Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

WAKAS

I felt the old, salty breeze kiss my skin.

Ang mahinahong tunog ng mga alon na humahampas sa dalampasigan ay tila ba isang himig pampatulog.

It was peaceful and calm. I can feel the rough sand under my bare feet. I opened my eyes and it was already sunset. I watched the line where the tangerine colored sky meets the sea. The sea, perfectly calm, was like a peaceful lake reflecting the orange sky with the fiery orb as it sank beneath the horizon.

Napakaganda. Ngunit isang lalaki ang umagaw ng aking atensyon.

He stood like a statue on the shore with his arms outstretched. A fringe of lace spread over the cold beach, wetting his bare feet. Isinasayaw ng hangin ang itim nitong buhok.

My heart pounded inside my chest. There was longing in my heart. I want to run to him. I want to hug him and never let him go. I wanna feel his warmth wrapped around me.

Kilala ko ang lalaking 'yon. Kilalang-kilala ko ang tindig na 'yon. My heart knows him.

I shouted his name, but no sound came out. Again... I tried, but I couldn't hear myself.

What was his name?

Who is he?

Why do I miss him?

I clutched my chest. Why? Why am I feeling this way? Why do I want to cry?

Slowly, the man turned to face me. His dark brown eyes landed on mine. The moment he turned, the sun finally rested. Faint, small yellow lights appeared one by one until they turned into a galaxy of stars.

Fireflies. A swarm of fireflies.

The man smiled and I felt a tear fell down my cheek.

Yumuko ito at tinignan ang maliliit na along humahampas sa kanyang mga paa.

"Ganito pala ang pakiramdam ng isang taong malaya," he said. His smooth and gentle voice strummed my heart.

"Para akong isang ibong malayang lumilipad sa kalangitan. Napakagaan sa pakiramdam. Tila ba ako'y idinuduyan sa hangin. Walang kahit anong iniisip. Walang pinoproblema."

Ibinalik niya ang tingin sakin, "Ngunit, ang titigan ka lamang, mas malaya pa ako sa kalayaang nararanasan ko ngayon. Tingnan lamang kita at ako'y masaya na. Wala na marahil tatalo pa sa kasiyahang nadarama ko sa tuwing kasama kita, sa tuwing nakikita ko ang iyong mga ngiti."

Who are you?   

Another gentle smile appeared on his lips and the faint glow of the fireflies grew brighter. "Pasensya na kung pinaghintay kita. Mahal na mahal kita... Kristin."

Pumalibot sa kanya ang libo-libong alitaptap. I stepped forward. One step, two step, until I can't count it no more. I ran towards him. I stretched an arm and tried to reach him. I reached for him before the fireflies could completely swallowed him.

But I was too late.

Agad akong napabangon mula sa pagkakahiga. Pilit na hinahabol ang hininga. Para bang pinipiga ang dibdib ko at mukhang wala itong planong tumigil. Napayuko ako habang hawak-hawak ang aking dibdib.

Kumawala mula sa bibig ko ang isang hikbi.

I was crying. Again.

Umiiyak ulit ako dahil sa isang lalaki sa panaginip ko na hindi ko naman kilala. I was longing for a guy that I do not know.

Sa loob ng limang taon, palagi akong nagigising sa parehong panaginip. Tungkol sa isang lalaking palaging kong nakakalimutan ang mukha. Isang lalaking hindi ko kilala.

I just woke up one day, in my bed, clutching my chest and grieving for something that I didn't know.

Nagising ako na nasa tabi ko si kuya at pinapakalma ako. I was asking him to save someone but I couldn't remember the name of that person. Nagkulong ako sa kuwarto ko buong araw at pilit na inaalala kung sino ang taong nakalimutan. Ilang araw ko ring iniyakan ang mga pangyayaring hindi ko naman naranasan.

Then these dreams started. Halos gabi-gabi ko itong napapaniginipan.

Ever since that day, I feel like I was always searching for someone. I was searching for a place that I do not know but it felt like home whenever I think about it.

I feel like I was missing a part of me. My chest feels hollow like there was something there before but is now long gone. I feel empty. Para bang may kulang sa akin at hindi ko magawang sumaya kahit anong gawin ko.

Eversince then, it felt like I've forgotten a huge chunk of my life.

I quickly wiped my tears when I heard a soft knock from my door. "Kristin, wake up. I made you breakfast."

I composed myself before answering, "I'll just wash up." My voice was still hoarse from all the crying.

"Hunny, are you alright?"

"I'm fine, mom. I just woke up," I lied before dragging my feet out of the bed. "Susunod nalang ako."

I heard her sigh, "Okay. Just hurry, you'll be late for work."

"Yes, mom."

Tumayo ako at pumasok sa banyo. I went to the sink and at my reflection in the mirror.

My hair was a mess. Itim na uli ang kulay nito. Gustong-gusto ko na kinukulayan ang buhok ko pero nitong nakaraang limang taon, kahit isang beses, hindi ko naisip na kulayan muli ang buhok ko.

I like it black. He likes it.

Halos minsan nalang din ako magpagupit. Ngayon hanggang bewang na ito.

I looked at my eyes. There was nothing really special about it. It was the usual brown color, but much lighter.

His was darker. Silent and gentle.

I shook my head, "Why am I remembering those eyes?"

Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako upang mag-agahan. Nadatnan ko si Dad na nakaupo na sa hapagkainan habang nagbabasa ng dyaryo habang inihahain naman ni mommy ang mga pagkain sa mesa.

The smell of freshly brewed coffee and toasted bread filled the air. I walked towards them and greeted my parents. Then I walked towards my brother and gave him a kiss on his cheek.

"Good morning, kuya." I said but he didn't reply. Nakatitig lang siya sa pagkaing nasa harap niya. I sighed before sitting beside him.

Sa loob ng limang taon, marami nang improvements sa kondisyon ni Kuya Kevin. Hindi na siya nagwawala kahit na naaalala niya ang mga nangyari sa kanya. Lumalabas na rin siya pero kailangan may kasamang bodyguard at nurse.

Although, hindi pa siya bumabalik sa pagiging masigla, nagagawa na niyang makipag-usap sa amin. Pero may mga pagkakataon pa rin na natutulala siya at tumatahimik.

Wala na rin ang mahaba at magulo nitong buhok Hindi na rin siya namumutla at nagkakalaman na rin. Napapansin ko rin na palagi na siyang naglalagi sa library namin sa bahay. Minsan ko rin siyang nakitang nagbabasa ng medical book.

Masaya ako at kahit papano bumabalik na si kuya sa dati. Ginagawa na niya ulit ang mga hilig niyang gawin noon.

"Kristin, natagalan ka atang mag-ayos. Wala ka bang trabaho ngayon?" tanong ni mommy nang makaupo ito.

Umiling ako, "Ibinilin ko muna sa secretary ko ang office. I'm gonna check the venue this afternoon with Jane."

"Oo nga pala. Next month na ang pagrelease mo ng bagong clothing line. Magkakaroon ka ba ng fashion show? I can arrange an organizer for you," she offered.

Kumuha ako ng toast at inilagay sa pinggan ko. "Hindi na, Mom. Kilala mo ba 'yung pinsan ni Jane? She's a renowned event organizer and she'll help us out."

"That's good. I'll invite some of my colleagues to your event. I'm sure you'll get lots of investors after they see your work," Dad said before drinking his coffee.

I smiled, "Thanks, Dad."

Nagusap-usap kami habang kumakain. Kuya Kevin was silent the whole breakfast. Pero noong patapos na kaming kumain ay bigla siyang nagsalita.

"Ethan."

Napakunot ang noo ko, "What about Ethan, kuya?"

Inalis niya ang tingin sa pagkain at tinignan ako.

"May lakad ka kasama si Ethan.." he paused. Walang kabuhay-buhay ang pagsasalita niya. "Diba?"

Nanlaki ang mata ko nang maaala ko ang lakad namin ni Ethan. Agad akong tumayo at nilagok ang isang basong tubig. Kinuha ko ang purse ko at nagmadaling tumakbo palabas ng dining room.

Di pa man ako tuluyang nakakalayo, I stopped when my brother called me. Mabilis akong napalingon dahil akala ko buong araw na naman siyang matutulala.

"Bakit, kuya?" I asked.

Nakatingin na uli siya sa pagkain, "You'll be fine. You don't have to cry anymore."

I blinked. Walang lumabas na kahit na isang salita sa bibig ko. Napatitig ako sa kanya ng mga ilang segundo bago sumilay sa mukha ko ang isang ngiti. But it doesn't reflect what I exactly feel right now.

"Thanks, kuya. I'll..." I sighed. "I'll be going now."

Tumalikod na ako at mabilis na lumabas ng bahay. He knows that I cry every morning, everytime I wake up. He must be really worried.

But lately, I've been having this same dream almost every night. 'Yung ibang panaginip palaging iba-iba ang setting. Para bang nangyari na ito sa akin at naaalala ko sa pamamagitan ng panaginip. Pero ngayon, halos magtatatlong linggo na parehong panaginip ang napapanaginipan ko. Sa isang dalampasigan, palaging nakatayo ang isang lalaking nakasuot ng makalumang damit at parang dinadama ang hangin. Pinaghalong tuwa at lungkot ang mararamdaman ko sa tuwing ito ang napapanaginipan ko. The feeling that I found the most precious person to me, then I'll lost him over and over again. Tapos sa tuwing magigising ako, makakalimutan ko ang itsura niya.

All I remember are those brown eyes.

I was cut off from my thoughts when I heard a loud beep coming from outside of our gate. I composed myself.

"That must be him," I muttered. Binuksan ng guard ang gate at bumungad sakin ang isang mamahaling sasakyan. I squinted my eyes when my gaze landed on the guy who was sitting on the driver's seat. He removed his sunglasses and gave me a wink. I cringe in disgust.

Pumasok na ako sa sasakyan at sinuot ang seatbelt ng hindi siya binabati.

"Did you came here to brag your wealth?" mataray kong tanong.

He chuckled, "Partly, yes."

Ethan. I don't remember his surname. Probably because I don't care. He's a successful bachelor. A renowned archeologist and a best-selling author. Yes, he's famous and rich. He came from the richest clan in the country. Hindi ko alam kung bakit ba naging kaibigan ko 'to e five years ago siya ang isa sa pinakanabubwisitan kong tao. He's been inviting me to join their geeky, history deprived group. I just found myself listening to his stories about the past. Hindi ko alam kung bakit nagkaroon ako ng sudden interest tungkol sa panahon nina Bonifacio lalo na't ako ata ang number one hater ng Pilipinas noon.

"You look good today," he complimented as he starts the engine of his "roofless-four-wheeled-lamborgini".

I didn't bother saying 'Thank you' because I know I always look beautiful and presentable.

"So, sa'n mo ko dadalhin? I cancelled my appointments today just for this."

He started driving, "Don't worry, Kristin. For our date, I'll be taking you to the oldest mansion owned by my family."

"I don't date nerds, Ethan."

"Come on, babe. I still look like a nerd? Have you seen my abs?" natatawang sabi nito.

"Drop the 'babe,' Ethan kung ayaw mong ipa-impound ko 'tong sasakyan mo."

"Harsh, Kristin. Kabibili ko lang nito kahapon."

"Then, shut up and drive."

"Yes, ma'am!"

Isang oras ang ibinyahe namin para marating ang sinasabi niyang mansion. Gusto ko ng butasin ang mga gulong ng sasakyan ni Ethan dahil akala ko it's just a twenty minutes drive papunta sa mansion nila. Does this man ever care about my job, because I do. Gosh, may meeting ako mamayang hapon with the organizer and here we are in this mansion situated in the middle of nowhere.

"Did you take me here to brag about your mansion?" I asked with my eyes fixed in the gigantic house in front of me. Well, our house is bigger but this one looked like it's cause millions. Their mansion was the same with those old houses in the Philippines. Pero may touch ito ng western styles. Like the statues on every corner of the house, maging sa mga bintana nito. The house was obviously old but it's not deteriorating. Halatang inaalagaan.

"Yes and no," he answered nonchalantly.

"Gosh, you're a jerk."

He chuckled, "This mansion will open to the public tomorrow as a museum. It's now a national heritage." Tinignan niya ako at binigyan ng isang ngiti. "And you're the first one to tour it."

"What?"

"Naalala ko kung gaano mo kagustong pakinggan 'yung mga kwento ko about sa revolutionary period. I brought you here because this mansion is a witness to what happened during that time. It holds a lot of memories passed down from my ancestors to the present generation." Ibinalik ni Ethan ang tingin sa mansyon. "Nandito ang mga alaala ng mga taong hindi isinulat sa mga librong tungkol sa kasaysayan."

Ehan's words, his way of talking, reminds me of someone. Someone I've met a long time ago but I don't remember who. Ethan reminds me of a friend.

"Tara?"

I nodded and after that we went inside. The inside of the mansion was much more elegant than the outside. The wallpapers, the furnitures, the pillars, everything has intricate design. The first floor was converted into a room which showcases all the antiques owned by Ethan's family. Karamihan sa mga nakadisplay ay ang mga engrandeng alahas at mga kagamitan ng mga katipunero noon. Nalaman kong ito ng nagsilbing refuge ng mga katipunero noong digmaan laban sa mga amerikano. Pero ang nakakuha ng atensyon ko ay ang mga ipinintang obra na nakadisplay sa gitna ng unang palapag. Sa gitna ay may nakadisplay na isang kahon na may lamang mga paintbrush.

"Great great grandmother ko ang may-ari niyan. Siya rin ang nagpinta ng mga obrang nakikita mo," Ethan said.

Hindi ko napigilang mamangha sa mga paintings na nasa harap ko. Most of the paintings were about nature. Every stroke was graceful. Kuhang-kuha ang mga detalye. Ang ganda rin ng pagkakablend ng mga kulay. Parang bang hindi painting ang tinitignan mo ang isang totoong scenery.

But what entranced me the most was the painting in the middle. May nakatayong dalawang tao, isang babae at isang lalaki, malapit sa malaking puno. Pareho silang nakasuot ng makalumang damit. Magkahawak-kamay silang tinitignan ang mga alitaptap na nakapalibot sa kanila. Walang mukha ang babae habang ang lalaki naman ay kakaunti lang ang nakikita. Natatakpan ng alitaptap ang mukha nito. But his brown eyes caught my attention.

It was beautiful. He had those same eyes.

"Hindi ko talaga alam kung bakit blonde 'yung babae," sambit ni Ethan dahilan upang ibalik ko ang tingin sa babae na nasa painting.

It was indeed blonde. Does that mean, the girl is western?

"Halika, may ipapakita pa ako sayo."

"Hindi pa tayo aalis? Kanina pa tayo dito. I still have a lot of stuff to take care of, Ethan."

He held my wrist, "Last na 'to. I'll show you the heart of this museum."

Hindi na ako nakapagsalita nang hilahin niya ako papunta sa hagdan. Before reaching the second floor, the stairs split into two leading into two different corridors. Sa gitna nakapaskil ang isang malaking painting ng dalawang tao.

We stopped in front of the painting,"They're my great great grandparents. The owner of this mansion. Santiago Iglesias," he pointed the man wearing a three-piece suit standing beside the woman. Come to think of it, Ethan looks like a copy of him. Exept for the hair. The man in the painting looked really smart and well-mannered. "And Corazon Galleros-Iglesias." I averted my gaze to the woman in the painting. Nakaupo siya at nakasuot ng baro't sayo. The woman was beautiful and wears a gentle expression on her face.

"Ito ang larawan nila pagkatapos nilang ikasal. Ngayon, alam mo na kung saan nanggaling ang maganda kong genes."

Hindi ko pinansin si Ethan at nanatiling nakatingin sa painting. I felt a familiar warmth just looking at the people in the painting. Ang gaan sa pakiramdam. Pero sa kabila nun, nandun ang lungkot. Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ang mga ito.

"Kristin?" Inalis ko ang tingin sa painting at nilingon si Ethan. "Halika na, may ipapakita pa ako sayo."

"Akala ko ba last na?"

"Hindi pa to yung heart ng museum, nasa taas."

Nagpahila nalang ulit ako kay Ethan hanggang sa dalhin niya ako sa isang silid. It was big pero halos walang kagamitan sa loob nito. Ang tanging naroon lang ay ang maganda nitong wallpapers at sahig. Wala ni isang bintana kaya madilim ang silid. Ang tanging ilaw ay ang mga wall lamp sa bawat gilid ng silid.

"This is the heart of the museum," Ethan introduced.

Naglakad ako patungo sa nag-iisang display. Sa gitna ng buong silid may nakalagay na isang puting pedestal display case katabi ang isang mesa na may nakapatong na maliit na flat screen monitor. Sa loob ng case ay ang isang pocket watch at isang laced na panyo.

"Who would've thought that the heart of this museum holds one pocket watch and a handkerchief," wika ni Ethan nang makalapit ito sakin.

My heart beat faster the moment I laid my eyes of the display. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, gusto kong maiyak. I felt it again. That same familiar feeling. That empty feeling.

"Ito ay pagmamay-ari ng pinsan ng aking Lola Corazon. He was a brave member of the Katipunan. He fought beside its supreme leader, Andres Bonifacio. Alam mo bang isinakripisyo niya ang buhay niya para makatakas ang mga kasamahan niya? Natagpuan nalang siyang walang buhay sa isang gubat sa Indang, Cavite at itong dalawang bagay na dala-dala niya noong namatay siya. Bigay daw ito ng babaeng pinakamamahal niya." Ethan explained. "The reason we called this chamber the heart of the museum is because of Lola Corazon's cousin and his love for a certain girl."

"There were no records about the girl, so everyone concluded the she was non-existent. Pero noong nililinis ang mansion nakita namin ang isang canvas na pinakaunang ipininta ng aking Lola Corazon." Nilapitan ni Ethan ang flat screen monitor at binuksan ito. Hindi ko agad nakita kung ano ang nasa monitor dahil nakaharang siya. My eyes widen when Ethan showed me the photo in the monitor.

It was painting of the girl. Portrait ng isang babaeng kamukhang kamukha ko. Nakatingin siya sakin. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko ang lungkot sa mga mata nito. She has blonde hair with black roots. Eyes with the same shade of color. The painting was indeed ruined at hindi pa lahat ng parte nito ay narestore. Half of the girl's face was still smudged but the other half was enough para makita kung sino ang nasa painting.

"Noong nakita namin ang painting na 'to, it was ruined. We found out that time that the it was a hundred and nineteen years old. Kaya napagdesisyunan namin itong irestore. We used the same method that was used on Leonardo davinci's 'Mona Lisa'. Hindi pa kompleto ang resulta at ito palang ang nailabas namin but it clearly shows who was in the painting." Nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Ethan. "It was you, Kristin."

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko at nakaramdam ako ng panghihina. Nabitawan ko ang hawak kong purse at napahawak saking dibdib. Hindi ko mapigilan ang gulat nang makita ko kung ano ang nasa monitor.

"Croazno, pwede bang sa ibang araw nalang taong mamasyal?"

"Bakit? Masama ba ang iyong pakiramdam? May problema ba, Kristin?"

"Wala. Pwede bang ipinta mo ako?"

"Kung bigla akong umalis ng walang paalam, maaari mo bang itago ito?"

A memory flashed in my mind. A girl. I saw a girl. Wala siyang mukha ngunit sa hindi malamang dahilan, alam kong nakatingin siya sakit ng malungkot habang ako naman ay pinagmamasdan ang isang painting. Her voice was very familiar. What was that? Who was that?

"Joke lang, Kristin!" Natigil ako sa iniisip ko nang narinig ko ang mahinang tawa ni Ethan. "Wag mong seryosohin, mas maganda yung babae sa painting kesa sayo."

I clenched my teeth. Pinulot ko ang nahulog kong purse at ibinato ito sa kanya, "That wasn't a nice joke, Ethan!"

"Woah! Calm down, Kristin!"

"You're such a jerk!" Hindi ko alam kung para saan ang luhang tumulo mula saking mga mata. Dahil ba ito sa biro ni Ethan o dahil sa ala-alang iyon. "Take me home."

"Kristin, sorry."

"Fine, I'll go by myself." Tinalikuran ko na siya at nag-umpisa ng maglakad.

"Wait, Kristin. I'll drive you home."

The whole ride, hindi ko pinansin si Ethan. Hindi ko siya kinibo at ibinaling ang atensyon ko kakatingin sa labas ng bintana. He changed his car kaya sobrang tahimik.

Sa sobrang tagal ng biyahe, hindi ko namalayan at nakaidlip ako.

"P-para sayo."

It was the pocket watch.

"Bakit? H-hindi na, Kristin."

"Para sayo 'to. Tanggapin mo. Accept it."

"Kristin..."

"I- I wish... I met you in the future."

"Dapat kaninang hating-gabi ko pa ito ibinigay sayo. Saluhin mo. Don't say anything. Just accept it. Pinaghirapan ko 'yan."

"Maligayang kaarawan."

"Maraming salamat. Ngayon lamang ako nakatanggap ng ganitong regalo sa aking kaarawan."

"Felices Pascuas, binibining Kristin."

"Felices Pascuas, A—"

Iminulat ko ang mga mata ko at napansing nasa syudad na uli kami. It was getting dark. I really spent a lot of time at Ethan's museum. I should call Jane later at tell her to reshcedule the meeting with the organizer. I rubbed my eyes but immeadiately stopped when I saw someone.

"Stop the car, Ethan!"

Gulat niya akong tinignan, "What?"

"Damn it, nerd! Stop the car!"

Ginawa niya ang sinabi ko at hininto ito sa isang gilid.

"Where are you going, Kristin?" he asked when he saw me taking my seatbelt off. Hindi ko na siya pinansin at kinuha ang purse ko saka mabilis na lumabas ng sasakyan. "Kristin!"

Hindi ako namamalikta mata. I did saw him. Ang lalaki sa mga panaginip ko. For a moment, naalala ko ang mukha ng lalaki sa panaginip ko. It was definitely him. Kailangan ko siyang makita ng malapitan, kailangan ko siyang makausap. Maybe he's the answers to all these questions.  Sinundan ko ang direksyong dinaanan niya. Sa sobrang pagmamadali ay may nabangga akong grupo ng kalalakihan.

"Sorry!" I apologized. Aalis agad sana ako pero hinawakan nung isang lalaki ang braso ko.

Nilingon ko siya and I cringe in disgust. He reeks. "At sa tingn mo ba, miss, hahayaan ka naming makalayo?"

"I apologized now let go of me. I'm in a hurry."

Tinignan niya ang mga kasamahan at malakas silang nagtawanan. Ibinaling ng mabahong lalaki ang tingin niya sakin. "Hindi kami tumatanggap ng sorry, miss."

"Then, I'll give you money. So, let go."

"Miss, hindi sapat ang pera." His gaze dropped to my chest. I squinted my eyes at malakas na tinibig ang kamay niya pero hindi niya pa rin ito binitawan. Mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak nito. "Matapang ka. Yan ang gusto namin, diba mga pare?"

The other guys answered in unison. Malapit ng lumubog ang araw kaya wala masyadong tao sa parteng ito ng lugar. It was near a narrow alley so screming for help is useless.

"Mga bastos! Bitawan niyo ko!" pagpupumiglas ko pero hindi niya pa rin ako binitawan. Napilitan akong ibato ang hawak kong purse. Tumama ito sa mukha niya at dahil may dalawang phone sa loob, namula ang ilong niya sa sakin.

Hinimas niya ang ilong at nagulat ako ng tinignan niya ako ng masama. "Puta." Kinuyom niya ang kamao at inangat ito.

Napapikit na lang ako at hinintay na dumampi sa mukha ko ang kamao ng lalaki. This will be really painful, I'll make sure to make this hoodlums pay.
"Hoy!"

My heart skipped a beat when I heard that voice.

"Anong ginagawa niyo sa asawa ko?"

"Señor, paumanhin. Asawa ko po siya. Ipagpaumanhin niyo ang kanyang nagawa sapagkat may sakit siya sa pag-iisip."

What....

What was that?

"Binibini, ayos ka lang?"

Binuksan ko ang mga mata ko at dumapo ito sa isang lalaki. Nakatayo siya sa harap ko nag-aalala akong tinignan.

"Huwag mo na ulit akong takutin ng ganoon, Kristin."

Bumilis ang tibok ng puso ko. It was so loud, I couldn't hear the bustling city. The guy was wearing a white shirt with its sleeves rolled upto his elbows. He was wearing a black pants and a black sneakers.  Moreno siya. He's got sun-kissed skin. Matangkad at maayos ang tindig. He's tall and lean.  May itim at magulong buhok.

My eyes traced his tall and lean figure, from his messy dark hair down to his worn-out wooden slippers. My gaze landed on his face. He's face looked like it was hewn to perfection. He's got a prominent jaw curved gracefully around. His thick eyebrows made him look like he's a serious person but his slightly droopy hazel brown eyes looked like it was capable of holding different expression. He's got long lashes that any girl would envy and a tall nose. I stared at his soft lips. Surprisingly, he's got foreign features. Especially, his nose and the shape of his face. And his brown locks. Spanish perhaps?

"Susundan ko sana 'yung asong nabangga nung kotse kanina at nakita kitang ginugulo ng mga lalaking iyon. Hindi ka ba nasaktan?"

"Kung dumating sana ako ng mas maaga, hindi ka sana nasaktan ng taong iyon."

Nanatili akong nakatitig sa kanya. It was him.

"Ah, pasensya ka na kung tinawag kitang asawa. Yun lang ang naisip kong palusot para tigilan ka nila. Pasensya na." He smiled and lend me my purse. "Ito nga pala. Nahulog mo." Hindi ko ito tinanggap. I didn't remove my gaze from his face, scared that I would forget it again. I searched every corner of his face. My heart was saying, I know him. And I'm searching for those answers.

My gaze landed on his brown eyes.

"Kung ganun, umiibig na pala ako."

"Kristin.. Iniibig kita."

"Habang mas lumalalim ang nararamdaman ko sayo, mas lumalalim din ang takot na aking nararamdaman ko. Ang takot na mawala ka sakin. Ang takot na masaktan ka. Kristin, bilang isang miyembro ng katipunan, nakadikit na sakin ang kamatayan. Hindi ko nakikita ang aking hinaharap. Hindi ko alam. Kaya't kung mananatili ka sa tabi ko maaari kang mapahamak."

"Bakit ko naman makakalimutan? Nakalimbag na ang pagkatao mo saking puso't isipan."

"Hindi ko man lamang napigilan si Bonzon na saktan ka. Nangako ako na hinding-hindi kita hahayaang masaktan ngunit.."

"Salamat at dumating ka sa buhay ko. Salamat at nakilala kita."

"A..ayos lang ba kung maging makasarili ako, kahit isang beses lang? Ano nga ba... hah...ang itsura ng hinaharap? Ang hinaharap na kasama ka?"

"Kung mabubuhay man akong muli, kung itinadhana man tayo sa isa't isa, hintayin mo ako sa hinaharap, Kristin... Ha-hahanapin kita... kahit saang sulok man ng mundo. S-sa hinaharap,  tutuparin ko ang aking pangako."

"S-sa susunod na buhay... S-sa loob ng sampung libong taon.. Habangbuhay... Mamahalin kita."

"Hindi ko pa pala naipapakilala ang aking sarili. Ako nga pala si Antonio. Antonio Hidalgo."

"Antonio..." sambit ko.

Itinaas niya ang isang kamay at napahimas ng kanyang batok, "Actually, it's Anthony. Anthony Hernandez. Pero maaari mo akong tawaging Antonio if that's what you prefer."

His voice. It was still smooth and gentle. It feels like a heavy weight in my chest was gone at nagu-umpisang ng magsiunahan sa pagtulo ang mga luha ko.

Nagulat siya sa ng bigla akong umiyak. Napaupo ako at tinakpan ang mukha ko habang patuloy pa ring umiiyak.

"M-miss? S-sorry, ano... may nasabi ba akong masama?"

"Karlos was right. I'm really stupid," I said.

"H-ha?"

How can I forget someone so precious? Masyado akong naging kampante na di ko siya makakalimutan. Sa loob ng limang taon, I was searching for something. I was looking for my happiness. Turns out, nasa puso ko lang pala. I've found the missing piece. My mind may have forgotten them, him, but my heart remembered. And always will.

"You'll be fine. You don't have to cry anymore."

Pinahid ko ang mga luha ko saka tumayo at hinarap ang lalaking matagal ko ng hinahanap. Binigyan ko siya ng isang ngiti at inilahad ang aking kamay.

"Ako si Kristin. Kristin Lopega," pagpapakilala ko at pilit pa ring pinipigilan ang mga luha. Pilit kong pinapakalma ang sarili dahil sa mga emosyong aking nararamdaman.

"May pangalan din ako. It's Kristin, call me Kristin."

"Ang haba naman ng iyong pangalan. At kakaiba rin. Its-Kristin-Kol-me-Kristin?"

"No, no! Hindi Its-Kritin-Kol-me-Kristin ang pangalan ko. Kristin lang. Kristin."

Nagtataka niyang tinignan sandali ang kamay ko bago ito tinaggap. "Anthony—" The smile that I was longing for appeared on his face. "Antonio Hernandez. Ikinagagalak kong makilala ka."

Antonio, kamukha mo siya. Pareho din kayo ng ngiti. Kaboses mo siya. Pareho kayo ng tindig. Pareho kayong may kulay tsokolateng mga mata, matatangos na ilong, malalambot na mga labi, itim na mga buhok, moreno. At higit sa lahat, pareho kayong matapang. Iniligtas niya rin ako sa mga lalaki kanina gaya ng pagligtas mo sakin ng ilang beses. Tulad mo din, 'Asawa' ang ginamit niyang palusot.  Nakakagulat lang dahil nagi-ingles siya na hindi mo naman ginagawa.

Sabihin mo, Antonio, ikaw ba ang nasa harap ko ngayon? Sinabihan mo akong maghintay, nangako kang hahanapin mo ako kahit na saang sulok man ako ng mundo magpunta. Pinadali ko na nga ang trabaho mo at hindi umalis ng Pilipinas kaya tutuparin mo na ba ang pangakong iyon? Kung ikaw nga ang nasa harap ko ngayon, makinig ka sakin.

Mahal pa rin kita. Hindi iyon nagbago at hinding-hindi magbabago. Ngayon, sisiguraduhin kong ito na ang tamang panahon para satin, para ipagpatuloy ang kuwento natin. Sa bagong panahong ito, malaya nating mamahalin ang isa't isa.

Farewell, My Handsome Katipunero.

"Ikinagagalak ko ding makilala ka, Antonio."

- WAKAS -

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro