Chapter 12
Kelra's POV
Dahan-dahan kong pinunasan ang pisnge habang hawak ang puntod ni Mommy. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari, gulong-gulo pa rin. Gusto kong maghiganti sa kaniyang pagkamatay. Hindi ko alam o kilala ang taong pumatay sa Mommy ko. Natagpuan na lamang ang kaniyang katawan na naliligo sa sariling dugo. Nanggaling iyon sa loob ng kaniyang kwarto. Nalaman ko mula sa kaibigan kong si Jena. She once visited there and found my Mommy's death body. Sariwa pa ang dugong iyon nang matagpuan niya. Dahil doon ay umalis ako, lumayo sa bahay na iyon. Hindi na muling bumalik, hindi hinanap si Klaxon. Galit na galit ako nang mga panahong iyon, muntik pa akong nawalan ng anak dahil sa nangyari. Iyak ako nang iyak, hindi alam ang gagawin. Kung hindi dahil kay Jenie baka matagal ko nang pinatay ang sarili ko.
Galit ako sa sarili, galit ako kay Klaxon. Hindi naman mangyayari 'to kung hindi dahil sa kaniya. He ruined everything. Siya rin kaya ang pumatay kay Mommy? He wasn't there when Jena found her body. Nawala silang dalawa ni Kace. Hindi ko na inabalang hanapin ang katawan nila dahil may sarili akong pino-problema noon.
Wala na akong balita sa kanilang dalawa. Ni walang sinuman ang bumanggit sa dalawa. Nagpasya akong umalis sa lugar na iyon, inasikaso ko ang pagpapalibing kay Mommy. Mabuti na lang may naiwan siyang pera kaya 'yon ang ginamit ko. Hindi naging madali ang buhay ko noon, andami kong pinagdaanang pagsubok. Halos gusto nang sumuko.
Muling bumalik ang kulay sa aking mukha nang masilayan ko ang aking anak na babae. Umiiyak, mahigpit na hinawakan ang aking daliri. Tila ba pinipigilan ako nito sa maaari kong gawin sa buhay. She made me alive again. Siya na lang ang pinanghahawakan ko ngayon. Dahil sa kaniya kaya ako lumaban ngayon.
"Kelra, tapos ka na ba?" muli kong pinunasan ang aking luha. Binalingan ko ng tingin si Jenie. Hawak niya ang limang taong gulang kong anak. Suot nito ang pink na favorite dress na bigay ni Jenie. Mahilig siya sa pink, halos mga gamit niya ay pink. Wala namang atraso sa akin iyon, mahilig din ako sa pink noon. Nakuha niya yata sa akin.
Limang taong gulang na siya ngayon, nag-aaral na. Paminsan ay iniiwan ko siya kay Jenie dahil may trabaho ako at may pasok. Huling taon ko na ito sa kolehiyo kaya hindi ko na palalampasin ito. Tumigil ako dahil sa problema ko noon. Inaalagaan ko din si Klarissa, hindi kasi maiwan-iwan. May sarili din kasing buhay si Jenie. Ayaw kong guluhin iyon. Baka ako pa ang magiging dahilan kung bakit wala siyang asawa hanggang ngayon.
"Mommy!" malakas na tawag ng aking anak. Tumakbo siya papalapit sa akin, nililipad pa ng malakas na hangin ang kaniyang mahabang buhok. Maganda si Klari. Namana niya sa akin ang kaniyang maputing balat at maliit na ilong. Namana niya naman sa kaniyang ama ang mata at kalahating mukha. Maayos na nakuha ng aming anak ang anyo namin. Pantay-pantay. Para tuloy siyang may half.
"Hello, baby. How was your day, hmm?" Hinalikan ko ang kaniyang pisnge at noo nang mahagip siya ng aking dalawang kamay.
"Look at this, Mommy. May 10 stars ako! My teacher gave this to me because I was good!"
"Wow! I'm so proud of you, baby!"
Muli ko na naman siyang niyakap. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya kung nasaan ang sampung stars na nakuha niya sa kaniyang Teacher. She's smart, mahilig siya sa math. Nakuha niya 'yon kay Klaxon. Matalino din 'yon sa math e.
"How's Lola po? Are you done talking with her, Mommy? Is she alright?" Maayos naman siguro siya sa langit. Sisiguraduhin kong makukuha ko ang hustiya na gusto ko.
Tumango ako at unti-unting tumayo. Hinawakan ko ang kaniyang maliit na kamay at tumingin kay Jenie na kanina pa pala nakatayo sa aming harapan. Umirap siya sa akin sabay baling kay Klari na nilalaro na ang sampung stars sa kaniyang kamay. Masayang-masaya siya.
"Saan tayo kakain?" tanong niya. Inayos niya ang seatbelt ni Klari at muling tumingin sa akin. Nasa loob na kami ng sasakyan ngayon. Hindi muna kami uuwi dahil may dadaanan pa ako. Kukunin ko lang ang COR ko sa building namin. Kailangan ko kasi 'yon sa final exam namin.
"James Restaurant? Paborito 'yon ni Klari. Matutuwa 'yon kapag doon tayo kakain." Binalik ko ang tingin sa anak. Naglalaro siya ngayon sa kaniyang tablet, words yata pangalan ng game na iyon. She was good at it. Lagi niyang nilalaro 'yon sa bahay. Ni-lilimit ko naman. Maaga ko siyang pinapatulog. Bago iyon ay kini-kwentuhan ko muna siya. Nagp-pray din bago matulog. Wala na akong hihilingin pa, sapat na sa akin si Klarissa. Kaya ko nang mabuhay na siya lang ang kasama ko.
Hindi naman ako kinakapos sa pera. May trabaho ako at malaki ang sahod ko roon. Sa isang kompanya ako nagtatrabaho. Isa akong editor doon. May sariling sched dahil estudyante ako. Bukas ang schedule ko. May mahalaga ring announcement ang Manager namin bukas kaya kailangan na andon kami dahil darating daw ang bagong CEO ng kompanya. Sino naman kaya 'yon? Papalitan na si Valerie? Magaling naman siyang magpatakbo ng kompanya ah. Mas lalo ngang lumago iyon. Mga tao nga naman.
Pagkatapos kong kunin ang COR ay dumeretso kaagad kami sa James Restaurant. Tuwang-tuwa si Klari nang malaman 'yon. Nauna pa ngang pumasok sa loob. Sinalubong niya ang nag-iisang anak ng may ari ng restaurant. Si Erza James. Mas matanda ng limang taon si Erza sa kaniya. Nagku-kuwentuhan sila habang si Jenie naman ay pinapanood ang Chef hindi kalayuan. Mukhang close silang dalawa, tumatawa kasi ito. Infairness, ang gwapo ng Chief na iyon ah. Pamilyar ang mukha niya. Saan ko nga ba nakita 'yon.
"Mommy!"
"Yes, baby?"
Kasama niya si Erza sa aming lamesa. Pinakita niya rito ang sampung stars na nakuha niya kanina. Ngumiti naman si Erza at ni-congrats.
"Same order po ba ang kukunin ni Klarissa?"
"Yes, please. Huwag sanang lagyan ng maraming cheese." Sagot ko sa babaeng kumuha ng aming order.
"Noted po, Ma'am."
Bumalik si Jenie na may malaking ngisi sa labi. Hawak nito ang kaniyang selpon at panay ang kaniyang hagikgik. Don't tell me type niya ang lalaking 'yon?
"Puwede po ba kami maglaro ni Ate Erza sa bahay, Mommy? Wala po kaming pasok tomorrow po."
"No problem, baby. Si Manang muna magbabantay sainyo bukas, ah? May work kasi si Mommy." Ngumiti ako sa kaniya.
"Yes po, Mommy. Thank you! I love you!"
Ngumiti ako. Inabot niya ang aking pisnge at hinalikan. "You're the best, Mom!"
Tumawa ako at tinulungan siyang umupo ng maayos. Napansin naman 'yon ni Jenie kayat napatigil siya. Binaba niya ang kaniyang selpon at akma na sanang ibubuka ang bibig nang pareho kaming natigilan sa kapapasok lang na lalaki.
Naka-suit ito. Nagtatawanan ang kaniyang mga kasama habang siya naman ay nakatuon lamang sa selpon ang buong atensyon. Umupo sila sa gilid namin. Tinupi niya ang suit at muling binalik ang atensyon sa hawak.
Bigla kong naramdaman ang panlalabot ng aking mga binti. Binalik ko ang tingin kay Klarissa, tumatawa ito habang kausap ang kaibigan. Nagdadalawang isip ako, aalis ba o hahayaan lang? Hindi niya naman siguro kami mapapansin, hindi ba? He's busy, marami sila at mataas itong upuan na inuupuan namin but he's tall! Makikit't-makikita niya kami rito. Damn it.
"Yehey! My favorite food! Let's eat, Mommy! Tita Jenie!"
Tila nabalik ako sa sariling wisyo dahil sa malakas at maarteng tili ni Klari. Umayos siya ng upo, kinuha niya ang kaniyang favorite na pagkain at nilantakan 'yon. Masayang-masaya. Hindi pa rin nawawala ang matamis na ngiti sa labi.
I can't ruin this day.
"Everything will be okay, Kelra. Huwag kang tingin nang tingin baka mapansin ka. Umayos ka, anim na taon na ang nakalipas. Naka-move on na 'yan."
Yeah. May girlfriend na siya. Sikat na model sa Paris. Pero, bakit ako kinakabahan? Dahil ba sa anak namin?
"Order sir?" lumapit ang isang babae sa kanilang mesa. Sumisipol pa 'yong mga kasama niya habang siya ay deadma pa rin. Maybe, kausap niya ang girlfriend niya?
"Same order po?"
"Yeah, and don't put too much cheese on it, please. Thank you."
Napatingin ako sa pagkain ni Klarissa.
They ordered the same food.
***
Hello! Bbies! Hanggang chapter 20 lang po ito huhu. Abang-abang lang and
don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro