Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 46

Chapter 46: End with a tragedy
CRISELLA'S POV

"SURE na bang lima ang committee natin para sa booth?" Paniniguro ko sa mga kaklase ko at kaagad naman silang nagsitango.

Wala naman kasi dapat kaming booth para sa foundation week. Ang problema ginawang requirement ng physics teacher namin ang booth namin sa foundation week. Bahala na raw kami sa booth basta related sa physics, kapag ginawa namin exempted na kami sa finals at iba pang activities.

Busy sa org niya iyong president namin kaya ako itong naka-assign sa meeting, isend ko na lang daw sa kanya iyong minutes of the meeting.

Napabuntong hininga na lang ako habang tinitignan iyong mga nakasulat sa whiteboard na napagplanuhan namin para sa booth.

"Program, technical, certificates, communication and logistics. Bali ito lahat ng committees natin. Okay, bilang ng from one to five para sa groupings and committee assignment." Malinaw na pahayag ko sa kanila subalit mabilis na kumunot ang noo ko nang magsilipat ng upuan ang iba sa kanila. "Go back to your proper seats! Ano ba?!" Inis na sigaw ko sa kanilang lahat na maririnig sa apat na sulok ng classroom namin.

Nasapo ko na lang ang noo ko. Bakit ba ako ang naka-assign dito?!

"Kapag hindi kayo umayos hindi ko kayo isasama sa list!" Banta ko pa sa kanila. "All right, count from one to five."

"One."
"Two."
"Three."
"Four."
"Five."
"Six."

Napabuntong hininga na lang ulit ako. Six?! Sinabi na ngang one to five! Nasaan na ang president? Hindi ko na kaya ito, planning pa lang!

"Leaders for each committee please make a group chat and include me para mamonitor ko rin kayo. Nakasunod ba lahat? Nasa board pa iyong task ninyo kaya magtake down na kayo ng notes. Dalawang araw lang ang preparations natin for this kaya dapat ma-settle na lahat sa araw kung kailan naka-assign ang booth natin, okay?" Matapos nilang magsitango ay doon ko na tinapos ang meeting.

Malalim ang naging pagbuntong hininga ko paglabas ng classroom. Itinali ko ang buhok ko habang naglalakad sa hallway. Late notice din kasi iyong teacher namin kaya lalo akong na-s-stress! Mabuti na lang at day-off ko sa shop ngayon kaya diretso uwi na ako.

"Pagod na pagod mag-aral pero laging may energy kapag lalandi sa classroom!"

Salubong ang kilay ko na hinanap si Sohan matapos kong marinig ang boses niya. Hindi ko siya makita kung saan!

May eroplanong papel na lunapad sa harapan ko, kinuha ko iyon bago iangat ang tingin kay Sohan na nasa second floor pa pala ng classroom nila.

Inis kong inangat ang middle finger ko sa kanya, mabilis ko rin namang naibaba ang kamay ko dahil may ilang teachers na nag-uusap sa gilid!

"Crisella, pagod ka na ba? Buhatin ka na raw ni Tristan!"

Mababatukan ko 'to mamaya pagbaba niya! Pasalamat siya at tinatamad na akong umakyat sa second floor!

Inis kong tinalikuran si Sohan. Narinig kong sumisigaw pa siya mula sa second floor at inaasar ako subalit hindi ko na siya pinansin. Alam na alam niya paano kuhain iyong inis at pikon ko!

Dumiretso na ako ng lakad palabas, uuwi na ako. Hindi rin naman kami sabay ni Tristan ngayon dahil may ipe-prepare pa raw silang decorations para sa booth ng org nila at may pasok din siya sa shop ngayon.

Nang makasakay sa tricycle ay saka ko lang minessage si Tristan na mauuna na akong umuwi. Maiintindihan naman na niya iyon. Gusto na ring humiga ng katawan ko at matulog.

Malapit na ako sa gate ng village namin nang may mapansin akong pamilyar na babae. Dalawa sila at kausap iyong guard sa guardhouse, mukhang pinakikiusapan nila.

Pipino! Gusto ko ng umuwi!

Abala silang dalawa sa pakikipag-usap sa guard kaya nakakuha ako ng tiempo para makiusyoso kung anuman ang ginagawa nila rito. Imposibleng ako ang ipinunta nila rito. Kunsabagay, ako man ang ipinunta nila rito baka ipa-ban ko pa sila sa village.

"Manong naman! Anak ko iyon. Itong nasa magazine oh. Tignan mo, kamukha ko 'di ba? Anak ko iyan kaya sabihin mo na sa akin kung anong address o kaya bigyan mo ako ng contact number!"

Umikot sa ere ang mga mata ko. Pupwede naman akong magdire-diretso na ng lakad o kaya ay sumakay ng tricycle papasok dahil alam kong hindi naman nila ako basta-basta mapapansin. Ang problema, naiintriga ako kung anong mayroon.

Anak? Nasa magazine?

Nailabas nga pala iyong magazine for this quarter at kasama ako roon, kahit na hindi ako ang cover kasama pa rin ako roon. Paano naman nila nakita iyon?

Social media, maybe?

Kahit naman naka-block sila sa account ko ay paniguradong makikita at makikita pa rin nila iyon.

"Ano ba kuya? Papapasukin mo ba kami o hindi? Tatawag na ako ng pulis! Iyong anak ko, kinidnap ng adik! Kailangan ko ng iuwi iyon!"

"Ma'am, ang sabi niyo kanina bibisitahin niyo anak niyo na nasa loob. Ngayon sasabihin mo may adik na kumidnap sa kanya. Ang gulo niyo rin eh." Giit naman ng gwardiya habang nakangiwi akong nakikinig sa kanila.

What the freak? Adik? Is she pertaining to Sohan?!

Nagsisimula ng uminit ang ulo ko. Mas naging pamilya pa si Sohan kumpara sa kanila, wala silang karapatang tawaging adik si Sohan!

But I don't want to cook ampalaya with them. I don't want to tarnish my happy ending with their bitter attitudes.

Umuwi? Gosh. That's the funniest joke I've heard today. Hindi na ako magtataka kung bakit nandito sila ngayon.

Abala pa rin siya sa pakikipagtalo sa guard kaya kinuha ko ang pagkakataong iyon at sumakay ng tricycle nang hindi nila napapansin. Pagkauwi sa bahay ay siniguro kong naka-lock ang gate maging ang pintuan sa bahay. Mahirap na at baka may evil spirits na mag-tresspasing.

Iniwanan ko ng message si Sohan na tawagan muna ako bago siya pumasok dahil ni-lock ko ang gate. Panigurado namang gabi pa uuwi iyon.

Inihagis ko na ang sarili ko sa kama at nagpahinga.

NAPAKARAMI pang school activities ang kailangan naming unahin subalit higit na kailangan naming masimulan at matapos na ang preparations para sa booth namin. Wala tuloy akong pagpipilian kung hindi ang pumasok kinabukasan ng maaga.

Parang mas gusto ko na lang mag-exam kaysa ituloy iyong booth. Ang kaso, hindi ko naman pupwedeng iwanan sa ere ang mga kaklase ko kung kailan nakapagsimula na kami.

"Mag-break muna tayo." Anunsyo ko sa klase namin nang marinig ko ang tunog ng bell. Kaagad naman silang sumang-ayon dahil mga gutom na rin.

Nauna na akong bumaba sa cafeteria sa kanila. Kailangan ko ng refreshment ngayon!

Kakababa ko pa lang sa cafeteria nang makita ko si Tristan sa isa sa mga table habang umiinom ng palamig at may... kasamang babae. Akala ko ay si Xhera ang kasama niya kaya nakangiti pa sana akong lalapit sa kanya subalit nakita kong ibang babae iyong kasama niya habang nagkukwentuhan sila at nagtatawanan.

Mabilis na umangat ang kilay ko, maging ang presyon ng dugo ko at umangat din sa inis. Ayaw kong magsimula ng bagay na pagtatalunan naming dalawa subalit hinahayaan lang niya iyong babae na hawak-hawak at hampasin siya.

Tuwang-tuwa rin naman si Kupal!

Nahilot ko ang sintido ko at nagmartsa palabas ng cafeteria. Nakasalubong ko pa si Xhera na nakangiti akong binati subalit wala na ako sa mood para pansinin siya. Dire-diretso akong naglakad palabas ng campus at bumilis ng isang stick sa labas.

Alam kong mali na magpatangay ako sa nararamdaman ko subalit naiinis ako ng sobra. Kaagad kong sinindihan iyong cigar na binili ko. Nangako ako sa sarili ko na hindi ko na uulitin ito pero nababanas talaga ako ngayon!

"Crisella ko!" Mas lalo akong nabanas nang marinig ko ang pangalan ni Tristan.

Narinig niya ata nang tawagin ako ni Xhera kanina. Nakangiti siyang naglalakad papalapit sa akin habang kunakaway pa, subalit mabilis ko siyang tinapunan ng matatalim na tingin.

"Bakit may hawak ka na namang sigarilyo?" Nagtatakang tanong niya habang nakakunot ang mga noo na nakatingin sa cigar na nasa pagitan ng mga daliri ko.

Umikot sa ere ang mga mata ko at nag-iwas ng tingin sa kanya. "Bumalik ka roon sa loob, nagdidilim ang paningin ko sa'yo."

"Crisella? Ayos ka lang ba? Anong nangyari?"

Inis kong binitawan ang cigar na hawak ko bago tapakan iyon hanggang sa mamatay ang baga niyon. "Sino iyong babaeng kausap mo kanina? Kaibigan mo?" Tanong ko habang nakataas ang nga kilay ko.

"Hmm... Hindi ah. Kaklase ko kasi noon iyon."

"Oh? Hindi mo naman pala kaibigan, bakit ganoon kung makahawak sa'yo?"

"Crisella, nag-uusap lang kami." Aniya subalit mas lalo lang na nag-init ang ulo ko.

"Nag-uusap, uh? Kung makipag-usap ako sa ibang lalaki at hawak-hawakan ako ng ganoon, ayos lang sa'yo?!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasigawan siya. Nahilot ko pa ang sintido ko dahil nararamdaman ko ang inis ko.

"Crisella, ano bang sinasabi mo? Please, kumalma ka muna. Mag-aaway lang tayo nito."

"Aba, hindi pa ba tayo nag-aaway nito?" Naiinis at naiirita na ako. Paano niya nagagawa pa ring kumalma sa sitwasyon na ito?

"Crisella, nagseselos ka ba?"

"Why wouldn't I? Tristan, girlfriend mo ako. Ano sa tingin mo iisipin ko kung makita kong may babaeng hawak-hawakan ka ng ganoon?!"

"Kumalma ka muna, please." Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat subalit mabilis ko siyang naitulak.

Sa inis ko sa kanya ay bumalik na lang ako papasok ng school grounds. Dumiretso ako sa classroom at doon nagmukmok sa table ko. Ayaw ko siyang kausapin. Ayaw ko siyang makita, mas lalo lang akong nababanas.

Naalala ko pa iyong labas ngipin na ngiti nung babae, parang gusto kong bunutin lahat ng ngipin niya. Iyong ginger hair niya, parang gusto kong sunugin!

"Crisella, ito pala iyong naisip naming magiging design ng booth, kailangan na lang namin ng approval---"

"Shut up!" Mabilis kong nakagat ang pang-ibabang labi ko matapos kong masigawan ang kaklase ko. "Sorry, mamaya na tayo mag-usap." Saad ko at tinanggap ang paper na inaabot niya sa akin.

Napahawak na lang ako sa magkabilang sintido ko. Nakakainis at nakakagalit iyong nararamdaman ko ngayon. Ni ayaw kong kausapin si Tristan!

Hindi ko magawang mag-cutting kaya idinukdok ko na lang ang ulo ko sa table ko para matulog sa klase. Kapag nakipag-interact ako sa mga kaklase ko, paniguradong magiging kaaway ko lang silang lahat.

Nagising ako ay saktong uwian na o mas tamang sabihin na nagtulug-tulugan lang ako sa klase dahil hindi rin naman talaga ako nakatulog. Nakabusangot akong lumabas ng classroom, tipong may makipaglokohan lang sa akin ngayon ay tiyak na tatalsik palabas ng Earth.

"Crisella." At ito na ang isang Kumag.

Kaagad kong binato ng masamang tingin si Sohan. Akala ko ay mabg-aasar na naman siya subalit tahimik naman niya akong sinabayan, inabot pa niya ang bag ko para siya ang magbuhat niyon.

Sumabay na ako pauwi sa kanya lalo na at iyong kotse rin naman niya ang dala niya. Maging sa byahe ay hindi ako umiimik, mabuti na lang at hindi na siya nagtatanong pa.

Knowing Tristan, malamang nag-usap na silang dalawa kanina. Bahala siya sa buhay niya, naiimbyerna pa rin ako.

Hindi pa kami dumiretso ng uwi ni Sohan, sumaglit pa siya sa convenience store. Wala ako sa mood para sumunod sa kanya kaya siya na lang ang bumaba. Nang makabalik siya ay kaagad niya akong inabutan ng strawberry ice cream.

"Pampalamig ng ulo mo." Aniya jaya salubong ang mga nga mata ko na tinignan siya.

Inilingan lang niya ako kaya binuksan ko na ang ice cream at kaagad na kinain iyon. Hindi pa niya pinaandar ulit ang kotse, nananatili pa rin kami sa parking space ng convenience store.

"Things may end up bad kung nagpapadala ka sa emosyon mo Crisella." Narinig kong panimula ni Sohan kaya nilingon ko siya. Mabilis din naman akong nag-iwas ng tingin. "Communication is the foundation if every relationship. Kung hindi ka makikipag-communicate ng maayos, don't expect things to work out. Hindi sasapat iyong mahal niyo lang ang isa't isa. Tristan talk to me, ayaw mo raw siyang kausapin." See?! Nag-usap na sila! "Maybe stress ka lang dahil sa responsibilities mo sa school lately. Talk to him once you're calm."

Umikot sa ere ang mga mata ko bago punasan ang bibig ko dahil naubos ko na iyong ice cream. "Sohan, tell me. Ano ba ang mararamdaman mo kung makita mo iyong girlfriend mo na nakikipagtawanan sa ibang lalaki at hinahawak-hawakan siya? Let's say na hindi mo kilala iyong lalaki, you don't have any idea about sa lalaking iyon?"

"Fck! What?" Sandaling namilog ang mga mata ni Sohan bago kumunot ang noo niya. "Kaya hindi mo kinakausap si Tristan kasi nakita mo siyang may kasamang babae kanina?!"

Oh, he get it. Napairap na lang ulit ako sa hangin. "Pagod na nga ako, iyon pa ang makikita ko. And you expect me to calm?"

"Crisella, walang sinabi sa akin si Tristan about that."

Maging ang noo ko ay nangunot dahil sa sinabi ni Sohan. Pipino! I know na hindi hindi magagawa ni Tristan iyong mga bagay na nasa isip ko pero bakit napupuno ako ng takot at tanong ngayon?

Paano kung all this time hindi pala ako enough? Paano kung nagsasawa na siya sa ugali ko? Paano kung may makilala siyang higit pa sa akin?

Binabaha na ng tanong ang isip ko ng hawakan ni Sohan ang kaliwang kamay ko at bigyan ako ng makahulugang tingin. "Alam ko kung ano ang iniisip mo Crisella. Stop that. Tulad ng sinabi ko kanina, hindi kayo magkakaayos kung hindi ka makikipag-usap ng maayos sa kanya. Ask him first."

Napabuntong hininga na lang ako at tumango kay So kahit na hindi iyon bukal sa kalooban ko!

May sinilip siya saglit sa side mirror ng kotse niya. Bahagya niyang pinisil ang kamay ko na hawak niya saka ako tinanguan.

"Sohan?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Fix this matter with Tristan. Hindi ka rin naman makakatulog kung magkaaway kayo, hindi ba?"

Wala pa man akong tugon na naibibigay kay Sohan ay bumaba na siya ng kotse. Nagtataka akong sumilip sa labas, siya rin namang pagbukas ulit ng pintuan ng driver's seat at siyang pagpasok ni Tristan na may dalang bugkos ng bulaklak ng strawberry mallows na minsan na niyang ibinigay sa akin noon.

Ayaw ko pa nga siyang kausapin!

Bababa sana ako ng kotse subalit nakalock iyong pintuan! Maging iyong windows ay hindi ko maibaba. Napasigaw na lang ako dala ng frustrations. "Fck you, So!"

"Crisella," iniharap ako ni Tristan sa kanya subalit nagmatigas ako. "Tungkol pa rin ba ito kay Bernita?"

Bernita? Who the fck is Bernita? Bernita is the name of that witch? Ang bantot!

"Umalis ka nga rito, nagdidilim paningin ko sa'yo!" Singhal ko sa kanya subalit hindi siya nagpatalo sa akin.

"Crisella, look, I'm not even friends with her, okay? May pinag-usapan lang talaga kami kanina. Nagkamustahan, ganoon. Besides, nagkagusto sa akin si Bernita noon but I reject her, halos two years ago na rin iyon."

Nahilot ko ang sintido ko. Lalo lang sunasakit ang ulo ko sa lalaking 'to. "Naaalala mo noon sa presinto, hindi ba at pumutok labi ni Sohan dahil sa akin noon, gusto mo rin ma-experience iyon?" Sarkastikong tanong ko sa kanya. "Nagkagusto sa'yo?! Do you expect na wala na siyang gusto sa'yo ngayon? You can't simply say na nakaraan na iyon, Tristan."

"Eh Crisella, magiging rude ako kung hindi ko siya kakausapin ng maayos kasi kinakausap niya ako ng maayos---" hindi ko na napigilan ang sarili ko at kaagad na dumapo ang kanang kamay ko sa pisngi niya na ikinagulat niya.

"Rude? Really, Tristan?" Malalim ang naging paghinga ko ng malalim. Naiinis din ako sa sarili ko kasi namumuo na ang luha sa nga mata ko, hindi ko alam kung bakit naiiyak na ako. "Just for you to remember, nakalimutan mo na iyong rudeness mo sa akin noon bago tayo magkakilala? Hindi ba at ang laki nga ng galit mo sa akin noon dahil sa mga libro mo na hindi ko naman intensyon na masira!"

"Crisella, ibang usapan naman iyon." Giit niya subalit iling ang naging tugon ko.

"Anong pinakaiba 'nun Tristan?! Hindi ba at hindi mo rin naman kamo siya kaibigan?! You know what, akala ko pinapairal ko lang pagiging immature ko rito, akala ko nadala lang ako ng stress ko but you're not making any sense! Pinapalala mo lang iyong sitwasyon!"

"Crisella, anong pinapalala iyong sitwasyon? Kinakausap nga kita para maayos natin ito, hindi ba? Maybe mali na pag-usapan natin ito ngayon. Mabuti pa, magpahinga na muna tayo, okay? Let's talk tomorrow." Oh God! Paano niya nagagawang kumalma kung ganitong halo-halo na ang nararamdaman ko ngayon?

"I don't know, Tristan. I don't know!"

"Anong hindi mo alam? Crisella? Ano? Huwag mong sabihin sa akin na gusto mong itigil na natin ito? Crisella, please."

Napayuko na lang ako. Nararamdaman ko na rin ang pagkirot ng ulo ko hanggang sa hindi ko na napigilan ang pag-uunahan sa paglandas ng mga luha ko. "Hindi ko na alam, I just don't want to risk ny happy ending, T-Tristan." Nanghihina na ang buong sistema ko, kaya ng lumapit siya para yakapin ako ay hindi ko na siya nagawang itulak kahit na gusto ko siyang itulak papalayo. "A-ayaw ko ng masaktan dahil sa mga taong mahal ko... t-tama na iyong nasa nakaraan, ayaw ko na. Please..."

──────⊱◈◈◈⊰──────

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro