Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

Chapter 13: Pour some juice on the glass
CRISELLA'S POV

"NAKARAANG linggo pa pumunta si Sohan dito. Pina-upgrade motor niya. Bakit?"

Nakaraan pa? Ibig sabihin hindi siya dumaan dito? Kung hindi siya dumaan dito, nasaan ba siya ngayon? "Uh... wala, wala naman." Naiiling na naiwasiwas ko ang kamay ko sa ere. "Aalis na ako---" hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay bigla humarang sa dadaanan ko ang kausap ko bago itapon sa kung saan ang basahang hawak niya. Mabilis na umangat ang kaliwang kilay ko habang nakatingin sa kanya.

Uh-oh.

Maling-mali talaga na kung saan-saan ko hanapin si Sohan! Ngayon nasa bingit pa ng alanganin ang buhay ko! "What? Wala naman si Sohan dito. Wala ng reason para mag-stay ako rito. Mukha bang may sasakyan ako na ipapaayos sa inyo?"

"May sinabi ba ako na kailangang mong magpaayos ng kotse? May ibang bagay naman tayong pwedeng gawin sa loob."

Tangkang hahawakan ni Travis ang kamay ko subalit mabilis akong humakbang paatras. "Tss! G×go ka? Baka nakakalimutan mong menor de edad pa ako!" Singhal ko sa kanya ngunit tinawanan lang niya ako.

"Malapit ka naman ng mag-disi-otso so bakit hindi? Para namang hindi ka pa---"

Malalim akong napabuntong hininga at tinignan siya ng masama. "Alam ko na 'yang sasabihin mo. Babanggitin mo si Sohan. Iniisip mo rin na mayroon kaming intimate relationship ni So? For Pete's sake! Besides, kung gugustuhin ko man ang bagay na gusto mong mangyari, hindi ko hihilingin na gawin iyon kasama ka." Nakangiwi ko siyang tinignan mula ulo hanggang paa. "Ang dugyot mo kaya, hindi ka ba nahihiya sa akin? Yuck! Nagagawa mong paliguan mga sasakyan dito tapos hindi mo magawang paliguan sarili mo?"

Napansin ko ang pagtagis ng panga ni Travis ngunit hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin, sa halip ay umikot lamang ang mga mata ko sa ere. Nakipagtagisan pa ako ng tingin sa kanya dahil nananatili siyang nakaharang sa dadananan ko.

"Nakakalimutan mo ata na nasa teritoryo ka namin?"

Ipinaling ko ang ulo ko at natatawang tumingin sa kanya. "Okay, do it! And I'll watch you rot in jail."

Sa ganitong sitwasyon dapat natatakot na ako eh kaso nangunguna iyong pandidiri ko habang nakatingin ako sa kanya.

"Ang tapang mo ano?"

"You know what, I really hate making ampalaya and besides I don't like the term matapang, I prefer fearless. Talaga 'to pang-kanto ang term."

Mabilis kong naiangat sa ere ang mga kamay ko para sana salagin ang kamay niyang tatama na sa akin. Subalit bago pa man dumampi ang kamay niya sa akin ay mayroon ng Kupal ang bumanggit ng pangalan ko at walang pasabing hinawakan ang pulsuhan ko.

"Crisella, anong ginagawa mo rito?" Tanong kaagad sa akin ni Tristan na hawak ang pulsuhan ko ngayon.

Naniningkit naman ang mga mata ko at nalilitong nakatingin sa kanya. "Ako dapat nagtatanong niyan. Anong ginagawa mo dito?"

Tinaasan lang niya ako ng kilay at nilingon ang Kutong Lupa na may masamang binabalak against sa akin. "Dre, anong mayroon dito?" Ay aba, magkakakilala sila.

"Tsk! Iyang babaeng iyan pumunta dito para hanapin iyong kaibigan niya tapos nanlalait na." Saan humugot ng lakas ng loob itong tukmol na ito? Parang wala ako sa harapan niya kung magsinungaling ah. At para siyang bata na nagsusumbong, jeez.

"Magkukwento ka na lang kulang pa. Gagawin mo na lang akong masamang tao sa kwento mo, pumalya ka pa. Simpleng pagkukwento na lang ng nangyari hindi mo nagawa, paano pa ngayon itong nga kotse na inaayos mo rito sa talyer?"

Nilingon ako ni Tristan at pinandilatan ng mata para sawayin ako ngunit inirapan ko lang siya.

"Pagpasensya mo na 'to Dre, may topak eh. Aalis na kami ah, tapos naman na iyong pinalinis ko." Paalam ni Tristan sa kutong lupa bago niya ako hilahin pasakay sa kotse niya.

May kotse pala 'tong Kupal na 'to? Bakit laging naka-LRT?

Pinagbuksan niya ako ng pintuan at padabog naman akong pumasok sa loob. Ayaw ko pang isuot ang seatbelt ngunit si Tristan mismo ang humila ng seatbelt at inilock iyon para sa akin.

Umiwas na lang ako dahil ang lapit-lapit niya sa akin. "Hinawakan ka ba ni Travis? May ginawa ba siya sa iyo?" Magkasunod na tanong niya, naiinis pa ako kaya hindi ko alam kung paano siya sasagutin ng hindi ko siya nabubulyawan kahit gustong-gusto ko ng sumigaw.  "Nandito ka dahil kay Sohan? Kapag nalaman ni Sohan na pumunta ka dito at muntik na mapahamak tingin mo ba matutuwa siya?"

"Ay aba!" Iniiwasan kong masinghalan siya ngunit nagawa ko pa rin! "Tama lang ata na may masamang mangyari sa akin para umuwi siya ano."

"Tsk! Alam mo, ang close minded mo." Naiiling na aniya habang binubuksan ang makina ng kotse niya. Nginiwian ko lang siya at sinandal ang ulo ko sa window. "Hindi ko alam kung iyan bang pagiging close minded mo ang coping mechanism mo ngayon. Ikaw naman na ang nagsabi noon, sa iyo na rin nanggaling na mahalaga ang isa't isa sa inyo ni Sohan. Huwag ka ng gumawa o mag-isip ng kalokohan. Hintayin mo na lang siyang bumalik."

Malinaw kong naiintindihan kung ano ang gustong sabihin sa akin ni Tristan ngunit ayaw ko namang makinig sa kanya. Mas pipiliin ko pa rin talagang isarado ang isip ko ngayon. Dala na naman ng frustration ay kinuha ko ang phone ko at sinubukang tawagan si Sohan, nabuhayan ako ng loob ng mag-ring na iyon, umasa ako na sasagutin na niya ang tawag ngunit nakakailang ring pa lang ay pinatayan niya na ako.

Ibabato ko na sana ang phone ko ng pigilan ako ni Tristan. Hawak ng kaliwang kamay niya ang manibela at ang kanang kamay naman niya ay nakahawak sa pulsuhan ko.

"Kalma, kapag ba nabasag mo iyang salamin sa dashboard ko mapapalitan mo ba agad?"

Itinabi ko na lang ang phone ko sa bag ko at inalis ang kamay niyang nakahawak sa akin. "Frustrated ako, okay? Huwag mo ng dagdagan ang frustration ko."

"Okay po." Naiiling na aniya kaya napangiwi ako. What's with 'okay po'?

Hindi ko na lang siya pinansin at itinuon ang paningin ko sa labas. Madilim na sa labas, nakabukas na rin ang mga street lights at nagsisiuwian na ang ilang estudyante at empleyado galing sa kani-kanilang opisina. Hindi naman masyadong traffic ngayon kaya tuloy-tuloy ang byahe namin ngunit inihinto ni Tristan ang kotse niya sa tapat ng isang milktea shop.

Nagtataka ko siyang sinusundan ng tingin habang ina-unbuckle niya ang seatbelt niya. "Dito ka lang muna, ako ng bahala sa pampalamig mo ng ulo."

Oh? Pampalamig ng ulo, uh? Wala pa man akong nasasabi ay dire-diretso na siyang bumaba. Susunod pa sana ako sa kanya pero inataki na ako ng katamaran kaya nanatili na lang ako sa kotse niya at ibinaba ang window niyon para makalanghap ako ng sariwang hangin.

Pinapakiramdaman ko pa ang simoy ng hangin nang dumating na siya. Ang bilis ah. Muli na siyang sumakay ng kotse at inabot sa akin ang isa sa mga milktea na walang alin-alangan kong tinanggap.

Milktea na 'yun eh. Tatanggihan ko pa ba?

"Thank you!" Saad ko bago itusok ang straw sabay sipsip sa Venti Wintermelon na inorder niya para sa akin.

Natatawa naman siyang lumingon sa akin. "Thank you? May bayad 'yan."

Nilunok ko muna ang boba pearls na nasa bibig ko at hinarap siya. "Nag-thank you lang ako, wala akong sinabi na hindi ako magbabayad."

"Nagbiro lang naman ako, wala akong sinabi na seryosohin mo." Giit niya at muling pinaandar ang makina ng kotse.

Nginiwian ko na lang siya bago ituloy-tuloy ang pag-inom ng milktea. Tahimik na kaming dalawa sa sasakyan ng ma-realize ko na ihahatid pala niya ako. Hindi naman na niya ako kailangang ihatid. "H-huy! Huwag mo na akong ihatid. Kaya ko naman ng umuwi mag-isa. Iyan naman na iyong tren, ibaba mo na lang ako sa pinakamalapit na train station."

"Tapos pagbaba mo sa train station diyan, iyong kasunod na station ay village niyo na? Pagbaba mo ng tren, sasakay ka pa ng tricycle kasi pagod ka na para maglakad. Hindi ba at mas hassle iyon?"

Ang OA mo Tristan!

"Nakakalimutan mo atang athlete ako. Normal lang sa akin ang pagod, okay?"

"Gabi na, hindi na ganoon ka-safe maglakad ng gabi."

"Kaya nga magtatricycle ako eh." 

"Gaano ka kasigurado na mabait ang tricycle driver?" 

Kung anu-ano kasing pinagsasabi nitong si Tristan, pati tuloy ako nag-o-overthink na ngayon. Ilang taon naman na akong nakatira sa village namin at hindi rin naman ito ang unang beses na uuwi ako ng mag-isa ng gabi. Sa madaling salita kaya kong umuwi ng ako lang. 

Malapit na kami sa estasyon ng tren kaya ibinaba ko ang window ng kotse niya. "Huy!" Kalabit ko kay Tristan na diretso ang tingin sa kalsada, saglit naman siyang lumingon ng tawagin ko siya. "Kapag hindi mo ako ibinaba sa estasyon ng tren sisigaw ako na kinidnapped mo ako." Banta ko sa kanya na ikinagulat niya dahilan para maihinto niya ang sasakyan sa gitna ng kalsada.

"A-ano?!" Naguguluhang tanong niya sa akin ngunit nginisian ko lang siya at nagtangkang sisigaw na sa labas ng window. Mayroong bumusinang kotse sa likuran kaya dali-dali niyang iginilid ang kotse. "Ihahatid na nga kita."

"No. Kaya ko na ang sarili ko kaya ibaba mo na ako. Si Sohan nga lang pasaway na, ano pa ako?" Ngiti ko at sunod-sunod na lang siyang napailing, bakit naman kasi kailangan pa niya akong ihatid.

Hindi ko kailangan ng maghahatid sa akin.

Sisigaw na talaga dapat ako sa window ng diretsong pinaandar ni Tristan ang kotse. "Doon na kita ibababa sa kanto ng village ninyo."

Ang kulit. "Traffic sa crossing, hindi ka agad makakabalik, sigurado ka?"

Mabilis siyang tumango kaya napakibit balikat na lang ako. Tinatamad na akong makipag-argue sa kanya. Kunsabagay, hindi nga naman kasi ako ang maaabgrabyado ng traffic pero ako ang mang-a-abgrabyado. Tahimik ko na lang na inubos ang milktea na binili ni Tristan.

Papakialaman ko sana ang mga libro na nasa dashboard niya kaso baka kung ano na naman ang makita ko.

Naalala ko iyong gusto kong itanong kaya iyon na lang ang tinanong ko.  "I just noticed something, may kotse ka naman. Bakit nag-co-commute ka pa?"

"I have my personal reasons." Simpleng sabi niya, sapat para buhayin ang kuryosidad ko. "Nakakahiya iyong rason kaya sinasarili ko na lang. Let's just say na related 'yung reason ng pag-co-commute ko sa rason kung bakit nasa junior high pa ako."

Pumitik ako sa hangin dahil sa pagbanggit niya ng patungkol sa pag-s-stay niya sa junior high ng ilang taon. "Nasabi mo kanina na nahanap mo na iyong ideal type mo, hindi ba?"

Tinawanan lang niya ako kaya napangiwi ako. Nagawa niyang sabihin sa akin kanina na nahanap na niya iyong hinahanap niya, ngayon mukhang ayaw naman niyang ibigay ang detalye.

"Who's the unlucky girl?"

"Secret. Anong unlucky---hoy?!"

Nginisian ko lang siya bago muling magtanong. "I still don't understand, why do you have to wait for that someone? Nagpaulit-ulit ka na sa grade 10."

Iginilid niya ang sasakyan at nginitian ako. "It's my secret, Crisella. Bakit sasabihin ko sa iyo?" Taas baba pa ang kilay na saad niya.

Umikot na lang sa ere ang mga mata ko. Wala siyang plano sabihin, hindi na ako mangungulit. I hate cooking ampalaya! Nang mapansin kong nasa tapat na kami ng village namin ay kinuha ko na ang mga gamit ko at inalis ang seatbelt ko. "Bye!"

"Bye! Mag-iingat ka, Crisella."

Dire-diretso na sana akong lalakad para sumakay ng trike ngunit naisipan kong bumalik ulit sa kotse niya. May inaayos pa ata siya sa kotse niya kaya hindi pa agad umaalis.

Kumatok ako sa window ng passenger seat at agad naman niyang ibinaba ang window. "May itatanong ka pa?" Nakangising tanong niya kaya muli akong napairap.

"Nah. May nakalimutan lang akong sabihin." Halos nagdadabog pang saad ko ngunit hindi naman lingid sa kaalaman ko na naiintindihan na ni Tristan ang ugali ko. "Thank you!" Sambit ko sabay taas ng middle finger ko sa kanya at hindi ko naman inaasahang babawian niya ako!

Nginisian niya ako bago iangat ang middle finger niya sa akin. "Your welcome."

Nagulat pa ako dahil sa pambabawi niya. Right. Bakit nga ba muntik ko ng makalimutan na hindi si Tristan iyong tipong nerd na mahilig magbasa ng libro? Tinalikuran ko na siya at dali-daling sumakay ng trike.

TAHIMIK ang buong bahay ng magising ako bandang alas-otso ng gabi. Hindi pa rin ako nakakapagbihis ng damit. Paglabas ko ng kwarto ay sinipat ko kaagad ang kwarto ni Sohan at kumatok doon ngunit wala namang sumasagot, hindi naka-lock ang pintuan kaya ng sumilip ako at madali ko iyong nabuksan, at wala pa ring tao doon.

Nilibot ko ang buong kabahayan pero wala talaga si Sohan. Oras na umuwi siya siguraduhin lang talaga niya na may matino siyang dahilan at higit sa lahat dapat ay may pasalubong siya sa akin. Pinag-alala niya ako ng sobra kaya hindi pupwedeng mapadpad sa wala iyong pag-aalala ko.

Humihingi na ng tulong ang tiyan ko kaya naisipan ko ng magluto. Habang naggigisa ng bawang at sibuyas ay kinuha ko ang phone ko para tignan kung may importanteng messages ba sa group chat ng student council ngunit nagdadaldalan lang naman sila sa group chat.

May isang message akong na-receive mula kay Devon, tinatanong kung papasok daw ba ako bukas. Nireplyan ko lang siya ng oo. Itatabi ko na sana ang phone ko subalit napansin ko ang dalawang messages galing kay Tristan.

From: Tristan Kupal
Nakauwi ka pa ba? HAHAHA

Napangisi ako habang umiiling sa message niya. Tibay, hindi na ganoon ka-formal ang messages niya ngayon.

Hinalo ko mula ang ginigisa ko bago ko isunod ang gulay at lagyan iyon ng tubig para pakuluan. Nang pupwede ko ng iwanan ang niluluto ko ay saka lang ako nag-reply kay Tristan.

To: Tristan Kupal
Takot lang nila sa akin.

From: Tristan Kupal
Tama 'yan! Aware ka dapat na nakakatakot ka.

Ang mabilis magreply; mas mabilis pa sa replies ni Sohan pero ano 'tong aware dapat ako na nakakatakot talaga ako?! Kupal talaga! Nagta-type na ako ng reply ko sa kanya ng maka-recieved ulit ako ng message.

From: Tristan Kupal
Hindi ka naman Mt. Mayon, bakit nag-aalburuto ka na naman ata diyan? Hehe. See u tom! May inuutos pa sa akin, pagkatapos ng utos, magbabasa na ako! Byeeee

At nag-offline na siya. Talagang inasar lang niya ako?! Humanda siya sa akin bukas. Gaganti ako kahit hindi ko alam kung paano ako dapat na gaganti. Itinuloy ko na lang ang niluluto ko na baka masunog ko pa dahil sa Kupal na iyon na adik sa mga libro.

──────⊱◈◈◈⊰──────

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro