Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

Sinabi ko lahat kay Jenie ang nangyari sa pinagtatrabahuan ko. Hindi naman siya nagulat nang nalamang si Klaxon ang bagong boss ko. Sa katunayan nga niyan ay nag-aalala siya, hindi dahil sa akin kundi sa anak kong si Klarissa. Wala pa akong planong ipakilala sa kaniya ang anak namin. Para sa kaniya, laro lamang ang pinagsaluhan namin noon noong ako'y nag-aaral pa. Wala sa mukha niya ang magkaroon ng anak. Kaya habang kaya ko pang itago ang anak ko, gagawin ko ang lahat huwag lang mag-krus ang landas nilang dalawa.

My mouth slightly parted as I recalled his passionate and fierce kiss on my lips. Damn it! I reciprocated his kisses. Tangina! Sinagot ko ang mga halik niya. Baka iisipin non nagustuhan ko ang ginawa niya. Tangina ka talaga, Kelra. Ang talandi mong babae ka.

"Ugh! Anong mukhang ipapakita ko bukas sa kaniya? Act like nothing happened? Right, just like that. I'm sure he'll forget about it too. It's just a kiss!"

Putcha. Ilang taon kong inalagaan ang labi ko tapos sa kaniya pa rin pala babagsak. Nakaiinis talaga!

Mukhang ayos naman siya. Ano kaya ang nangyari sa kanilang dalawa ni Kace no'ng umalis ako? May kinalaman kaya siya sa pagkamatay ni Mommy? Nalaman niya na kaya? Pero, wala siya no'n sa bahay no'ng nangyari ang kahindikhindik na trahedya na iyon. Saan siya kung gano'n? Bakit hindi niya tinulungan si Mommy? Paano kung siya ang pumatay kaya siya nawala? fuck!

Naramdaman ko ang panlalamig ng aking dalawang kamay. Pumasok sa utak ko ang imahen no'ng panahon sinabi niyang pinatay niya si Jomar. Kahit kadugo ko kaya niyang patayin para lang makuha ako.

Tiningnan ko ang isang kamay ko. Napakagat labi ako nang makitang nanginginig ito.

Paano kung siya nga ang pumatay kay Mommy? Kaya niyang gawin iyon! Kaya niyang ulitin iyon! Tangina. Hindi ko na alam ang gagawin. Gusto ko siyang akusahan ngunit wala akong sapat na ebidensya. Pero alam kong kaya niyang pumatay. K-Kaya niyang saktan ang Mommy ko.

Dahan-dahan akong bumaba ng kama. Sinuot ko ang tsinelas ko at tinungo ang kusina. Binuksan ko ang ref at nagsalin ng tubig upang hawiin ang bumabara sa aking lalamunan.

Ngayon na nakita na namin ang isa't isa. Anong gagawin niya sa akin? Anong plano niya? Is he here for good or take revenge?

Hindi ko na alam.

"Kelra."

Muntikan ko nang maibuga ang ininom ko nang marinig ko ang malalim at inaantok na boses ni Jenie sa aking likuran.

"Tangina naman, Jenie! Huwag ka ngang manggulat!"

"Sorry naman! Nga pala, ang lalim ng iniisip mo ah. Tungkol pa rin ba 'to sa ama ni Klarissa?"

I put down the glass I was holding. I put the pitcher back inside the fridge and leaned against the wall. "I don't know what to do anymore, Jenie. I'm afraid that when he finds out the truth, he will take Klarissa away from me. Tumakas ako mula sa kaniya, sa tingin mo maghihiganti siya?"

Ayokong madamay ang anak ko. Hanggat kaya ko pa, itatago ko talaga siya.

"Bakit naman siya maghihiganti? Wala ka namang ginawang kasalanan sa kaniya, at hindi ka naman niya sinaktan kanina, hindi ba?"

Yes, he didn't hurt me. But I'm still scared. I'm afraid that might be one of his plans. Hindi lang siya isang propesor. He knows Kace, who is one of the members of the SC. I'm sure he has a connection there too.

Society Clan is not just a clan. All the illegal and legal activities happen in that clan. Killings, drugs, and various activities that you wouldn't want to know about. This is led by Kiefer Stan Montefalco. Isang malakas na businessman sa buong mundo. Hindi lang siya businessman, leader din ng isang Clan at isang Mafia kung tawagin ng karamihan. Maraming takot sa kaniya at marami ding gustong pumatay sa kaniya.

If Klaxon has any connection to that clan. It will be difficult for me to hide Klarissa. Wala akong kaya.

"Huwag mo nang alalahanin 'yon. Ang pagtuunan mo ng pansin ngayon ay ang anak mo. Lumalaki na si Klarissa, Kelra at kapansin-pansin na ang namanang genes nito kay Klaxon. You can't hide your daughter forever, but at least you tried."

I didn't sleep well last night because I couldn't stop thinking. I ended up looking like a zombie when I went to the company. Mugtong-mugto ang mga mata ko. Gusto kong matulog! Kahit saglit lang.

"Anong nangyari sa'yo, Kelra? Kulang ka ba sa tulog?" ito agad ang salubong ni Ellen nang makita akong pagod na umupo sa sariling lamesa.

"Nandiyan na ba ang boss natin?"

"Bakit?"

"Iidlip lang sana ako. Inaantok pa kasi ako," walang lakas kong sagot.

"Ano bang ginawa mo kagabi? Alam mo namang may changes sa oras dahil sa bagong boss natin tapos hindi ka natulog ng maaga? Jusko ka, Kelra."

I closed my eyes tightly. I pushed aside the folders on the table and was about to lean on it when we heard a loud thud from the second floor.

"Anong nangyayari?"

Ang kaninang inaantok kong diwa nagising nang nalamang galing sa opisina ni Klaxon iyon. Anong nangyari?

"Pupuntahan ba natin?" kinakabahan na tanong nito.

"Siguro?"

"Tara-"

Hindi niya natapos ang kaniyang sasabihin dahil napako ang atensyon namin sa isang babaeng kabababa galing sa second floor, umiiyak ito habang hawak ang sariling bag. Nang mapansin niyang nakatingin kaming lahat sa kaniya, umiwas siya, hinubad niya ang kaniyang heels at tumakbo palabas ng kompanya.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Ellen. Nagtataka rin ang kaniyang mga mata.

Akala namin doon na nagtatapos ang kalbaryo. Subalit, napaawang ang bibig ko nang bumaba din si Klaxon. Seryoso ang mukha, magulo ang buhok at mukhang stress.

"M-Magandang umaga po, sir!" bati namin sa kaniya habang nakayuko ang ulo.

Shit. Bakit ako kinakabahan sa mukha niya ngayon? Bakit umiyak 'yong babae.

"Where's Alma?" mariin niyang tanong.

Hindi ko alam kung sino ang kinausap niya. Nanatiling tikom lamang ang aking bibig dahil hindi ko alam kung nasaan ngayon si Mrs. Alma.

Napansin ko ang bahagyang paggalaw ni Ellen dahilan nang pagbaling ko sa kaniya. Nanginginig ang kaniyang dalawang kamay, kinabahan din. Tangina! Ang lakas naman kasi ng kamandag ng lalaking ito. Lahat nakakatakot sa kaniya. He's a dangerous person I've met!

Kapag binangga mo siya hindi ka na talaga sisikatan ng araw kinabukasan. Hindi na bago sa akin ito, ngunit sa puntong ito mas domoble yata ang galit niya.

"N-Nasa 'baba po. Kumuha po ng k-kape ninyo, sir,"

Isang malakas na kalampag ang namayani sa loob ng building dahilan nang pag-atras namin.

"Hindi ko kailangan ng kape! Kailangan ko ng matinong Sekretarya! Tangina, tawagin mo 'yon ngayon din, kung hindi sisantehin ko kayong lahat! Mga walang kuwenta!" galit niyang sigaw at tinuro ako. Nanlamig naman ako sa kinatatayuan ko, dahan-dahan akong lumapit ngunit nanatili pa ring nakayuko ang ulo ko.

"Saan ka galing kahapon, Kelra? Bakit mugto ang mga mata mo? Hindi ka nakatulog ng maayos?"

Napalabi ako. "Y-Yes po, sir."

"Hindi ko na problema 'yan! Kailangan ninyong maging active sa trabaho. Kung kulang kayo sa tulog, umalis kayo sa kompanyang ito at huwag nang babalik. Binabayaran kayo dahil sa trabaho hindi dahil matulog!"

Iangat ko ang tingin. Sinalubong ako ng kaniyang malalim na mga mata. Shit!

"Ah...sir, hindi po ako natulog. Duma-"

"You're about to take a nap, woman. I will not tolerate this during work hours. Go to my office, there are papers there that need to be delivered."

At tumalikod. Hindi niya ako hinintay na sumagot. Dumeretso ito sa ikalawang palapag kasabay nang malakas na pagbagsak ng pintuan.

Napapikit kaming lahat dahil doon. Ang suplado!

"Sige na, Kelra, sundan mo na baka magalit na naman 'yon at madamay na naman tayong lahat!"

Umirap ako kay Lori. Papansin talaga e. Hindi ko siya sinagot sa halip ay umakyat ako sa ikalawang palapag at marahang kumatok bago pumasok sa opisina ni Klaxon. I saw him sitting at his desk, wearing glasses and seriously flipping through the papers.

Unti-unti akong lumapit sa kaniyang lamesa. "S-Sir, nasaan po ang mga papel? Kukunin ko ka po sana," shit! Pakiramdam ko maninigas ako sa sobrang lamig.

The corner of his lips slightly moved. I thought he would look at me, but he didn't. He just pushed the pile of documents. "If you want to sleep, I'll allow it. But you will sleep here, Kelra, not outside."

Kumalabog ng malakas ang puso ko nang magtama ang aming mga mata. Seryoso pa rin ang kaniyang mga mata. Parang punyal na tumatagos sa aking katawan ang kaniyang titig.

I quickly stepped back, afraid I might make another mistake. I don't want to mess up in front of him. "Hindi na po kailangan, sir. Nawala-"

"Are we still going to fight about this, Kelra? Sleep first before you do those things. I'll wake you up when it's ready."

"Hindi na po talaga-" tila umurong ang dila ko nang makitang sinamaan niya ako ng tingin.

"Are you going to sleep or should I put you to sleep myself? Choose, Kelra. Hindi lang tulog ang gagawin ko kapag nagmatigas ka pa."

Tangina.

***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro