Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

"Don't do this, Klaxon. She's still a child for fuck's sake! Let her do whatever she wants!" basag nito sa katahimikan.

Sabay kaming napalingon sa kaniya. Kinuha niya ang kamay ko at nilapit sa kaniya. Nakalabas na kami ngayon mula sa loob ng sasakyan. Kaharap si Klaxon na kanina lang ay nagmamakaawa sa akin. Nag-igting ang kaniyang panga, nasa kamay ng lalaki ang kaniyang tingin. Muli na namang nanumbalik ang galit sa kaniyang mga mata.

"Let.Her.Go." Matigas na untag niya. Kuyom na ang dalawang kamao. Maling galaw lang nitong lalaki siguradong babagsak 'to mula sa kamay ni Klaxon.

Umatras ako. Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak ng lalaki ngunit hinuli niya ulit iyon. Mariin niya akong tinapunan ng tingin. Walang bakas na takot ang kaniyang mukha. Nakikita ko ring lumalabas ang kaniyang ugat sa leeg. Hindi siya natatakot sa lalaking nasa harapan namin? Kung nakamamatay lang ang titig non baka kanina pa kami bagsak dito.

I heard him sighed. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin habang hindi pinapansin si Klaxon na kulang na lang sumugod ito.

Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Klaxon. Dahil do'n napalingon kami sa kaniya. Hindi normal na tawa iyon, hindi nakatutuwa.

"Look at yourself, Kace. Hanggang ngayon nagpapaka-hero ka pa rin? I didn't know na may iba ka pa pa lang pinagkakaabalahan, huh."

Kace? Kace Gunner? Ikalawang beses ko nang narinig ang kaniyang pangalan. Isa kaya siya sa mga kaibigan ng Society Clan? Is he part of that clan? Mga mayayaman ang nandoon, walang takot sa batas. Dinadaan nila sa kamay ang hustisya. Walang kinatatakutan, walang awa.

Maraming natatakot sa kanila, walang sumubok na bumangga dahil kapag ginawa nila iyon wala na talagang bukas ang taong iyon. I heard this from my friend when I was 10 years old. Sa murang edad na iyon ay naunawaan ko ang nais niyang iparating. Nabanggit din ni Daddy ang tungkol dito noon. Sinawalang bahala ko dahil bata pa ako non at walang pakialam sa mundong kinagagalawan.

Now, I heard it again. Tumikhim si Kace. Sa tingin ko'y mas matanda siya sa akin ng ilang taon. Kasing-edad ni Klaxon I think.

"Ano, Kace? Bibitawan mo ba si Kelra o puputulin ko 'yang kamay mo?"

"Kace..." mahinang tawag ko sa kaniya. Pinisil niya ang kamay ko. Mas lalong tinago sa kaniyang likuran. Hindi ko na maipaliwanag ngayon ang mukha ni Klaxon. Galit na galit na siya, gusto niyang lumapit sa amin ngunit tila may pumipigil sa kaniya sa tuwing napupunta sa akin ang kaniyang tingin.

"Come with me, baby. Ayaw mo naman sigurong may mangyaring hindi maganda hindi ba?" he looked at me. Walang emosyon ang mukha. Blangko ang nakikita ko, parang ibang tao ang nakikita ko. Hindi naman siya ganito noon!l. Lagi siyang ngumingiti kapag kaharap niya ako. He always greeted me with his wide beautiful smile noon. Ngayon, ibang-iba na siya sa taong 'yon.

Nasaksihan niya ang pagtanda ko. Nasaksihan niya ang kakulitan ko, nasaksihan niya ang lahat lahat sa akin. Is this a parent's love? We fucked. We shared heavy breaths. Got pregnant by him.

This is not good. Everything about us is wrong. I want to run, away from him. Gusto kong lumayo dahil ayaw kong nakikita siyang ganito. Na laging naghahabol sa akin. Nakatakda na siya sa Mommy ko. Isa 'yon sa mga hiling ni Mommy. Because of me...nasira ang lahat.

"Let her go, Klaxon! Hindi mo siya pagmamay ari!" malakas na singhal ni Kace dahilan ng pagbaling ko sa kaniya. Nilalabanan niya ang matalim na titig ni Klaxon.

"Uulitin ko, Kace. Let.Her.Go."

Lumunok ako. Inalis ko na naman ang kamay ko ngunit hinigpitan ni Kace. Kapag hindi niya ako binitawan wala na talaga kaming bukas! Totohanin ni Klaxon ang gusto niyang mangyari. Ayokong mangyari iyon kayat habang nagpipigil pa si Klaxon iiwas na ako.

"Let go, Kace. Hindi na maganda 'to!"

He winked at me. Wala pa ring takot na bumabakas sa kaniyang mukha. What the fuck? Sino ka ba talaga, Kace Gunner? Bakit hindi ka natatakot sa lalaking nasa ating harapan? He's so fucking dangerous! He might kill us in just one blink! 

"Don't worry, Kelra. I know what I'm doing. May mga tauhan na ako sa paligid. Pinapalibutan na nila si Klaxon. Isang galaw lang..."

Napanganga ako sa kaniyang sinabi. Nilibot ko ang paningin sa paligid at napansin na may mga lalaking naka-itim. Nagtatago sila sa puno. Pinalilibutan ang lugar. May mga sasakyan din sa likuran ni Klaxon. Mukhang hindi niya napansin iyon, ngayon ko nga lang din napansin na may mga tauhan pala siya. Kanina pa kaya sila doon?

How about Klaxon? Tatamaan kaya nila ito?

Hinarap ko si Klaxon. Matigas pa rin ang kaniyang mukha. Ayaw pakawalan si Kace. Hindi ba siya aware na may mga kalaban ngayon sa kaniyang likuran,  naghihintay na tamaan ang kaniyang katawan! Ugh fuck!

"Don't do this, Kace. Huwag niyong saktan si Klaxon!" mahinang sabi ko.

He smiled. Ngiting hindi mo nanaising makita. "I don't play bullshits, Kelra."

"Papatayin ka niya!"

"He won't. Kung mangyayari man 'yon, don't worry. Mas malala pa ang naranasan ko noon kaysa dito."

Nakita kong gumalaw si Klaxon. Lumapit siya sa amin kasabay non ang panlalaki ng mga mata ko nang makitang sabay na tumaas ang mga baril ng tauhan ni Kace. They are now pointing their gun to his back! Fuck! I don't want to see this. Hindi naman ganito ang gusto ko!

"Kelra, I know you know..." bulong niya.

Mapakla siyang ngumisi sa akin. "You know, I don't play games when it comes to you."

Sa isang iglap nakuha ako ni Klaxon mula sa kamay ni Kace. Hinila niya ako. Tumakbo kami papalayo sa mga tauhan ni Kace!

"What the fuck are you doing, Klaxon! Ayokong bumalik sa pamamahay mo! Bitawan mo ako!" Pilit kong inaalis ang kamay sa kaniyang hawak ngunit masyado siyang malakas! Hindi ko mapigilan ang paa ko sa katatakbo!

"Ano ba, Klaxon! Bitawan mo ako! Hindi mo ako pagmamay ar—"

"Fuck!"

Isang malakas na putok ng baril ang aming narinig. Hinahabol na kami ngayon ng mga tauhan ni Kace. Damn! Ang anak ko!

"Klaxon! Tangina, ayokong sumama sa'yo! Bitawan mo ako!" galit kong sigaw at hinila muli ang aking kamay.

"Shut the fuck up, Kelra! I won't let you runaway! Hindi ka makakatakas sa akin, Kelra! Hindi kita hahayaan!"

Tumulo na nang tuluyan ang aking mga luha. Takbo pa rin kami nang takbo hanggang sa nasilayan ko na ang malaking bahay ni Klaxon.

No. Ayokong bumalik sa kulungang iyon! Ayoko nang bumalik sa bahay mo, Klaxon! Pinapaala nito lagi ang mga pagkakamaling nagawa natin! Ang pagtataksil ko sa Mommy ko!

"Let go of me!" malakas at pwersang sigaw ko sa kaniya.

"Tangina!"

"Bitawan mo ako! Tangina mo!"

"Hindi ko ito ginusto, baby. You fucking chose this! Endure it!"

"K-Klaxon—"

Tumingin siya sa akin. Salubong ang kaniyang dalawang kilay. "You can't—" hindi niya natapos ang kaniyang sasabihin nang napatigil siya.

Napatigil din ako. Nasa harapan na namin ngayon si Kace. May hawak na baril at nakatutok 'yon kay Klaxon.

Nagpakawala ng malalim na hininga si Klaxon. Punong-puno na. Nagsimula na ring manginig ang buong katawan ko. Hindi na ito maganda.

"Papatayin mo talaga ako, Kace? Go! Pull the fucking trigger and shoot me, Kace!" mas lalong humigpit ang kamay ni Klaxon sa akin. Napapikit ako.

Nagsilabasan ang aking mga luha.

"Let her go, Klaxon or else I will end your life here!"

Tumawa si Klaxon.

"You can't do that. Alam mong mas magaling ako sa'yo, Kace. You can't kill me using that little gun of yours."

***
May continuation pa. Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro