KABANATA 4
"You're in the year 1896. Ang taon kung saan nadiskubre ng mga kastila ang sekretong organisasyon ni Bonifacio, ang Kataas-taasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga anak ng bayan," seryosong wika nito.
Kataas-taasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga anak ng bayan? KKK?
Hindi porke't malaki ang pagkamuhi ko sa bansang 'to ay 'di ko na alam kung ano ang KKK. Elementary, High School, and even in college paulit-ulit 'yang pinag-aaralan. At kahit ayaw kong pag-aralan ang mga tungkol dun ay kailangan pa rin if I want to have a better grade.
At 'di naman ako katulad ng ibang estudyante na porke't natapos na nilang pag-aralan ang mga 'yun ay kinalilimutan na. Matalas ang memorya ko kaya 'di niyo ko masisi.
I looked at the little kid na para bang tinubuan ito ng isa pang ulo, "You're kidding me, right?"
"Do I look like I'm kidding?!" he yelled.
That's it. Pinaglololoko ako ng batang 'to. I'm not dreaming, pinakidnap talaga ako ng batang 'to. Oo parang imposible pero saan ang mas imposible, ang pinakidnap ako ng isang bata o ang nagtime travel ako? Come on, folks, we're living in the real world. This is reality, not a fucking fairytale.
Pero bakit siya lumulutang kanina? Aish bahala na.
Nag-umpisa na akong maglakad.
"Sa'n ka pupunta?" tanong niyo
"Uuwi," maikli kong sagot.
"Ayaw mo talagang maniwala sakin," he sighed. "Pwes, ang mga kaganapan ngayong araw na 'to ang magpapaniwala sa'yong nagtimetravel ka talaga."
Nang malapit na ako sa pinto ay nilingon ko ang bata at sesermonan na naman sana pero wala na siya sa pwesto niya.
Heck?
Where did he go?
Okay fine, this is giving me the creeps.
Tatlong rason lang kung bakit nagkakaganito ang mga pangyayari. Pinakidnap, time travel, at I'm dreaming. But I pinched myself, I punched myself, and hindi pa ako nagigising. Okay, scratch the dreaming part.
Wait-
Maybe, ini-engkanto ako?
Oh c'mon, Kristin! Do you believe in such things? Goodness gracious! This is so frustrating.
Natigil ako saking iniisip nang biglang bumukas ang pinto. Dahil nga malapit ako sa pituan ay natamaan ako. At dahil nga malakas ang impact ng pagkakatama sakin, I landed on the floor.
"N-naku! Binibini!"
I touched my nose, "Aww."
Crap.
"Pasensya na, binibini. Ayos ka lang ba?" I glared at the guy while massaging my nose.
"Do I look like I'm okay? Nakita mo ng natumba, napahawak sa ilong, tatanungin mo kung okay lang? Kung ayos lang? Are you dumb? Bullshit!" I yelled.
It fucking hurts! Feeling ko magkakanose cancer ako. Ikaw ba naman matamaan ng pagkalakas-lakas ng isang pinto na gawa na kawayan? Oh God!
Once na makaalis ako dito, I'll go to my doctor at ipacheck 'to.
The lend his hand, "Para sa ano 'yan?" I asked, obvious sa boses ko ang pagkairita.
"T-tulungan na kitang makatayo." he answered.
I rolled my eyes heavenward. Tinabig ko ang nakalahad niyang kamay, "I can stand up without your help."
I stood up feeling a little dizzy. Goodness. Sakit sa katawan ang dala sakin ng mga pangyayaring 'to. I really want to go home. This whole thing is frustrating me.
"And who are you?" I asked, annoyed.
Napahawak siya sa kanyang batok while his hazel brown eyes averted in other direction. I raised a brow.
"Ah, binibini. Ano.. kasi-"
Napairap ako. He want to tell me something but he's hesitating.
"What?"
"Hindi ka pa pala nakakapagbihis," he said, his ears turning red.
Napatingin ako sa suot ko. At napamura ako ng malutong na malutong nang makita ko ang suot ko.
I was wearing my usual above-the-knee sleeveless night gown. Mabilis akong nagtago sa likod ng pinto. "AH! GET OUT, PERVERT!"
"Ako'y humihingi ng paumanhin! N-nariyan sa gilid ng higaan ang iyong pamalit. Narito sana ako upang ihatid ka pauwi sa inyo."
"Lumabas ka! God! Get out!"
-
Nagdadalawang-isip ako kung lalabas ba ako o hindi. What happened a while ago was embarrasing. 'Di ako liberated. Consevative ako. Being seen by a man in my nighties is too damn embarrasing. Nakakawala ng dangal.
Pagkatapos nung nakakahiyang pangyayari kanina, the guy left the room. At eto ako ngayon, nakabihis na. I'm wearing this thing they call baro't saya. It doesn't look comfortable but the cloth is surprisingly soft. Pero makati.
Feeling ko tuloy makaluma akong tao. Feeling ko rin 'di ako masyadong makakakilos ng maayos. Pano ako makakatakbo ng mabilis mamaya sa pagtakas ko?
Lalabas na ba ako? Nakakahiya dun sa lalaki. Nakita niya ako sa ganung kasuotan, pa'no ko siya haharapin? Should I punch him? Kick his ass? Or maybe, slap him? Goodness me.
I bit my lower lip. Nasan na ba kasi ang batang 'yun? What was his name again?
Ah. Karlos. Right. Siguro kasabwat ng batang 'yun 'yung lalaki kanina. 'Pag nakita ko 'yang Karlos na 'yan, malilintikan talaga sakin 'yun.
I inhaled saka binuksan ang pinto.
"Binibini-" bungad nito sakin ngunit agad ko siyang pinigilan.
"Hep! 'Wag kang lalapit! D'yan ka lang!" I said.
Mahirap na, baka manyak 'to. Mapano pa ako. May mga gwapo namang manyak diba?
Well, yes. He's handsome. The typical filipino looks.
He's got sun-kissed skin. He's tall and lean. My eyes traced his tall and lean figure, from his messy dark hair down to his worn-out wooden slippers.
I looked at his face. He's face looked like it was hewn to perfection. He's got a prominent jaw curved gracefully around. His thick eyebrows made him look like he's a serious person but his hazel brown eyes looked like it was capable of holding different expression. He's got long lashes, and a tall nose. I stared at his soft lips.
Surprisingly, he got foreign features. Especially, his nose and the shape of his face. And his brown locks. Spanish perhaps?
Tumikhim siya kaya napatigil ako sa kakainspeksyon sa mukha niya, "Kung tungkol sa nangyari kanina, binibini, ako'y humihingi ng paumanhin. Ikinahihiya ko ang aking inasal kanina."
I looked at him na para bang extraterrestrial being ang kaharap ko. Why is he acting like chivalry is still alive? It's the twenty-first century for pete's sake.
Napatango na lamang ako. Maski ako nasurpresa sa naging response ko. Normally, 'di ako papipigil hangga't hindi nagbabayad 'yung taong nagkasala sakin. But, now, it's different.
Why?
Maybe, because of his charms?
No! No way. He's not charming. Mukha nga siyang gusgusing bata. Gusgusing bata level 99. He's wearing dirty clothes, and he looked like he just finished working in the farmlands.
"Halika na, binibini," he said saka nag-umpisang maglakad.
"Sa'n tayo pupunta?" tanong ko.
"Ihahatid na kita pauwi sa inyo. Baka hinahanap ka na ng iyong mga magulang."
My face lights up after hearing those words, "Talaga?" I asked, excitement and eagerness evident in my voice.
Tumango ito saka ako nag-umpisang maglakad. Mas binilisan ko ang paglalakad para makasabay sa kanya.
Nakuha na ba nila ang ransom? Ilan kaya binigay sa kanila?
"Magkano binigay sa inyo?" tanong ko rito dahilan upang siya'y mapatingin sakin.
Kumunot ang kanyang noo, "Ano?"
" 'Yung ransom?"
"Ransom?"
"Oo, 'diba pinakidnap niyo ko?"
Huminto siya sa paglalakad kaya pati ako napahinto rin, "Ipagpaumanhin mo na binibini, sapagka't hindi ko maintindihan ang iyong sinasabi."
Why's he acting like he doesn't know? Hindi ba, kasabwat siya ni Karlos? Pati nila Aling Isay at Mang Nestor?
" 'Diba dinukot niyo ako? Inutusan kayo ni Karlos, tapos ngayon tinatanong ko kung nakuha niyo na 'yung pera. Magkano binigay sa inyo nila mommy?"
Mas lalong kumunot ang noo nito.
Is it just me or he looks cute with that expression of his? I slapped myself. Stop thinking weird things for shit's sake Kristin!
"Parang pagbibenta iyan ng tao, hindi ba?" he asked.
"Pasensya na ngunit hindi ko magagawa ang iyong sinasabi. Ang dumukot ng tao kapalit ng kakarampot na pera ay hindi makatao. Binibini, mahirap kami ngunit hindi kaya ng aming konsensya ang gawaing ganyan."
The way he said those words, the way his hands balled into a fist, the expression plastered on his face, hindi ko alam pero, I think he's a righteous man.
Nakokonsensya ako. There's a part in me saying, you shouldn't have said those words. Hindi ako ganito. Kapag may tao akong nasasabihan ng masama, I don't feel any guilt. Pero ngayon, why am I feeling like this?
I stared at him for a while.
"Halika na, binibini." then he continued walking.
"T-teka-" I catch up with his phase. "Ano- pasensya na, 'di ko-"
"Ayos lang," mahinang sabi nito. "Mas mabuti kung bibilisan natin. Malayo-layo pa ang ating lalakarin bago natin marating ang bayan."
Wala akong nagawa kundi ang tumango at sumunod na lang sa kanya.
For a moment there, feeling ko naging maamong tuta ako. Pakiramdam ko hindi ako 'yung kanina. I only met him, I don't even know his name, but he's got this strong aura with him that intimidates you.
Napatingin ako sa paligid. Lahat ng tao ay nakasuot ng mga damit na kagaya ng suot namin nitong kasama ko. Ang iba ay may mga hila-hilang baboy, may dala-dalang planggana, nagsasampay, nagwawalis. Ang mga bata ay naghahabol-habulan, naglalaro ng kung ano sa lupa.
Napadako ang tingin ko sa palayan na nasa kaliwang gawi ko. May mga lalaki dun na nagtatanim ng palay at, what do call that again? Nag-aararo? This is a lively town.
"Hindi ko pa pala naipapakilala ang aking sarili. Ipagpaumanhin mo, binibini," pagbasag nito sa katahimikan. Nilingon ako nito saka ngumit, "Ako nga pala si Antonio. Antonio Hidalgo."
Ang gwapo nga niya, ambantot naman ng pangalan.
"Oo nga pala, binibini-"
"May pangalan din ako. It's Kristin. Call me Kristin," pakilala ko. He kept on calling me binibini, and I think it's awkward. He's too formal at hindi ako sanay.
He chuckled, "Ang haba naman ng iyong pangalan. At kakaiba rin. Its-Kristin-Kol-me-Kristin?"
Muntik na akong matumba dahil sa sinabi nito. "No, no! Hindi Its-Kritin-Kol-me-Kristin ang pangalan ko. Kristin lang. Kristin," pagtatama ko.
Seriously, why do I feel like I'm in a gag show? Na maya-maya ay may lalabas na mga staff and crew at sisigaw sila ng "You've been fooled!". Ipapakulong ko talaga ang mga taong involve sa gag show na 'to. Aish!
Napahawak siya sa kanyang batok, "Pasensya na, binibining Kristin."
"Bakit ganyan ka magsalita?" I asked. Curious ako. Parang makaluma siya kung magsalita, pati sila Aling Isay at Mang Nestor. Sa nakikita ko sa lugar nila, mukhang malayo sa kabihasnan.
"B-bakit? May mali ba sa aking pananalita?" nagtatakang tanong nito.
"Wala naman. It's just.. I don't know. You talk like you live in Rizal's time. Aling Isay and Mang Nestor too."
Napakamot siya sa kanyang ulo, "Ah, binibining Kristin, ipagpaumanhin mo ngunit hindi kita maintindihan."
I raised a brow, "Hindi ka marunong mag-english?"
Umiling ito, "Tanging wikang tagalog at kakaunting wikang kastila lamang ang aking alam. Hindi kasi ako nakapag-aral," napayuko siya. "Kaming mga mahihirap ay hindi maaaring mag-aral. Kung ika'y mayaman o nabibilang sa principalia, maaari kang mag-aral. O di kaya'y pumunta sa Espanya at doon mag-aral. Nagpapasalamat nga ako at kahit papano ay marunong akong magsulat, magbasa at magbilang."
"Pwes, ang mga kaganapan ngayong araw na 'to ang magpapaniwala sa'yong nagtimetravel ka talaga."
Napalunok ako.
"Siguro, nagmula ka sa isang mayamang angkan. Halata sa iyong kasuotan at kutis na ika'y mayaman. At ang iyong kulay dilaw na buhok, siguro ika'y banyaga, tama ba?" Sa hindi malamang kadahilanan ay bigla akong natahimik.
I felt a sudden inexplicable lack of saliva. No no no no! Hindi 'to maaari! This is just a gag show. Or maybe, this is just his way para makuha ang loob ko. Pagkatapos nun, pag nagtiwala na ko sakanya, saka na niya kukunin ang puri ko.
What the hell am I thinking?
"Saka, kung paano mo sinagot-sagot ang isang prayle kahapon, parang hindi ka natatakot. Palagay ko nga ay mataas ang posisyon ng angkan na iyong kinabibilangan."
My head snapped towards his direction, "Kahapon?"
"Oo, kahapon sa harap ng simbahan. Muntik mo ngang sapakin ang prayle. Kung hindi ako nakialam ay marahil nabaril ka na ng sundalong kasama ng prayleng iyon. At saka binibing Kristin, humihingi ako ng paumanhin. Kinailangan kong sabihin sa kanila na may sakit ka sa iyong pag-iisip upang maialis ka sa gulo."
Sasapakin ko sana si Antonio dahil sa sinabi nito but then memories of what happened yesterday came flashing back to me.
-
Sarreh sa typos.
-
Hi. Did you like the chapter? I hope you did. To show your support for the story, feel free to click the vote button. Thank you. :D
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro