KABANATA 44
Tinitigan ko lamang si Antonio mula sa malayo. He was sitting on a log while staring into the distance. Pagkatapos ng nangyari kagabi, hindi ako kinausap ni Antonio. He was quite the whole day and was giving me cold shoulders. Sa tuwing susubukan ko siyang kausapin, sasabihin niyang may kailangan siyang gawin. Minsan nga, hindi pa ako tuluyang nakakalapit, aalis na agad siya. I insited on cleaning his wound pero sinabi niyang si Amor na daw ang maglilinis nito. He was making excuses just to avoid me. And... The whole day, I haven't seen him smile. Naiintindihan ko naman kung bakit. Itinago ko kung sino ako habang marami akong nalalaman tungkol sa kanya. Hindi ko hinayaang makilala niya ako. At higit sa lahat, hindi ko siya natulungang ilogtas si Andres kahit na alam ko kung ano ang mangyayari. May mga inaalala pa siyang iba at imbes na tulungan ko siya, dumagdag pa ako.
"Go talk to him," Karlos said.
Umiling ako, "I-I'll give him some time to be alone."
Hindi ko alam kung anong oras na pero sa tingin ko'y malapit ng maghatinggabi. Tahimik na ang buong lugar at halos lahat ay tulog na. I couldn't sleep nandito ako ngayon, tinitignan siya sa malayo.
"Talk to him," Karlos insisted.
"Gusto ko, Karlos. But I wanted to give him time to be alone." Napabuntong-hininga ako, "Saka, kung kakausapin ko siya, hindi ko naman masasagot mga katanungan niya. You told me not to tell anything about the future."
"Sabihin mo sa kanya."
Agad akong napalingon kay Karlos, "What?"
He sighed, "I-it's okay if you tell him. Alam na niyang nagmula ka sa hinaharap. If it'll answer all his questions, then it's okay if you tell him."
"Karlos—"
"You don't have time." Hindi na niya ako hinintay na magsalita at naglakad na paalis.
Anong ibig niyang sabihin?
I shook my head before taking a deep breath. Hindi ko man alam kung ano ang ibiga niyang iparating sa huli niyang sinabi, but he was right. I have to talk to Antonio. Hindi ko dapat patagalin 'to kung kaya ko namang sagutin lahat ng mga katanungan niya.
Hindi ko man alam ang maaaring maging consequence pagkatapos nito, but I'm prepared for it.
I walked towards him. Isinantabi ko ang kaba at takot na baka hindi niya ako kausapin.
"Antonio..." I called. I saw him flinch but he didn't answer.
I sighed at naupo sa tabi niya. "Alam kong gusto mong mapag-isa, alam kong ayaw mo akong kausapin. Naiintindihan ko kung bakit hindi mo ako pinapansin. P-pero sana maintindihan mo kung bakit..."
I took a deep breathe, "Antonio, sorry. Hindi ko sinabi kasi..." Hindi niya ako tinignan. Nanatili lang siyang nakatingin sa malayo."Akala ko noon panaginip lang. A-akala ko pinagloloko lang ako. Pero, totoo pala. Nagising nalang ako isang araw, nasa gubat na ako. Tapos, nakilala kita. Hindi pa nga ako makapaniwalang bumalik ako sa nakaraan, isang-daang taon mula sa hinaharap. Napagdesisyunan kong sumabay nalang sa oras. Hayaang mangyari ang mga mangyayari. Pero mahirap dahil may alam ako sa mga mangyayari sa hinaharap."
That caught his attention. He turned his head towards me and his cold gaze landed on mine. "Kung ganun, alam mong mangyayari ito sa supremo?"
Tumango ako, "O-oo. Alam kong sina Bonzon at Paua ang dadakip kay Andres. Sinubukan kong pigilan pero hindi ko nagawa. Ang kaya ko lang ibahin ay ang bawasan ang maaring nadamay noon." I started fidgeting my fingers, "I-ito ang mga bagay na hindi masyadong nakakaapekto sa hinaharap."
He didn't answer. Muli niyang inalis ang tingin sakin at napayuko.
"Antonio."
"Bakit mo ako pinigilan? Nailigtas ko sana ang supremo. May nagawa sana ako para mailigtas siya."
My face softened. He really wanted to save Andres. Pero kung hinayaan ko siya, maaaring napahamak siya. And worse, he could've died. Karlos told me about Antonio's fate. He'll die while protecting Andres Bonifacio. Nagawa kong ibahin ang hinaharap ni Antonio. Now, he can live longer. "Antonio, sinubukan ko pero ito ang kapalaran ni Andres. At... Hindi ko kayang makita kang isakripisyo ang sarili mo para sa iba—"
"Ito na napagdesisyunan ko simula pa lamang!" I hitched my breath when he raised his voice. Nagulat ako sa naging reaksyon niya. The whole time he was calm, I didn't know he was keeping it. He clenched his fist, "Upang makalaya ang bayan kailangang magbuwis ng buhay! Ngunit hindi dapat ang supremo ang gumawa nun! Siya ang magpapalaya sa bayang ito at handa akong magbuwis ng buhay upang makamit ang pangarap na iyon!"
"Antonio, makinig ka—"
Tumayo siya at lumapit sa punong nasa likod niya. Nagulat ako nang pinagsusuntok niya ang katawan ng puno. Nilapitan ko siya at sinubukang pigilan pero tinabig niya ang mga kamay ko.
"Kasalanan ko ang lahat! Nailigtas ko sana ang supremo..." Mas lalong piniga ang puso ko nang mapansin ko ang dugo sa kamao niya. "Sana, hinayaan mo nalang ako, Kristin..."
I bit my lower lip. If did that, I would lose you. Hinahawakan ko ang kamay niya at pinaharap siya sakin. "Hindi ko magagawa yun, Antonio." He avoided my gaze, "Buong buhay mo, pinasan mo ang lahat ng problema ng mga taong mahal mo. Buong buhay mo, prinotektahan mo sila. Maski ako, iniligtas mo. Ngayon, hayaan mong ako naman ang pumasan ng mga dinadala mo. Sumandal ka sakin, Antonio, at hayaan mong ako naman ang magligtas sayo." Inalis ko ang mga nakaharang na buhok sa kanyang mata. I love these eyes. These eyes are capable of holding so much emotion as well as hiding them. Gusto kong titigan ang mga matang ito ng matagal. I feel safe staring into these brown orbs. "Hayaan mo akong pumasan ng lahat, kahit ngayon lang."
Antonio's face softened. Nawala na ang malamig na ekspresyon sa mukha nito habang nakatitig sakin. He leaned closer, wrapped his arms around me and pulled me into a tight hug. He burried his face into my shoulder.
"Salamat," he said. "Salamat at dumating ka sa buhay ko. Salamat at nakilala kita."
I wrapped my arms around his neck. I caressed his hair, "Ako ang dapat magpasalamat dahil binigyan mo ako ng rason para magbago."
He went silent and we stayed like that for a moment. I stared at the sky. Wala ni isang bituin ang matatanaw. Maski ang buwan ay nagtatago sa makakapal na ulap. It was a cold, starless night. Hindi ko alam kung bakit parang kinabahan ako. Na para bang may hindi magandang mangyayari.
Naibalik ko kay Antonio ang atensyon nang inalis nito ang pagkakayakap sakin. "Hindi pa rin ako makapaniwala na ang babaeng aking minamahal ay nagmula sa hinaharap," he paused. I can't believe it either that the man I love is from the past. "Ang aking tunay na ina, ang aking mga kasamahan... Lahat ng sakin ay nawawala. Ngayon, ikaw naman."
He was finally opening up. He was telling me about his worries. Antonio was a person who would rather keep all his worries and problems to himself than depend on others to share his burden. I'm glad. I'm glad he finally leaned on me.
Nagulat ako nang biglang tumulo ang luha mula sa mga mata nito. "Kristin.. Natatakot ako. Nakakatakot ako na tulad nina Rafael ay makalimutan kita.. Kristin.. Natatakot akong mawala ka."
All this time, he was scared. Natakot ako na baka galit siya sakin, pero hindi pala. Natatakot siyang mawala ako.
"Antonio, hindi pa nawawala ang lahat sayo. Si Corazon, si Santiago, sina Aling Isay, nandiyan pa sila. Ako, nandito pa ako. Ang pag-asang mabuhay, ang kalayaan ng bayan nandiyan pa. Hindi pa nawawala ang lahat sayo. At alam kong madadagdagan pa ito kung magpapatuloy ka."
"Nangako ka.. Panghahawakan ko ang pangakong iyon. Nasa puso mo na ako, hindi ba? Nakatatak na ako sa puso mo kaya hinding hindi ako mawawala, Antonio. Palagi akong nandiyan sa puso mo."
I wiped his tears but it didn't stop. He kept on crying. And it was slowly breaking my heart. Nakayuko siya at pilit na pinipigil ang pagdaloy ng mga luha mula sa kanyang mga mata. Gusto kong umiyak pero pinigilan ko ang sarili ko. Maski ako natatakot sa maaaring mangyari. Anytime, maaari akong bumalik sa totoong panahon kung saan ako nabibilang. But, Antonio stayed strong for me. I have to stay strong for him. I have to show him that everything's gonna be fine. Nalulungkot pa din siya dahil wala siyang nagawa para kay Andres. Ilang beses na siyang iniwan at ayokong dumagdag pa. I don't want to leave him. I want to stay beside him.
I cupped his cheeks, "Antonio... tumingin ka sakin."
Slowly, he lifted his gaze and it landed on mine. My heart ached when I saw the pain in his dark brown eyes. "Kristin..." his voice croaked.
I held his hand and I intertwined our fingers, "Antonio, dito lang ako. Hinding hindi kita iiwan. Pinapangako ko." I tiptoed and I kissed his forehead. I stared into his eyes, "Mahal na mahal kita."
Hinintay ko siyang sumagot pero tinignan niya lamang ako. Patuloy pa rin sa pagdaloy ang mga luha. He explored my face with his gaze as if hs was memorizing every corner of it. Sumilay sa mukha nito ang isang malungkot na ngiti, "Mahal na mahal din kita." His other hand rested my ear and he carresed my cheeks, "Mamahalin kita habangbuhay."
We stayed there the whole time talking. Hanggang sa hindi ko namalayan at nakatulog ako while resting my head on his shoulders.
I should feel relieved that Antonio accepted me, but, my chest feels heavy.
"Santiago, ialis mo na si Kristin at ang iba pa."
"Pero, paano ka? Hindi kami aalis dito nang hindi ka kasama."
"Huwag mo na akong alalahanin, ang mahalaga'y makaalis na kayo dito."
I had a dream. I was being carried in someone's arms. Then I felt a warm lips kissing my forehead.
"Ingatan mo siya. Siya ang buhay ko."
-
"Kailangan na nating humingi ng tulong sa mga kasamahan natin sa karatig bayan. Hindi pupwedeng tatakbo na lamang tayo at magtatago. Hindi habangbuhay, dito tayo magtatago sa tahanan ni doña Asuncion."
"Hindi maaari. Hindi ba't sinabi na sa atin ni doña Asuncion na ang buong Cavite ay sumusuporta na kay Aguinaldo."
"Kung ganun, lumabas tayo ng Cavite. Sa ibang probinsiya tayo pumunta."
Napabangon ako nang makarinig ako ng malakas na hampas.
"May mga sugatan tayong kasamahan! Huwag kang magmamadali. Kailangan nating isipin ang ating susunod na gagawin!"
Santiago? What's going on? Where am I?
Inilibot ko ang tingin sa paligid. Nasa isang silid ako. Madilim sa buong silid at tanging gaserang nakapatong sa katabing mesa ng kama ang siyang nagsisilbing liwanag. Nakasara ang mga bintana ngunit rinig na rinig ko ang malakas na ulan mula sa labas.
Ilang oras akong nakatulog? Teka, hindi ganito ang bahay nina Rafael.
N-nasan sina Antonio?
"Wala na tayong oras upang magplano, Santiago! Anumang oras maaaring malaman ng mga tauhan ni Aguinaldo kung saan tayo nagtatago. Hindi natin babalewalain ang ginawang pagsasakripisyo ni Antonio!"
Nanlaki ang mata ko dahil sa narinig. A-anong ibig sabihin—
"Hindi sa binabalewala ko ang ginawa ni Antonio, pero kung tatakas tayo nang walang plano, ganun din ang mangyayari! Masasayang din ang lahat ng ginawa niya!"
Para akong naubusan ng hininga. Bumilis ang tibok ng puso ko.
"S-Santiago, nasan si Antonio?" kinakabahan kong tanong nang makalabas ako ng silid.
Lahat ng nagtitipon-tipon doon ay napatingin sa akin. Gulat na gulat si Santiago nang makita ako.
"N-nasan siya?" Pinilit ko ang sarili ko na hindi mapaupo. My knees were woobling. Nanghihina ako. "A-ano yung narinig ko? Anong ginawa ni Antonio?"
Natahimik silang lahat. Inilibot ko ang tingin sa kanila hoping that I would get the answer I wanted but they avoided my gaze. They all look guilty.
Santiago stepped forward.
"Sabihin mo sakin, Santiago? Anong nangyari kay Antonio?"
Hindi siya sumagot at patuloy na naglakad palapit sa akin. Nang makalapit ay hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.
"P-paumanhin."
"Why are you apologizing?" I swallowed the lump in my throat. I searched Santiago's face. I was looking for an answer.
"Napag-alaman naming papunta sa bahay nina Rafael, sa pinagtataguan natin kanina, ang mga tauhan ni Aguinaldo. Wala ng oras upang tumakas kaya napagdesisyunan ni Antonio na ilihis ang atensyon ng mga ito at iligaw sa kakahuyan." Santiago avoided my gaze, "Hindi ka na niya ginising dahil alam niyang pipigilan mo siya. Dahil sa kanya, nagawa nating tumakas. Mabuti na lamang at pinatuloy tayo ni doña Asuncion."
Inalis ko ang kamay ni Santiago sa balikat ko, "S-saan siya pumunta?"
"Hindi ko maaaring sabihin."
"Damn it! Tell me! Sabihin mo sakin!"
Umiling siya, "Inihabilin ka niya sakin."
"I don't care, just tell me!"
"Iniligaw niya pabalik ang mga tauhan ni Bonzon sa Limbon."
Inalis ko ang tingin kay Santiago. My gaze landed on Corazon who just entered the room.
"Corazon..." Lalapit sana ako sa kanya pero agad akong napahinto nang umatras ito. Iniwas niya ang tingin sakin.
Napansin ko pangingilid ng mga luha niya. "Hindi ko alam kung bakit may nakakalimutan ako," she said in a low voice, just enough for me to hear. My heart pounded even faster. "N-nagising ako na para bang may hindi ako maalala. At noong nakita kita..." I saw how she gripped her skirt. She looked at me and tears streamed down he cheeks. "Alam kong ikaw ang nakalimutan ko."
My heart dropped the moment those words escaped from her mouth.
Tinakpan ang mukha niya gamit ang dalawang kamay. "S-sino ka? B-bakit noong dumating kayo, nang makita kita, bakit napakagaan ng pakiramdam ko sayo?" She sobbed, "Bakit hindi kita maalala?"
Corazon...
"Anong ibig mong sabihin, Corazon?" Nilagpasan ako ni Santiago at lumapit kay Corazon. "Anong hindi mo siya maalala? Siya si..." Nilingon niya ako at napansin kong nag-iba ang ekspresyon sa mukha nito. "Siya si.. si.."
His shoulders slumped and he didn't remove his gaze from me. Umalingawngaw sa buong silid ang bulong-bulungan ng mga taong naroon. Lahat ng ingay ay naghalo-halo sa utak ko. Ang tibok ng puso ko, ang malakas na ulan sa labas, ang hanging humahampas sa mga bintana, at ang bulong-bulungan ng mga taong nakapalibot sakin ay humalo sa pag-aalalang nararamdaman ko para kay Antonio.
Napayuko ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Akala ko tuluyan ko ng naialis sa panganib si Antonio. Akala ko tuluyan ko ng nabago ang kapalaran niya. Akala ko maayos na ang lahat. Bakit? Bakit humantong sa ganito? Hindi pa ba sapat ang ginawa ko upang protektahan siya? Upang iligtas siya? Am I really that weak? Bakit hindi ko magawang protektahan ang mga taong mahalaga sa sakin?
Ibinalik ko ang tingin kay Corazon nang marinig ko ang mga iyak nito. Katabi nito si Santiago na nakatingin pa rin sakin. May lungkot sa mga mata nito habang pilit paring inaalala kung sino ako.
He's not giving up. Hindi pa rin tinatanggap ni Corazon. Pilit pa rin nilang inaalala kung sino ako.
I balled my fist. They've forgotten about me. The people closest to me is starting to forget me. They may have forgotten my name but not that familiar feeling when they're with me. Susunod si Antonio naman ang makakalimot sakin at tuluyan na akong babalik sa taong 2016. Pero hindi sila sumusuko. Hindi pa huli ang lahat.
Naglakad ako papalapit sa kanilang dalawa. Nagulat sila nang sabay ko silang niyakap ng mahigpit.
Hindi pa huli ang lahat. Bago ako umalis, ililigtas ko si Antonio.
"Maraming salamat sa inyong dalawa. Maraming salamat dahil tinanggap niyo ako, dahil naging kaibigan ko kayo. Maraming salamat dahil tinuring niyo akong parang pamilya niyo." Inalis ko ang pagkakayakap sa kanilang dalawa at humarap kay Corazon. Hinawakan ko ang dalawang kamay nito at binigyan siya ng ngiti. "May ipininta kang larawan. Sana'y pahalagahan mo ito. Sana... Makamit mo lahat ng mga pangarap mo. Para na kitang kapatid. Mahal na mahal kita, Corazon."
Mas lalo siyang napaiyak dahil sa sinabi ko. Nilingon ko si Santiago, "Ingatan mo si Corazon. Maraming salamat sa lahat."
After that, I left them. Hindina nila ako pinigilan. I ran throughout town. The night was silent. The sound of the rain was the only thing I coeld hear. Tumakbo ako pabalik sa bahay nina Rafael. Ngunit wala roon si Antonio. Tanging ang sinunog na bahay ang natira. I searched for Antonio everywhere and it lead me to the forest.
Mapanganib kung papasok ako sa kakahuyan lalo na't madilim, pero hindi ako nagpapigil. Mas nanaig sakin ang kagustuhang mahanap at mailigtas si Antonio.
"How stupid can you get? You're no hero! You don't have powers, you're not immortal! You're just a crazy, reckless, airheaded human being!"
This is not an act of heroism. This is me saving the person who means life to me. Unang araw ko dito sa nakaraan, tumatakbo din ako sa gitna ng kakahuyan. But before, I was running for my life. I was running away from a wild boar. I was running because I wanted to save myself. Before, I was selfish. Sarili ko lang ang iniisip ko. Di ko namalayan na nasaktan ko na pala ang mga taong malapit sakin at ang mga taong gusto lamang akong tulungan. Nagbulag-bulagan ako because I was afraid that they'd see my weakness, that they'd pity me. Because, at first, I thought I didn't need it. Because I thought I was already strong. And I was wrong.
But, this time, I was running to save a life. I was running to save Antonio.
I searched for him. Ininda ko ang patak ng ulan. Ininda ko ang malalaking ugat at bato na nadadaanan ko. Ininda ko ang makakapal na putik na kumakapit na saking mga paa. Ininda ko ang mga sangang dumamdampi sa balat ko. Ininda ko ang dilim at ang lamig. Ininda ko lahat upang mahanap si Antonio. Parang bumalik ako sa dati. Nasa gitna ng dilim at pilit na hinahanap ang liwanag. Ang liwanag na minsan ng nawala sakin. Sinabi ko sa sarili ko na hindi ko man naprotektahan ang una, hindi ako uli mabibigo ngayon. That's why I'll do everything to find Antonio. I'll do everything to change his future. Even if it costs my own existence, I'll do it.
"I love him too much, I'd do everything for him."
Isang mala-tuldok at malamlam na ilaw mula sa di kalayuan ang aking natanaw. Isa... dalawa... tatlo... apat... lima... anim... pito... hanggang sa dumami ito at hindi ko na mabilang. Inilawan nila ang madilim na daanan na parang bang ginagabayan nila ako. Na para bang itinuturo nila sakin ang daan papunta sa hinahanap ko. Sinundan ko ito. It was my only hope.
"Antonio!" Mabilis akong tumakbo sa kinaroroonan niya. Kahit na nadadapa ako't nasusugatan, hindi ako huminto. Hindi ko inalis ang tingin sa dinaraanan. I reached for him.
"A-antonio..." hindi ko na napigilang pumiyok at maiyak nang makita ko ang kalagayan niya. Nakayuko siya at nakasandal sa malaking katawan ng isang puno. Dahil sa ilaw na ibinibigay ng mga alitaptap, nakita ko ang matingkad na kulay ng dugo sa damit nito.
Napaupo ako sa harap niya then I reached for his face, "Antonio.." He was cold. He was not responding to my touch. "N-nandito na ko... Antonio, nandito na ko. Wake up..."
I cupped his face and I looked into his eyes. "Antonio..."
"K-Kristin," he breathed. His pupils were no longer dilated. His eyes looked tired.
I gave him a tight smile, "U-umuwi na tayo. P-pag nakabalik tayo, m-magagamot k-ka ni Santiago. B-bibigyan ka ng gamot ni Corazon. Hihintay ka nila. H-halika na, umuwi na tayo."
Hinawakan niya ang kanang kamay ko na nakahawak sa mga pisngi niya. His hands was also cold. It no longer held the warmth it had before. May lumalabas ng dugo mula sa kanyang bibig.
"Kristin, n-naalala mo ba noong una tayong nagkita?" he spoke. Halatang nahihirapan siya dahil halos wala ng tunog na lumabas mula sa bibig niya.
Umiling ako, "W-wag ka ng magsalita. Uuwi na tayo, okay?"
"Una kitang na-nakita nabighani na agad ako sayo. Hindi dahil sa... hah.. i-iyong g-ganda ngunit sa iyong k-katapangan," he continued despite having a hard time to talk.
"Antigas naman ng ulo mo e! Makinig ka naman sakin! We don't have time for those right now, Antonio.. Please.." Tears rolled down to my cheeks again. "Please, let me save you.."
He coughed, "H-hayaan mo akong sabihin ang lahat sayo."
Hindi na ako nakapagsalita.
"Na-nasabi ko na sa aking sarili noon, na ilalaan ko ang buong buhay ko sa bayan. Handa na akong harapin ang kamatayan." He raised his hand and he wiped my tears. Hinawakan ko ang kamay at hinayaang nakadampi ito saking pisngi habang patuloy paring tumutulo ang aking luha. "Ngunit, noong dumating ka... nagbago ang lahat. Ikaw ang da-dahilan kung ba...kit nais kong magpa...tuloy sa buhay. Naitanong ko sa aking sarili," Mas lalong sumikip ang dibdib ko nang makita ko ang pagtulo ng luha mula sa mga mata niya. "A..ayos lang ba kung maging makasarili ako, kahit isang beses lang? Ano nga ba... hah...ang itsura ng hinaharap? Ang hinaharap na kasama ka?"
Hindi ko na napigilan ang humikbi. I was crying in front of him while holding his cold hands.
He rubbed his thumb gently on my cheeks, "N-naalala mo ang tanong mo sa akin noon? Kung may makilala akong tao mula sa hinaharap, ano ang itatanong ko?" He stared at me and I saw how his the color in his eyes faded. "Malaya ba ang hinaharap?"
I bit my lower lip to prevent myself from crying even more. I gave him a smile, a smile that didn't relay what I was feeling. "Oo, malaya. Malaya ang hinaharap. Nagbunga ang lahat ng pagsasakripisyo niyo."
A smile appeared on his face. He intertwined our fingers, brought my hand into his lips and kissed it. "Kung mabubuhay man akong muli, kung itinadhana man tayo sa isa't isa, hintayin mo ako sa hinaharap, Kristin... Ha-hahanapin kita... kahit saang sulok man ng mundo. S-sa hinaharap, tutuparin ko ang aking pangako."
"No. Huwag mong sabihin 'yan. Ililigtas kita. Aalis tayo dito, gagamutin ka ni Corazon, makikita mo pa sina aling Isay."
"S-sa susunod na buhay... S-sa loob ng sampung libong taon.. Habangbuhay... Mamahalin kita."
Ibinaba niya ang kamay namin at naramdaman ko ang unti-unting pagluwag ng kanyang pagkakahawak saking kamay. Ibinalik ko ang tingin sa kanya at parang pinipiga na nga sampung kamay ang puso ko nang unti-unti ng nawawalan ng buhay ang kanyang mga mata.
Hinigpitan ko ang hawak sa kanyang kamay at muling nagsituluan ang mga luha.
"Antonio! No... no... Huwag mo kong iwan. Please! Paano na ang mga taong mahal mo? Sina aling Isay? Sina Corazon at Santiago? Si Rafael? Ang supremo? Si Bernarda? A-ako... Paano na ako? Hindi ko kaya! Hindi ko kayang wala ka!"
He didn't move. He stayed still. His ragged breathing was his only answer.
"Hindi ba't gusto mong makita ang hinaharap kasama ako, then, ipapakita ko sayo. Hindi man ako nagmula sa panahong ito, hindi ko alam kung paano pero hahanap ako ng paraan so just please, stay with me!" I sobbed. "/Please... wag mo din akong iwan," I whispered between my tears.
The rain stopped and so did he. His shallow gasps disappeared.
I leaned closer to him and wrapped my arms around him. The warmth... the warmth was gone. I was embracing his cold body.
The pain came like an uproar from my throat in the form of a silent scream. Beads of water continued falling one after another without a sign of stopping. I tried to scream, but my voice was melted by the loud sound of the rain. I buried my face into his shoulders.
In the middle of the forest, I held the unmoving body of the person I love. In the middle of the forest, I lost my light. I lost the person who saved me, the person whom I cherished the most.
"Why..." I sobbed. "Why did You give me someone and take it back in the end?! Why are You making me suffer this much?" I hugged Antonio's body even tighter. Hindi tulad ng dati, hindi ko na mamaramdaman ang init ng katawan niya na siyang nakakapagpagaan ng pakiramdam ko. Hindi ko na maramdaman ang tibok ng puso niya na sumasabay ssa tibok ng puso ko. "It hurts.. It hurts so much."
Hindi ko na namalayan kung gaano ako katagal nanatili sa pwesto ko. Hindi ko na napansin ang unti-unting pagsikat ng araw. Slowly, the clouds dispersed giving way to the rising sun. The sky was slowly turning into scarlet red as if it was sunset.
"Antonio..."
I was despised by everyone I met. I was selfish, self-centered. Nagkimkim ako ng galit hindi lang sa bansa, sa kulturang kinagisnan ko, sa gobyerno, sa mga taong bumaboy sa kuya ko, sa mga magulang ko, pati sa sarili ko. I lived my life as a lifeless vessel and hatred was my drive. But then, Antonio came. The handsome grandson of a farmer who was selfless came barging into my life and changed everything. He who loved his country and the people in it more than his life changed me.
The muffled sobs wracked against my chest as the world turned into a blur. I couldn't feel anything anymore.
I'll never see this man again...
God, please tell me, is there a future where the both of us can be together?
The last painful emotion slammed against me before I lost the feeling of feeling. And before I knew it, darkness enveloped me as I drop to the ground.
-
Hi. I know you didn't like this chapter but please don't forget to vote and comment. Thank you.
Hoy. Wag muna iclose. May isa pang chapter. 😂
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro