Chapter 42
Chapter 42: Renowned Rendezvous
CRISELLA'S POV
MABILIS kong pinahinto si Sohan nang makarating na kami sa intersection ng Magsaysay Boulevard at Pureza. Inalis ko lang ang suot kong helmet at inayos ang buhok ko na medyo magulo na rin dahil sa hampas ng hangin.
Kinuha ko na mula sa kanya iyong mga paper bag at ilang mga dami na isinupot din namin saka ko iyon ipinamigay sa mga bata at matatandang nasa kalsada lamang nagpapalaboy-laboy. Kusa na lang akong napangiti dahil alam kong nagustuhan nila iyong mga pinamigay ko sa kanila.
Sasakay na sana ako pabalik sa motor ng may batang babaeng humabol na umiiyak at yumakap sa akin. Nagulat ako sa paglapit ng bata sa akin at muntik ko pa siyang maitulak dahil kahit na nag-abot ako ng regalo sa kanila ay hindi pa rin ako mahilig sa mga bata!
Ngunit sa huli ay hinayaan ko na siya kung kaya't ganoon na lang din ang gulat ni Sohan habang nakatingin sa akin. Marahan kong tinapik iyong likod ng batang babae bago siya bumitaw mula sa pagkakayakap sa akin. Mabilis kong kinuha ang panyo ko at pinunasan ang mukha niya.
"A-ate... t-thank you po!" Aniya na nagsimula na namang umiyak. "T-thank you po sa pagkain! I-ipang a-araw na po akong walang pagkain."
"Ate... kahit barya lang po, pambili ko lang po ng pagkain..."
Doon ako saglit na nag-iwas ng tingin sa kanya at bahagya na lang na napangiti. Alam ko kung gaano kahirap iyong sitwasyon nila, hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit napakaraning batang nanlilimos sa kalsada. Napakaraming dahilan para isa-isahin pa iyon, hindi naman din lahat ay parte ng sindikato. Iyong iba talagang kinapos lang sa swerte o kung minsan, hindi pinalad na magkaroon ng mabubuting magulang.
"Ingatan mo 'to at itago mo, para may pangkain ka pa, ha?" Saad ko sa bata at inipitan siya ng pera sa kamay niya.
"Thank you po!" Aniya at iiyakan na naman niya ako kaya tinapik ko na siya bago umangkas sa likuran ni Sohan.
Inabot sa akin ni Sohan ang helmet na kaagad ko namang isinuot.
"Ayan pala iyong hindi mahilig sa bata ah." Asar niya sa akin kaya nakurot ko siya sa tagiliran. "Joke lang! Ito naman! Ano? Saan na tayo? Sa Taft?"
Napangiwi pa ako bago siya tanguan hanggang sa pinaandar na niya ang motor.
Simulan noong maiahon ko ang sarili ko, natutuhan ko na ring mag-abot ng regalo tuwing pasko sa mga bata sa lansanggan kung saan ay minsan din akong naligaw. Kung susumahin ay hindi ko naman ito ginagawa para tumulong, ginagawa ko ito bilang regalo sa batang ako na ang tanging hiling lang noon ay makakain at makatulog ng walang takot.
"MERRY Christmas!" Nakangiti kong inilapag sa ibabaw ng lamesa iyong Red Velvet cake na ginawa ko. Hindi ko pa sigurado kung tama ang recipe ko dahil nag-DIY lang naman ako at nanood ng ilang videos sa plastizism. "And of course," napailing na lang si Sohan matapos kong patungan ng number three candle iyong ibabaw ng cake. "We're celebrating..." excited kong naituro ang sarili ko. "Crisella's third Independence Day!"
"Happy third Independence Day!" Ngisi ni Sohan at inabot sa akin ang isang bote ng soju na kakabukas lang niya.
Kaagad ko namang tinanggap iyon. Kung susumahin ay binabawalan ako ni Tristan uminom dahil hindi raw maganda sa liver ko pero minsan lang naman. "Do you have any plans for tomorrow?" Tanong ko kay So pagkatapos kong ihalo ang yakult sa soju.
"I'm not pretty sure. What about you?" Balik tanong niya sa akin bago kumuha ng isang slice sa cake na ginawa ko at tikman iyon. "Shit! Kailan mo pa natutunan magbake ng cake?" Muling tanong niya at sumubo ng mas malaki sa cake.
"Hindi ko binake iyan ano. I don't know, siguro dahil nakikita ko kung paano nila gawin iyong bread and pastries sa shop plus I watch some videos online. You like it don't you? Pwede na ba ako maging baker? How about patisserie?"
"Geez. You're still undecided until now?" Naiiling na tanong sa akin ni Sohan kaya napakibit balikat na lang ako. "Crisella we're five months away from graduation. Pag-isipan mo na iyan, besides, paano si Tristan mo? Paano kung magkaibang university kayo? Magkaiba ang schedule and other things?"
Kumuha rin ako ng slice sa cake at tinikman iyon and damn. I want to make more cake! "I don't know." Inubos ko muna ang cake na nasa bibig ko. "Hindi ko pinag-iisipan. Looks like kailangan talaga namin pag-usapan ni Tristan 'yan. By the way, bakit ba puro ka Tristan? What about you? Ikaw ba may plano ka na?"
"What plan? Gusto ko na lang maging criminal ano, mas malaki kita roon eh." Aniya sabay inom sa bote niya ng soju kaya mabilis ko siyang nasipa sa binti at tinaasan ng middle finger. "Ang sama-sama talaga ng ugali oh. Seryoso kasi ako!"
"Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo."
Tinawanan lang niya ako kaya lalo akong nainis. "Hindi rin ako nakikipagbiruan sa'yo, Crisella."
"My goodness Sohan!"
"Ito naman, paskong-pasko, inaaway ako! Kuhain mo na lang regalo ko sa'yo sa ibabaw ng kama mo."
Napairap na lang sa ere ang mga mata ko. "Wow ah. Naisip mo pa talaga akong regaluhan. I don't even understand in the first place why we're celebrating Christmas eh isa ka ring d×monyo."
"Watch you mouth, Crisella." Naiiling na aniya bago ubusin ang laman soju niya. "Well, you're absolutely right but this day is important to me as well. This is the same day that I saw you m×rdered someone."
Alam naman niya iyong totoo kung bakit ako duguan that night pero hindi niya na ako tinitigilan kakaasar tungkol sa gabing iyon na puro dugo ako! "Oh, I did m×rdered myself!" Saad ko sabay iling.
Napansin kong plano na niyang ubusin iyong cake na ginawa ko kaya mabilis kong hinampas ang kamay niya.
"Ouch!"
"Ako gumawa niyan, tapos ikaw uubos?!"
"Excuse me? Araw-araw kitang pinagluluto, nagrereklamo ba ako?" Talagang tinaasan pa niya ako ng kilay!
"Nag-iinsist ka na ikaw ang magluluto at gagawa ng lahat ng gawaing bahay, hindi ba?! Bakit ka nanunumbat ngayon?"
"Sa gwapo kong 'to?" Nasampal ko na lang ang noo ko dahil nagbubuhat na naman siya ng bangko. "Susumbatan lang kita? Let's just say na gentleman lang ako."
"Shut up! Talagang magiging house husband ka lang in the future! Ikaw ba naman gumagawa lahat ng gawaing bahay? Geez. Kawawa ka Sohan."
"Who's kawawa? Huy! Pogi points sa babae iyong lalaking maalam sa gawing bahay ano. Isa pa, hindi lang naman para sa babae ang gawaing bahay!"
Inirapan at dinuro pa niya ako dahilan para ismiran ko siya. Wala na naman tuloy kaming ibang ginawa kung hindi magbangayan dahil doon. Kumakain na lang tuloy ako habang inaaway niya ako, isa pa, ako naman ang nagprepare ng mga pagkain kaya hindi niya dapat ako inaaway!
Kumakain pa ako ng buco pandan ng tumayo siya sa kinauupuan niya. "Oh? Napaano ka?" Kunot noong tanong ko subalit hilot-hilot na niya ang noo niya ng tapunan ako ng tingin.
"Baka malasing ako."
"Aba! Nakatatlong bote ka na, ngayon mo pa naisip iyan?" Nakangiwi kong tinitignan si Sohan na namumula ang mukha ngayon at mukhang babagsak na ang mga mata, pati ata katawan niya babagsak na.
"May Christmas Party akong pupuntahan sa Eastwood bukas, sabihin mo na lang kung gusto mo sumama." Aniya at kinawayan ako habang naglalakad na siya papasok sa kwarto niya.
Napakibit balikat na lang ako at inubos ang buco pandan. Nang maubos ko ang kinakain konay iniligpit ko na rin ang mga kalat sa lamesa at itinabi ang mga pagkain sa refrigerator bago pa langgamin ang mga iyon.
Kaagad kong naihagis sa kama ang sarili ko dala ng pagod sa pagluluto kanina at paglilinis na rin ng bahay. Pagod lang ako ngunit hindi pa inaantok kaya binuksan ko na muna ang social media accounts ko. May ilang greetings akong na-receive sa ilang schoolmates ko. May messages din galing kay Miss Bethany at Miss Ryumi at ilan pang mga kasama ko sa trabaho. Sa dami ng messages na natanggap ko ay natabunan na iyong message ni Xhera sa akin. Inuna ko ng reply-an pabalik iyong mga dapat kong reply-an bago ko reply-an si Xhera.
12:00 A.M
From: My Pretty Girlfriend
- CRISELLA! MERRY CHRISTMAS! I MISS YOU!
- AHHHH GUSTO KO NA TULOY UMUWI DYAN HUHU
- ANYWAY, HINDI PA PASKO HERE AHSGAHSHHAHA THO IT'S WAY COLDER HERE, I THINK I'M ABOUT TO DIE BCS OF COLDNESS HUHU
Napailing na lang ako habang binabasa ang messages niya. Kung si Tristan umuwi sa Ilagan, sila naman nagbakasyon sa Chicago. Kahit anong pagkamiss niya sa akin hindi rin naman siya basta-basta makakauwi ng Pilipinas.
To: My Pretty Girlfriend
- Xhexhe, Merry Christmas din!
- Iyong pasalubong ko ah, baka makalimutan mo :<<
- Imissyoutoo
- pero mas miss ko talaga si tristan, ghinost na ata ako (ノ`Д´)ノ彡┻━┻
- pag-uwi niya rito abo na lang mga libro niya!!!
From: My Pretty Girlfriend
- dO_ob
- naur wayyy, did he really ghosted you??!
- gusto mo dalihin natin here sa chicago? ibaon natin sa snow storm???
To: My Pretty Girlfriend
- the whut?? xhexhe, is that even u? TT
- isa ka pa eh, umuwi ka na rin dito
- i made a cake, you will like it :))
From: My Pretty Girlfriend
- Tirahan mo na lang ako. I can't go home pa huhu
- My parents want to celebrate New Year here as well. It will be loooongggg and I'll miss u so baaaddd na huhu
- Anyway, I saw your fav artist in the Christmas Gala that we attended yesterday pala (◠‿◕) Igotchu! That will be my Christmas present for u!!!
To: My Pretty Girlfriend
- U saw who???! Xhera, sinooo?!
From: My Pretty Girlfriend
- secret. surprise, ykyk
- haha, babye nga muna, may gagawin pa us :>>
- skiingggg
Hindi na ako nireply-an ni Xhera! Matutulog na sana talaga ako ng mag-notif ang phone ko, akala ko ay nag-message ulit si Xhera. Pinatay ko na iyong phone ko subalit may nakita ako! Binuksan ko tuloy ulit iyon and damn! May message kay Tristan! Naalala pa ako ni Kupal!
From: Tristan Kupal
- CRISELLLAAAAA
To: Tristan Kupal
- Lakas talaga. Naisip pang magparamdam oh.
- Huwag na, hahanap na ako ng iba.
Hihintayin ko pa sana ang response niya subalit nagulat ako ng mag-vibrate ang phone ko dahil tumatawag siya. Sinagot ko na iyon subalit video call pala at hindi audio call, nahila ko tuloy ng wala sa oras iyong mirror sa table ko at sinilip ang sarili ko, maganda pa rin naman.
["Paano ka makakahanap ng iba? Eh ako na ang only exemption mo, hindi ba?"] Hirit niya agad sa kabilang linya kaya umikot sa ere ang mga mata ko.
"Kupal ka talaga! Papaalala ko lang sa'yo. Dalawang araw kang hindi nag-re-reply at sunasagot sa mga tawag ko ah!"
["Anong magagawa ko? Wala ngang signal dito? Nasa puno na naman nga ako oh, buti na lang nakatawag pa ako sa'yo."]
"Aba, nagdadahilan pa. Mababatukan talaga kita kapag umuwi ka na rito."
["Batok talaga? Hindi ba pwedeng yakapin mo man lang ako ng mahigpit?!"]
Natatawa akong napailing bago umayos ng pagkakahiga. "Madali lang naman akong kausap, yayakapin muna kita saka kita babatukan, okay?"
["Grabe, aping-api ako ng girlfriend ko. Maawa ka naman sa akin, mamatay na ako rito oh."] Nagsisimula na naman siyang artihan ako! ["Gagi, seryoso ako!"] Aniya at itinaas ang phone niya.
Si Kupal, nasa puno na naman nga! Hindi na ako magtataka kung magdadalawa iyong peklat sa mata niya! Inangguluhan pa niya iyong mukha at pisngi niya kaya roon na nagsimulang kumunot ang noo ko, hindi kasi ganoon kaliwanag kung nasaan siya kaya hindi ko kaagad napansin iyong mga pantal sa mukha niya hanggang leeg, baka nga namumula pa ang mga iyon hanggang ngayon.
"Hoy! Napaano ka? Nabati ka na siguro, ayan, akyat pa sa puno!"
["Really, Crisella? Wala man lang pangangamusta?"]
"Tinanong ko na kung napaano ka ah? Oh, ano ngang nangyari sa'yo? Saan galing iyang rashes mo?"
Nakanguso naman siyang nagsumbong na naman sa akin. ["Paborito ko kasi iyong maja de blanca ni Lola, kaya noong pwede ng kumain, kumuha agad ako, hindi ko naman alam na may mais pala iyon, akala ko mani iyong sahog! Tapos iyong pinsan ko, nataranta kasi naglabasan agad iyong allergies ko, inabutan ba naman ako mg corn juice, eh hindi ko rin napansin ayan!"]
"Ngayon mo itanong sa akin kung paano ako maaawa sa'yo." Saad ko habang sapo-sapo ang noo ko. "Eh halos kasalanan mo rin naman iyan eh."
["Grabe! Ako iyong victim dito oh! Paano kung mamatay talaga ako?"]
"Tsk! Huwag ka ngang magsalita ng ganyan at uulitin ko, kasalanan mo iyan, hindi ka nag-iingat. Uminom ka na ba ng gamot? May iver the counter medicine naman na ngayon para sa allergy, hindi ba?"
["Opo! May baon din naman ako in case of emergency, iyon lang, medyo may pantal-pantal pa rin, ang kati-kati nga eh, kaya tara rito, hindi ko makamot likod ko."]
Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanya ngayon. Lakas talaga ng sapak ng taong 'to. "Anong ako? Nandyan na na rin naman sa puno, ipakamot mo na sa mga unggoy diyaan!"
["Wala, walang unggoy dito, kapre, tikbalang at manananggal lang. Nagtaguan nga kami kahapon ng hapon, gagi may naiwang kalahating katawan malapit sa gubat!"]
Sandaling namilog ang mga mata ko habang iniisip kung totoo ba o hindi ang sinasabi ni Kupal. "Oh? Anong ginawa ninyo?"
["May alagang bayawak si Tito eh, ayun pinakain namin doon!"] Aniya sabay bunghalit ng tawa. Kung anu-ano talagang nasa imagination ng walang hiyang 'to eh.
Napailing na lang tuloy ako.
["Saglit lang, tawag pala ako sa baba! Tatawagan na lang ulit---"]
"Huwag mong papatayin!" Pigil ko sa kanya at napabangon pa ako sa kinahihigaan ko. "Kailan ka na naman tatawag kapag pinatay mo ito?"
["Ayun lang hehe..."] Alanganin siyang natawa bago tumalon pababa sa puno.
Pwede ng maging akyat-bahay ah! "Sige na, puntahan mo muna kung sinong tumatawag sa iyo, huwag mo lang ako papatayan ng tawag, ah!"
["Opo! Opo! Oo nga pala, nagluto si Sohan ng pagkain niyo para sa noche buena?"]
"Pinagpahinga ko na. Kidding! Ako nagprepare ng pagkain ngayon, ngayon lang. Kawawa ka naman, wala ka rito. E'di sana natikman mo na luto ko hindi ba?"
["Uwi na ba ako diyan?"]
"Oo. Umuwi ka na, miss na kita." Saad ko at nailayo ko pa iyong phone ko mula sa akin kasi biglang inilapit ni Tristan iyong camera ng phone niya sa mukha niya habang nakatingin sa akin.
["Maingay dito. Hindi ko narinig, pakiulit nga."] Sabi niya pero alam ko namang inaasar lang niya ako. Hindi siya ngingiti ng ganyan kalapad kung hindi niya ako narinig.
Mukhang nasa ilang metro din ata ang layo nung puno kung saan siya madalas umaakyat, dahil noong nasa loob na siya ay mas maliwanag at mas maingay na.
Nang makapasok si Tristan sa bahay na tinutuluyan nila ay hindi ko na marinig ang boses niya dahil sobrang ingay ng mga nagvivideoke sa loob. Malaki ata ang celebration nila kaya ang ingay-ingay din.
["Crisella."]
"Po?" Nabaling ulit kaagad ang atensypn ko sa screen ng phone ko ng marinig ko ang boses ni Tristan na tinawag ako. "Bakit?"
["'La, si Crisella, girlfriend ko, hehe..."]
["Jusmiyo! Kay gandang bata, nobya mo talaga ito?"]
Nasapo ko ang labi ko at napaiwas ng tingin sa camera, siraulo talaga 'to g Kupal na ito. Talagang online lang ako pinakilala sa lola niya! Sabagay, ako nga pala ang tumanggi na sumama sa kanya in the first place!
Humarap ulit ako sa camera at bahagyang inilayo iyon sa akin para kawayan ang lola niya mula sa phone. "Hello po! Merry Christmas po!"
["Ay! Artista ata ito?"]
["Hindi artista 'yan, 'La, pero model 'yan."]
["Ano, hija, sa susunod pumunta ka rito sa Isabela, sumama ka ha? Ipagluluto kita ng maja de blanca, itong si Tristan paborito iyon."]
Nakangiti naman agad akong sumagot. "Opo! Sasama po ako kay Tristan diyaan sa susunod!"
["Sige na 'La, ayos na ako. Nakainom naman na ako ng gamot."]
May sinabi pa iyong Lola ni Tristan sa Ilocano, hindi ko naman na naintindihan, mukhang tinataboy na mga ni Tristan lola niya, Kupal talaga!
["Opo! Opo! Ayos na ako!"]
["Hija..."] Inagaw nung Lola ni Tristan iyong phone kaya kaagad akong nagresponse. ["Sumama ka kay Tristan dito sa susunod ha?"]
"Opo! Promise po iyan." Nakangiting sagot ko naman bago siya magpaalam na sa akin.
["Sabi sa'yo eh, dapat sumama ka na lang dito."]
Naglalakad na ata palabas si Tristan ng bahay nila dahil tumatahimik na ang paligid. "Ano? Susunod na ba ako diyan?" Biro ko sa kanya.
["Oo, tara na rito! Miss mo naman na ako, 'di ba?"]
"Asus, dinadaan mo na naman ako sa arte mo---holy...!" Natataranta akong tumalon pababa sa kama ko, hindi ko napansing malo-lowbat na ako kaya mabilis kong hinanap ang charger ko!
Paano kung hindi ko na naman matawagan si Tristan?!
"Come on, come on!" Kagat-kagat ko ang pang-ibabang labi ko habang hinihintay bumukas ang phone ko na lowbat na lowbat. Kakasaksak ko lang nh charger subalit ang tagal pa niyang bumukas. "Tristan... Tristan...!" Mabilis kong hinanap ang pangalan niya sa inbox ko at kaagad siyang tinawagan pero cannot be reach na!
Ngayon pa talaga ako inabot ng kamalasan!
To: Tristan Kupal
- Na-lowbat ako TT. Sorry, huy!
Kagat-kagat ko ang pang-ibabang labi ko habang naghihintay ng reply niya. Subalit makaraan ang ilang minuto ay wala pa rin akong narereceive na message.
Nang tignan ko ang orasan ay mag-a-alas dos na ng madaling araw subalit gising na gising pa rin ako. Hinihintay ko pa rin iyong messages niya!
Tumunog ang notification ng inbox ko sa plastizism subalit message lang iyon sa isang group chat ko, minute ko muna iyong group chat sa inis ko. Ilang minuto pa akong naghintay hanggang sa magsend ng screenshot sa akin si Tristan, screenshot iyon ng messages niya na ayaw ma-send sa akin, nang i-check ko iyong status bar ng signal niya base sa screenshot, wala nga siyang signal!
From: Tristan Kupal
- Iiyak na ako. Char
- Kasalanan mo 'to, bakit kasi hindi ka agad nag-charge!
- Ay, kasalanan ko ata. Na-excite at kinilig ka masyado kaya nawala na sa isip mo battery percentage mo, ano?
To: Tristan Kupal
- Akyat ka na lang ulit ng puno. Mag-iingat ka lang :>>
- Kidding. This is driving me crazy na TT
At wala na naman akong na-receive na reply sa kanya matapos iyon. Nanlulumo kong naibagsak ang sarili ko sa kama.
To: Tristan Kupal
- Sige na, sa susunod na lang, kung kailanman yung susunod na yan. Magpahinga ka na rin!! Bukas ng umaga uminom ka ulit ng gamot ng mawala na ng tuluyan iyang rashes mo! Good mornight, Kupal ko :">>
Inilapag ko na sa gilid ang phone ko habang naka-charge iyon. Para tuloy akong binagsakan ng langit at lupa. Isa pa, talagang susundan ko na siya sa Ilagan!
"CRISELLA! Shot tayo!" Narinig kong aya ni Sohan kaya naibaba ko ang librong hawak ko. May hawak-hawak na siyang isang bote ng alak habang naglalakad palapit sa akin.
Mabilis ko naman siyang inilingan bilang pagtanggi. "Ayaw ko."
"Anong mayroon? Nag-away ba kayo ni Tristan?" Tanong sa akin ni Sohan na naupo pa sa tabi ko.
Ayaw ko siyang harapin kaya inagaw niya sa akin ang librong binabasa ko para harapin siya. Ngunit may nag-notif sa phone ko kaya sa halip na pansinin si Sohan ay inuna kong tignan iyon, wala pa ring message galing kay Tristan!
Muntikan ko ng mabato sa inis iyong phone ko!
"Nakaraang araw ka pa ganyan. Anong problema?" Salubong ang mga kilay na tanong ni Sohan sa akin. Hinawakan niya ako sa ulo at pinihit ako paharap sa kanya. "Crisella."
"Eh hindi kasi nag-me-message si Tristan!"
"Ikaw itong nagdesisyon na huwag sumama sa kanila para makapaglaan siya ng oras sa pamilya niya roon, hindi ba? Bakit nag-iinarte ka ngayon na hindi siya nag-re-reply?" Paalala sa akin ni Sohan kaya napangiwi na lang ako.
"Hindi naman sa ganoon. Alam ko naman na ako iyong nag-insist na huwag ng sumama, ang kaso, wala siyang signal doon, hindi ko siya ma-contact!"
"Tara sa Katipunan mamaya. Ibaling mo muna sa iba iyang atensyon mo. Ikaw ang laging nagsasabi na nakakawala ng ganda ang stress, hindi ba?"
Napahawak tuloy ako sa magkabilang pisngi ko. "Pumapangit na ba ako?"
"Matagal ka ng pangit, Crisella."
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at gigil na hinampas si Sohan. "Ikaw ang pangit, kaasar ka! May iniisip kasi ako, hindi ko alam kung tama ba iyong magiging desisyon ko."
"Wow. Pinag-iisipan mo na mga desisyon mo ngayon?"
Nagsisimula na naman siyang asarin ako eh!
"Pero seryoso, kung anuman 'yang iniisip mo, ituloy mo na iyan." Ngisi niya at nagulat ako ng iabot niya sa akin ang ATM niya. "Huwag mo lang ubusin ang laman niyan ah."
"May pera pa naman ako."
"Tatanggi pa eh, sige na. Huwag mo ng paabutin pa ng bisperas ng bagong taon."
Napangiti na lang ako saka niyakap ng napakahigpit si Sohan. "Thank you, So! Promise, babalik agad ako!" Saad ko. Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at dali-daling tumakbo sa kwarto ko para ayusin ang gamit ko.
Ichineck ko pa ang oras sa phone ko, may oras pa ako!
"Ano? Ihatid na ba kita?" Tanong sa akin ni Sohan na nakasilip sa kwarto ko.
Kaagad ko naman siyang inilingan. "Sapat na iyong pinahiram mo ako ng pera. Mag-te-train na lang ako dahil traffic na rin kung magmomotor tayo."
"Ohh-kayyy... iyang mga gamit mo, iyan lang ang dadalhin mo?" Tanong niya sabay tapon ng tingin sa mga damit na inayos ko.
Mabilis ko naman siyang tinanguan. "Sige na, aalis na ako."
"Jeez. This is the first time na ang bilis mong kumilos ah." Pang-aasar pa sa akin ni Sohan at bahagyang ginulo ang buhok ko. "Tara na nga, ihahatid pa rin kita, kahit hanggang sa train station lang."
Napangiti na lang ako bago siya sundan sa labas. Paniguradong nadala sa kadramahan ko itong Kumag na ito kaya naisipang pagbigyan ako.
"Ingat!" Aniya at bahagyang ginulo ang buhok ko pagkababa ko sa train station.
Nagpaalam na ako sa kanya ng nakangiti at dali-dali na akong pumasok sa train station. May hinahabol akong oras kaya nagmamadali ako. Tinignan ko ang oras sa wristwatch ko, it's almost 6PM.
Saktong nagsisibaba na ang mga pasahero sa mga hagdan dahil kakarating lang ng train. Kaagad ko ng itinap ang beep card ko at patakbong umakyat sa itaas, iyon lang ay ang daming taong pababa, kahit iyong hagdan paakyat ay sinakop nila. Talagang ngayon pa under maintenance iyong escalator paakyat!
Kagat-kagat ko ang pang-ibabang labi ko habang pilit na sumisiksik sa kanila mahabol ko lang ang train. Naramdaman ko ang vibration ng phone ko mula sa bulsa ko at kaagad na sinagot ang tawag.
["Crisella ko,"]
Nagkarambola na naman sa sistema ko ng marinig ko ang boses ni Tristan mula sa kabilang linya. Tinignan ko pa ang screen ng phone ko para kumpirmahin kung siya nga ang tumatawag.
Hindi ko inaasahang tatawag na siya sa akin, sa pagkakaalala ko ay si Sohan ang tumatawag dahil baka mayroon akong naiwanan.
"T-Tristan..." bahagya pa akong tumikhim dahil hindi ko mahanap ang boses ko. "Oh? Nasa puno ka na naman?" Tanong ko at sa wakas ay nakaakyat din ako sa train platform.
Nakagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko dahil nakaalis na iyong train na dapat ay sasakyan ko. Muli kong tinignan ang oras sa, aabot pa naman ako kung nasa five hanggang ten minutes lang ang hihintayin ko sa susunod na train.
["May gusto ka ba ngayon?"] Tanong ni Kupal mula sa kabilang linya kaya napasandal ako sa pader na malapit sa akin at iginilid ang maliit na maletang dala-dala ko.
Napatingin ako sa riles ng tren bago kagat-labi siyang tugunin. "Gusto ko lang na makita ka."
["Hindi mo na ako matiis, ano?"]
"Sino ba nagsabi sa'yo na kaya kitang tiisin? Kung alam mo lamg kung paano ko maya't maya hintayin ang messages mo. Kung alam mo lang kung ilang beses sa isang araw ko basahin iyong mga sulat na iniwan mo. Kung alam mo lang kung paano ko handang kalimutan ang skincare routine ko para lang makapag-reply at makausap ka kasi baka ilang araw na naman ang lumipas at hindi kita makausap..." Malalim na lang akong napabuntong hininga.
Talaga nga namang hindi ko na siya matiis, kaya nga nagdesisyon akong sundan na siya sa Ilagan ngayon. Bahala na kung ano ang susunod, hindi ko na kaya 'to.
Alam na alam kasi talaga ni Tristan kung paano ako kupalin eh!
"Tristan?" Pagtawag sa pangalan niya dahil hindi ko na narinig na nagsalita siya. Tinignan ko pa ang screen ng phone ko at baka namatay na ang tawag, subalit ongoing pa rin iyon, bukod doon ay may maririnig pa akong ingay mula sa linya niya. "Tristan?"
Umangat ang tingin ko sa paparating tren, subalit sa kabilang platform naman pala iyon.
"Huy! Kausapin mo naman ako. Minsan ka na nga lang tumawag." Kung sakala pa lang tinanggap koniyong offer abroad ni Miss Rian baka wala pang isang linggo ay nasa Pilipinas na agad ako.
Kung hindi ako sinanay ni Tristan hindi ako magkakaganito, Kupal talaga!
Umayos ako ng pagkakatayo at ilang ulit na napakurap habang nakatingin sa kabilang platform. Mas lalong kumabog ng napakalakas ang dibdib ko ngayon. Hindi ko alam kung namamalik mata lang ba ako o talagang desperada na ako. "T-Tristan...? N-nasaan ka? N-nasa I-Ilagan ka pa rin b-ba?"
["Na-mi-miss ko na iyong mga ngiti mo, iyong paghawak mo sa kamay ko, iyong perfume mo... kahit iyong pang-aasar at pang-aapi mo sa akin, Crisella. Miss na miss na kita, kaya nandito na ako, uuwi na ako, uuwi na ako sa'yo."]
Nasapo ko na lang ang mga labi ko habang pinipigilan ang sarili ko sa paghikbi dahil nagsimula ng mag-unahan ang mga luha ko.
Dali-dali kong kinuha maleta ko at nagmamadaling bumaba ng escalator. Kakamadali ay halos talunin ko na iyon. Kaagad kong hinanap si Tristan mula sa second floor ng train station, subalit sa dami ng tao ay hindi ko siya magawang makita.
"Nasaan ka?" Tanong ko sa kanya sa kabilang linya habang pilit siyang hinahanap sa dami ng mga pasahero g bumababa. Imposibleng nakalabas na siya ng train station! "Tristan?!"
["Po? Pauwi na. May gusto ko bang pasalubong?"]
"Wala, wala! Gusto ko lang na makita ka na." Naibaba ko ang phone ko ng makita ko rin siya sa wakas. Hindi kaagad ako nakalapit sa kanya dahil natulala ako habang nakatingin sa kanya, naka-shorts lang siya at nakasuot ng grey hoodie, habang nakasukbit sa kanang braso niya ang backpack niya, hawak-hawak naman niya ang maleta niya sa kaliwang kamay.
Malalim akong napabuntong hininga at inipon ang lakas ng loob ko bago patakbong yumakap sa kanya na siyang ikinagulat niya.
"C-Crisella..."
Hindi ko siya binigyan ng tugon, sa halip ay niyakap ko lamang siya ng napakahigpit, naramdaman ko naman din ang pagyakap niya sa akin pabalik. Doon ko unti-unting naramdaman ang pag-alis ng mga agam-agam ko at napakaraming bagay na bumabagabag sa akin.
"Tristan," humiwalay na ako sa pagkakayakap sa kanya at hinarap siya. Sumasayaw na naman sa tuwa iyong mga daffodils sa mga mata niya kaya napangiti na lang ako bago siya batukan. "Napakupal mo! Talagang natiis mo ako?"
"Inuwian na nga po!" Giit niya habang himas-himas ang batok niya. "Seryoso ka pala na yayakapin mo muna ako ng mahigpit bago mo ako batukan?"
"Aba malamang! Talagang naisipan mo pang umuwi ngayon?" Ngiwi ko at nakahalukipkip na ako habang nakatingin sa kanya ngayon.
"Umuwi ako kasi na-mi-miss ko na si mini Crisella at mini Tristan ko ano?! Mamaya ginugutom mo mga pusa ko, kaya dapat lang na umuwi na ako!" Reklamo niya kaya natawa na lang ako. "Saan ka pala pupunta? Bakit may dala kang maleta?" Aniya at binalingan ng tingin ang maletang dala ko.
Bahagya na lang akong napangiti, nagkibit-balikat at hinawakan na ang kamay niya. "Welcome home."
"I love you too."
Umikot na lang sa ere ang mga mata ko bago kami sabay na lumabas ng train station para umuwi.
──────⊱◈◈◈⊰──────
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro