Chapter 04
4th Chapter
•••
"Nora," pag-uulit n'ya sa ika-sampung beses.
Napapikit ako ng mariin dahil sa hiya. Kabwiset naman itong si mama, tinawag ako sa pinakasusuklaman kong palayaw. Tapos heto ang nangyari, ginagamit n'ya iyon laban sa akin.
"Tumahimik ka!" sita ko. Nakakainis na kasi, kanina n'ya pa ako inaasar sa palayaw kong napakaluma.
Andito kami ngayon sa hapag-kainan. Parang iniunterrogate lang ni mama si Genesis, ganun din si nanay na sobrang interesado sa relasyon naming wala naman talaga.
"So hijo, magkaklase ba kayo nitong alaga ko?" tanong ni nanay.
"Hindi po. Nasa Section A ako at nasa kabilang section naman s'ya."
Nakakapanibago ang pagiging magalang ng isang ito, pero hindi na ako magtataka. Plastic talaga kasi s'ya kahit kailan.
"Sa tingin mo ba, maganda ang anak ko, Genesis?" nanunudyong tanong ni mama.
Sa oras na ito kinikilig na dapat ako pero napaka-awkward pala talaga kapag nakikisawsaw na ang pamilya mo sa usaping lovelife. Napakapersonal kasi at nakakahiya.
Matagal-tagal rin bago s'ya sumagot kaya kinabahan ako bigla. Hindi ako nag-eexpect na may sasabihin s'yang maganda pero umaasa ako na ganun nga ang mangyayari. Alam n'yo yun?
"Mabait naman po si Nora," isang ngisi ang lumapat sa mapupula n'yang labi.
NORAAA! WHAT THE FUDGE!?? NAKAKAINIS TALAGA S'YAA!
"Oh anak, alam mo na ha. Mabait ka raw sabi ni Genesis," ngumiti si mama sa akin.
Tumango-tango lang ako habang napapangiwi. Hindi ako makabanat kapag andito ang pamilya ko. Mamaya na lang, babawi talaga ako promise. Niligpit ko agad ang aking pinagkainan pagkatapos naming kumain. Nag-alok si Genesis na s'ya na ang maghuhugas sa halip na ako pero hindi s'ya nanalo. Mas mapilit kasi akong tao.
"Tulungan mo na lang akong magpatuyo ng pinggan," sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya. Nagpatuloy ako sa pagbabanlaw nung makita ko s'yang tumango at kumuha ng paper towel sa gilid.
Nakakainis. Hindi n'ya man lang akong sinabihang maganda sa harap ni mama at nanay kanina. Tsk. I feel offended though, or nasaktan lang talaga ako kasi galing sa kanya yung sagot. Parang hindi na ata pagkagusto ang nafefeels ko ngayon, ha?
"Galit ka?" tanong n'ya.
Umiling ako at nagpatuloy sa pagbabanlaw. Binibigay ko rin yun sa kanya pagkatapos para mapatuyo n'ya.
"Then why aren't you talking to me?"
"Bakit? Big deal na sayo na tahimik ako?"
"Kanina ka pa kasi sa mesa. Mukha kang may problema."
Sinupil ko ang namumuong ngiti sa labi ko. Tengene. Ang rupok ko talaga, futangene. The thought itself, the tone itself, is he worried about me?
"No problem."
Natigil s'ya sa pagpupunas ng pinggan. "What?"
"Walang problema. No problem," ngiti ko.
"Mabuti naman. I thought you have..."
"Bakit? Worried ka ba sa akin?" binangga ko ang balikat namin pareho kaya lumayo s'ya ng konti ng napapailing.
"I'm not. Nababaguhan lang ako sa kinikilos mo. It feels weird when you're not talking."
"Akala ko ba naiinis ka sa pagiging annoying ko ha?" hindi ko na tuloy mapigilang ngumisi dahil sa kanya.
He shrugged at hindi na nagawang sagutin ang tanong ko. Pagkatapos namin sa kusina, hinatid ko na s'ya palabas ng gate namin. May dala pala s'yang kotse. Oo, tama, may sarili s'yang kotse. Their family is rich after all.
"Pakisabi kay nanay mo that the food was delicious. And send my goodbye to your mom," sambit n'ya ng binuksan ko ang gate.
"Sa akin ba hindi ka magpapaalam?"
"I won't."
Napasimangot na naman ako. Sa bawat salita n'ya, parang wala talaga s'yang pakealam sa isang magandang babae na gaya ko.
"Ang sama mo kahit kailan. Hindi ko na talaga alam kung bakit sayo pa ako nagkagusto," I tsked. "Di mo nga ako sinabihan nang maganda," bulong ko.
"Is that the reason why you didn't talk to me?" ngisi n'ya. "So shallow."
Pinagkrus ko agad ang aking kamay at tinignan s'ya ng nakataas ang kilay. "Eh ano naman sayo? Pag gusto mo ang isang tao lahat ng salita na galing sa kanya, nagmumukhang masakit."
"But I said a positive attitude, bakit mo yun kinagalit?"
"Because the question is, 'Maganda ba ang anak ko, Genesis?' Then you answered, 'Mabait naman po si Nora'," ginaya ko pa ang boses n'ya at ni mama kanina. "Tinawag mo pa akong Nora. Kaloka, ang luma nun! At kung isa yung test, bagsak ka talaga sa akin. Ang layo ng sagot mo sa tanong."
"Mabait ka naman talaga," pag-uulit n'ya na kinainis ko. Hindi n'ya ba talaga kayang sabihin na maganda ako ha? "And Nora is a nice name, don't belittle it."
Nagsalubong ang kilay ko pagkatapos. "Gaano ba kahirap sabihin na maganda ako, darling?"
"Kasing hirap ng Calculus sa college."
"Huh? G-Gaano ba kahirap ang Calculus?"
"I don't know, also kasing-hirap na magkagusto ako sayo..." dagdag pa nito.
Wala akong alam sa Calculus kasi 4th yr high school pa lang ako. Pero yung ikalawa na metaphor, parang nangangamoy lugi ako dun. Ganun ba s'ya kahirap magkagusto sa akin? Psh.
"Confident ako na magkakagusto ka rin sa akin, darling, baby, babe, sweety, kahit anong endearments sasabihin ko para mahulog ka sa akin," ngumisi ako habang tumataas baba ang aking kilay.
Nagkibit-balikat lang ang lalaki at naglakad para buksan ang kanyang kotse. "I'll leave now. May tatapusin pa akong Webtoon."
"Tekaaa, hindi ka ba talaga magpapaalam sa akin, baby ko?"
Tinitigan n'ya ako ng seryoso. He captured my eyes to stay with his. "I won't, I'll be seeing you tomorrow anyway," he opened the gate and went inside.
"Good night, darling!" sigaw ko ng pinapaandar na n'ya ang sasakyan. Humarurot s'ya paalis hanggang sa manliit na s'ya sa mga mata ko.
ANTOK NA ANTOK ako habang nakikinig sa lecture ni Sir Lopez. Bakit ba napakaboring n'yang magturo, yung tipo na araw-araw kang bagot sa buhay.
"Okay, get 1/4 sheet of paper," yun lang ata ang narinig ko buong oras.
Bored na bored kong nilabas ang aking yellow paper ng bigla kong naramdaman ang mga mata ng mga kaklase kong nakatingin sa akin.
"Oh mga pota, manghihingi kayo diba?" inunahan ko na bago pa sila makapagsalita. At oo, nanghingi nga talaga ang mga pota. Mga walang hiya talaga. "Ginawa n'yo pa akong factory ng papel!" inis kong sambit matapos kong mabigyan lahat.
"Nilabas mo kasi. Alam mong nagkakaubusan na ng papel sa classroom natin," natatawang tugon ng kaharap ko na si Ria.
"Isa ka pa."
Pinasagutan ni miss sa amin ang Lesson 4. Basta yun na yun, madali lang ang mga tanong kasi opinyon lang ang katapat. Dinimiss n'ya rin kami agad pagkatapos ng quiz. Mabilis kong hinila si Ria papuntang canteen. Feel ko talaga na may nabubuo nang something sa puso ni Genesis para sa akin.
"Nagmamadali ka, bhie?"
"Ang bagal mo kasi. Run run din pag may time no?" sarkastiko ko.
"Hindi tayo malalate. Kailan ba magsisimula ang lunch? Psh."
Hinila ko na lang s'ya at tumakbo kami papunta doon gaya ng ginagawa n'ya sa akin kapag nalalate kami sa Psychology. Nakangiti akong pumasok sa canteen nang madatnan ang hinala ko. Nasa table nga silang tatlo nila Franz at Keifer habang tahimik na kumakain.
Hihilain ko na sana si Ria kaso hinila n'ya ako pabalik. "Don't tell me sasabay na naman tayo sa kanila?"
"Bakit? Ayaw mo?"
"Sinabihan na kita kahapon. Ang awkward d'yan, promise!" tinuro n'ya pa.
"Gaga, pagbigyan mo naman ako sa kalandian ko. Minsan lang ito," pamimilit ko.
"Basta 'wag mo na ulit akong iwan sa mesa."
Tumango-tango na lang ako. Umorder muna kami ni Ria ng makakain bago tuluyang lantakan ang view este ang kanin. Naupo ulit kami sa table kung saan sila tahimik na kumakain.
"Hi, babe," bati ko sa lalaking hindi naman ako pinapansin.
"Babeee," kantyaw ni Franz sa kanya. "Tawagan n'yo yan, tol?"
Siniko s'ya nito sa tagiliran, dahilan para mamilipit s'ya sa sakit. "Shut up and eat."
Biglang nagbago ang mood ko. Mas lalo akong sumaya. Hindi n'ya man dineny na hindi namin yun tawagan. Kyaaahh! Ang happy na ng heart ko. Nagkwentuhan kaming apat, nanatiling nakatikom ang bibig ni Genesis at mukhang nakatuon talaga s'ya sa pagbabasa ng manga.
"Anong genre ba yan?" tanong ko bigla.
"RomCom," tipid n'yang sagot. "Don't talk to me, nakakasira ka ng mood."
Napasimangot ako. Nakita ko ang tatlo na nagkibit-balikat lang. No choice, hindi ko talaga s'ya inistorbo. Pagdating sa mga ganyang bagay or patungkol sa animes, walang nag-iistorbo sa kanya.
"Mamaya mo na ako istorbohin," bulong n'ya sa akin, sapat lang para marinig ko.
Tinignan ko s'yang mabuti, napangiti ako ng unti-unti dahil dun. "Okay."
Pagkatapos naming kumain sa canteen, sinundan ko kaagad si darling. Mukhang papasok yata s'ya ng library. May club activity pa kasi si Ria kaya hindi na n'ya ako sinamahan pa at ayaw n'ya rin maging third wheel.
"Ayoko maging pangatlong gulong n'yo," asik n'ya ng pinilit ko s'yang sumama.
Kaya heto ako ngayon at sinusundan s'ya. Bumili rin ako nang paborito n'yang cucumber drink. Nasarapan kasi ako sa binigay n'ya noon, it's literally a refreshment after all. Nakaka-relax ng mind, body, and soul.
Nahinto s'ya ng nasa harap na kami ng library at napatingin sa akin. "You stay here..."
"Andito nga ako para samahan ka sa loob."
"Then drink it fast, drinks aren't allowed in the library."
"So hihintayin mo ako na tapusin itong iniinom ko?" panunudyo ko.
"Of course not, that's why you have to drink it fast."
Napatingin ako sa cup. Sobrang daming ice. Kapag ininom ko ito ng isahan, hindi nakapagtataka kung ma-brain freeze ako. Ininom ko yun agad kaso tama nga ang hinala ko. Lumamig ang ngipin at ang ulo ko, sumasakit na agad.
"B-Brain freeze," mahina kong sabi.
"Hindi ka lang annoying you're also stupid," dismayado n'yang sabi nung nakapasok na kami sa loob.
"Ang sabi mo kasi drink it fast. Ano bang explanation dun?"
"You could've just told me that you can't drink the whole cup," kumuha s'ya ng libro sa shelf. Tungkol sa Trigonometry, nahihilo na tuloy ako sa mga librong pinipili n'ya.
"Ayoko namang itapon. Sayang sa pera," hinawakan ko ang pisngi ko. Sobrang lamig, and my teeth are goddamn sensitive.
Nilingon n'ya ako at sinandal ang isa n'yang braso sa shelf. "Wala akong sinabi na itapon mo. Pwede mo naman ibigay sa akin at iinumin ko para sayo," he tsked.
Natigilan ako dahil dun. I can't believe it, those words actually came from his mouth? Nag-alburoto bigla ang dibdib ko dahil sa sinabi n'ya. Sobrang happy ko todaayy! Aahhh!
Napansin n'ya ata na hindi na ako nakasunod sa kanya. "What are you doing? Pangarap mo ba maging mannequin?" taas kilay n'yang tanong.
Masaya akong sumunod sa kanya. Lumapit ako at kumuha ng libro sa katabing shelf kung saan s'ya kumuha. "My puso is just happy today, darling."
"Whatever you say," agad s'yang naupo nang makuha na ang mga librong gusto n'yang kunin. "Sit in front, ayaw ko nang may tumatabi sa akin."
Aish! "My puso is sad," sambit ko ng naupo sa kanyang harapan. Nagsimula na s'yang magbasa ng libro, ganun rin ang ginawa ako. Binabasa ko ngayon ang isang scholastic book, Mortal Engines.
Hindi nagtagal ng nagsalita ako. I can't stand being with him without saying anything kahit na library pa ito. I closed the book and stared at him. Ginawa kong unan ang mga kamay ko habang nakapatong sa libro tsaka ko s'ya tinitigan.
"Your eyes really gets me everytime, darling," pabulong kong sambit. Baka makaisa pa ako sa librarian, magka-record ako at i-ban habang buhay.
"And your irritating attitude gets me everytime," pabalik n'yang supalpal ng hindi ako tinitignan. Natawa ako dahil dun.
"Kahit pala nagbabasa ka na ng libro d'yan, darling, nagagawa ko pa ring kunin ang atensyon mo."
"'Cause you're an attention seeker," he flipped the pages of the book.
"And you hate that?"
"I just... don't like it," finally, he closed the book his reading. But what's more shocking, tinignan n'ya ako mata sa mata at nilapit ang kanyang mukha sa mukha ko. Isang dangkal na lang talaga, hihilahin ko s'ya at hahalikan. Kaso nasa library kami. "And it feels weird when you're not annoying me."
A curved formed in my lip. "So ibig sabihin, mamimiss mo ang pagiging makulit ko?"
"Ang kakulitan, oo. Pero ang nangungulit, hindi," lumayo s'ya at muling binasa ang Trigo.
Napangiwi ako dahil dun at nanatiling nakatitig sa kanyang mga magagandang mata. Muli akong dumukdok sa libro para magpahinga ng konti.
"Gaano ba kahirap ang Trigo?"
"Kasing hirap na magkagusto ako sa'yo," sagot n'ya.
Napangisi na lang ako dahil dun. As expected from this guy, pero hindi talaga ako tinatablan ng sarkasimo n'ya.
"Darling, gisingin mo ako kapag nag-bell na..." sabi ko bago tuluyang ipinikit ang aking mga mata.
"Sleepwell."
x———x
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro