Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 01

1st Chapter

•••

I fell in like.

Yup, I am in like with a guy named Genesis Pantinople. He's an introvert and a bit mysterious kaya nakuha n'ya ang atensyon ko noong may event sa school namin, JS Promenade.

He was there, sitting. May iilang babae na nag-aya sa kanyang sumayaw pero tinataasan n'ya lang ito ng kilay at binubugaw na parang asong gala. I thought he's gay but I asked some of his classmates, well, he's not. Ang gwapo n'ya talaga at mukhang ako lang ang nakakaalam nun. Ako lang ang nakakita nun.

Why did I even like the guy in the first place?

Hindi s'ya sikat. Well, hindi naman basehan ang kasikatan kapag nagkakagusto ka.

Hindi rin s'ya maimik. In short, boring s'yang kausap or kasama. Pero hindi ko naman sinabi na nakausap ko na s'ya or nakasama.

Hindi rin s'ya maporma. Para s'yang modern Jose Rizal na nagising bigla sa dimensyon namin.

Yung pormahan n'ya masyadong baduy para sa akin.

Hindi rin n'ya ako pinapansin ni minsan. Hindi n'ya ako kinakausap o tinitignan man lang. Masyado s'yang busy sa game console n'ya na dala n'ya araw-araw sa school.

Pero kahit ganun, mabait s'ya at matalino kaya siguro ako nagkagusto sa kanya. Mas type ko kasi ang mga lalaking nakatali ang dila tsaka yung pagiging misteryoso n'ya ay nakadadagdag puntos sa mga gaya kong mahilig sa mystery novels.

"Tulaley ka na naman d'yan," hampas ni Ilaria sa balikat ko dahilan para bumalik ako sa reyalidad.

"May iniisip lang," kinain ko ang carbonara habang pasikretong sumusulyap kay Genesis na nasa kabilang table.

Hindi mo aakalain na may tinatago s'yang kagwapuhan. Hindi s'ya nerd or bad boy. He is so simple, walang kaeffort-effort.

Napapailing na napatingin si Ria sa minamasdan ko. Alam ng gaga na may crush ako sa baduy na lalaking yan. "Kaloka ka girl, of all the other hot guys na pwede mong magustuhan si Genesis the Introvert pa talaga," dismayado niyang sambit.

"Eh, ano naman? Ilang beses ko na yang narinig mula sa 'yo. Alam mo na ang sagot ko diyan."

"Oo nga. 'Kung madidiktahan lang ang puso, hindi s'ya ang gugustuhin ko kundi ibang tao'," ginaya n'ya pa ang tono ng pananalita ko. "Ang daming nagkakagusto sa'yo, Elle. Sila na lang, 'wag na yan."

Kung makapagsalita ang isang ito parang pagkain lang ang pinag-uusapan namin.

"Tseh, ikaw nga d'yan 'di pa nagkakaboyfriend."

"Naniniwala kasi ako sa true love waits na sinasabi ng matatanda. Tsaka kung magkakagusto ako s'yempre sisiguraduhin kong mahal ako," ngumiti pa s'ya bago nilantakan ang fried chicken.

"Bahala ka, iba naman tayo ng pananaw sa buhay. Kung may gusto akong tao, hindi ko na hihintayin na magkagusto s'ya sa akin. Pipilitin ko s'yang magkagusto sa akin."

Napapailing na ngumiti si Ria sa sinabi ko. "What Elle wants, Elle gets."

Agad akong nagpunta sa comfort room matapos naming kumain. Mukhang tinamaan ata ako bigla ng stomach ache. Hindi naman siguro panis yung kinain kong carbonara diba? Kaloka, kailan pa ba nagserve ng panis ang canteen namin? Tsk.

Naupo ako sa kubeta at nilabas ang hinanakit ng tiyan ko. Napatingin ako sa tissue holder na walang tissue. Hay ano ba yan ang cheap ng school namin. Hindi makaafford ng tissue!

Agad kong tinawagan si Ilaria para bilhan ako ng dalawang pack. Hindi ko naman alam na walang tissue dito, bumili na lang sana ako bago tumae. Ilang minuto rin akong naghintay nung may nag-abot ng wet wipes at tissue sa ilalim ng cubicle ko. Ambait talaga ng kaibigan kong ito.

"Thanks, Ria!" masaya kong ginamit iyon sa aking pwetan at agad na naghugas ng kamay pagkatapos. May alcohol ako sa bag kaya dun ko na lang tatapusin ang ritwal.

"Gaga ka talaga. Ako pa pinagbili mo ng tissue! Maging responsable ka naman minsan, Elle."

"Para yun lang, e. Isa pa, hindi ko alam na nagkaubusan na pala ng tissue. Kung alam ko lang sana, edi ako na ang bumili."

Naglakad kami pabalik ng classroom at nadatnan ang mga classmates naming nagchichikahan. Walang ibang magawa kundi ang magtsismisan. Uupo na sana ako nang napansin ko na may nag-iwan ng isang piraso ng bulaklak at sulat sa armchair ko.

"At kanino na naman ito galing?" nilapitan ako ni Ria at binasa ang nakasulat sa note.

"For my beautifulest Rose ever. Mahal kita, Elleonora," tinupi n'ya iyon at binalik sa akin. "Ang corny pero nakakakilig."

"Kilala n'yo ba kung sino ang nagbigay nito?" tanong ko sa mga classmates ko. Mukhang ito yata ang dahilan kung bakit sila nagchichismisan kanina pa.

Nagsalita si Renalyn at sumagot. "Pinadala lang yan sa akin. Nilagay sa locker ko tapos may sulat na para sayo kaya binigay ko.".

Napabuntong na lang ako at pinagmasdan ang note. "Mali-mali pa ang grammar. Walang beautifulest sa English tapos hindi ako si Rose. Bagsak siguro ito sa English subject nila."

"Dami mong satsat, bhie. Magpasalamat ka na lang at araw-araw kang nakakatanggap nang iba't-ibang bulaklak galing sa iba't-ibang lalaki," kinilig s'ya nang impit pagkatapos sabihin yun.

Binatukan ko agad. "Ano bang akala mo sa akin? Prostitute? Kung maka-iba't-ibang lalaki ka naman d'yan."

"Pasensya na. Nakakakilig lang kasi. Kaya hindi kami nagkakaboyfriend mga single kasi inaagaw mo lahat," sabi nito na may tampo sa boses.

"Hindi ko kasalanan na maganda ako," presko kong tugon.

"Maganda ka nga. Hindi ka naman pinapansin ng taong gusto mo," tawa n'ya.

Grrrr. Sarap batukan. Kaibigan ko ba talaga s'ya? Napaka-true friend naman nito kasi wagas kung makapanlait sa ganda ko. Maganda si Ilaria, makapal nga lang ang mukha. Ewan ko ba d'yan at bakit hindi pa nagkakaboyfriend gayung may itsura naman s'ya.

Naniniwala kasi ako sa kasabihan na hindi sa lahat ng oras lalaki dapat ang hahanap ng paraan. Dapat galaw-galaw din girls. Oo, iisipin ng iba na desperada ka, pero hindi naman ito tungkol sa kanila. It's all about you and your crush.

Kung hindi s'ya magkakagusto sa akin, pipilitin ko s'yang magkagusto sa akin. Either way, magkakagusto pa rin s'ya. Ganun ako kaconfident.

Dumating si Ms. Leona at nagkwento patungkol sa Alamat ng Ibong Adarna. Hindi ito parte ng subject namin at mukhang sinegway n'ya ata sa lesson namin.

"Diba nga naputol ang daliri ng babae nung mahulog ang singsing sa lawa? So anong ibig sabihin nun?" tanong ni miss, wala niisa ang sumagot sa amin.

Jusko naman, ilang taon ko na ding iniwan ang Ibong Adarna na iyan. Hindi ako interesado.

"Elleonora, kilala mo ba si Prinsesa Leonora?"

"Hindi po. Kayo, kilala n'yo ba sya?" sagot ko na sinundan ng malakas na tawanan ng mga kaklase kong buang.

Minasahe ni Ms. Leona ang kanyang sentido. Halatang sumakit na lang bigla ang ulo nito at hindi ko alam kung bakit.

"Ms. Santillana, minus points ka sa quiz ko bukas."

"May quiz bukas?!" gulat kong tanong. Naghalakhakan ulit ang mga classmates ko kaya inis ko silang tinignan. "Ginagawa n'yo ba akong clown?"

Siniko ako ni Ria ng palihim sa tagiliran. Sumenyas si Ms. Leona na maupo na raw ako dahil bigla s'yang inatake ng altapresyon.

Luh, what did I do?

"Anong ginawa ko?" bulong ko.

"Boba ka kasi. Ano nga ba? Pinilosopo mo lang naman si miss at mas nagulat ka pa sa quiz kesa sa minus points mo," napapailing n'yang binalik ang tingin sa board.

Dinimiss n'ya kami kaagad. Time for the next subject at iyon ay ang pinakapaborito kong Psychology. Bilang isang fourth year high school student, kailangan ko maging role model sa juniors namin. Mahinhin akong naglakad sa hallway sapagkat bawal ang tumakbo. Kaso late na kami!

Every end of class may Psychology. Nagvolunteer akong sumali nung nabalitaan ko na sumali rin si Genesis dito.

"Bilisan mo na kasing maglakad. Para kang pagong sa sobrang bagal. Aabutin tayo ng sham-sham!" inis na inis niya akong tinignan.

"No running in the halls," mahinahon kong sabi.

Hinila n'ya ako tsaka kami tumakbo papuntang. Hingal na hingal kaming dumating doon at nadatnan ang isang lalaki na nagbabasa ng anime manga. Kumabog ang dibdib ko. Para akong mababaliw sa presensya n'ya. Hindi pa kami nagkaeye-to-eye contact n'yan, ha?

Well, never n'ya pa naman akong tinignan buong buhay n'ya.

Naupo kami ni Ria sa kanyang likuran. Mukhang hinihintay n'ya sila Kiefer at Franz. Ang mga kaibigan n'yang maiingay.

"Teka, naiihi ako Elle," kaagad s'yang tumayo. Hindi na n'ya ako inantay na magsalita pa. Sinasadya talaga ng babaeng ito na masolo ko si Genesis. Sa bagay, eto rin naman ang gusto ko.

"Hi," kalabit ko sa kanya. Ngumiti ako pero hindi n'ya ako pinansin kaya dumiretso ako sa kanyang harapan at doon na naupo sa katabi n'yang silya. Nagbabasa pa rin s'ya ng manga or kung ano man ang tawag n'ya d'yan. "Hi, sabi ko!"

Kumurap-kurap s'ya bago ako hinarap nang tuluyan. Nanlaki ang mga mata ko nung makita kung gaano kaganda ang kanyang mga mata. His damn gorgeous almond eyes were saying something to me.

"Back off."

Hindi iyan ang gustong sabihin ng mga mata mo sa akiiin!!!

"W-What?"

"Back off you're too close."

Namula ako nung marealize 'yon. He's right, sobrang lapit ko nga sa kanya pero hindi ako nakinig sa kanyang sinabi. Mas lalo lang akong lumapit sa kanya.

"I said you're too close," mariin n'yang reklamo.

"Why? I want to be close to you," nilapit ko ang aking mga mata sa manga na kanyang binabasa. "Anong genre yan?"

"Anong genre ba ang gusto mo?"

"Yung genre na gusto mo."

"Bwes, hindi kita gusto."

"Bakit? Hindi naman ako genre ha?"

Napapikit s'ya nang mariin at kinalma ang sarili. Ang cuteeee n'yaaa. Kahit natatakpan ng kanyang bangs ang magaganda n'yang mata.

"If you would be a genre then hindi kita magugustuhan."

"Ouch, ansaket mo namang magsalita, darling," umakto ako na nasasaktan.

"Mas masakit ka sa mata."

Napasimangot ako dahil dun. "Ang galing mo naman masyadong mansupalpal. Ikaw lang ang nagsabi na pangit ako."

Ang talino nang isang ito. Ang hirap i-counter attack, pero marami pa akong baon na pick up lines kaya humanda s'ya sa akin.

"I didn't say you're ugly."

"So you think I'm pretty?" tanong ko na halos kuminang-kinang pa ang mga mata.

"Didn't say that either," nanatiling nakatuon sa manga ang kanyang paningin. Ganun na ba talaga ako kasakit sa mata? Tsk.

Maganda raw ako sabi nila, pero bakit s'ya hindi yun kayang i-appreciate?

"Teka, kilala mo ba ako?"

"Why? Do I have to know you?"

Tsk. My lips quivered as I stared at his cute nose.

"Hindi naman, baka lang kasi interesado kang malaman kung sino ako."

Matagal na kaming magkaklase pero ni minsan hindi n'ya tinanong ang buo kong pangalan. Halatang-halata sa kanya na hindi s'ya interesado sa akin pero ibahin niyo ako kasi interesado ako sa kanya.

"Not interested," tiniklop n'ya ang binabasang manga at napatingin sa akin. Kinabahan ako dahil dun. Hindi dahil sa mga mata niya kundi dahil sa kanyang inaakto. "I know you by your name only and I'm not interested to know you more."

Isang ngiti ang binigay ko sa kanya. "Darling, the more you act cool the hotter you get. You think na susukuan kita kasi pinagsabihan mo ako nang masasakit na salita? Well, you got it all wrong." Tumayo ako at tinignan s'ya ng nakangisi. His lips parted as I said those words to him, baka bumuka na ang bibig nito sa huli kong sasabihin.

"And if you're not interested in me? I'm interested in you."

x———x

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro