Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12

Chapter 12: Pacify Her
CRISELLA'S POV

PASIMPLE kong itinuro sa tindera iyong damit na napupusuan ko, ilang araw na rin akong humahanap ng tiempo na mapasaakin iyon. Maraming tao kaya madali akong makakakilos. Nang matantya ko kung kailan ako dapat na kikilos ay kaagad kong itinago sa suot kong hoodie ang damit na hawak ko habang nililinga ang paligid. Matapos niyon ay sumabay ako sa ilang namili ng walang makahalata sa akin, bago dali-daling umalis sa lugar na iyon.

Subalit may Kumag pala na nakasunod sa akin.

"Nakita ko iyon." Saad niya na nagpakunot ng noo ko upang magpanggap na wala akong alam sa kung anuman ang sinabi niya.

"Inaano ka ba?" Patay malisyang tanong ko at sinanggi siya upang daanan na lang basta subalit sumabay siya sa paglalakad ko para lang bumulong sa akin at mang-asar.

"Nakita ko iyong pagnanakaw mo." Giit niya ngunit tinaasan ko lang siya ng kilay bago ako nagmamadaling lumakad palayo sa kanya.

TANGHALI na ng magising ako sa sofa sa sala. Hindi ko inaasahang makakatulog pa ako sa kabila ng magdamag kong paghihintay kay Sohan na makauwi. Ganitong dito na ako sa sala nakatulog ng wala man lang patong na unan o kumot ibig sabihin lang niyon ay hindi pa nakakauwi si Sohan.

Kaagad kong hinanap ang phone ko para alamin kung nag-iwan na ba siya ng message o tumawag man lang ngunit sa inis ko ay nabato ko na lang ang phone ko dahil wala na pa lang battery iyon. Saglit pa akong natulala bago tuluyang bumangon at pulutin pa rin ang phone ko para i-charge iyon.

Kagigising ko lang subalit wala naman akong kagana-gana na bumangon pero wala akong choice. Magpaparamdam pa rin naman siguro si Sohan, sadyang hindi ko lang sigurado kung kailan. Ayos lang na ma-late ako dahil tuloy pa rin naman ang intramurals at wala pang klase, iyon lang, may mga bagay ako na kailangang ayusin kaya papasok pa rin ako.

Pasado alas-dos ng hapon ng matapos ako sa pag-aayos dahil sa bagal kong kumilos. Na-i-charge ko na rin ang phone ko pero hanggang ngayon ay wala man lang naiwang message si Sohan sa akin. Ni isa sa text messages ko ay hindi man lang siya nag-abalang reply-an.

Napailing na lang ako bago lumabas lalo na at ayaw kong maghintay ng matagal sa tren. Paniguradong babalik pa si Sohan, baka nagpapalamig lang ng ulo iyon ngunit sa akin naman siya laging tumatakbo kapag may problema siya.

Sa akin nga pala siya tumakbo kahapon kaso hindi ko naman nakita kaagad ang sitwasyon.

"You're spacing out."

Kakahawak ko lang sa bakal na haligi ng tren ng may lalaking may hawak na libro ang tumabi sa akin na bahagya akong tinaasan ng kilay. Suot-suot niya ang PE uniform ng university at mayroon rin siyang suot na eyeglasses ngayon kaya hindi ko siya agad namukhaan.

"Bakit ngayon ka lang papasok?" Nagtatakang tanong ko kay Tristan pero ibinalik lang niya sa akin ang tanong ko.

"Bakit ngayon ka lang din papasok?"

Umikot sa ere ang mga mata ko bago tumayo ng maayos. "Pwede akong ma-late dahil part naman ako ng student council."

"Hindi ba at ang students na part dapat ng student council ang nangunguna sa school as good influence na pumasok ng maaga?" Pabiro niyang tanong na mas lalo ko lang na ikinairap subalit nang magtama ang paningin namin ay nag-iwas agad siya ng tingin sabay sambit ng salitang "Sorry."

Alam kong mabubuksan ang usapin tungkol kay Sohan kaya mabilis kong iniba ang usapan. "What's with the look? Bakit may suot kang salamin ngayon?"

Itinabi na niya ang librong hawak niya sa bag niya at inangat ang tingin sa akin. "Regalo sa akin ni Mama, nalaman niyang nanalo ako kahapon sa race eh. Hindi naman ako mahilig magsuot ng accessories pero ito, regalo kasi ni mama eh. Sinuot ko na."

Iniwasan kong mabuksan ang usapin patungkol kay Sohan subalit mukhang ibang usapin ata ang mabubuksan ngayon. Wala nga pa lang ibang usapin na mabubuksan, sadyang ako lang ang problema rito.

"Great! Close ka pala sa mama mo?"

"Mhmm... yeah, para nga lang kaming magkapatid lalo na at seven years lang ang gap namin sa isa't isa." Ngiti niya na siyang nagpakunot ng noo ko. Anong seven years lang ang gap nila ng mother niya?

"Seven years?" Takang tanong ko bago gumilid dahil huminto sa sunod na estasyon ang tren at may mga pasaherong bumaba at pumasok. "Bakit seven years lang ang gap ninyo ng mama mo?"

"Well, hindi ko naman kasi siya biological mother so it makes sense." Kibit-balikat na aniya.

Gusto ko pa sanang mag-usisa subalit maraming sumakay sa kasunod na estasyon kaya nagsiksikan kami. Nahirapan na akong makipagdaldalan kay Tristan kaya nanahimik na muna ako. Sa patuloy na siksikan sa tren ay naitulak ako ng naitulak papalapit kay Tristan. Nang iangat ko ang tingin ko para sana daldalin pa siya ay gahibla na lang ang pagitan namin kaya pinili kong huwag ng magsalita.

Sa sunod na estasyon ay siya ng bababaan namin. Wala akong planong sumabay kay Tristan ngunit kahit hindi ko gawin iyon ay tiyak na sasabay pa rin siya sa akin.

"Ano bang gagawin mo sa school ngayon?" Tanong niya sa akin habang tinanap ko na ang beep card ko.

"Mangongolekta ng attendance, I guess."

"Iyong mangongolekta ng attendance ang late, crazy."

Umikot sa ere ang mga mata ko at bahagyang naunang maglakad sa kanya. "Whatever. What about you? Bakit late ka na papasok?"

"Galing na ako ng campus, may binalikan lang ako sa bahay kaya ito."

May binalikan sa bahay? Tumaas ang kilay ko sa kanya ng nilingon ko siya. "What do you mean? Hindi naman basta-basta nagpapalabas ang guard unless player."

"Ilang taon na akong nag-aaral doon, tingin mo ba hindi ko pa alam ang pasikot-sikot ng paglabas-pasok sa campus?" Nakangising aniya at proud na inangat ang PE Uniform niya sa akin.

Paano nga ba naman siya hindi mapagkakamalang player kung PE uniform ang suot niya. Tapos na ang game niya, player pa rin, hayss.

"Sinong bad influence ngayon?" Naiiling na tanong ko pero tinawanan lang niya.

Inaasar ko pa siyang bad influence hanggang sa makasakay kami ng trike at makarating ng campus. Si Kupal, mukhang tuwang-tuwa pa sa pang-aasar, kung tutuusin ay ako pa nga ang naaasar sa kanya.

"Hoy?" Nagtatakang tanong ko sa kanya ng hilahin na niya ako papasok sa campus kahit hindi pa ako nakakapagbayad sa trike. "Inaasar lang kitang bad influence, 'wag mo namang panindigan pagiging BI mo! Hindi ko pa nababayaran si Manong Driver, huy!"

"Kalma. Nabayaran ko na." Patay malisyang aniya kaya namilog ang labi ko. Naisipan pa akong ilibre! "Saang room ka ba didiretso ngayon?" Tanong niya pagkapasok namin ng gate, itinuro ko naman ang building ng senior high na nagpatango sa kanya.

Nginitian ko siya bago ko siya tapikin sa balikat. "Hmm... see you around!"

"Yeah."

Dumiretso na ako sa building namin subalit ng lingunin ko siya ay inihahatid pa niya ako ng tingin, kakawayan ko pa sana siya ngunit pinili ko na lang na dumiretso paakyat ng building namin para i-compile ang attendance ng players.

Pagpasok ko sa room ay nakasalubong ko si Daffney, nagpatintero pa kami sa pintuan hanggang sa siya na ang gumilid para padaanin ako. Namumugto ang mga mata niya at hindi ako pinansin samantalang siya naman itong palaging lumalapit sa akin para daldalin ako ngunit ngayon?

Ano ba talaga ang nangyari sa kanilang dalawa ni Sohan? Pareho silang apektado kaya anong nangyari?

"Naks! Ang aga natin ah." Salubong sa akin ni Devon, ang isa sa pinakamaingay sa klase namin.

Nginitian ko lang siya bago ilapag ang bag ko sa upuan ko. Ang attendance na kailangan kong i-compile ay nakapatong na sa lamesa ko, kailangan ko na lang pagsunud-sunurin at pirmahan.

"May photo booths pala na inayos malapit sa court, baka sakaling gusto mong mag-take ng pictures. Kasama kami sa nag-ayos 'nun eh." Narinig kong sabi ni Devon, wala pa nga sana akong planong pansinin siya dahil akala ko ay hindi ako ang kausap niya.

Saglit kong tinigilan ang pinipirmahan ko para iangat ang tingin sa kanya. "Ohhh-kay! Tapusin ko lang 'tong mga pipirmahan ko."

Wala na sana akong plano na kausapin siya ngunit umupo siya sa bakanteng upuan na katabi ko. "Kailangan mo ba ng tulong?"

"No. Pirma ko kailangan dito kaya hindi mo ako matutulungan unless gusto mong makasuhan ng forgery."

"Tutulong na nga lang makakasuhan pa." Natatawang aniya kaya saglit kong naangat ang tingin sa kanya at binalik ang tingin sa ginagawa ko. "Tropa na pala kayo ni Tristan ano?"

"Kilala mo si Tristan?" Tanong ko habang patuloy ako sa ginagawa ko. Marami nga talaga sigurong nakakakilala sa Kupal na iyon, hindi ko lang siya napapansin noon dahil masyado akong self centered.

Kung tutuusin ay kung hindi dahil sa pagiging self centered ko ay hindi ko rin naman siya makikilala.

"Uhuh. Naging kaklase ko pa iyon eh. Matalino naman iyon, mayabang pa nga, hindi ko lang alam kung bakit hindi makaalis-alis ng junior high."

Tumuntong na nga lang kasi si Tristan sa legal age hindi pa rin siya nakakaabot ng senior high. Sa pagkakantanda ko ay nabanggit na niya sa akin ang rason kung bakit hindi pa rin siya nakakamove-up hanggang ngayon, hindi ko lang siya pinansin.

Dapat ko pa ba siyang tanungin kung anong nangyari?

Bakit nga ba magtatanong pa ako? Mamaya ay malalim pala ang dahilan niya, naging insensitive pa ako. Hindi naman kasi nagmemake sense iyong sinasabi niyang hindi siya makaalis sa junior high dahil hinahanap niya 'yung ideal type niya!

"Bakit mo natanong si Tristan?" Nakatuon pa rin ang tingin ko sa ginagawa ko ng tanungin ko si Devon. Hindi naman din lingid sa kaalaman ko na may gusto siya sa akin, matagal ko ng naririnig iyon mula sa mga kaibigan, kaklase at maging ilang teachers namin.

Wala naman akong gusto sa kanya kaya hangga't maaari ay ayaw ko siyang pansinin. Kung lalapit siya para kausapin ako ay doon ko lang siya kakausapin. Kung papakitaan niya ako ng hindi maganda ay doon ko lamang siya susupladahan at mamalditahan.

"Curious lang ako." Kibit-balikat na aniya. "Ano bang score ninyo ni Tristan?"

"Score? Bakit may tinake ba kaming exam?" Pabirong tanong ko kay Devon na siyang nagpakamot sa kanya sa ulo. Hindi uubra sa akin 'to. Hindi ko ka-humor, buti na lang talaga at wala akong planong patulan siya.

Wala akong panahon magpaliwanag sa taong hindi ko ka-humor o hindi kayang intindihin ang nga biro ko.

Magtatanong pa lang sana sa akin si Devon ay mabilis ko na siyang inilingan. "Psh! Wala, wala. Magkai---" sandali akong napatigil. Wala akong maalala na ina-acknowledge ko na bilang kaibigan ko si Tristan. "We're just schoolmates who shares some gossips."

"Ka-chismisan, ganoon?"

"No!" Bulalas ko bago maipaling ang ulo ko. "The term chismis doesn't feel right, yah know. Well, anyways, it's none of your business naman na kasi bakit nagtatanong ka pa?"

"Sabi ko naman sayo curious lang ako. Nga pala, mahilig ka sa milktea ano? Want me to treat yo"

Mabilis kong inangat ang kaliwang kamay ko parang tanggihan ang alok niya. "No thanks, I can treat myself. Besides, kaya ko ring magtimpla ng milktea base sa preference ko."

Naipaling ko ang ulo ko. Devon's trying to spill my juice, damnit! Minadali kong pirmahan lahat ng papers bago i-compile iyon at nagpaalam na sa kanya para makatakas sa kaingayan niya. Nagmamadali akong pumunta sa Council's Office.

Ang malamig na aircon agad ang bumungad sa akin pagpasok sa loob. Hinanap ko agad ang President para iabot ang attendance ngunit halos tumaob ang sikmura ko ng makita ko si Brooke na may kasamang lalaki. They're making out!

Nakita ako ni Brooke kaya napatigil silang dalawa, napalingon din iyong lalaking kasama niya sa akin. Halos pikit mata ko na lang na iniwan sa desk iyong compilation ng attendance at patakbong umalis ng office.

Sa dinami-dami ng lugar talagang doon pa nila naisipang magkalat?!

Hindi mawala sa isip ko iyong kalaswaan nila kaya nagtungo ako sa gymnasium para manood na lang ng game. Gagawin ko sana ang ritwal ko sa parking space ang kaso baka naman naroroon si Tristan, agawin na naman ang sticks ko. Samantalang iyong huling sticks ko nga ay hindi pa niya naibabayaran.

Ang kaso, sa dami ng utang na loob ko kay Tristan, sino ba naman ako para singilin pa siya, hindi ba?

Itutuon ko na lang sana ang atensyon ko sa panonood sa gymnasium ngunit napansin ko ang pamilyar na uniform, iyon ang uniform nila Gheme! Posible kayang magkasama sila ni Tristan ngayon?

Kagat-labi akong napaisip, paano kung mayroong sabihin si Gheme kay Tristan laban sa akin?! Sapo-sapo ko ang noo ko habang nag-iisip. Kaagad kong hinanap sina Gheme at Tristan, kailangan kong mailayo si Tristan kay Gheme bago pa siya may malaman!

Mabuti at mabilis kong nahanap si Tristan na si Gheme nga ang kasama! Masayang silang nag-uusap habang ito namang si Gheme kulang na lang ay ipulupot ang sarili niya kay Tristan sa sobrang dikit nila.

Hindi ko alam kung paano ko lalapitan si Tristan ng iniiwasan si Gheme.

Pipino!

Inilabas ko na lang ang phone ko at mabilis na nagsend ng message kay Tristan.

To: Tristan
Hey! I'm sorry for disturbing you, I felt dizzy. Would u mind buying me some medicine?

Kailangan kong masiguro na mapaghihiwalay ko si Tristan at Gheme, baka ano pang sabihin ni Gheme kay Tristan. Hindi ko maaatim kung anuman ang kakalat na hindi maganda sa akin oras na may bitawang salita si Gheme.

Alam ko namang hindi ikakalat ni Tristan anuman ang malaman niya kay Gheme, iyon lang, ayaw ko pa rin na may malaman ni Tristan!

Nang makita kong tumayo na si Tristan sa pagkakaupo at mukha kinakausap si Gheme na may kailangan siyang puntahan ay dali-dali akong tumakbo paalis doon, nataranta pa ako kaya hindi ko alam kung saan pupunta. Umakyat ako papunta sa classroom namin, mabuti na lang at wala ng tao roon.

Ibinaba ko ang mga gamit ko at naghintay na lang kay Tristan.

Ilang saglit pa ay naka-receive ako ng tawag sa kanya na kaagad kong sinagot.

"Tristan."

["May dala na akong tubig at gamot, nasaan ka?"]

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko, medyo na-guilty ako sa part na pupuntahan nga talaga niya ako. "Nandito sa room namin."

["Hintayin mo ako diyan. Malapit na ako."]

"Thanks." At pinatay ko na ang tawag.

Hindi ako mapakali sa loob ng classroom kaya naman lumabas ako sa hallway. Nakadungaw lang ako sa railings ng hallway habang hinihintay si Tristan. Nang makita ko siya mula sa baba na tumatakbo paakyat dito sa second floor ay hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong nakaramdam ng excitement na hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling.

"Crisella!" Humahangos siyang lumapit sa akin kaya sinalubong ko na siya. "Kumusta ang lagay mo?"

Inabot ko ang isang supot na bitbit niya na naglalaman ng tubig at gamot. "Babayaran ko 'to, don't worry."

"Tinatanong kita kung kumusta ka?"

All right, here we go. "I apologize, nagsinungaling ako."

"Huh?"

Sa halip na sagutin siya agad ay inabot ko muna sa kanya iyong tubig na dala niya at binigay sa kanya dahil hingal na hingal pa siya. "May sinabi ba si Gheme sa iyo?"

Hinintay ko muna siyang makarecover bago niya ako bigyan ng sagot. "About what?"

"Anything, anything about me?"

"She said that she's your sister."

"And...?"

Mabilis siyang nagkibit balikat. "I don't know. Malakas ang hiyawan kanina during the game kaya hindi ko na narinig iyong details. Then I received your message."

Great! Wala pa siyang alam! "Tristan, promise me one thing." Saad ko at itinapat ang pinky finger ko sa kanya, tinitignan lang niya ang pinky finger ko kaya naman inabot ko ang kanang kamay niya at pinagdugtong ang pinky fingers namin. "Anuman ang subukang sabihin ni Gheme patungkol sa akin wala kang pakikinggan ni isa and with that, I'll promise you na makakaalis ka na sa junior high before the semester ends, I'll look for your ideal type!"

Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ni Tristan habang nakatingin sa akin. Kahinaan talaga niya iyong ideal type niya eh, kung wala lang akong kailangan sa kanya baka nabatukan ko na siya! Hinigpitan niya ang pagkakadugtong ng pinky fingers namin. "Hmm... I promise na wala akong pakikinggan sa anumang sasabihin ni Gheme patungkol sa iyo, but, you don't have to look for my ideal type."

"Hindi ko na kailangang maghanap for you?" Nalilitong tanong ko.

Marahan naman siyang tumango "Kasi nahanap ko na. Although... she's the total opposite of who I am looking for." Nasundan iyon ng labas ngipin na alanganing ngiti niya.

"H-huh?"

──────⊱◈◈◈⊰──────

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro