KABANATA 42
"Yaya, gusto kong puntahan sina mommy," I begged. But yaya just shook her head.
"Kristin, nasa malayong lugar pa sina mommy mo. Pumasok ka nalang sa room mo at mag-aral. Ipaghahanda kita ng paborito mong pagkain, ha?"
Umiling ako, "I heard from Tito Frank that they were in a hospital."
Natigilan si yaya. I looked into her eyes but she avoided my gaze. "Naku, Kristin. Sige na pumunta ka na sa kwarto mo."
After that she went into the kitchen. Instead of listening to her I went outside and to our garage.
"Mr. Driver!" tawag ko sa matandang lalaki na pinupunason ang hood ng kotse.
Huminto siya sa ginagawa at lumigon sakin, "Ah, Miss Kristin. Anong maipaglilingkod ko?"
Lumapit ako sa kanya at inilabas ang isang maliit na piraso ng papel. An address was written on it, "Dalhin mo ko dito."
He stared at me before averting his gaze on the paper. "Ospital?" Tumayo siya at pinunas ang kamay sa face towel na nasa balikat niya. "Pero, miss Kristin, hindi kita pwedeng dalhin dun. Hindi ba't sinabi sayo ng yaya mo na bawal ang bata dun?"
"You can't scare me with those anymore. I'm a big girl now." Muli kong itinaas ang papel, "Please Mister. Bring me to the Hospital. I wanna see mommy and daddy please. Please. Please."
Napakamot nalang siya ng ulo, "E matatanggihan pa ba kita? Sige na, sumakay ka na at itatabi ko lang itong mga panlinis."
"Thank you, mister. I'll give you my favorite chocolate after this, okay?" I smiled before getting inside the car.
Halos mag-iisang oras ang itinagal ng biyahe namin papunta sa hospital na nakasulat sa papel. It was traffic. And I hate it. I wanna see mommy already. When we arrive at the hospital, hindi ko na hinintay si Mr. Driver at dumiretso na sa reception desk malapit sa entrance. The front desk was high. I tiptoed for me to get a better view on the reception desk.
"Excuse me, Mr. Nurse. Can I a moment please."
Inalis ng lalaking nurse ang tingin niya sa mga papel at ibinaling ito sakin. I saw the surprised look on his face the moment he laid his eyes on me. I know I'm pretty. I get that a lot.
He tried to hide the amusement on his face, "Hello. What can I do for you, little ma'am?"
"Do you know where's Mr. and mrs. Lopega?"
"Lopega? Wait. You look like him." His amusement turned into a frown. "Are you Sir Kevin Lopega's little sister?"
I nodded. My brother is here? My brother will be a future doctor, that must be the reason why he's here! I'm excited to see him!
"He's at room 306."
"Thank you, Mr. Nurse!"
"Miss Kristin, naku! Akala ko nawala ka na," Mr. Driver said while catching his breath.
"You're so slow. Come on. I know where my kuya and mommy is."
Pinuntahan namin ang room na sinabi nung nurse. I'm gonna see kuya again! I have so many stories to tell him. I'll tell him all my achievements in the past months. I'm sure he'll be proud of me. And I'll tell him about a few friends I have made and how I fought those bullies. Oh, and the time I visited an art store on my way home. I'll tell him that I wanna try painting. There were a lot of cool art materials in that art store. Ah! I'll bring him there someday. I'm sure he'll get along with the nice old lady in the store.
I stopped when I saw the numbers 3,0, and 6 on a wooden door. "We're here!"
"Miss Kristin, sandali—"
Di ko na pinakinggan si Mr. Driver. I turned the door knob and the door opened.
"Kuya—"
Lahat ng saya ay nawala nang makita ko ang kuya kong nakahiga sa hospital bed at walang malay. Nakatali ang mga kamay nito sa magkabilang side rails ng kama. I couldn't see his face but I saw the small cuts and bruises on his hand.
W-why is he on a hospital bed? Shouldn't he be the one taking care of the patients?
"That sounds like you'll send my son to a mental institute? Hindi baliw ang anak ko!" napalingon ako sa mommy ko habang kinakausap ang doktor. Daddy was trying to comfort her.
"Mrs. Lopega, your son can cause harm to the people around him. He'll be hostile towards everyone. So isolating him while he's under observation would be best. Sedatives won't cure him—"
"And do you think locking him up will? My son suffered enough! He doesn't to be locked up again. What he needs is to be with us, his family!"
"Ma'am—"
"Doc, the patients awake."
The doctor nodded saka ibinalik ang tingin sa mga magulang ko, "Everytime he wakes up, magwawala siya. He's still stuck on a timeline where he experienced the violence. He's still hallucinating. He treats everyone as his captors, and it's only normal for him to defend himself. We can't always count on sedatives. If you want him to get better, you'd take my advice."
"N-nasan ako? P-pakawalan niyo ko.."
Lahat sila ay naibaling ang tingin sa kuya ko. Pinipilit niyang tanggaling ang tali sa kamay. "P-pakawalan niyo ko!"
Mom rushed towards his side. "Kevin, honey, si mommy to. You're safe now, okay?"
Sinubukan niyang hawakan si kuya pero sinigawan siya nito, "Wag mo kong hahawakan! L-layuan mo ko!"
"Kuya," sambit ko habang pilit na iniintindi ang mga pangyayari sa mura kong edad.
At the age of ten, I felt grief. I saw that life isn't all about unicorns or rainbows. I saw how dark life was the moment I lost my light.
-
Hindi ko binitawan ang kamay ni Antonio kahit na nakarating na kami sa bahay ni Nenita. Somehow, I feel comfortable with him beside. Nawala ang mabigat na pakiramdam ko kanina habang nasa bahay ako nina Oryang, habang kaharap ko ang dalawang bisita ni Andres. Iniwan muna ni Antonio ang ginagawa para lang ihatid ako.
"Kristin, magpahinga ka na."
Umiling ako. Hindi ko alam kung anong meron sakin ngayon. Gusto ko lang na hawakan ang kamay niya. Gusto ko lang siyang tignan buong gabi. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko na sa oras na bitawan ko ang kamay niya ay mawawala na siya sakin. The moment I remove my gaze from him, I would never see him again.
"D-dito ka nalang matulog."
He flinched. Nabigla siya sa sinabi ko. Sino ba namang hindi? Sa panahong ito, hindi normal sa isang babae ang ayain ang isang lalaki na matulog sa iisang bahay. But I mean it. I want him to leave my side. Not now. Not ever.
He sighed. Tinitigan niya ako habang nakapaskil sa mga labi nito ang isang ngiti. "Mahal kita, Kristin. Nirerespeto kita. Hindi pa tayo magkasintahan o kasal, kaya't hindi ako maaaring pumasok sa bahay na iyong tinutuluyan. Gustuhin ko mang manatili sa iyong tabi ngunit hindi maaari. Kung natatakot ka, isipin mo lang ako, Kristin. Hindi kita iiwan."
He removed his hand from mine and it drifted on my cheeks. He leaned closer and I felt his warm lips on my forehead.
He took a step back after realising what he did. "P-paumanhin kung naging mapangahas ako," nahihiyang sambit nito.
I gave him a tight smile, "Ah, ayos lang." Huminga ako ng malalim, "What can I do? I love you too much I'd do anything for you, my light."
He blinked and he tilted his head as if asking what I was saying.
"Mahal kita."
Pumasok na ako matapos nun. Antonio insisted that he'll leave once I get in. Wala naman akong nagawa dahil mapilit din siya. Pagdating ko doon ay tulog na ang ina ni Nenita. Her father's still at Andres' house. Noong pumasok ako sa maliit na silid namin ni Nenita ay napansin kong tulog na rin siya. Humiga ako sa tabi niya pagkatapos linisin ang sarili.
I stared at the ceiling. Madilim na sa paligid dahil pinatay ko na ang gasera.
"I want to sleep," I whispered.
Ilang oras na akong nakatitig sa bubong ng kubo pero hindi pa rin ako makatulog. I was still bothered by the thought of those visitors. The air around them is different. Somehow, they piss the hell out of me even if they were not doing anything. I hate that Bonzon's guts. That silent chinese guy, freaked me out.
Yung tatlong naunang bumisita sa supremo, wala naman akong naramdamang ganto. Siguro dahil hindi ko naman sila nakita. Pero ang dalawang bisita niya ngayon, I just don't like them.
They look like... trouble.
Bonzon and Paua, huh? Who were they? Do they play a huge part in history?
I don't know. I forgot.
Kinabukasan. Ika-dalawampu't walo ng Abril, taong 1897, imbes na magising sa ingay ng tandang. Nagising ako sa malakas na tunog ng isang baril.
"K-Kristin.. K-kailangan na nating umalis dito!" Nenita said in a panick while picking up anything that she could bring with her.
"Bilisan niyo na!" sigaw ng ama niya.
"A-ano pong nangyayari?" nagtataka kong tanong habang kinukuha ang kakaunti kong kagamitan.
"Ang mga tauhan nina Bonzon, inaatake tayo." Nabitawan ko ang mga dala dahil sa sagot ng ama ni Nenita.
My hand trembled and my eyes widened.
Bonzon and Paua were the ones who lead Bonifacio's arrest and /this areest leads to bloodshed. Everything went silent and all I could was loud pounding of my heart. It was pounding loudly that it could break my eardrums.
Ito ang araw na yun..
K-kaya ba mabigat ang pakiramdam ko simula pa kagabi? Simula noong nakita ko ang mga bisita ni Andres? That... that was a sign. A sign. And I failed to see it.
Napaupo ako at napatakip ng tainga, umaasang sa pamamagitan nito ay hindi ko na marinig ang malakas na kalabog ng aking dibdib. But it didn't work. Mas naging malakas pa ito. I failed to notice the sign.
"Kristin, anong nangyayari? Ayos ka lang?" Natigil ako sa iniisip nang tapikin ni Nenita ang balikat ko. "Kailangan na nating umalis dito, halika na."
Umalis?
Umiling ako. I stood up and I balled my fist while trying to prevent my tears. Escaping won't do anything. "Mauna na kayo."
"Kristin, hindi! Sasama ka samin!" pagmamatigas ni Nenita. She grabbed my arm. Her hand was cold. Halatang takot ito.
I shoved her hand, "Hindi, Nenita. Hindi ako sasama."
Oryang, Andres, Santiago, Rafael, they're still there. Antonio's still there. I can't leave them.
Nilagpasan ko siya at lumabas ng bahay. She kept on shouting my name pero hindi niya ako hinabol. She was scared. Me too. Natatakot ako at kinakabahan. Pero kailangan kong isantabi lahat yun. Dahil ako, na dapat may nagawa upang maialis sa kapahamakan, ay kailangang maging matapang. I have to be brave. Nagkaroon ako ng chance para tulungan sila but I remained silent. Kasi kapag ginawa ko iyon, parang ipinagpapalit ko na ang pamilya ko sa hinaharap. Kahit ano naman sa choices na ibinigay ni Karlos ang piliin ko, magiging makasarili pa rin ako.
But now, I'll do anything to save them. Hindi ko man mabago ang mga mangyayari, at least I could lessen the casualties.
I ran fast as I can towards the commotion. "Please be safe," sabi ko sa sarili ko.
Nang makalapit na ako sa pinangyayarihan ng gulo ay agad akong napahinto at nagtago sa likod ng isang malaking tipak ng bato. Wala na akong marinig na pagpapalitan ng putok.
I peeked behind the rock. There I saw standing between his men and Bonzon's. Nakataas ang kamay nito na tila ba pinapatigil ang lahat. His jaw was clenched. Nagpupuyos ito sa galit habang inililibot ang tingin sa paligid kung saan marami sa kanyang mga kasamahan ang nakahandusay.
Inilibot ko ang tingin upang hanapin si Antonio. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko nang makita ko siya sa likof ng supremo.
"Antonioo..." I croaked. "G-get out of there, please."
"Isa kang taksil! Kaya ipinadala kami ni Aguinaldo upang arestuhin ka. Ang perang dapat na para sa bayan ay iyong itinakas! Hindi ka karapat-dapat sa dakilang samahang ito!" naibaling ko ang tingin sa lalaking nagsalita. Si Bonzon. Beside him wasthe chinese guy.
Hinarap ni Andres ang mga tauhan ni Bonzon, "Mga kaibigan, ako'y walang kawalang-hiyaang ginawa! Ako'y walang perang tinatakas o itatakas man! Inilaan ko ang buong buhay ko sa rebolusyon! Para sa kalayaan ng ating bayan." He looked at them to show them that he was innocent, "Kahit kailan hindi ko naisip na pagnakawan ang bayan. Ang bayang minahal ko ng lubusan!"
"Marami na ang nakakaalam sa iyong kataksilan, supremo!" sigaw ng isa sa mga tauhan ni Bonzon. "Hindi mo na maitatago ang tunay mong pakay!"
"Tumahimik ka sapagkat hindi mo alam ang iyong pinagsasabi!" Andres yelled. "Kung mayroon mang taksil sa samahan, iyon ay ang pinunong sinusunod niyo!"
But even before Andres could finish his words, one of his men was shot. Agad namang umalerto ang mga tauhan ng supremo. Humandusay ang lalaki na agad namang nilapitan ni Antonio. But it was too late. Sa dibdib tinamaan ang lalaki.
Nagpupuyos sa galit na ibinalik ni Andres ang atensyon sa mga tauhan ni Bonzon, "Ating kapatid sa inang bayan ang inyong pinaslang! Ating kalahi! Hindi maayos ang hindi natin pagkakaintindihan kung hindi kayo makikinig at gagamit ng karahasan!"
Again, another bullet was shot. Hindi na nagpapigil pa ang mga kasamahan ng supremo at gumati ng putok. I hid behind the rock and was quick to cover my ears. Napapikit na lamang ako. Umalingawngaw sa paligid ang palitan ng putok. Kahit na nakatakip na ako ng tenga ay rinig na rinig ko pa rin ang malalakas na palitan ng putok ng magkabilang kampo.
Nanginginig at nanghihina na ako sa takot. All the courage I gathered a while ago was gone. Nanumbalik ang takot at kaba.
Antonio's there... I want to save him but I couldn't even open my eyes or move my feet. Ni hindi ko nga mapigilan ang panginginig ng mga kamay ko.
I'm.. I'm totally useless, aren't I? Kung kailan nasa panganib si Antonio saka naman ako nilamon ng takot. Saka naman ako nabato sa kinauupuan ko. Inalis ko ang kamay mula sa pagkakatakip saking tenga. I balled my fist at sinuntok ang mga paa ko.
"Move," utos ko sa paa ko. "Move, feet."
Bawat sambit ko ng mga salitang yun ay tumutulo naman ang mga luha ko. Muli na namang umalingawngaw ang malakas na putok. I flinched. C'mon, where's the bitchy Kristin? Nasan ang Kristin na aawayin ang lahat kapag pinapakialaman ang mga gamit niya? Nasan and Kristin na hindi nakakaramdam ng takot? Nasan ang Kristin na matapang kapag inaapi? Where's the reckless Kristin? Where's the Kristin who'd do stupid things just to get what she wants? Where are you? Bakit kung kailangan kita saka ka naman wala? Bakit ngayon pa ko natakot? Bakit ngayon pa na kailangan ako ni Antonio?
"Gumalaw ka.." I said, and punched my legs again.
Antonio's out there, fighting. He's being brave. Dapat ako din. Dapat ako din dahil nangako akong poprotektahan ko siya. Nangako akong babaguhin ko ang hinaharap niya. Nangako ako.
"I promised. I gave him that necklace because I promised..." I whimpered. "I can't lose my light again. I failed to protect it before, I can't fail now."
I have to get up. Get up... Get up. "Move, goddamnit!"
"Kristin, what're you doing there?"
"Kuya..."
"Anong nangyari, Kristin?"
"T-the lightning.. I'm scared. Aren't you scared?"
"I'm not."
"Why?"
"Come here, I'll tell you something. Kapag natatakot ka, isipin mong lilisan din yan. Isipin mong pagkatapos umulan, mawawala din ang kidlat. Think of happy thoughts. What would happen after it rains? There'll be sunshine."
"Kristin, remember this, fear is not bad. It tells you your weakness and it helps you overcome it. Fear makes you stronger."
"Kung natatakot ka pa rin, isipin mo lang si kuya. Nandito lang ako palagi."
"Kung natatakot ka, isipin mo lang ako, Kristin. Hindi kita iiwan."
Natigilan ako nang maalala ko ang pangaral sakin ni kuya noon. Magkatulad sila ng sinabi ni Antonio.
Ang kuya ko at si Antonio. Ang dalawang taong nagsilbing ilaw ko.
I stood up.
Hindi ko man naprotektahan ang isa..
Inihakbang ko ang aking mga paa.
Sisiguraduhin kong hindi ako mabibigo ngayon.
-
Malapit na! Malapit na! Malapit nang matapos! Yehet Ohorat!
Pero, maiba muna tayo.
May mga nababasa ako sa face at twitter. Mga post at tweet na sinasabing, "Gusto ko ng magbasa ng history dahil kay ganito sa kwentong ganito." Oo, nakakatuwa para sa part naming mga historical fiction writer na nahikayat namin ang iba na magustuhan ang history. Pero at the same time nalulungkot, dahil kinailangan pang sumulat ng mga ganitong kwento para mahikayat ang ilan na alamin ang kasaysayan ng ating bansa. Kasi, parte ng pagiging pilipino natin ang malaman kung ano nga ba ang kasaysayan natin. Gaya nga ng sabi ng professor ko sa finance, "You should know your history because it is a part of who you are right now." Hindi naman sa nilalahat ko, hindi ako nangi-stereotype, pero ang ilan sa kabataan ngayon ay masyado ng focus sa social media. Selfies, #OOTD, #Goals, mobile games, etc., to the point na hindi na nila alam kung bakit nakaupo lang si Apolinario Mabini sa buong Heneral Luna movie. (Insert: to the point na hindi na alam ng ilan kung ano ang larong tumbang preso. Totoo to pramis.) Sa totoo lang, andami nating medium na pwedeng gamitin para malaman ang tungkol sa ating kasaysayan. Advance na tayo ngayon kesa noon. Andaming mga paraan upang malaman natin kung ano ang mga pangyayaring humubog sa kung sino tayo ngayon. Nakakalungkot dahil hindi natin ito ginagamit para sa mga ganitong bagay. Kung ginagamit man o kung magreresearch naman tayo tungkol sa ating kasaysayan ay minsa for compliance purposes lang.
Isa pa, "Naalala ko si Jose Rizal kay ganito." Nakakalungkot dahil kinailangan pang lumikha ng isang fictional character na may mga katangian ng ating pambansang bayani upang maalala siya. Hindi ba pwedeng the other way around? "Naalala ko si ganito kay Jose Rizal."
And last, "Nang mabasa ko ang ganito, parang gusto ko ng bumalik sa panahong ito. Nakakakilig!" Again, nakakalungkot dahil kinailangan pang iromanticized ang history para gustuhin na bumalik sa nakaraan. Hindi ba sapat ang mga kwento ng kabayanihan at kadakilaan ng mga tao noon upang gustuhin nating bumalik sa nakaraan?
Yun lamang po. And again, hindi ko nilalahat. Just raising some awareness.
-
Hi. Did you like this chapter? I hope you did. Don't forget to vote and leave a comment. Thank you.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro