Chapter 3
Chapter 3: The Bookworm
CRISELLA'S POV
HINDI na ako nakapag-isip pa, kusang kumilos ang katawan ko at itinulak si Xhera palayo kay Brooke ngunit may walang hiyang pumatid sa akin dahilan upang maging si Xhera na plano ko lang namang ilayo sa pananakit ni Brooke ay nadamay sa pagkakalagapak ko sa tiles ng cafeteria.
Paniguradong binat talaga aabutin ko nito!
"Crisella!""Iyong novel ko!"
Dalawang sigaw ang umaalingawngaw sa paligid matapos kong lumagapak sa sahig: si Sohan iyon at si... Tristan?
"Fck. Crisella, are you okay?!" Nag-aalalang tanong sa akin ni Sohan na maagap akong tinulungang tumayo.
Marahan naman akong tumango sa kanya kahit na namimilipit sa sakit ang kanang tuhod at siko ko. Nang makabangon ako ay iritable akong lumingon kay Xhera na tinutulungan ngayon ng pamilyar na lalaki. Lumapit ako sa kanya at inis na hinila ang blouse niya.
"Naturingan kang matalino ang tanga-tanga mo!" Bulyaw ko sa kanya na siyang ikinagulat niya. "You're being bullied and you don't have any plans of making an action?! Magpabully ka all you want pero huwag mong gigisingin ang konsensya ko!"
And she started crying again which made me more frustrated! If there's a reason for me to hate her it is because of her crybaby attitude, fck! Gusto ko na siyang sabunutan!
Aalis na sana ako ng may maapakan ako, it is a novel. Basang-basa iyong novel mula sa soup! Hinawi ko na lang patalikod ang buhok ko at umalis na roon. Sumama lang lalo ang pakiramdam ko sa nangyayari ngayon.
"Hindi ka na ba nahihilo?" Nagulat ako sa boses ni Sohan, sumunod pala siya sa akin paakyat ng classroom. "Mhmm... that's better." Nginitian lang niya ako at tinapik sa balikat bago ako talikuran. Mabuti na lang at hindi na siya nangulit pa.
Pag-inom agad ng tubig ang una kong ginawa matapos kong makaupo sa table ko, parang nanunuyo iyong lalamunan ko sa kakaisip kung ano ang nalalaman ng lalaking iyon. Anong ugnayan nila ni Xhera? Nasa isip ko na gamitin si Xhera subalit mabilis akong umiling, hindi dapat ako manggamit ng sinoman.
Nang dumating ang uwian ay dali-dali agad akong lumabas ng classroom. Nag-iwan lang ako ng message kay Sohan at sumakay na ng tricycle papunta sa estasyon ng tren. Iniiwasan ko rin ngayon sina Brooke dahil paniguradong aawayin niya ako kaya pinatay ko na lang muna ang phone ko.
Bumili na rin muna ako ng frappe kahit na hindi pa naman ako pupwede sa malalamig na inumin at pagkain ngayon. Kailangan ko ng refreshment. Nakaksira ng ganda ang stress.
Aapuyin din naman ako ng lagnat mamayang gabi kaya bakit hindi ko pa susulitin?
Tulad ng nakasanayan ay naghintay lang ako ng tren sa train platform, walang masyadong pasahero sa paligid kaya tahimik ang isipan ko, hindi ko alam kung bakit ang paghihintay ng tren at pagsakay sa tren ang pinakapaborito kong gawin sa loob ng isang araw.
Narinig ko na ang busina na paparating na ang tren kung kaya't umayos na ako nang pagkakatayo sa train platform subalit bago ko pa man matanaw ang tren na paparating ay nangyari ang bagay na hindi ko inaasahan.
"Crisella Travios." May kalaliman ang boses ng lalaking tumawag sa akin, marahan ko siyang nilingon para lamang iangat ko ang tingin dahil sa katangkaran niya.
Kusang kumabog ang dibdib ko dulot ng takot at kaba habang pinagkakatitigan ko siya ngayon na nasa harapan ko at diretsong nakatingin sa akin ang mata niya na tinutulay ng pilat. Umaalingawngaw na sa paligid ang busina ng tren ngunit higit na mas naririnig ko ang malakas na pagkabog ng dibdib ko.
"Excuse me?" Itinaas ko ang kaliwang kilay ko para itago ang takot at kaba ko, wala akong maisip na dahilan para lapitan niya ako maliban sa naganap nung linggo na iyon.
"Mabuti na lang at nakita kita rito."
Nanatiling nakataas ang kilay ko habang nag-aabang sa susunod niyang sasabihin.
"Kailangan mong bayaran iyong libro ko na nasira mo."
At sa mga oras ito ay gusto ko na lang tumalon sa riles ng tren at magpasagasa. Alam niya... naaalala niya! Fudge. Looks like I'm about to drown. Hindi ko pa napag-iisipan kung anong gagawin ko sa oras na komprontahin niya ako tungkol sa nalalaman niya!
Umaalingawngaw ang busina ng tren habang sumasabay ang dibdib ko na malakas ang pagkabog ngayon. Napako na ako sa kinatatayuan ko at ngayon ay hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin. Ilang ulit akong napakurap dahil hindi ko alam kung ano ang siyang dapat kong sabihin hanggang sa buksan niya ang bag niya at inilabas mula roon ang isang libro na nakabalot ng ziplock bag.
Nalilito akong napatingin sa kanya kasabay ng unti-unting paghupa ng nararamdaman kong kaba. Mariin kong nakagat ang pang-ibabang labi ko bago ko hablutin ang hawak niyang cellphone, nagulat siya dahil sa ginawa ko ngunit mabilis kong nabuksan ang contact niya, mabuti na lamang at walang lockscreen ang cellphone niya.
Si-nave ko ang phone number ko bago ibalik ang cellphone niya. "Just contact me, wala akong cash para bayaran ka ngayon." Pahayag ko at patakbong sumakay sa tren na paalis na ng mga oras na iyon.
Para akong tumakbo sa marathon ng makaupo ako sa loob ng tren. Pupwede ko naman na siyang bayaran ngunit gagamitin ko ang pagkakataong ito para malaman kung ano ba talaga ang nalalaman niya. Iyong librong tinutukoy niya ay iyon pala ang libro na naligo sa soup kanina pero bakit ako ang may kasalanan?!
Napatid na nga ako at sumalampak sa sahig ako pa rin ang may sala? Nagkapasa pa nga ako sa binti!
"HUWAG mong guluhin si Brooke. Away babae ito, labas ka na rito." Pagkauwi ni Sohan ay wala na agad akong ginawa kung hindi ang bantaan siya. Alam ko ang ugali nitong Kumag kong kaibigan, imposibleng wala siyang gawin against kay Brooke.
"Did she apologize to you?"
Kakainom ko pa lang sa gatas ay hindi na agad ako nakuntento kaya nagtimpla pa ako ng tea para ihalo iyon sa gatas ko. "Huwag mo ng patulan ang pagiging isip bata 'nun."
"I'm asking you Crisella, did she apologize to you?" May diin na ang tanong ni So ngayon kaya naibaba ko ang milktea ko.
"Hindi."
"Fine. Hindi ako manghihimasok sa gulo ninyo pero sa oras na saktan ka na naman ni Brooke sa harapan ko mismo ay naiintindihan mo naman na kung anong magagawa ko hindi ba?"
"Hindi mo pwedeng saktan ng pisikal si Brooke, Sohan." Saway ko sa kanya pero nginisian lang niya ako.
"Who told you that I am going to hurt her physically? Well, I'm planning to hurt her anyway, in a way wherein we can benefit."
Napakagago talaga ng lalaking ito kaya naman natawa na lang ako. Alam ko kung ano ang tinutukoy niya sa 'we can benefit'. Totoo nga rin naman na mas makakaapekto kay Brooke kung anuman ang gagawin ni Sohan. Kung gago ang kaibigan ko mas gago ako. Lumapit ako sa kanya bago magsandok ng kanin at ayusin ang hapag-kainan.
"I want you to do it tonight, So." Natatawang saad ko na siyang nagpangiti sa kanya.
"Then give me the number."
"Sure." Pumitik pa ako sa hangin at excited na tumakbo papasok sa kwarto ko para kunin ang cellphone ko.
Isesend ko na sana ang number na hinihingi sa akin ni Sohan ngunit napatigil ako sa limang missed calls na natanggap ko mula sa unknown number, may dalawang message din na kasama.
From: +639*********
- The book cost 399php. It is up to you kung babayaran mo ako o bibilhan mo ako ng bago, kakabili ko lang ng book kahapon bago mo masira kaya same price ang ilalapag ko.
- Tristan, Grade 10 - Rizal
He is in grade 10?
Nakagat ko na naman ang pang-ibabang labi ko habang hindi makapaniwalang binabasa nang paulit-ulit ang message niya. May mas tarantado pa pala talaga kay Sohan. Talagang hindi siya nahiyang magsabi?! Rereply-an ko na sana siya pabalik para awayin ngunit pinigilan ko kaagad ang sarili ko, fine, magbabayad ako ng 399, barya lang naman iyon. Tss!
"Crisella?" Tawag sa akin ni Sohan dahil para matauhan ako. Nagtatanong ang mga mata niya dahil sa hitsura ko habang tinitignan ang cellphone ko.
"It's nothing. Na-send ko na iyong number na kailangan mo. Fifty thousand ang akin ah." Wika ko at naupo na sa mesa para saluhan siyang kumain, tanging ngiti na lang ang ibinigay sa akin ni So na siyang nagpabungisngis sa akin.
ALAS CINCO pa lang ng umaga ay bumangon na ako para mag-jogging sa labas. Tulog pa si Sohan ng umalis ako para mag-jogging. Once a week lang ako mag-jogging at hindi ito ang araw na iyon it just happen na pakiramdam ko ay lalo lang akong magkakasakit kung hindi pa ako lalabas ng bahay, mabuti na lang talaga at maayos na ang pakiramdam ko ngayon.
Nasa isang oras lang akong nag-jogging sa loob ng village, sumikat na ang araw ng napagdesisyunan kong umuwi na ngunit pabalik na ako ay muntikan pa akong masagasan ng reckless driver. Bike na nga lang ang minamaneho ay hindi pa nag-iingat.
"Stupid!" Singhal ko sa babaeng muntikan ng makasagasa sa akin.
Namimilog ang mga mata niya sa gulat ng makita ako, paniguradong mas nagulat siya ng makilala kung sino ako sa halip na magulat siya sa paninigaw ko sa kanya. "I'm---"
"You're going to apologize again? Anong silbi ng pag-a-apologize mo kung paulit-ulit iyang katangahan mo? Mabuti pa, magbike ka papunta sa public library, basahin mo lahat ng libro doon pero kung babalik ka pa ring tanga, magpatiwakal ka na lang!" Lintaya ko kay Xhera kaya naitago na lang niya ang mukha niya sa helmet na suot niya. Tatalikuran ko na sana siya ngunit may isang bagay pa akong naalala. "By the way," inilahad ko ang palad ko sa kanya. "Sinisingil ako ni Tristan dahil sa libro niya, hindi ako ang nakatapon ng soup sa libro niya, ikaw iyon, remember? Now, give me 399 pesos to pay for it."
Barya nga lang ang 399 pesos pero ilang yarda rin ng tela para sa bagong damit ni Ivory ang mabibili ko gamit iyon.
At wala nga kasi akong kasalanan sa nangyari!
Wala namang pag-aalinlangan at tanong-tanong na inabot sa akin ni Xhera ang five hundred pesos bill na iniwan pa sa akin ang sukli. Hindi ko na siya inimik pa sa halip ay tumalikod na ako at nag-jogging na pauwi. Curious man ako kung bakit dito siya nagba-bike ay hindi na ako nag-abalang magtanong pa.
Subalit pauwi pa lang ako ay nangungunot na ang noo ko, hindi naman ako nangotong 'di ba? What the hell? I feel like illegal ang paghingi ko ng pera sa kanya kahit siya naman ang may kasalanan sa nangyari.
Malapit na ako sa bahay nang walang anu-ano ay sumulpot si Xhera sa harapan ko, hingal na hingal pa siya mukhang nagmadali siyang mag-bike para lang mahabol ako. Salubong na ang mga kilay ko ng harapin ko siya.
"What?" Mabilis kong tanong sa kanya.
Na-realize ba niyang kailangan niyang bawiin iyong inabot niyang cash sa akin?
"Tell me, Crisella. Why do you hate me?" Desperadang tanong niya na ikinagulat ko. "Brooke h-hates me because I keep on a-achieving the highest rank. W-what about you, why do you h-hate me that much?"
Talagang hinabol niya ako para lang dito? Nagugutom na nga ako eh! Napahalukipkip ako at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. "It's because you're stupid. The fact that you're spilling my juice is another way of stupidity, you know?"
Unti-unting naglaho ang kagustuhan niyang alamin ang dahilan kung bakit ko siya kinamumuhian at marahan iyong napalitan ng pagtataka.
"Spilling your juice...?"
"You're wasting my time!" Singhal ko sa kanya na ikinagulat niya.
"Pero nagresponse ka sa sinabi ko!"
"Sa ginagawa mo ngayon, hindi mo sinasayang iyong oras ko? Nagugutom na ako, kaya pwede ba, umayos-ayos ka. Huwag mo akong tanungin ng tanong na alam mo naman ang sagot."
"Crisella, hindi ko maintindihan. Hindi kita maintindihan." Paano niya nagagawang kumalma?! "Please, just give me an answer. Iyong malinaw dahil nalalabuan talaga ako, payag ako kahit may kapalit!"
At doon napantig ang tainga ko. "Now, you want to make a deal with me?"
"Yes!"
Just how many times will she going to disturb me, argh! I bit my lower lip, may naisip na akong rason para tanggapin ang deal na inalok niya. Pinagbuksan ko siya ng gate at pinatuloy sa balcony. I don't want to welcome her in our home after all.
Ngayon, saan nga ba papunta ang usapan namin?
"My girl finally brought a girl friend!"
Nabato ko ng masamang tingin si Sohan dahil sa biglang pagdungaw niya sa pintuan. Ayaw pa niyang umalis kaya dinampot ko ang towel na pinamunas ko at binato sa kanya dahilan upang tigilan niya ang panggugulo.
"You guys are living together?" Tanong ni Xhera dahilan upang mapangiwi ako.
"It's not your business. Huwag mo ng pansinin ang Tukmol na iyon. Let get's into our business."
Now we'll see kung may matino ba akong masasabi sa kanya. Bakit ba ako ang ginawa niyang adviser? I would undersatnd kung ako pa ang ginawa niyang financial adviser.
Matapos ang mahabang talakayan kay Xhera na hindi ko alam kung nagawa bang intindihin o hindi ang mga sinabi ko ay gutom ang siyang inabot ko. Nabuburyong akong nakatingin sa kanya ngayon, oras na para tumupad siya sa deal namin.
"Anong paboritong novel ni Tristan, Xhera?" Pansin ko ang pagkagulat sa mga mata ni Xhera dahil sa tanong ko. Wala akong pakialam sa gulat niya ngunit naisip ko, paano kung in a secret relationship pala silang dalawa ni Tristan? "Let me clear one thing to you, wala akong interes sa boyfriend mo, okay?"
"Hmm? No, Tristan's not my boyfriend." Mabilis na tanggi niya.
They're not in a relationship, uh? "Then, so be it."
Nang makuha ko ang impormasyon na kailangan ko kay Xhera ay agad na natapos ang usapan naming dalawa. Ni hindi ko nga siya inalok ng makakain, dahil tulad ng sabi ko, ayoko kong i-welcome siya sa bahay namin.
Papasok pa lang ako sa loob ng salubungin ako ni Sohan sa may pintuan matapos kong ihatid palabas si Xhera. Nakahamba siya sa pintuan habang naniningkit ang mga mata niya na nakatingin sa akin.
"Nagluto ako ng makakain, hindi mo man lang pinatuloy sa loob iyong kaibigan mo para mag-agahan?" Pag-uusisa ni So kaya mabilis akong umiling.
"She's not a friend mine."
"Really?" Nanunuya ang tono niya, ayaw maniwala sa sinabi ko. "Ano pa lang pinag-usapan ninyong dalawa?"
Malalim akong napbuntong hinga bago iaangat ang tingin kay Sohan. "I told her to do the things that I failed to do before." Nakangiting saad ko at tianpik ang balikat niya bago pumasok sa loob para mag-agahan na.
──────⊱◈◈◈⊰──────
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro