Special Chapter: The Moth and the Flame
A young moth once set his heart on a light of a lamp. The flickering seemed to beckon him every evening. When he told his mother of his heart's desire, she was filled with sadness.
"Lamps are not for little creatures like you," she said. "You will get scorched and burnt. You will be safer hiding in the dark like the others."
But the moth did not heed his mother's warning. At dusk, when the lamp was lit he would start flying towards it, circling around and feeling its warmth.
"What if I got scorched a little? Then I will have a mark of valor," thought the headstrong moth. "Better be burned seeking the light, than perish in the darkness."
One night he polished his wings until they shone brightly. And with deep resolve, he plunged right into the lamp. Alas! He was swallowed by the laughing, dancing flame and was seen no more.
1885
"Meme les nuits les plus sombres..." taas-noong pagbasa ni Santiago sa librong hawak. Nakatayo siya sa aming harapan habang kami naman ay nakaupo habang nakikinig sa kanya. "...finiront et le soleil se levera." Sumilay sa kanyang mukha ang isang malawak na ngiti bago tiniklop ang libro.
Hindi ko napigilan ang aking sarili at napapalakpak nang malakas habang manghang nakatingin sa kanya. "Ang galing!" komento ko.
"Salamat."
"Ano namang ibig sabihin ng iyong binasa?" Napahinto ako sa pagpapalakpak at napatingin kay Kuya Antonio na nakaupo rin sa tabi ko at walang ganang nakatingin kay Santiago.
"Hindi ka ba namamangha, kuya Antonio? Napakagaling kaya ni Santiago," sabi ko.
"Hindi lang simpleng pagbigkas ng mga salita ang pagbabasa. Wala ring kwenta kung hindi mo naman naiintindihan ang nais na ipahayag ng aklat."
Napakurap ako at muling ibinalik ang tingin kay Santiago. Napansin kong namumula ang kanyang tenga at masamang nakatingin kay Kuya Antonio. Tumikhim siya, "Alam ko ang ibig sabihin ng aking binasa."
"Bakit hindi mo sabihin samin?"
"Sasabihin ko naman, hindi mo kasi ako agad na pinatapos." Inalis niya ang atensyon kay Kuya Antonio saka muling humarap samin. Inayos niya ang kanyang kwelyo at muli ay sumilay sa kanyang mukha ang isang ngiti. "Ang ibig na ipahayag ni Victor Hugo sa linyang ito mula sa kanyang aklat na Les Miserables ay na kung ang gabi ay sakdal dilim, may bukang liwayway parin. Kaya dapat lang na hindi tayo mawalan ng pag-asa dahil lahat ng mga pasanin natin sa buhay ay may solusyon. Lahat ng ito'y malalagpasan natin basta't may pananalig at may tiwala tayo sa ating sarili. Hindi habang buhay ang pagiging miserable."
Bawat salitang kanyang binitawan ay nagpapabilis ng aking puso. Habang tinititigan ko siya, tila ba lumiliwanag ang paligid. Araw-araw akong sabik na magtungo sa mansyon ng mga Iglesias upang makita siya. Masaya ako sa tuwing pinakikinggan ko siyang nagbabasa ng mga aklat. Masaya ako sa tuwing may ibinabahagi siyang bagong kaalaman.
Simula pagkabata, humanga na ako kay Santiago. Ang buong pagkatao niya ay tulad ng isang apoy. Siya ang sentro ng atensyon. Lahat ng mata ay napapatingin sa kanya dahil sa liwanag na kanyang ibinabahagi. Lumaki siya sa karangyaan. Nasanay sa maliliwanag na piging at mga kagamitang ginto ang katumbas. Ngunit imbes na hayaan ang sarili na masilaw sa kayamanang nakalatag sa kanyang harapan, gumawa siya ng sarili niyang liwanag. Liwanag na kayang magbigay ng init sa madilim na gabi. At tila ba isa akong gamu-gamu na nabibighani sa kanyang liwanag. Sa kagustuhang makalapit sa kanya, wala akong pakialam kung maapaso ako.
Ang paghangang iyon ay lumalim sa pagdaan ng mga taon.
1889
Ngunit noong naramdaman ko na kung gaano kasakit ang mapaso, iniwasan ko na ang apoy.
"Sino ang mag-aalaga kay Corazon? Hindi naman pwede ang aking pamilya sapagkat kapos rin kami."
"Hindi rin siya pwede sa amin."
"Ano ba kayo? Wala ba kayong utang na loob sa ating kapatid? Nasa ilalim na nga siya ng hukay nagagawa niyo pang bigyan siya ng problema. Kung hindi niyo kaya, ako ang mag-aalaga kay Corazon."
"Ngunit, Isay..."
Tinakpan ko ang aking tenga habang nakatayo sa pintuan at palihim na nakikinig sa kanilang usapan. "Ayoko sa inyo," bulong ko at mabilis na nilisan ang bahay.
Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa hindi ko na alam kung saang parte na ako ng bayan. Ang alam ko na lamang ay nakaupo ako sa gilid ng kalsada habang pinagtitinginan ng mga taong dumadaan. Hindi ko na magawang umiyak kahit na pakiramdam ko ay sasabog na ang aking dibdib sa sobrang sakit, lungkot at galit.
"Corazon," inangat ko ang aking tingin nang marinig ko ang boses ng aking kuya Antonio. Nakatayo siya sa harap ko at tulad ko, basa rin ng ulan. Inilahad niya ang kanyang kamay, "Umuwi na tayo."
Tatanggapin ko na sana ito nang mapansin ko si Santiago na nakatayo sa likuran niya. Tumayo ako at tinabig ang kanyang kamay.
"Ayoko."
Sinubukang lumapit sakin ni Santiago ngunit mabilis akong umatras. "Corazon..."
"D-dahil sa paglapit namin sa pamilya niyo, nangyari ang lahat ng ito." Naramdaman kong uminit ang gilid ng mga mata ko. "Sana... sana hindi nalang kita nakilala!"
Lumitaw sa mukha ni Santiago ang sakit. Tila ba nawala ang liwanag na kanyang taglay.
"Corazon! Huwag kang magsasalita ng ganyan!"
Hindi ko na pinansin si Kuya Antonio at muling tumakbo palayo.
Tumakbo. Ito na lamang ang alam ko upang hindi na maramdaman ang sakit ng pagkawala ng aking mga magulang. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung sana hindi ako nagpipilit na palaging pumunta sa mansyon ng mga Iglesias, kung sana nalaman ko agad na malaki ang galit ng gobernadorcillo sa kanilang pamilya, hindi sana madadamay ang aking ama't ina. Hindi sana sila pinapatay ng gobernadorcillo. Nandito pa sana sila ngayon. Kasama ko pa sana sila.
Kung sana hindi ako nagpasilaw sa liwanag ni Santiago, hindi mangyayari ang lahat ng ito.
Nagising ako sa isang silid na hindi pamilyar sakin. Nakasuot na ako ng tuyong damit habang may makapal na kumot na nakapatong sa aking katawan at may nakadamping malamig na tela sa aking noo. "Nasaan ako? tanong ko sa aking sarili.
"Naku, gising ka na pala, hija." Hinanap ko ang pinaggalingan ng boses at dumapo ito sa matandang babae na nakatayo sa pintuan ng silid. Ibinaba niya ang plangganang dala at lumapit sakin. "Maayos na ba ang iyong pakiramdam?"
Dahan-dahan akong tumango. "N-nasaan nga po pala ako?"
"Narito ka sa aking bahay. Kanina habang ako'y namimili sa bayan ay nakita kitang nakahandusay sa maputik na kalsada. Naawa ako sa'yo dahil wala man lamang ni isang tumulong sa'yo. At dahil hindi naman kita kilala at hindi ko alam kung tagasaan ka, naisipan kong dalhin ka na lamang sa aking bahay." Sumilay sa kanyang maamong mukha ang isang malumanay na ngiti. Lumapit siya sa mesang nasa tabi ng kamang aking hinihigaan at kinuha ang tasang nakapatong rito. Tinanggal ko ang bimpong nakapatong sa aking noo at dahan-dahang umupo. "Eto, inumin mo upang bumuti ang iyong pakiramdam at nang maiuwi agad kita sa inyo."
Sa... amin? Tinitigan ko lamang ang tasang nakalahad sa aking harapan. Muli ko na namang naalala ang lahat ng nangyari. Muling bumalik ang lahat ng pinaghalo-halong emosyon na aking naramdaman.
"H-hija, may problema ba? May masakit ba sa'yo?" nag-aalalang tanong nito. Ang boses niya'y tila ba isang mainit na mga palad na humaplos sa aking likod na siyang dahilan upang tumulo ang mga luhang matagal ko ng gustong ilabas. "Hija..."
"Wala na akong uuwian..." sambit ko sa gitna ng aking mga hikbi. Lahat ng mga nangyari nitong mga nakaraang araw ay muling bumabalik. Lahat ng sakit na aking naramdaman. Bakit kailangan kong maranasan ang lahat ng ito sa murang edad? Bakit?
Mas lalo akong napaiyak nung niyakap ako ng matanda. "Hindi ko man alam kung ano ang nangyari ngunit kung wala ka ng mauuwian, handa akong tanggapin ka sa aking tahanan." Marahan niyang hinimas ang aking likuran upang patahanin ako. "Sa kabila ng madidilim na gabi, darating ang isang umaga."
"...na kung ang gabi ay sakdal dilim, may bukang liwayway pa rin.
Siya si Lola Melchora, ang taong umampon at nagpalaki sa akin. Alam ng aking kamag-anak ang tungkol dito. Sumama ako kay Lola Melchora sa kabilang bayan, malayo sa kung nasaan sina Santiago. Ito ang paraan ko upang maghilom ang sugat sa puso.
1892
[TAON KUNG KAILAN ITINATAG ANG KATIPUNAN]
"Corazon, halika nga rito." Itinabi ko ang walis at bumaba papunta sa kung nasaan si Lola Melchora.
"Ano po iyon?" tanong ko nang makapasok ako sa tambakan namin ng mga palay. Nakatayo si Lola Melchora at mukhang kakatapos lang na maglinis.
Sa loob ng tatlong taon, nanatili ako sa tabi ni Lola Melchora. Itinuring niya ako na parang tunay niyang kadugo. Hindi lang damit, matutulugan, at pagkain ang ibinigay niya. Binigyan niya ako ng tahanan, pamilyang maituturing kong sakin. Ipinadama niya sa akin ang pagmamahal na tulad ng pagmamahal ng aking tunay na ina. Sinuklian ko ang kanyang kabutihan. Ipinagpatuloy ko ang gawain ng aking yumaong magulang, nag-aral akong gumawa ng gamot para kay Lola Melchora. Ang ilan naman ay ibinibenta ko sa bayan upang pandagdag ng mga gastuhin sa bahay. Maliban doon, ako na ang gumagawa ng mga gawing-bahay.
Naging kasapi rin ng isang maliit at sekretong organisasyon si Lola Melchora. Kadalasan sa bahay niya nagaganap ang pasekretong pagpupulong ng mga kasapi nito. Ang layunin ng samahan ay magtatag ng isang rebolusyonaryong pamahalaan laban sa mga dayuhang kastila.
Sa tuwing may pulong, palagi akong nakikinig. Nais kong maging bahagi ng samahan upang ipaghiganti ang aking mga magulang.
"Sa iyo ba itong kahon na ito?" Tinuro niya ang maliit na kahon kanyang paanan.
"Ah, opo. Plano ko po iyang itapon."
"Mukhang mga liham ito. Hindi mo ba ito babasahin o bubuksan man lang?"
Ang laman ng kahon ay mga liham na araw-araw na ipinapadala ni Santiago. Tinatanggap ko ito ngunit hindi ko binubuksan at itinatambak lamang ito sa isang kahon. Ngayong araw ay plano ko na itong sunugin.
Simula noong nawala ang aking mga magulang, pilit ko ng iniwasan ang mga taong tulad ni Santiago. Mga taong nabibilang sa mataas na baitang ng lipunan. Nanatili ako sa kung saan nabibilang ang mga tulad. Kahit isnag beses, hindi ako lumagpas sa linya dahil gulo lamang ang dala ng mga taong tulad niya. Umiling ako, "Hindi naman po ito mahalaga."
"Sigurado ka-"
"Tao po!" Sabay kaming napalingon ni Lola Melchora sa labas.
"Oh, baka si Antonio na iyan."
"Pupuntahan ko na po siya."
"O siya at tatapusin ko pa ito dito."
Tumango ako at mabilis na inayos ang sarili. Isang beses kada buwan kung bisitahin ako ni Kuya Antonio. Palagi siyang may dalang prutas at kakanin na gawa ni Nanay Isay. Noong nalaman nilang kinupkop ako ni Aling Melchora, hindi na sila umalma. Sinuportahan nila ako sa kung ano man ang gusto ko. Sa tingin ko'y naiintindihan na nais kong lumayo.
Napangiti ako nang makita si Kuya Antonio na nakatayo sa labas ng bahay. Suot nito ang salakot habang dala-dala ang sa tingin ko'y mga kakanin na ginawa ni Nanay Isay. Malaki na ang pinagbago niya. Ang dating payat na pangangatawan ay ngayo'y nagkakalaman na. Mas nakikita na rin kakisigang taglay nito at ang mga katangiang namana niya sa kanyang tunay na ama. "Kuya Antonio," pagtawag ko sa atensyon niya.
Lumingon siya at sumilay sa kanyang mukha ang isang malawak na ngiti. "Corazon."
Lumapit ako sa kanya, "Mabuti naman at nakadalaw ka ulit."
"Mapapanis ang mga pagkaing ginawa ni Lola kung hindi ko ito ibibigay sa'yo," sabi nito saka hinubad ang salakot. "Mukhang tumangkad ka."
Napatawa ako ng mahina, "Talaga?"
"Oo. Humaba rin ang iyong buhok. Mukhang hindi na ikaw ang iyaking Corazon noong mga bata pa tayo."
"Ikaw talaga, kuya Antonio. Pumasok na nga tayo. Kanina ka pa hinihintay ni Lola Melchora."
Dumiretso kami sa ikalawang palapag at doon nagkuwentuhan habang kinakain ang mga kakaning dala niya.
"Oo nga pala, Corazon," sumeryoso ang mukha ni kuya Antonio. "Narinig ko sina Lola't lolo na nag-uusap. May tinutulungang sekretong organisasyon ang pamilya Iglesias."
Nawala ang sigla sa mukha ko nang marinig ko ang pangalan ng pamilyang iyon. Huminga ako ng malalim at ibinaba ang pagkain.
"Nawalan na ako ng gana."
"Hindi mo pa rin ba sila kakausapin? Matagal ng sabik si dona Catalina na makita ka."
"Matagal ko nang pinutol ang uganayan ko pamilyang iyon, kuya Antonio. Kaya kung maaari, huwag ka ng magkukwento tungkol sa kanila," malamig kong sagot.
Napabuntong hininga siya at may kinuha mula sa bulsa ng kaniyang salawal. Inilahad niya sakin ang isang puting sobre. "Gusto ni Santiago na siya mismo ang magbigay ng liham na ito ngunit nawalan siya ng pagkakataon."
"Hindi ko tatanggapi-"
"Ipinadala siya ng kanyang ama sa Espanya isang taon na ang nakakalipas. Pinaghihirapan niya ang mga liham na ipinapadala niya sa'yo, kaya't sana buksan mo man lang ito."
Umalis si kuya Antonio ng maaga dahil malayo pa raw ang kanyang lalakarin. Nanatili ako sa aking silid pagkaalis niya. Hindi ko magawang bumalik sa aking mga gawain dahil may bumabagabag sa aking isipan. Hawak-hawak ko ang liham na ibinigay ni kuya Antonio habang nakaupo sa paanan ng aking kama. Hindi ko alam kung bakit nais kong buksan ang liham.
Naialis ko ang tingin sa hawak na papel nang may kumatok sa pinto ng aking silid. "Hija, maaari ba akong pumasok?"
"O-opo," sagot ko bago inayos ang aking sarili. Nagulat ako nung pumasok si Lola Melchora dala ang kahong balak ko sanang sunugin kanina. "L-lola... bakit niyo po dala iyan?" Tumayo ako at dahan-dahang kinuha sa kanya ang kahon.
"Sa tingin ko'y napakahalaga ng mga ito sa'yo kaya hindi ko magawang itapon."
Nagawa kong hindi pansinin ang mga sulat mula sa kanya sa loob ng apat na taon. Ngunit noong nalaman kong nasa malayong lugar na siya, bakit bigla akong nagkaroon ng kagustuhang buksan ang bawat liham na kanyang ipinadala.
"Narinig ko ang pag-uusap niyo ni Antonio kanina. Tungkol sa pamilya Iglesias ng kabilang bayan."
Naibalik ko ang tingin kay Lola Melchora. Binigyan niya ako ng isang ngiti, "Napakalaki ng tulong ng pamilyang iyan sa ating samahan."
"A-ano pong ibig niyong sabihin?"
"Kasapi ng ating samahan ang pamilya Iglesias. Isang kilalang pamilya ang tumutulong sa atin na makamit ang kalayaan ng bayan mula sa mga dayuhang kastila."
1896
Napansin ko ang pamumula ng mga pisngi ni Kristin dahil sa aking sinabi. Mukhang may gusto nga siya sa aking kuya Antonio.
Sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto sa aking pinsan? Taglay na nito ang lahat. Makisig at matipuno, maginoo, mabait, matalino, at higit sa lahat handang ipaglaban ang taong mahalaga sa kanya. Lahat ng babaeng napapatingin sa kanya ay pinapana ni Kupido. Wala na atang makakapantay sa kakisigan ng aking kuya Antonio. Halos lahat ng babae rito sa aming bayan ay inaabangan si kuya Antonio.
Ngunit mukhang mayroon nang nakahuli ng kanyang puso.
Napangiti ako habang nakatingin sa namumulang si Kristin. Kung si kuya Antonio ang kinababaliwan ng kababaihan, siguradong si Kristin naman ang kinahuhumalingan ng kalalakihan. Napakaganda kasi niya. Mula sa kakaibang kulay ng buhok nito, sa kanyang matangos na ilong, mahahabang pilik-mata, mala rosas na mga labi, at sa mga mata nito.
Nanaisin mo na lamang na titigan sila buong araw.
"Corazon." Napalingon ako sa aking pintuan noong bumukas ito.
"Bakit po?" tanong ko kay Lola Melchora.
"Narito si Santiago."
Pansamantala akong napatitig kay Lola Melchora bago ko tuluyang naintindihan ang kanyang sinabi. Parang bumagsak ang puso ko nang marinig ko pangalang kanyang binigkas. Ang pangalang pilit kong kinalimutan. Ang pangalan ng taong naging dahilan upang masira ako.
Narito siya.
Limang taon. Limang taong hindi siya nagparamdam. Sa loob ng mahabang panahong iyon, hindi na ako nakatanggap ng mga liham mula sa kanya. Akala ko magiging masaya ako dahil sa wakas ay mawawalan na ako ng ugnayan sa kanya. Ngunit, bakit hindi ko nagawang itapon ang mga liham na palaging niyang ipinapadala noon?
Bawat hakbang ng aking mga paa ay siya namang pagbilis ng tibok ng aking puso. Halos lamunin na ako ng kaba. Habang papalapit kami sa sala, dumadami ang mga tanong sa aking isipan. Ano ang mangyayari? Ano magiging reaksyon niya kapag nakita ako? Ano ang mararamdaman ko kapag nakita ko na siya? Ang taong hinangaan ko simula pagkabata. Ang taong iniwasan ko sa loob ng maraming taon. Muli ba akong masisilaw sa liwanag na kanyang taglay?
Napalunok ako nang makita ko siya. Kahit na nakatalikod siya ay halatang halata ang kanyang kakisigan. Hindi na siya ang payat at batang Santiago na aking nakilala. Ang kanyang tindig ay tulad na ng isang maginoong lalaki.
Para bang bumagal ang pag-ikot ng mundo noong dahan-dahan siyang lumingo sa aming direksyon. Para bang bumalik ako sa pagkabata, sa araw kung saan una ko siyang nakita.
Binitawan niya ang kamay ng kanyang ina at lumapit sakin habang ako naman ay pilit na nagtatago sa likuran ng aking ama. Inilahad niya ang kanyang kamay at sumilay sa kanyang maamong mukha ang isang malumanay na ngiti, "Ako si Santiago." Doon ako unang beses na nahalina sa kanyang liwanag.
At ngayon, muli kong nasilayan ang kanyang liwanag. Ibang-iba na siya sa Santiago na aking nakilala. Unang beses sa buong buhay ko, tinignan ko siya bilang isang lalaki. Hindi na lamang paghanga ang aking nararamdaman. Sa loob ng maraming taon na iniwasan ko siya, mas lalong lumalim ang nararamdaman ko sa kanya. Sa loob ng maraming taong pag-iwas ko sa kanyang liwanag, mas lalong lumalim ang kagustuhan kong makita ko siyang muli.
"Binibining Corazon." Nagulat ako nang bigla niyang kinuha ang aking kamay. Parang may kuryenteng dumaloy sa aking katawan noong magdampi ang aming mga kamay.
Mas lalong bumilis ang tibok ng aking puso nang dumampi ang kanyang malambot na mga labi sa likod ng aking palad. Para bang muling nasindihan ang aking nararamdaman para sa kaya. Inangat niya ang kanyang tingin at hinuli ang aking mga mata.
Naramdaman kong uminit ang aking mukha nang mapatitig ako sa kanyang mga mata. Sa sobrang tagal kong hindi natitigan ang mga matang iyon, mukhang ayaw ko ng ialis ang tingin ko mula rito.
"Ginoong Santiago."
Hindi ko siya nakalimutan. Mas lalo ko siyang minahal.
Sa muling pagbalik ni Santiago, minsan nalang kung kumalma ang aking puso. Kahit anong pilit kong pag-iwas sa kanya, gumagawa siya ng paraan upang magkausap kami. Naiintindihan ko naman kung napapadalas ang kanyang pagpunta sa bahay ni Lola Melchora ngunit ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kailangan niyang pumunta rito kahit na wala namang pulong na nagaganap.
"Hindi ba niya napapansin na nahihirapan ako sa tuwing nandiyan siya?" bulong ko sa sarili ko habang nakaupo sa bangko sa labas ng bahay. Parang nawala ang lahat ng pinaghirapan ko sa loob ng maraming taon. Ang pader na aking itinayo ay unti-unti na niyang winawasak.
"Corazon," napaayos ako ng upo at napalingon kay Emilio na kakarating lang.
"Emilio?"
"Maaari ba akong umupo?"
Tumango ako. Nginitian niya muna ako bago umupo sa aking tabi. "Mukhang malalim ang iyong iniisip."
"Pagod lang siguro ako."
"Huwag mong pilitin ang katawan mo. Magpahinga ka rin at tanggapin na tulong na ibinibigay ng iba sa iyo."
Napangiti ako, "Salamat." Isa si Emilio sa mga naging malapit kong kaibigan sa samahan. Pareho kaming may interes sa mga aklat kaya kung minsan ay napag-uusapaan namin ang tungkol sa aming nabasa. Minsan rin ay tinutulungan niya ako sa tuwing hindi ko naiintindihan ang ilang kastilang salita sa aking binabasa habang ako naman ay tinutulungan siyang kabisaduhin ang wikang tagalog. Tindahang kastila kasi ang kanyang pananalita kaya't may mga tagalog na salita siyang hindi alam.
Napalapit ako sa kanya at itinuring ko siyang matalik na kaibigan. Dahil sa tuwing may mga problema ako o kung naaalala ko ang aking nakaraan, nariyan siya upang damayan ako. Siya ang naging pangalawang kuya Antonio ko.
"Bakit bihira ka kung ngumiti?" nagtatakang tanong ko. Si Emilio ay isang seryosong tao. Masyado siyang seryoso sa gawain niya sa samahan. Sa katunayan, nakikita ko si Santiago sa kanya. Kung may gusto siyang makamit, pinaghihirapan niya ito. Imbes na humanap ng madaling paraan, tinatahak niya ang mahirap na daan ngunit may kasiguraduhan. Gusto niyang hinahamon ang kanyang sarili dahil ito ang nagsisilbing pagsusulit niya upang malaman kung hanggang saan ang kaya niya.
Nagtataka niya akong tinignan. "Ganoon ba?"
"Oo. Bakit hindi mo gayahin si kuya Antonio? Palaging nakangiti. At sa tuwing ngingiti siya, napapansin kong halos nahihimatay ang kababaihan. Bakit hindi mo gawin iyon? Baka makahanap ka ng babaeng iyong iibigin upang kahit papaano ay maialis mo ang iyong atensyon sa trabaho?"
Pansamantala niya akong tinitigan. Sa lalim ng kanyang titig ay parang gusto ko nang iiwas ang aking tingin. Nakahinga lamang ako ng maluwag nang inalis niya ang tingin sakin at ibinaling ito sa ibang direksyon. "May iniibig na akong babae."
"Talaga?"
Tumango siya. May ngiti sa kanyang mga labi ngunit may lungkot sa kanyang mga mata. "Ngunit may iba na siyang minamahal."
Muli kong nahigit ang aking hininga nang muli niyang ibinaling ang kanyang tingin sa akin. Hindi ko magawang iiwas ang aking tingin dahil sa lungkot at sakit na aking nakikita sa kanyang mukha. Nakangiti siya ngunit mukhang hindi ito ang kanyang tunay na nararamdaman.
"Magandang gabi." Naialis ko ang tingin ko at naibaling ito kay Kristin na kararating lang.
Tumikhim ako at nginitian siya, "Magandang gabi rin."
"Nandyan nga pala si Santiago. Mukhang may ibibigay sa'yo. Nahihiya nga lang."
Naibaling ko ang tingin sa dalawang lalaki sa likuran ni Kristin. Nakangiti si kuya Antonio habang si Santiago naman ay walang emosyong nakatingin samin, sakin.
"Magandang gabi," pagbati nilang dalawa.
Tumikhim si Santiago, "Ah, nandyan ba ang supremo?"
"Akala ko ba si Corazon ang pakay mo?" tanong ni kuya Antonio.
Napaiwas ng tingin si Santiago. Agad naman naming naibaling kay Emilio ang atensyon nang bigla itong tumayo.
"Ako'y aalis na."
"Hindi ka ba muna kakain?" tanong ko.
"Hindi na, binibini. Maraming salamat. Ako'y magpapaalam muna sa Supremo at sa Tandang Sora." Matapos noon ay pumasok na siya sa bahay. Maski sina Kristin at Kuya Antonio ay umalis rin kaya kaming dalawa na lamang ni Santiago ang naiwan sa labas.
Naramdaman ko naman ang muling pagbilis ng tibok ng puso ko.
"Corazon..." Mas lalo akong nahirapang pakalmahin ang aking puso nang magsalita siya. Tila ba hinaplos ng kanyang malalim na tinig ang aking puso at mas lalo pa nitong gustong lumabas sa aking dibdib.
"Anong ginagawa mo rito? Hindi ba't napakamapanganib kung palagi kang magtutungo rito kahit na wala namang importanteng pulong?" malamig kong tanong. Pinilit ko ang sarili kong hindi mapatingin sa gawi niya dahil natatakot akong mas maungkat pa ang nararamdaman ko sa kanyang pilit kong inilibing.
"May ibibigay sana ako sa'yo-"
"Sana'y nag-utos ka na lamang ng tao upang ipadala iyan rito o di kaya'y saka mo na sa akin ibinigay sa susunod na pagtitipon."
"Corazon... iniiwasan mo ba ako?"
Natigilan ako sa kanyang tanong. Simula noong bumalik siya, naging malamig na ang trato ko sa kanya. Akala ko hindi niya mapapansin dahil ipinamukha kong maayos lang ang lahat. Na parang nakalimutan ko na ang mga nangyari noon.
"Hindi," diretso kong tanong.
"Nahahalata kong iniiwasan mo ako, Corazon. Kung tratuhin mo ako ay para bang hindi ako naging malapit sa'yo."
Tinalikuran ko siya, "Marami pa akong gagawin, Santiago."
"Bakit mo ginagawa ito?"
"Umalis ka na, Santiago. Hindi makakabuti sa'yo ang pananatili rito lalo na't may pangalan kang iniingatan." Inihakbang ko na ang mga paa ko at tinahak ang daan papunta sa pintuang papasok nang bahay ngunit aad akong napahinto nang biglang kong naramdaman ang kamay niya sa braso ko.
Tila ba ako'y nakuryente at agad kong tinabig ang kamay niya. Naramdaman kong uminit ang mga pisngi ko. Halos maubusan na akong ng hininga at halos mabingi sa sobrang lakas ng kalabog ng aking puso.
"Corazon..."
"Umalis ka na!" sigaw ko at pilit na itinago ang mukha ko gamit ang likod ng aking palad.
Nasaktan siya sa sinabi ko. "Bakit mo ako itinataboy?"
"Umalis ka na..." Dahil sa'yo, nawala ang lahat ng pinahalagahan ko. Dahil sa'yo at sa pamilya mo, nawala ang mga magulang ko. Dahil sa'yo, naramdaman kong masaktan sa napakabatang edad. Dahil sa'yo...
"Inilayo ko ang sarili ko upang hayaang maghilom ang sugat sa puso mo. Bumalik ako dahil nais kong ayusin ang lahat satin, ngunit bakit muli mo akong itinataboy? Ano ba ang nagawa ko upang itulak mo ako ng ganito?"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at inilabas na ang lahat ng lungkot, sakit at galit na aking nararamdaman. "Bakit? Dahil kinamumuhian kita! Kinamumuhian ko ang mga taong tulad mo! Dahil sa pamilya mo, nawala ang lahat sakin! Ikaw! Ikaw dahilan ng napakalalim na sugat na meron ako ngayon!"
Dahil nabighani ako sa liwanag mo, napaso ako.
"Sana... Sana hindi na lamang kita nakilala."
Akala ko gagaan ang loob ko dahil nasabi ko sa kanya ang mga salitang iyon, ngunit hindi. Ilang araw akong nahirapang matulog dahil doon. Kahit papano ay nakahinga ako ng maluwag nang dumalang ang pagbisita ni Santiago sa amin. Akala ko hindi ko hindi ko pagsisisihan na sinabi ko sa kanya ang mga salitang iyon. Ngunit mali ako.
"G-ginoong Crisostomo, tulungan niyo ang Señor Santiago. S-siya'y dinakip ng mga guwardiya sibil."
Inakala kong titigilan na ako ni Santiago. Akala ko ang ibig sabihin ng ilang araw niyang hindi pagdalaw ay dahil tumigil na siya.
"Corazon..."
Napatingin ako kay Kristin. Naramdaman kong nanghihina ang aking tuhod at para bang bumagsak ang aking puso. "K-Kristin... S-si Santiago..."
Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi, "Hindi mapapahamak si Santiago, okay?" Tumulo ang mga luha saking pisngi at pilit niya iyong pinunasan ngunit hindi ito tumigil.
"C-Corazon."
Sana, hindi ko nasabi ang mga salitang iyon. Sana hindi ko siya nasigawan. Sana...
"Corazon, kumusta ka na? Sana hindi ka na umiiyak sa tuwing nadadapa ka lalo na't wala kami palagi ni Antonio sa tabi mo upang patahanin ka."
"Corazon, ngayong araw na 'to may bagong aklat na inuwi ang aking kuya Sebastian mula sa bansang pransya. Tinuruan niya rin ako ng ilang salita mula sa wikang Pranses. Nais kong ituro sa'yo ang mga salitang iyon sapagkat napakasayang pakinggang ng kanilang wika."
"Corazon, alam mo bang nahulog sa ilog si Bernarda kaninang tanghali. Hindi ko alam kung bakit ako natatawa imber na mag-alala. Hindi na ba ako maituturing na ginoo sa aking inasta?"
"COrazon, sa tingin ko'y may paghanga si Bernarda sa iyong pinsan. Sana'y huwag mo itong suportahan lalo na't ayokong mapunta sa masamang tao ang aking matalik na kaibigan."
"Corazon, hindi mo pa rin ba ako gustong makita? Wala akong natatanggap na sagot mula sa'yo sa mga liham na aking ipinapadala."
"Corazon, naikwento sakin ni Antonio na lumaki ka bilang isang napakagandang dilag. Hindi ko naman hahayaang hindi makita ang aking kaibigan kaya pinuntahan kita ngunit hindi ako nagpakita sa iyo. Ngunit tama nga si Antonio. Napakaganda mo na nga. Hindi ko maialis ang tingin ko sa iyo. Pilit kong hinahanap ang iyaking Corazon, ngunit tila ba nawala na ito. Alam mo bang napakabilis ng tibok ng puso ko habang tinitignan ka?"
"Corazon, nais kong malaman kung bakit hindi mo na ako gustong makita."
"Corazon, kumusta ka na?"
"Handa akong talikuran ang pangalang ibinigay sakin ng aking ama maibalik ko lang sa dati ang ating pagsasama."
Simula noong tinalikuran ko ang apoy sa lampara, mas lalo naman niyang ginusto na lumapit sa akin. Bawat araw ay nagpapadala siya ng liham. Ikinukwento niya ang mga nangyayari sa buhay niya at palaging tinatanong kung kumusta na ako. At ako naman ay patuloy pa rin siyang iniwasan. Ngunit noong nalaman kong pumunta siya ng Inglatera at huminto ang pagbibigay niya ng liham, hinanap ko siya. Pilit mang itanggi ng isipan ko, hindi ko naman maloloko ang puso ko.
Araw-araw, binabasa ko ang tambak na liham na hindi ko man lamang binubuksan noon. At doon, ang dating maliit na apoy ng paghanga ay sumiklab. Lumalim ang nararamdaman ko para sa kanya. Minahal ko siya. Ngunit hindi pa rin nawala sa akin ang takot na baka ako'y mapasong muli.
"Natatakot ako, Kristin. Kahit na anong pilit kong magpatatag ay mas nananaig takot na aking nararamdaman. Natatakot ako na baka mangyari kay Santiago ang nangyarisa aking mga magulang."
" 'Wag kang mag-isip ng ganun. Hinding hindi 'yun mangyayari, okay? Magiging maayos din ang lahat."
Umiling ako at naramdaman ko ang muling pagtulo ng aking luha. "Kahit anong pilit ko, hindi ko, hindi ko mapaniwala ang sarili ko na magiging maayos ang lahat. Ayokong maulit ang nangyari noon. Na hindi ko man lang masabi kay Santiago ang tunay kong nararamdaman. Nawala ang aking ama't ina nang hindi ko man lang nasabi kung gaano ko sila kamahal. Ayokong mangyari ulit iyon, Kristin."
"Alam mo, ako rin. Malapit ako sa kuya ko pero kahit kailan hindi ko nasabi sa kanya kung gaano siya kahalaga sakin. Hanggang sa ilayo na niya ang sarili niya mula sa mundo. Ikinulong niya ang sarili sa isang malungkot na silid. Buhay siya ngunit hindi namin siya makausap, hindi niya kami marinig, hindi niya kami makilala."
"Kristin.."
"Pero alam mo, kahit papano ay nabawasan ang sakit. At dahil 'yun sa inyo. Nang makilala ko kayo, marami akong natutunan sa buhay. Binago niyo ako, at ngayon gustong suklian ang kabutihang ibinigay niyo sakin."
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Corazon, nasabi na ito ng isang kaibigan dati, hindi hihinto ang oras para kanino. Kaya hanggang may oras ka pa, gawin mo na ang lahat ng gusto mo. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin para kay Santiago."
Tama si Kristin. Kailangan ko nang alisin ang takot na aking nararamdaman. Ilang taon kong iniwasan ang natatanging tao na siyang nakapagpapasaya sakin siguro ngayon, nararapat lang na muli ko na siyang harapin. Pagod na akong paniwalain ang sarili ko na mawawala itong nararamdaman ko para sa kanya.
Panginoon, bigyan mo ako ng pangalawang pagkakataon na ayusin ang lahat. Sana'y dinggin mo ang aking panalangin.
Isang gamu-gamu ang nabighani sa isang apoy sa silid ng lampara. Tuwing gabi, sa tuwing sinisindihan ito, ay lumiliwanag ang buong silid. Tila ba ito'y araw sa gabi.
Hindi niya mapigilang mahalina sa liwanag nito. Kaya kahit na ilang beses siyang pagbawalan ay hindi niya ito sinunod. Sa halip ay gabi-gabi, sa tuwing nakakaramdam siya ng lungkot sa madilim na bahagi ng silid, ay nilalapitan niya ang lampara.
"Subukan ko kayang lumapit rito?" tanong niya sa kanyang sarili habang lumilipad sa paligid ng lampara. "Wala namang masama kung lalapitan ko ito."
Sinunod ng gamu-gamu ang kanyang puso. Nilapitan niya ang apoy sa lampara. Ngunit napaso ang kanyang pakpak at nahirapan nang lumipad.
Dahil sa takot, iniwasan niya ang lampara sa kabila ng pagkahalina niya rito.
"Binibining Corazon Galleros, ako si Santiago Iglesias, kaibigan mo mula pagkabata, ay nagtatapat ng pag-ibig sa harapan mo ngayon. Saksi ang ating mga kaibigan, ang buwan at mga bituin."
Habang siya ay pilit na lumilipad palayo sa lampara, nararamdaman niya pa rin ang init mula rito. Kaya mas lalo niyang inilayo ang sarili. Ngunit tila ba sumusunod sa kanya ang apoy na nanggagaling sa lampara na kahit napakalayo na niya ay ramdam niya pa rin ang init nito.
"Layuan mo ako. Hinding hindi na ako lalapit sa iyo," pagtataboy ng gamu-gamu sa apoy.
"Munting gamu-gamu." Nagulat siya nang sagutin siya nito. "Mag-isa ako sa silid na ito. Lahat ay nabibighani sa aking liwanag ngunit kahit kailan ay walang nagtakang lumapit sa akin dahil sa takot. Ngunit, ikaw, matapang mo akong nilapitan na para bang hindi ka takot mapaso."
"Ngunit napaso ako at nasaktan..."
Mas lalong naramdaman ng gamu-gamu ang init na nanggagaling sa apoy.
"Kahit na hindi mo masuklian ang pag-ibig ko sayo, kahit na may nilalaman ng iba ang iyong puso, hindi ko pipigilan ang sarili ko na mahalin ka."
"Hindi ko kakayanin ang apoy. Ako'y masusunog at tuluyang magiging abo."
"Matatanggap mo ba ang isang babaeng katulad ko? Mahirap lamang ako, ulila, walang pinag-aralan. Matatanggap mo ba ako?"
"Lumapit ka sa akin munting gamu-gamu."
"Hindi kita magiging kaibigan simula pagkabata kung hindi kita tanggap. Ikaw ang Corazon na tinitibok ng puso kong ito. At kahit na ano ka pa man, kahit na ano pa ang estado mo sa buhay, ikaw si Corazon. Ang nagmamay-ari ng aking puso. Ako, matatanggap mo rin ba ako?"
"Ako'y matagal nang nabighani sa iyo. Nabighani sa iyong tapang. Hindi ako makapaghintay na masindihan sa tuwing gabi upang makita ka lamang na lumilipad-lipad sa aking paligid. Dahil sa'yo, ang dating malungkot na mga gabi ay ngayo'y naging masaya."
Hindi mapigilan ng gamu-gamu na lumipad palapit sa apoy. Ngunit imbes na masunog, naramdaman niyangbtila ba marahang hinahaplos ng apoy ang kanyang pakpak.
Nawala ang pangamba at takot na kanyang nararamdaman.
"Oo! Iniibig din kita. Simula pagkabata, inibig na kita. Simula't sapul, ikaw na ang nilalaman ng puso ko."
Siya si Corazon Galleros-Iglesias.
-
Congrats natapos mo ang sobrang haba na chapter na ito! 🎉
May naisip ako, kapag nakaabot ng 1 million reads ang MHK gagawan ko ng story si Karlos. Pero since napaka-imposible no'n, YEHET nalang tayo. 😂 Syempre, joke ko lang 'yun. Imposible ang 1 million. Abangan niyo nalang ang huling special chapter na siguro ipupublish ko after ilang months since 'di ko pa namimiss ang bida ng huling special chapter. 😊😂
So, yeah. Isasali ko ang Ivanna sa Wattys 2018, please support me. 😂
By the way, I would like to thank M11S17N02 for this amazing fan made book cover of MHK. Thank you so much. It's really lovely. (♥ω♥ ) ~♪
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro