboy ko sa kanila.

May pinidot 'yong isang bodyguard. Kalaunan sabay din silang tumango at lumisan. Ang weird.

Napabuntonghininga na lamang ako sabay pasok sa loob ng bahay. Bukas pa rin ang mga ilaw ngunit walang tao. Siguro tulog na si Jenie. Nilapag ko sa ibabaw ng lamesa ang aking bag saka dahan-dahang pumasok sa silid ko.

Tila nawala ang pagod ko at napangiti nang makita ko ang aking anak. Mahimbing na natutulog habang kayakap nito ang hotdog kong unan. Marahan kong hinaplos ang kaniyang buhok, lihim pa akong napasinghap nang mapansin ko ang pagkakamukha nilang dalawa ni Klaxon. Kuhang-kuha niya talaga halos. Kung naging lalaki 'to si Klarissa, kasing-gwapo niya siguro si Klaxon.

Argh. Bakit ko ba iniisip ang lalaking 'yon?

Bago pa man ako tuluyang masiraan ng ulo, napagdesisyunan kong maligo muna bago matulog. Pagkatapos, nagbihis, nag-ayos at sumampa na sa kama katabi ang anak ko.

Napansin ko ang paggalaw nito nang yakapin ko siya. Hinalikan ko ang kaniyang noo bago saka unti-unting pumikit. Ngunit, hindi pa man tuluyang sumara ang aking mga mata bigla na lamang umingaw ang cellphone.

"Tangina!"

Dali-dali ko naman itong binuksan habang hindi tiningnan ang caller dahil ayokong magising si Klarissa. Pambihira, sino ba 'tong tumawag? Hindi niya ba napansin ang oras? Mag-uumaga na.

"Hello?"

"Baby, are you home?"

"K-Klaxon?" nanlalaking matang tanong ko.

Shit. Saan niya nakuha ang number ko? At anong baby pinagsasabi nito.

"Yes it's me. Are you home? How was your sleep? You didn't wake me up."

Napakagat labi ako. "Ilang beses kitang tinawag hindi ka gumising,"

"I thought I was dreaming when I heard you calling me. Are you going to sleep now?"

"Yes. I have work tomorrow, and I don't want to get fired for being sleep-deprived. So if you have nothing else to say, I'll hang up—"

"Wait… I just want to hear your voice. Can you stay on the line for a bit?"

Tumaas ng bahagya ang kilay ko. Si Klaxon ba 'tong kausap ko? Nasa opisina pa rin ba siya? Shit. Naalala ko na naman 'yung sinabi ni Henderson na kailangan nilang I-uwi si Klaxon dahil delikado siya sa kumpanya.

Pumikit ako ng mariin. "Klaxon, are you still in the office?"

"Why? Do you want to come here?" natatawa nitong sambit.

Mabilis ko namang inirapan. "You should go home. Anong oras na oh? Saka kung wala ka n—"

"Kelra, baby, my queen. I really fucking missed you."

Mahina niyang sabi ngunit rinig na rinig ko, kasabay nang panginginig ng aking kamay at pagtambol ng malakas ng aking puso.

Damn it.

***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Every week po ang update ko. Sorry po kung medyo matagal. Busy kasi me huhu.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro