Chapter 26
Chapter 26: Neverending Squabble
CRISELLA'S POV
MAGAAN lang naman ang trabaho ko sa shop, ang kaso bumigat dahil kasama ko sa trabaho si Tristan. Hindi ko siya iniimik, kahit nung break time ay hindi ko siya pinansin, nakatuon lang ang atensyon ko sa customers, iniiwasan ko rin kasing mapansin kami ni Miss Bethany.
Kahit na inaabala ko ang sarili ko sa trabaho ay napapansin ko pa rin ang pagnanakaw ng tingin sa akin ni Tristan. Nagpipigil lang ako pero kanina ko pa gustong dukutin ang eyeballs niya!
Pagkatapos ng shift ko ay inayos ko kaagad ang mga gamit ko. Wala akong plano na magpasundo kay Sohan ngayon, paniguradong lasing na si Kupal, baka hindi ko na masilayan ang pagsikat ng araw oras na sunakay kaming dalawa sa motor.
Nakita kong ichinecheck na nina Miss Bethany ang inventory, nagpaalam lang ako at umalis na. Iniibabaw ko pa ang stun gun ko sa loob ng bag ko ng madali kong madukot ito oras na kailanganin ko.
How I hate commuting at night! Wala naman akong choice kasi ayaw kong magdrive ng motor, dahil ayaw pa akong pagbigyan ni Sohan na magkaroon ng sarili kong kotse, tsk!
Kakasakay ko lang sa jeep ng may Kupal na humabol para sumakay at diretsong tumabi sa akin!
"Anong ginagawa mo rito?" Nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kanya. Iniiwasan na nga, makakasabay pa talaga sa jeep! Napakapit pa ako sa railings ng humarurot ng jeep, nasubsob ang katawan ko kay Tristan kaya kaagad akong umayos ng upo.
"Well, iisang way lang ang daan natin pauwi. Malayo ang train station at pasara na rin iyon, alanganing makahabol ako sa last train..."
Talagang nag-explain pa!
Inayos ko na lang ang pagkakahawak sa railings dahil mabilis magdrive si Manong Driver, gabi na at maluwag ang kalsada kaya walang pakundangan kung lilipad na ang jeep! Hindi ko na pinansin si Tristan at bahagya pang lumayo sa kanya.
For all I know, ginagantihan lang niya ako, ang kaso, hindi naman siya ganoon kaisip bata para maggantihan kaming dalawa.
Pagbaba ng jeep ay dire-diretso na akong naglakad sa village. Nang may mapansin akong sumusunod sa akin, dala ng pagpapanic ay kaagad kong kinapa ang stun gun ko na nasa ibabaw lang ng bag ko. Mahigpit kong hinawakan iyon habang nananatili iyong nakatago sa bag ko ng marinig ko ang boses ni Kupal!
"Maglalakad ka ba pauwi?"
Napapadyak ako sa inis bago siya harapin. "What do you need? Talagang susunod ka sa akin?"
"Well, gabi na at wala kang sundo."
Isinarado ko na ang bag ko at hinarap siya ng maayos. "I can handle myself, hindi mo na ako kailangang ihatid."
"Fine. Fine, ihahatid kita sa sakayan lang ng tricycle, okay?"
"No." Mabilis na tanggi ko. Pagod na ako may gana pa siyang makipagtalo! "Umuwi ka na. Hindi ka pa ba nakakaramdam ng pagod? Klase sa umaga, part time job sa gabi. Hello?"
Nagulo niya ang buhok niya at alanganin akong nginitian. "Hindi rin naman ako makakapagpahinga ng maayos kung hahayaan kitang umuwi mag-isa."
Ginugulo lang niya lalo ang isip ko! Wala na akong lakas na makipagtalo kaya tinalikuran ko na siya at naglakad sa trike terminal na ilang dipa na lang naman ang layo. Nananatili pa ring nakasunod sa akin si Tristan.
Sumakay ako ng tricycle ng hindi na siya nililingon. Mas lalo lang talaga akong naiinis sa kanya.
Alam ko namang tama ang sinabi ni Xhera na dapat ay kausapin ko siya ng mas maayos, iyon lang ayaw ko ng mag-abala. Hindi ko naman ikamamatay kung wala siya, isa pa, iisang lalaki lang ang iiyakan at hahabulin ko at iyon ay si Sohan. Laging si So.
Iaabot ko pa lang sa driver ang bayad ko pagkababa ko ng mapaarko ang kilay ko.
"Akala ko ba umuwi ka na?" Nagtatakang tanong ko kay Tristan! Si Kupal, sumakay sa tabi ng driver, akala ko may iba pang pasahero kaya hindi na ako nag-abalang tignan kung sino.
Sa halip na sagutin ako ay hinila ako palayo ni Tristan sa tricycle driver na naghihintay sa kanya. "Naiintindihan ko kung bakit ka galit sa akin." Panimula niya na mas lalong nagpangiwi sa akin.
"Iyon na nga, alam mong galit ako, ayaw mo pa akong lubayan?"
"Crisella," marahang sumasayaw sa hangin ang mga daffodils sa mga mata niya kaya napaiwas ako ng tingin. Tinatawag na naman niya ako sa pangalan ko! Normal na tawagin ako ng mga tao sa pangalan ko, identity ko iyon eh, pero pagdating sa kanya, palagi na lang akong nanghihina sa tuwing tatawagin niya ako sa pangalan ko. "Alam kong mali na ipagpapabukas pa natin ang usapang ito pero sinisiguro ko sa iyo, anuman ang nasa isip mo ngayon, hindi iyon ang intensyon ko."
"Kung hindi iyon ang intensyon mo, sana nilinaw mo kaagad." Napapikit ako sa inis. Gusto ko ng matulog, ayaw ko ng makipagtalo sa kanya! "Whatever! Bukas na tayo mag-usap. Baka matiris na kita sa inis kung makikipag-usap ka sa akin ng pagod ako."
Doon na unti-unting sumilay ang ngiti sa labi. "Thank you!"
Tinanguan ko lang siya at papasok na sana ako sa loob subalit may pahabol pa si Kupal. "Crisella, goodnight!" Aniya bago abutin ang kaliwang kamay ko at dampian ng halik ang likod ng palad ko bago siya sumampa sa tricycle. "Bye!"
Hindi na ako nakapagpaalam pabalik sa kanya dahil tulala akong nakatingin sa kamay ko. Goodnight?! Mukha ba akong makakatulog matapos ang ginawa niya?!
TATLONG oras lang ang naitulog ko. Magdamag akong tulala sa kwarto ko kagabi, alas-quatro na ata ako ng umaga nakatulog, nagising na lang ako sa ingay ng alarm ko.
Mababaliw na ako!
Nagpapainit pa ako ng tubig nang lumabas si Sohan sa kwarto niya. Isang tingin pa lang, alam kong lasing na lasing siya! Narinig ko ang pagdating niya kagabi pero hindi ako nag-abalang tulungan pa siya, nag-inom siya, responsibilidad niya sarili niya!
"Masaya mag-pop up?" Sarkastikong tanong ko bago siya abutan ng isang basong tubig at dalawang saging. "Tiisin mo iyan, YOLO ang quote mo in life 'di ba?"
"Inggit ka lang kasi 'di maka-absent sa trabaho mo."
"Huh? Shut up! At least ako, I earn money, ikaw, wala kang ibang ginawa kung hindi magwaldas!"
"Excuse me? Sa ating dalawa ako ang madalas gumastos, ikaw, bihira ka nga gumastos pero doble sa nagagastos ko pang-araw-araw ang ginagasta mo sa isang araw."
Umikot sa ere ang mga mata ko bago siya ipagtimpla mg kape. "Wala akong alam sa sinasabi mo. Bakit hindi mo kaya i-compute lahat ng gastos mo ng makita mong mas gastador ka sa akin!"
"Whatever! Tigil-tigilan mo nga ako sa mga dahilan mo Crisella, kaya ka lang naman nagtatrabaho sa shop na iyon para makita mo si Tristan."
Muntik kong maibuhos sa kanya ang mainit na tubig. Iniiwasan ko na nga munang masagi sa isip ko ang kupal na iyon, pinaalala pa ng mabait kong kaibigan.
"Wala akong alam sa sinasabi mo. Mabuti pa, mag-almusal ka na lang dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa iyo."
Inismiran ko lang si So at inihanda na ang almusal. Hindi ko siya hinainan at nauna na akong kumain dahil sa inis sa kanya. Mabuti na lang talaga at kahit papaano ay maaga akong nagising!
Tahimik akong kumakain ng magsimula na namang mang-asar si So, ayaw talaga niyang magpaawat!
"Good morning!" Nakangising aniya na siyang nagpakunot ng noo ko. Iniangat niya ang phone ko at natatawang binasa ang messages sa notification ko! "See you later! Huwag ka ng magalit sa akin, please."
"Sohan!" Mahigpit kong nahawakan ang tinidor at nagtangkang ibabatobsa kanya iyon, ang kaso tinawanan lang ako ni Kupal!
"What the hell? LQ agad kayo?" Tawa niya kaya tinigilan ko ang kinakain ko at hinabol siya para agawin ang phone ko!
"Ibalik mo ang phone ko! Sohan!"
"No way! Kailan mo pa sinagot si Tristan, huh?"
"I haven't! Kaya naman give my damn phone back!" Hindi siya nakikinig sa akin kaya naman pinatid ko na para maagaw ko ang phone ko. Sayang lang at nagawang ibalanse ni So ang katawan niya! "Hindi ko nga inoopen messages ng Kupal na 'to, binuksan mo naman?" Singhal ko sa kanya.
"Chill HAHAHA! Ano ba kasing pinag-awayan ninyo?"
Nilingon ko siya at inis na inangat ang middle finger ko. "Manahimik ka na! Gusto ko lang kumain ng tahamik, kaya huwag mo na akong guluhin!"
"Aga-aga, ang sungit mo. Paano kapag nagka-wrinkles ka agad niyan, makita ni Tristan? E'di iniwan ka?"
"Oh God! Sohan, manahimik ka na sabi, isa pa, hindi naman ganoon si Tristan!"
Pikon na pikon na ako at hindi ako makaganti!
Tinurn off ko na lang ang cellphone ko at tinapos ang pagkain ko.
Nang makapagbihis ako ay umalis ako ng bahay ng hindi na nagpapaalam kay So. Alam na alam niya talaga kung paano kuhain inis ko!
Sa train station pa lang ay ang dami ng tao, siksikan na naman sa loob ng tren. Kaso anong magagawa ko? Ayaw ko namang sumakay ng jeep papasok kasi lalo akong ma-ha-haggard. Matagal pa bago dumating ang kasunod na tren kaya naman binuksan ko muna ang cellphone ko at nagpalipas ng oras kaka-scroll sa plastisizm.
Saktong may recent post sa ‘Todei's Catch-up’ si Miss Bethany, napansin ko mula sa maliit na screen na kasama roon si Tristan kaya pinindot ko iyon photo. Kagat-labi at alanganin akong nakatingin sa picture niya, ang awkward niya sa pictures. No wonder hindi siya nagpopost sa social media accounts niya pero kahit na hindi siya nagpopost at kahit halos walang laman ang feed niya, ang dami niya followers!
Tinurn off ko ulit ang phone ko, si Tristan na naman! Sinabi na ngang bahala na siya sa buhay niya, makipag-usap siya kung makikipag-usap siya hindi iyong bigla siyang sasagi sa isip ko!
Umayos na ako ng pagkakatayo dahil parating na ang tren.
Iniharap ko ang bag ko at sumakay ng tren, may nagsigawan pa sa harapan ko kasi nakaharang sa daraanan iyong papasakay pa lang kaya hindi makalabas ang mga pasaherong palabas. Napailing na lang ako, kahit na sabihing unang beses nila makasakay ng tren, sa ibang public vehicles din naman ay uunahing palabasin ang mga pababa at palabas.
May bakanteng safety rail kaya kaagad akong sumandal doon, ngayon sumipa iyong antok na hindi ko nararamdaman kanina. Isinandal ko muna ng ulo ko sa bakal at pasimpleng natulog, bakit nga naman nagpuyat ako? Makita ko lang iyong kupal na iyon mamaya masasaktan ko talaga siya.
Nasa iisang department pa naman na kami ngayon, mas madalas ko na siyang makikita!
Naalimpungatan ako dahil sa announcement sa train na nasa paparating na ako sa estasyon na bababaan ko. Hindi ko pa naimumulat ang mga mata ko ay napansin kong hindi na ako sa safety rail nakasandal.
Nakasandal ba ako sa katabi kong pasahero?!
Marahan kong iminulat ang mga mata ko, kitang-kita ko kaagad ang reflection ko sa salamin ng door train, katabi ang pamilyar na Kupal! Abala na ang mga mata at kamay niyang maglipat ng pahina ng librong binabasa niya samantalang nakaalalay ang katawan niya sa akin na nakadantay sa kanya. Nang umalis ako sa pagkakasandal sa kanya ay nauntog pa ako sa baba niya. Pipino!
"Kung saan-saan ka natutulog." Aniya kaya kaagad kong ipinagpag ang sarili ko at umayos ng tayo dahil pababa na kami.
"Tsk! Hindi kaya, isa pa ikaw itong tulog nang tulog kung saan-saan. Remember, natutulog ka sa fish pond sa parking space?"
"Hmm... really?" Ngisi niya bago ibaba ang tingin sa akin. "Gising ka na ba? Gusto mo buhatin na kita papasok ng campus?"
Bahagyang nangunot ang noo ko bago siya suntukin sa braso. "Asshole. Kaya ko saraili, saka umidlip lang ako, iba 'yun sa tulog, hindi naman ako totally unconscious, kita mo nga, nagising pa ako sa station na bababaan ko." Angil ko at nauna ng lumabas ng train nang huminto ito at bumukas ang pintuan.
"Crisella, saglit lang!"
Dumiretso na ako sa ticketing machine at tinap ang beep card ko roon habang humahabol si Tristan sa akin. Mas binilisan ko ang lakad ko at nang makarating sa trike terminal ay sumakay kaagad ako ng tricycle. Punuuan na ang tricycle kaya umandar kaagad iyon para ihatid kami sa campus.
Subalit akala ko ay nakalayo na ako kay Kupal, nakabuntot pa rin pala siya sa akin. Magkasunod lang ang tricycle na sinakyan namin!
"Crisella!" Malakas na tawag niya sa akin, napatingin tuloy iyong ibang schoolmates namin habang nagmamadali akong tumakbo sa room namin.
Nakita ko hindi kalayuan si Xhera, hihingi sana ako ng tulong sa kanya pero tinawanan at kinindatan lang niya ako!
"Galit ka pa rin ba sa akin?" Sa huli ay nakahabol din si Tristan. Haba ba naman ng biyas! "Crisella, alam ko kung bakit ka galit sa akin. Pero iyong sinabi mo kahapon, totoo naman iyon hindi ba?"
Malalim akong napabuntong hininga, huminto ako sa gitna ng daanan para lang harapin siya. "Alam mong hindi ako nakakapagsinungaling sa iyo, alam mo nga na shoplifter ako." Humina ang boses ko ng banggitin ko ang krimen na ginagawa ko.
"Right! Pero hindi iyon ang kaso rito, okay?"
Umikot sa ere ang mga mata ko. "Then what?!"
Nakagat niya ang pang-ibabang labi noya sabay iwas ng tingin sa akin. "Okay, okay. Mas tatanggapin ko naman iyong hampas at paninigaw mo sa akin kaysa iyong iniiwasan mo ako at hindi pinapansin."
Umarko ang kilay ko ngayon. Xhera's right. May iba talagang tumatakbong kalokohan sa isip nito ni Tristan. Nakahanda na tuloy ang mga kamay ko na sabunutan siya ngayon.
"Mali kasi na ikaw ang magsabi o magtanong na dapat maging tayo eh."
Habang nagsasalita siya ay patuloy naman sa pag-angat ang kilay ko. "What? Sinasabi mo bang ikaw lang ang magsabi o magtanong ng bagay na iyon, huh?"
"Of course, that's how it works hindi ba? Sa novels, sa telenovelas they got in a relationship dahil---"
Malalim akong napabuntong hininga, hindi ko pinatapos ang sinasabi ni Tristan Kupal dahil nasampal ko na agad siya, sana naman kahit papaano nagising siya. "Napakag×go mo talaga! Let me remind you, I am not your ideal girl, Tristan. Kaya wala kang maaasahan sa akin para sa cliches mo. We're not a main characters inside a novel, wake up. Kung ganyan ang mindset mo, mabuti pa, lubayan mo na ako. Ginigising mo lang iyong parte ng pagkatao ko na hindi mo na dapat gisingin pa."
"Crisella, wait. I apologize, nabigla rin kasi ako kahapon. Pero ganoon naman kasi talaga iyon hindi ba?"
"My God, Tristan!" Naipaling ko ang ulo ko habang nakatingin sa kanya. "Ayaw mong ako ang gumawa ng first move?"
"Uh... no. Hindi lang ako sanay. Besides, bago kasi tayo mag-usap kahapon, iyong huling beses na nag-usap tayo, pinapatigil mo na akong manligaw, hindi ba? Kaya nabigla ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, ang unang sumagi sa isip ko ay tumanggi."
Ako na ang nag-iwas ng tingin ngayon. Aminado ako na sa akin ang mali, hindi ko nga naman nalinaw ang sinasabi ko sa kanya ng gabing iyon. Anong gagawin ko ngayon?! "Kalimutan mo na. Ayos na, hindi mo na kailangan magpaliwanag."
"Crisella, galit ka pa rin ba sa akin?"
"Nah. Naiintindihan ko na, may mali rin ako."
"Sana sinabi mo ng mas maaga." Sabi niya at bahagya akong nginitian. Inabot niya ang kanang kamay ko at hinawakan iyon. "Sana sinabi mong tumigil na ako manligaw sa iyo kasi---"
"Aish! Sush-shhh!" Itinapat ko ang kaliwang hintuturo ko sa labi niya para patigilin siya. "No. Hindi ganoon iyon ah."
"Akala ko ba hindi mo ako gusto?" Nakangising aniya, inaasar ako!
Nagsalubong tuloy ang mga kilay ko at handa ng pitikin ang noo niya. "Hindi naman talaga. It's the other way around."
"Okay, anong it's the other way around? You're spilling the juice, Crisella."
"Huh? Kailan mo pa natutuhan 'yan?"
"Dunno." Kibit-balikat na aniya kaya nahampas ko ng mahina ang braso niya. "Wait, don't tell me kaya hindi mo masabi kasi you think na corny?"
"Huh? Wala akong alam sa sinasabi mo."
"Crisella, kilala kita. Na-co-corny-han ka, kanino? Sa akin? Sa iyo? Kasi na-in love?"
Nandidiri akong nakatingin sa kanya ngayon. He got me there! Pero hindi na niya kailangang sabihin. "Subukan mong mang-asar! Normal lang ito ano. Besides, I never saw myself being... damnit! Tigil-tigilan mo nga ako Tristan Kupal!" Hindi na ako nakapalag kaya idinaan ko na lang siya sa inis.
Sa mga oras na iyon, nakalimutan naming dalawa na may klase pa pala kami, nag-uunahan na ang mga kaklase namin na humabol sa kanya-kanyang classroom nila habang kaming dalawa rito ay nagpapakiramdaman pa, naghihintay na lumipas ang oras, palilipasin ang oras ng hindi ito nasasayang.
"Okay, huwag na nating gawing komplikado ito." Nginitian niya ako at bahagyang pinisil ang kamay ko na hawak niya, kinuha niya ang libro gamit ang isa niyang kamay mula sa bag niya at iniabot iyon sa akin.
Nagtataka naman akong napatingin sa kanya, binitawan niya ang kamay kong hawak niya at hinayaan akong buksan ang librong iyon.
Today Wasn't Our Fairytale ang pamagat ng libro, sa halip na basahin ang synopsis ng libro ay ang nakaipit kaagad sa gitna ng libro ang siyang napansin ko.
Mga tuyong pulang rosas, kung hindi ako nagkakamali ay galing ito sa tanim na mga bulaklak ni Tristan sa school garden.
"Crisella,"
Napasinghap ako ng tawagin ni Tristan ang pangalan ko. Sa hindi malamang dahilan ay kumabog ang dibdib ko, sa sobra lakas nito pakiramdam ko ay kakawala na ito sa ribcage ko. Pilit kong sinasabayan ang tingin ni Tristan habang masayang sunasayaw sa hangin ang mga daffodils sa mata niya.
"Do you want to write your happy ending with me?"
Pinagmamasdan ko ang kulay dilaw na mga bulaklak sa mata ni Tristan, gusto kong hanapin ang sagot sa mga tanong niya, subalit alam kong wala na akong sagot na kailangan pang hanapin, dahil matagal ko ng alam ang sagot sa tanong niya.
Sinuklian ko ang mga ngiti niya at ibinigay ang sagot na siyang makakapagbigay ng kasiguraduhan sa aming dalawa. "Let's have a happy ending, Tristan."
──────⊱◈◈◈⊰──────
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro