Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 03

3rd Chapter

•••

"Bruha ka talaga. Iniwan mo ako sa kamay ng dalawang babaero na 'yon!" sinabunutan ako ni Ilaria ng pabiro pagdating na pagdating ko sa classroom.

"Gaga, sinundan ko lang naman ang taong gusto kong makasama," ngisi ko. Hawak-hawak ko pa rin ang cup na bigay ni Genesis sa akin kanina. Nakakatuwang isipin na nag-indirect kiss kami. Kyaahh~ pwedeng direct kiss naman sa susunod?

"Wala ka talagang kwentang kaibigan no? Tsk. Alam mo ba kung gaano ka-awkward tignan ng dalawang iyon?" hindi pa rin talaga mawala sa mukha ni Ria ang inis.

"Ano ba kasi ang nangyari ha? Tsk."

"E kasi titig nang titig sa akin si Keifer. Hindi ko alam kung bakit, basta nahiya ako dahil dun kaya naman si Franz na lang ang tinignan ko pagkatapos. Nagchikahan kami ni Franz pero hindi sumabat si Keifer kaya na-awkward talaga ako. Huhu."

"'Yun lang naman pala, e. At least nakaraos ka," tawa ko sabay hampas ng mahina sa kanyang braso.

"Anong nakaraos ka d'yan. Huwag mo kasi akong idamay sa kagagahan mo, Elleonora!"

"Hay, ewan. Masanay ka na kasi sasabay na tayo sa kanilang mag-lunch simula ngayong araw," sambit ko at naupo sa aking upuan. Nilagay ko sa loob ng bag yung cup.

Natapos ang buong araw ko na iisang tao lang ang nasa isip ko. 'Yun ay ang pangyayari sa pagitan namin ni darling in my heart ko.

"Class dismissed!"

Lumabas din ako agad ng classroom kasama si Ria para sa Psychology program. Pero 'yung gaga nanatiling nakaupo sa kanyang desk habang nakakunot-noong pinagmamasdan ang ilalim ng kanyang desk .

"Hoy, gaga. Anong hinihintay ng hiyas mo d'yan? Pasko? Tara na," untag ko habang nagkakamot ng ulo. Baka malate kami kay sir, ayokong mapahiya sa crush ko kahit wirdo 'yon.

"Teka lang, mauna ka na," seryoso n'yang sambit. Nilapitan ko s'ya at napatingin sa hawak n'yang chocolate.

"Hoy, bawal magtago ng pagkain sa ilalim ng desk. Lalanggamin yan."

"Hindi naman ako ang bumili nito. Nakita ko lang sa desk ko," pinagmasdan namin 'yon.

Iniisip ko kung kakainin ko ba or hindi. Baka kasi mabuhusan pa ako ng grasya. Pero s'ya? Seryoso lang s'yang nakatitig sa Cadburry chocolate na may alien design.

"Hindi mo ba 'yan kakainin?"

"Sino naman ang nagbigay nito? Hindi pa naman Valentine's Day," itinabi n'ya ang chocolate sa kanyang bag at sinukbit iyon kaagad. "Tara na. Sasakit lang ang ngipin ko sa chocolates."

"Eh di ibigay mo nalang sa akin."

"Ayoko, nakakatanggap ka na ng bulaklak araw-araw, e."

"Hindi masarap ang bulaklak!"

Pinandilatan n'ya ako ng mata. "Kinakain mo?"

"Mukha ba akong kambing para kumain ng halaman? Mag-isip ka nga."

"Ay ewan. Huwag mong sabihin kay kuya na nakatanggap ako ng mga ganito ha?" hinila n'ya ako upang tumakbo papunta ng Psychology Room.

Hingal na hingal kaming nakarating doon tsaka ako napasandal ako sa pader para humugot ng sapat na hangin. Naririnig namin si sir Sandugo na nagsasalita tungkol sa subject.

Hinampas ko kaagad si Ria sa balikat n'ya. "Sabi ko naman sayo bilisan natin. Ang bagal mo kasi," pabulong kong sigaw para hindi kami marinig.

"Ako pa? Sabi ko naman sayo mauna ka na."

Dahan-dahan kaming pumasok sa loob na parang mga ninja. Gumapang kaming dalawa, tapos gumulong paupo si Ria na parang walang nangyari. Tengene, hindi ko 'yon kaya!

"Ms. Santillan, anong ginagawa mo d'yan?"

Napapikit ako ng mariin nang sabihin ni sir ang aking napakagandang pangalan. Tumayo ako ng maayos at huminga ng malalim. Pinagpag ko muna ang aking palda bago sinagot ang tanong n'ya. Ganito talaga ako, masyadong maraming arte sa katawan.

"Ano po, sir, tinatry ko po maging bata ulit," ngumiti ako.

Nagtataka nila akong tinignan habang may pinipigilang tawa ang ninja kong kaibigan.

"What do you mean, Ms. Santillan?"

"Ibig ko pong sabihin sir, gumagapang ako ng maayos. Hindi ko po maiwasan na ma-appreciate ang napakamakintab n'yong sahig sir."

Ang lakas talaga ng loob ko para magbiro gayung napakaseryoso ng mukha n'ya. Napalunok ako nung makita ang natatawang ekspresyon ni Genesis. Grrrr! Makakabawi rin ako balang araw makikita mo darling.

Sir Sandugo sighed at sumenyas na maupo na ako. "Sa susunod na may ma-late sa inyo. Please lang, humanap kayo ng maayos na palusot," tsaka s'ya bumaling sa akin. "'Yung kapani-paniwala naman."

Kinurot ko si Ria ng pasikreto sa tagiliran nito. Nakatakas ang gaga dahil sa galing n'yang gumulong habang ako gapang lang ang kaya kong gawin. Oo, magaling ako run.

Natapos ang Psychology ng lutang na lutang ang utak ko dahil sa nangyari. Nakakabwiset! Napahiya ako sa kanila at lalo na kay crush. Mas big deal nga lang iyong part na napahiya ako kay Genesis kesa sa ibang tao.

"Ayos ka rin, e," pinagbangga ni Ria ang balikat namin bago s'ya tumawa ng malakas nang makalabas kami ng session room.

Inirapan ko s'ya at sinukbit ng maayos ang strap ng bag ko. "Tumahimik ka nga. Kung hindi dahil sayo hindi sana tayo na-late. Ang bagal mo kasi."

"Kahit na. Nakakaloka rin kasi ang palusot mo. Hindi ka marunong gumawa ng konkretong palusot."

"Tseh! 'Kaw nga d'yan," inirapan ko lang s'ya.

Patuloy naming nilakad ang kahabaan ng hallway kaya iniba ko nalang ang usapan.

"S'ya nga pala, kanino galing ang mga tsokolate?"

Nagkibit-balikat lang ang loka. "Ewan, hindi ako sure pero sigurado ako na mayaman s'ya."

"Bongga, type mo talaga ang mayayaman no?"

Binatukan n'ya ako. "Hindi ako ganung klaseng babae. Mamahaling tsokolate kasi ito kaya 'yon ang naging conclusion ko."

"Paano kapag kabaliktaran s'ya ng sinasabi mo?" tanong ko habang himas-himas ang aking batok. Ansaket naman makabatok ni Ria.

"Hindi ako nag-eexpect, whether mahirap or mayaman s'ya wala akong pake sa kanya. Salamat sa chocolate lang naman ang sasabihin ko," tawa n'ya.

"Kaya hindi ka nagkaka-lovelife kasi ganyan mo iniinterpret ang bagay-bagay," napapailing kong sambit. Ganito pala ang pakiramdam kapag dismayado ka sa kaibigan mo. Minsan kasi s'ya ang nadidismaya sa akin. The tables have finally turned.

"Anong ibig mong sabihin na ganito ang interpretations ko?"

"Simple lang naman kasi ang ibig sabihin kung bakit ka nakakatanggap ng ganyan. May taong nagkakagusto sayo tapos sasabihin mo lang na salamat sa tsokolate na bigay n'ya? Huwag ganun."

Sa kakabasa ko ito ng Wattpad gaya ganito na rin ako magsalita. Tsk. Nagiging love guru na ako ng hindi naaayon sa oras.

"E anong gusto mong gawin ko?"

"Well, if ever magpakita man 'yang secret admirer mo. Sabihin mo agad ang totoo mong nararamdaman para sa kanya."

"Paano kapag wala akong naramdaman? First time pa lang naman namin magkita."

"Then, you should say it whether meron or wala. Feelings pa rin 'yon, sagot na rin 'yon. S'ya ang may pagtingin sayo, hindi ikaw. Kaya dapat lang na malaman n'ya ang totoo mula sayo."

She pouts after what I said. "You're right, but I would much likely to give this guy a chance. Nag-effort naman s'yang bigyan ako kaya deserve n'ya ang chance na gusto n'ya," ngiti nito.

Ang pinagkaiba namin Ria, wala s'yang gustong lalaki sa kanyang buhay kaya binibigyan n'ya ng chance ang mga taong sa tingin n'ya ay deserving sa kanyang love. While, Me? Nah, balewala sa akin ang ibang nagkakainteres sa akin gayung may gusto akong tao. And once I laid my eyes at him, sa kanya lang talaga at wala ng iba pa.

Sumakay kami ng tricycle at agad na umuwi ng bahay. Initsa ko sa sofa ang aking bag at nadatnan si Nanay Nuevo na nagtitimpla ng gatas para kay Evos, my baby brother. S'ya ang katulong namin dito sa bahay, at the same time, s'ya rin ang babysitter ni Evos.

"Hi po, Nay," nagmano ako agad.

"Andito ka na pala. Nagluto ako ng banana cue, kumain ka d'yan."

"Thanks, Nay."

Nagbihis muna ako ng damit sa itaas bago ko nilantakan ang meryenda. Pagbaba ko, nakita kong gumagapang si Evos sa kanyang maliit na playground.

"Evooooss," yayakapin ko na sana s'ya kaso ang arte talaga ng lalaki kong kapatid. Allergic sa magaganda. "Tsk. Magagalit na si ate n'yan. Ayaw mo akong lapitan e."

"Hayaan mo na yan, hija. Madalas ka kasing wala kada hapon," naupo si nanay at binigay ang pacifier nito. "Wala ka bang part time ngayon?"

Umiling ako at naupo sa sofa para paandarin ang TV. "Every Wednesday and Saturday na lang po ang trabaho ko," sagot ko ng di nakatingin sa kanya. "Nasaan po si mama?"

"Namamalengke pa. Magdidilig muna ako, Elle. Pakibantayan muna si Evos ha?" paalam ni nanay at nagpunta agad sa garden namin.

Tinitigan ko lang ang kapatid ko habang gapang ng gapang sa sahig. Ganyan pala ang tamang paggapang, kaya ba ako nahuli kanina?

Hays, bweset! Bakit ko ba kasi yun ginawa? Hindi naman ako expert sa paggapang, e. Huhuhu. Nanonood lang ako nang TV nung may nag-door bell sa labas ng pintuan namin. Mukhang si mama na ata yan.

"Evos, d'yan ka lang baby ha. Kung ayaw mong masuntok kita pabalik," nag-door bell na naman ito mula sa labas. "Teka laaang!" Tatayo na sana ako nung bigla akong hinawakan ni Evos sa paanan. "Evos, dito ka lang."

Tapos umakto s'ya ng isang karga. Wala na akong nagawa kundi ang kargahin s'ya papunta sa pintuan. Ang bigat ng batang ito, kaya ayoko s'yang binubuhat e. Nagmadali kong binuksan ang pintuan at bumungad sa akin ang isang bisita na hindi ko inaasahan.

"A-Anong ginagawa mo dito? Hindi naman kita inimbita ha?"

"Your mother did," pinakita n'ya sa akin ang dala-dala n'yang plastic bags. "Tinulungan ko lang s'ya, hindi ko alam na bahay n'yo pala ito," sinabi n'ya yun na parang coincidence lang ang lahat. Pero ganun naman talaga ang nangyari.

"Anak, pagbuksan mo si Genesis ng pinto."

Ngumiti ako at sinunod ang sinabi ni mama. Agad n'yang nilagay ang mga pinamalengke ni mama sa kusina. Binitawan ko si Evos kaya gumapang s'ya palapit kay Genesis na nakatitig lang sa kanya.

"Is this your kid?"

"Of course not, darling. Kung magkakaanak ako, sisiguraduhin kong sayo," ngumiti ako ng nakakaloko. Inirapan lang ako ng lalaki at naglakad paalis.

Napasimangot ako dahil dun at muling kinarga si Evos upang ilagay sa kanyang crib. Takot ba s'ya sa mga bata or sadyang suplado talaga s'ya? Alin ba dun?

Pumasok si mama sa bahay, dala ang iba pang pinamili nito. "Anak, maghain ka na at kakain na tayo," utos n'ya at bumaling kay Genesis na tinulungan s'yang kunin ang mga dala nito. "At ikaw, hijo, dito ka na maghapunan."

Lumawak ang ngiti ko dahil sa sinabi ni mama, pero hindi naman ako nag-eexpect na sasang-ayunan n'ya ang alok nito.

"Thank you na lang po. Baka magalit si mommy kapag ginabi ako lalo."

"Ay naku, wag kang mag-alala. Pinag-paalam na kita kay kumare kaya sige na. Magtatanim ako ng sama ng loob kapag hindi mo ako pinagbigyan," yung tono ni mama parang nagpapakonsensya.

Tinitigan ko sya. "Sige na, Genesis. Pasasalamat na rin ito ni mama sa pagtulong mo sa kanya."

"Oo nga, hijo. Sige na."

Sumang-ayon ka na kasi. Andami mo pang satsat, mahal ko.

Wala s'yang nagawa sa pamimilit naming mag-ina. "Alright, pero aalis din po ako agad pagkatapos kumain."

Nagpa-party sa tuwa at saya ang puso ko ngayon. Andaming confetti na sumabog kyaahh! Naupo muna kami sa sala habang hinihintay na maluto ang sinigang na putahe ni nanay.

"Teka, paano ba kayo nagkita ni mama ko?"

"Suki s'ya ni mama sa meat shop namin. Don't get me wrong, hindi ko talaga kilala ang mama mo. Nagkataon lang na pumasok ako sa shop namin kanina para manghingi ng permiso tapos inutusan ako ni mommy na ihatid ang mama mo dahil sa dami ng pinamili n'yang grocery."

Napangiwi ako. Akala ko pa naman ano na. Tsk. "Akala ko kasi interesado ka na sa akin kaya ka sumama kay mama," ngumiti ako sa kanya. "Ipakilala mo rin ako sa mommy mo, tutal naman, nakilala mo na si mama ko."

Nagsalubong ang kanyang kilay. "What? I don't want to, you're not my girlfriend and I don't like you."

"Magugustuhan mo rin ako, itaga mo yan sa puso mong bato," sabi ko at dinuro ang kanyang dibdiban.

Nagbuntong na lang s'ya at natingin kay Evos na gumagapang habang kinakain ang pacifier. "Sa kanya mo ba natutunang gumapang?" he smirked.

Namula ako sa hiya. Urgh! Wrong timing ang pagpapa-alala mo sa akin n'yan. "T-Tumahimik ka nga. Nalate kasi ako kaya ako nagpalusot."

"You don't even know how to lie," ngisi n'ya na halatang nang-aasar. "Maganda pala ang sahig ha?"

Kinurot ko s'ya sa kanyang tagiliran. "Tumigil ka nga, bwiset."

"The next time you'll be late make sure that your lie is believable."

"Hindi na ako malalate sa susunod."

"Really? Okay, let's bet."

"Sige go, I will bet my time for you..."

"Huh?"

"If you win, I'll date you. If you lose, you'll date me," ngumiti ako pagkatapos.

"Damn, girl. You're so annoying," he sighed. "Whether I win or lose it's your win after all. Ikaw lang rin ang makaka-benefit sa pusta."

"Joke lang, pero seryoso ako ha. Kapag nanalo ako, idadate mo ko. Pero ano ba ang ibe-bet mo?"

"I will not bet anything. I know I'll win," presko nitong sambit.

"So ibig sabihin ba nito, gusto mo rin na maka-date ako ha?" isang malawak na ngisi ang lumapat sa aking mga labi.

"Of course not. Bahala ka sa kung ano ang gusto mong gawin. Just don't be late," he smiled.

Natigil ako saglit dahil sa kanyang itsura. Did he just smiled at me? Guni-guni ko lang ba yun? Hindi pa naman ako nagsha-shabu ha? Pero...

"Bakit ang gwapo mo?" tanong ko ng wala sa sarili.

His eyes widen in shock because of what I asked. Bumalik ako sa sarili nung narinig ko ang pagtawag ni mama sa amin.

"Nora, Genesis, kakain na!"

x———x

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro