Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

Kelra's POV

"Handa na ba kayo sa announcement mamaya?" tanong ni Louisa, isa sa mga editor ng Kompanya. Nag-aayos ito sa kaniyang mukha habang ang mata ay mariing nakatingin sa amin. Binalik ko ang tingin sa monitor, napasinghap ako nang makitang may panibagong ni-send na namang file si Mrs. Alma. Gusto niya talaga akong bugbugin sa trabaho, kakapagod naman.

"Balita ko lalaki daw ang bagong CEO ng kompanya,"

"Saan mo naman narinig ang balitang 'yan?" tanong naman ni Ellen. Ang ka-trabaho kong naging kaibigan ko na rin. Lagi itong kontra kay Louisa, minsan kasi bida-bida ang babae 'yon kaya maraming galit sa kaniya. Hindi lang sipsip, malandi rin.

"Sa head department, Ellen. Saan ka ba galing at bakit hindi mo alam ang balitang 'to?" Tumaas ang kaniyang kilay.

Tumawa ng mahina si Ellen habang inaayos ang tambak na papel sa kaniyang lamesa. "Nagtatrabaho, Louisa. Wala kasi akong oras sa mga chismis, inuuna ko lagi ang trabaho."

"What are you trying to say? Na hindi ko inuuna ang trabaho?" Tumayo na siya.

"May sinabi ba ako? Kung natamaan ka, edi totoo?"

Bago pa man sumugod si Louisa kay Ellen, pinigilan siya ng dalawang kaibigan. Sina Ari at Lori, kaibigan niyang sipsip din pero mas magaling siya sa mga ito. Kaya laging mataas ang sahod niya dahil nilalandi niya ang dating
CEO ng kompanya, matanda at panot na iyon pero tila walang pakialam si Louisa, para sa pera e gagawin talaga ang lahat. Nangangailangan din naman ako pero hindi ako gagawa ng gano'ng klaseng kadirian para lang sa pera. I can earn without seducing any men, o ibenta ang sarili.

Sa bagay, tumatanda na si Louisa, kailangan niya siguro ng maraming pera para sa libing niya?

"Magsama kayo niyang walang kuwenta mong kaibigan! Lagi namang palpak ang trabaho ninyo! Kung hindi dahil sa akin, matagal na kayong pinatanggal!"

Sumilay ang ngisi sa aking labi. Dahan-dahan akong tumayo at lumapit sa kaniya. Hinila ko ang kaniyang kwelyo at mas lalo pang ngumisi sa kaniya. "Edi salamat sa paglalandi sa boss natin. Malaki ba?"

Nanlaki ang mata niya. "A-Anong pinagsasabi mo? Lumayo ka nga!" Tinulak niya ako, mahina lamang pero sapat na para makalayo sa kaniya.

"Baka iba ang iniisip mo ah? 'Yung sahod ang tinutukoy ko, Louisa."

"Pantay-pantay tayong lahat dito! At hindi ko nilalandi ang boss natin, Kelra. Huwag ka ngang mambintang kung wala kang pruweba!" galit niyang sambit at padarang na kinuha ang bag sa upuan saka lumisan kasama 'yong dalawa niyang kaibigan.

"Babaeng 'yon talaga, wala nang ginawang tama sa buhay. Pati dating boss natin na may asawa at panot hindi pinalampas,"

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Binalik ko ang atensyon sa monitor at binuksan ang file na pinadala ni Mrs. Alma. Nakasaad sa file na aayusin ko raw ang mga nakasulat doon at pagkatapos ipapasa sa CEO office para makita at mabasa ng bagong CEO.

Nilaan ko ang buong oras sa pag I-edit at pagdadagdag ng mga salita sa document. Paminsan kinakausap ako ni Ellen tungkol sa gagawing party ni Mrs. Alma pero hindi naman iyon nakakahadlang sa trabaho ko, mas okay nga 'yon dahil hindi ako mabo-bored sa katututok sa monitor.

At saka paniguradong hindi rin ako makakadalo sa party na 'yan dahil may anak akong laging naghahanap sa akin sa bahay. May family gathering pa sila next week, kailangan nandon ako kaya tatapusin ko this week ang mga tambak na trabaho para wala nang gagawin next week. Sana hindi ako tambakan ng bagong CEO para goods ang lahat. Walang po-problemahin.

Pagkatapos kong mag-edit, binalik ko muli sa file iyon at hinayaan na mag-loading. Matagal-tagal pa naman kaya nagpasya ako na kausapin muna si Ellen.

Binalingan ko siya ng tingin, ngunit ako'y natigilan nang mamukhaan ang lalaking nasa harapan. Ako'y ginapangan ng kaba, naramdaman ko rin ang pamamawis ng kamay ko habang mariing nakatingin sa kaniya. Nakatayo kasama ang tatlong kasamahan ni Mrs. Alma.

What the fuck is he doing here? P-Paano siya nabuhay?

Dumapo ang tingin ni Mrs. Alma sa akin.  Sinenyasan niya akong yumuko at batiin ang bagong...CEO namin?! Si Klaxon?!

"Magandang umaga po, Sir Vela Rosa!"

Ako'y napalunok. Tila may bumabara sa aking lalamunan at hindi man lang mabati-bati ng magandang umaga ang bagong boss namin.

Umayos ako ng tayo, nakayuko pa rin, hindi kayang labanan ang titig ni Klaxon na kanina pa tumatagos sa aking katawan na parang punyal. Habang kausap ni Mrs. Alma ang bagong boss, nilalaro ko ang aking mga daliri upang ibsan ang kaba sa aking dibdib. Takot magkamali. Shit! Malas ba ito o swerte?

Bakit niya dito naisipang mamuno? Did he bought this company? Hindi na ako nagulat dahil mayaman naman sila. Pero bakit niya binili ito? Kulang pa ba ang sandamakmak nilang negosyo at gusto pa nilang dagdagan? For what?

Gaga ka, Kelra, kailangan may rason? Well, everything has a reason. Then, anong rason bakit siya napadpad dito? And si Kace, is he alright? Gosh, ang daming tanong umiikot sa aking isipan. Kailan kaya malulutas ito.

"Nasaan si Louisa at Lori?" may halong diing tanong ni Mrs. Alma nang mapansing wala dito ang dalawa. Si Ari lang ang nakabalik.

"Walang sasagot?"

Habang nagsasalita si Mrs. Alma sa harapan at pinapagalitan kami, my eyes involuntarily drifted towards Klaxon, who stood silently observing the scene.

Nagtama ang mga mata namin. Klaxon's face lit up with a slight grin, a flash of amusement, and possibly a touch of recognition. As if drawn like a magnet. I couldn't take my eyes away from his intense stare. It was a stare that appeared to see straight through me, reading my thoughts and emotions with such accuracy. Damn it!

Fuck! Saan na ba kasi ang babaitang 'yon?

Nakakailang na si Klaxon. Para akong pinaparusahan sa paraan ng kaniyang tingin. Nararamdaman ko na ring namamawis na ang aking noo at kamay dahil sa kaba, muli ko na namang naramdaman ang naramdaman ko noon kay Klaxon. Ang kaba, takot at kakaibang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag.

Is he here for good? Maghihiganti kaya siya sa ginawa kong pag-iwan sa kaniya noon? Shit. Hindi. Wala kang ginawang masama, Kelra. Hindi mo kasalanan!

Pumikit ako ng mariin. Hindi niya naman siguro ako sinusundan, ano?

"Hanapin niyo ang babaeng 'yon!" galit na untag ni Mrs. Alma sabay baling sa akin dahilan nang pag iwas ko ng tingin kay Klaxon.

"Bring the printed copy to the CEO's office."

Tumango ako at yumuko. "Ngayon na po ba, Ma'am?"

"Na-print mo na?"

"Hindi pa po—"

"Then do it after! Go back to work!"

Napapikit ako ng mariin nang marinig ko ang mahinang pagtawa ni Klaxon. Binalik ko muli ang tingin sa kaniya. Hawak niya ang kaniyang ibabang labi habang nakangisi.

Gago.

"Babalikan ko kayo mamaya. Kapag wala pa rin si Louisa, tanggal na siya! Sabihin niyo 'yan sa kaniya at nang matauhan ang matandang 'yon!" huling sambit ni Mrs. Alma bago sumunod kina Klaxon paakyat.

"Pahamak talaga 'yang malandi mong kaibigan, Ari, e!"

"Hindi siya malandi!"

"Sige depensahan mo! Pare-pareho lang naman kayo!"

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Imbes na pansinin ang alitan nilang dalawa, pinili ko na lamang na bumalik sa aking puwesto at I-print ang document na ipapasa sa CEO's office. Tangina, makikita ko na naman ang gagong 'yon. Sana nandoon si Mrs. Alma, para hindi ako mailang. Hindi ko yata kayang kami lang ni Klaxon ang nandoon.

Nang matapos ang printing. Nilagay ko iyon lahat sa isang brown folder, at nagpasya na ihatid na sa CEO's office baka magalit na naman si Mrs. Alma at madadamay na naman ang mga ka-trabaho ko.

Kahit kinakabahan, pinatatag ko pa rin ang sarili ko. Lumapit ako sa kaniyang opisina at kumatok ng tatlong beses.

"Come in."

Pagkabukas ko nang pintuan, bumungad sa akin ang kahuhubad lang na si Klaxon.

"What the hell, Klaxon?!" I cursed. Naramdaman ang pag-iinit ng mukha at akma na sanang lalabas, but a strong hand gripped mine, pulling me back.

"Wait!" he exclaimed, his voice urgent. He slammed the door shut and leaned me against the cold, concrete wall. Habol pa ang hininga as he stared at me with hungry eyes.

"Kelra," he whispered, his gaze searing my skin. "I missed you."

No. This is not right. Ito na nga ba ang sinasabi ko, hindi na naman ako makakawala sa mga kamay niya. Damn it!

"Klaxon, let—"

Before I could protest, his lips descended upon mine, silencing any words that threatened to escape. His kiss was intoxicating, a mixture of passion and desperation. I struggled at first, my mind racing with confusion, but his touch was too overwhelming to resist. Tangina, ito na naman ang pakiramdam na hindi ko gustong balikan. Kusa nang gumagalaw ang katawan ko, sinasabayan ang bawat haplos ng kaniyang labi sa aking labi.

"Klaxon..." pambihira ka, Kelra. Gustong-gusto mo naman. This is wrong! Nasa trabaho kami at...

Tumigil kaming dalawa at habol ang sariling hininga. Klaxon's eyes held a mixture of longing and regret. "I'm sorry, Kelra..." he murmured. "I shouldn't have done that."

Umiwas ako ng tingin. Instead answering him, tumakbo ako palayo, palayo sa taong hindi ko kayang labanan pabalik.

***
Sorry for the long wait mga mhie hehe.
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro