KABANATA 38
"Hindi ko lubusang maisip na ang natitirang magagandang lalaki sa ating lugar ay bihag na ang mga puso," malungkot na sabi ni Nenita habang sinasampay ang mga nilabhang damit.
Amor sighed at isa-isang binanlawan ang mga damit sa sapa. Napangisi ako saka hinubad ang suot kong bakya. I walked towards the water and felt the cold and clear water kissing my skin. The water was calm. Mababaw lang din ang tubig, hanggang ibaba lang tuhod ko. I lifted my skirt upto my knees para hindi ito mabasa.
I closed my eyes and I let the wind hug me.
"Sinabi ko na sa inyo na may bumihag na ng mga puso nila," I said.
"Oo nga pala, ikaw ang bumihag sa puso ni Antonio," Nenita said. "Kaya nalulungkot ngayon si Amor."
Napatingin ako kay Amor and I waited for her reaction. Last night, Antonio and I was the center of all attention. I didn't mind. I was too fascinated with Antonio's eyes. Para akong nalulunod sa mga tingin niya. Last night, I was fell even deeper.
Gulat na gulat sina Amor pagkatapos ng sayawan. Nakikituloy ako sa bahay nina Nenita kaya kagabi, they bombard me with questions. But I was too happy to answer all of them.
Tumigil sa pagbabanlaw ng mga damit si Amor at muling napabuntong hininga. "Noong dumating sila rito, humanga agad ako kay Antonio. Hindi lamang sa panlabas na anyo ngunit pati sa kabutihang loob nito."
I squinted my eyes. Na-stress ako ng sobra kay Burandai, sana naman wag kang dumagdag.
"Bago pa lamang sila dito ngunit ang dami na nilang nagawa para sa samahan. Napakabait nito sa lahat. Matulungin, maalalahanin. Lahat ng gugustuhin mo sa isang lalaki ay nasa kanya na." I was preparing myself to show her the monster I showed Burandai. But she stood up at lumapit sakin. Then she started jumping at napaatras ako dahil natatalsikan ako ng tubig.
"Amor, nababasa ako!" saway ko dito.
She stopped and she spread her arms like a bird ready to fly. Then she looked at the sky, letting the sun kiss her skin. "Walang dahilan upang magmukmok ako para sa isang lalaking may mahal ng iba! Marami pang iba riyan. Makakahanap din ako ng lalaking magmamahal sakin ng lubos."
I smiled in relief. Masyado na siguro akong natakot na baka maka-encounter ako ng tulad ni Burandai. I'm glad Amor isn't like that.
"Teka, sali ako!" Nenita shouted saka nagmamadaling tumakbo samin saka kami pinagtatalsikan ng tubig.
Natigil kami sa pagtatampisaw nang biglang may tumikhim. Napalingon kami sa lalaking nakatayo malapit samin. Ngumiti ito, "Magandang umaga, mga binibini."
I smiled, "Emilio!"
"Ako nga," natatawa nitong sabi.
"Kristin." Ibinaling ko ang tingin kay Nenita nang kinalabit ako nito. "Hindi lang pala si Antonio at Santiago ang magagandang lalaki sa ating lugar," she whispered.
I chuckled, "Baliw."
She was right. Emilio was good-looking. He has sun-kissed skin and a lot darker than Antonio's. He was about an inch shorter than Antonio. He had big round eyes and a full lips. Katamtaman lang din ang tangos ng ilong nito. He always keep his black hair brushed to the side. So yeah, Emilio is handsome. But not on Antonio's level. Antonio's looks was godly.
Muli akong tumingin kay Emilio, "Oo nga pala, Emilio. Si Nenita at Amor nga pala."
Emilio just bowed his head and gave them a tight smile. Napangiti ako saka umalis sa tubig. Isinuot ko ang bakya saka lumapit kay Emilio.
"Kailan ka pa dumating?" tanong ko.
"Kanina lang. Hinahanap ko ang supremo."
"Ah, nasa bayan sila. Pero kanina pa sila umalis kaya siguro pabalik na yun." He chuckled kaya nagtataka ko siyang tinignan. "May problema ba?"
He shook his head, "Wala. Nakakatuwa lamang at nakahanap ka agad ng mga kaibigan."
Friends? Tinignan ko ang direksyon tinitignan niya at dumapo ito kina Amor at Nenita. Is he referring to them? Di ko sila kaibigan. I just met them two weeks ago. We just talk, do chores together, have fun. That's all. We're not friends.
"Hindi ko sila kaibigan," I said.
Nagkibit-balikat siya, "Sabi mo e."
"Oo nga pala, ano nang nangyari sa Kalookan?"
Sumeryoso ang mukha nito, "Nadakip na ang taksil. Napag-alaman naming isang mataas na opisyal sa bayan ang siyang nagsusuhol sa kanya upang maging ispiya sa katipunan."
"Sinong opisyal?"
"Ang gobernadorcillo Del Bosque. Kaya pahirapan na ang pagkilos ng katipunan doon ngayon."
I was shocked from what I heard, "K-kaya pala alam niyang kasapi ng katipunan si Santiago. Akala ko isang simpleng pambibintang lang ito ni Padre Torres."
"Patuloy pa rin ang paghahanap nila kay Santiago. Sa tingin ko'y malaki ang galit ng padre Torres dito."
"E sina Tandang Sora? Kumusta sila doon?" nag-aalalang tanong ko.
"Maayos naman sila. Bumalik ako sa bahay ng Tandang Sora. Wala namang masamang ginawa sa kanila ang mga guwardiya sibil," he paused. "Inalok siya ng doña Adelina na doon na muna tumira sa kanyang tahanan ngunit tinanggihan ito ng Tandang Sora. Kaya upang maibsan ang pag-aalala, nagpadala na lamang ng tauhan ang doña Adelina upang makatulungan ang Tandang Sora sa mga gawaing bahay at para narin maalagaan ito."
I sighed in relief. I was really worried with Tandang Sora. Bago kami umalis, parang nanghihina ito. Kahit papano ay naibsan ang pag-aalala ko sa matanda noong dumating Aling Lucia at nagpadala pa si Lola Adelina ng makakatulong ng Tandang Sora sa bahay.
"Mabuti nalang. Matutuwa si Corazon nito."
"Kristin.."
I looked at him. "Ano?"
He lightly scratched his cheeks using his pointing finger. "S-si Corazon nga pala?" nahihiya nitong tanong habang nakatingin sa baba.
I smiled. Nakakatuwa yung pagbabago ng ekspresyon niya. From a dignified secretary of the organization to a soft, hopeless romantic guy. I knew he would be asking me that. Mukhang matatagalan siyang magmove-on at makahanap ng iba. Masyado niyang mahal si Corazon. It was all written in his mini journal.
"Huwag kang mag-alala, inaalagaan siyang mabuti ni Santiago," I teased.
"Ganun ba.."
"Nasa bayan siya. Dun siya nakatira ngayon. Pero palagi naman namin siyang binibisita." I stared at the sky, "Matutupad na ni Corazon ang pangarap niya."
Emilio smiled, "Masaya ako para sa kanya."
Corazon is very lucky. Wala man ang mga magulang niya, may mga tao namang tunay na nagmamahal sa kanya. There's Santiago and Emilio who would gladly devote their life for her. Tandang Sora who loved her like she was her own. Lola Adelina who helps her make her dreams come true. Antonio who treats her like she was his little sister. All these people loves her. I.. kinda envy her. Kahit hindi niya kadugo nagagawa siyang mahalin. I grew up to be cold and pushes others away. I was heartless that's why it was hard for everybody to accept me.
But Antonio came and he easily accepted all my flaws and imperfections. And that was all I needed for me to change. Someone to accept me a monster like me.
"Halika doon tayo maupo sa ilalim ng puno. Mainit dito," I said while pointing the big tree near the pond. Tumango naman siya at naupo kami doon. We just sat on the ground.
"Mananatili ka na ba dito?" I asked while fixing my skirt to cover my legs.
He nodded, "Palagi naman akong nasa tabi ng supremo."
"Oo nga pala, noh? Malapit kayo sa isa't isa ng supremo." I actually knew that because of the books. I remember my history teacher always telling us about Emilio and Andres' brotherly love.
Napangiti si Emilio, "Noong nalaman ko na nadakip ng mga kastila si Jose Rizal, tumigil ako sa pag-aaral at sumali sa organisasyon ng supremo. Ngunit bago ako tuluyang makapasok sa katipunan ay kinumbinsi muna ako nito na gupitan ang mahaba kong buhok."
Gulat akong napatingin sa kanya, "Teka, mahaba ang buhok mo dati?"
Natawa siya sa reaksyon ko, "Oo. Pinaputol ko na din ako dahil nainip na ako sa pangungutya ng akong mga kaklase at sa kagustuhan naring sumanib sa katipunan." Well, I didn't know that. The books I've read didn't tell much about Emilio Jacinto. "Noong nakapasok na ako sa Katipunan, nahirapan ako sa mga pagpupulong dahil hindi ako ganoon kagaling sa tagalog."
Again, I was shocked. I really didn't know that much about the hero, Emilio Jacinto. He was always overshadowed by other revolutionary heroes. Heck, I didn't even know he existed. Nalaman ko lang na may bayaning Emilio Jacinto noong nasa huling taon na ako sa highschool. I had a classmate who was a huge fan of him. I was weirded out by her before. She was fawning over a person who died a hundred years ago.
"Marunong naman akong magsalita ng tagalog ngunit mas nasanay ako sa pagsasalita gamit ang kastilang tindahan. Ngunit tinuruan pa rin ako ng supremo. Kinailangan ko pang makitira sa kanila noon. Minsan nga'y nahihiya ako sa lakambini dahil siya na ang umako ng responsibilidad na pangalagaan ang mga dokumento ng katipunan na parte dapat ng trabaho ko bilang kalihim."
Muli kong ibinaling ang tingin kina Nenita. I'm glad that I get to speak with a national hero. And he's even telling me stuff about him. People don't usually do that around me. Well, di naman ako nagtatanong. I prefer being alone with myself than be with people and fake conversations with them.
I sighed, "Ang galing."
"Bakit?"
"Wala lang. Ang saya lang palang pakinggan ang mga kwento ng ibang tao," I said while staring at the two girls by the pond.
Naramdaman kong napasandal si Emilio sa puno. "Hindi rin ako mahilig makipag-usap sa ibang tao noon. Mas gusto ko pa ang magbasa ng mga aklat kaysa makipag-usap sa iba. Ngunit binago ako ng katipunan. Bilang kanang kamay ng supremo kinailangan kong sumama sa mga pulong. Maliban doon, madaldal ang supremo. Siguro'y nahawaan ako nito."
I laughed. Magsasalita pa sana ako nang biglang may nagsalita mula saming likuran.
"Paumanhin kung ako ma'y nakadisturbo sa inyong pag-uusap, ngunit, Emilio, narito na ang supremo." I looked at the guy and the smile on lips grew even wider when I saw it was.
"Antonio," I said. But his gaze was fuxed on Emilio. Seryoso siyang nakatingin dito and he refuses to take his gaze away from him.
Emilio stood up, "Ganoon ba? Kung ganun ako'y mauuna na." Then, he looked at me, "Masaya ako't nakausap kita."
"Ganun din ako." He smiled at me before turning to Antonio and thanking him. After that he left us.
Inilahad ni Antonio ang kamay sakin pero sa ibang direksyon ito nakatingin. "Tulungan na kita makatayo."
Tinanggap ko ang kamay niya saka niya ako dahan-dahang itinayo. Noong nakatayo na ako ay binitawan niya ang kamay ko. He started walking without saying a word.
"What's wrong with him?" I murmured. Sinundan ko siya at hinawakan ang braso upang mapatigil ito sa paglalakad.
"Antonio, may problema ba?" nag-aalala kong tanong. He didn't answer kaya pumunta ako sa harapan niya upang tignan ang mukha niya. But he tried so hard to hide it from me.
Wait. Is he jealous? Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at gulat na gulat na napaatras. Pero hindi siya masyadong nakaatras dahil hawak ko pa rin ang braso niya.
"K-Kristin," nahihiya nitong sabi saka muling itinago ang mukha mula sakin.
"Nagseselos ka ba?" diretsahan kong tanong. I didn't know what's gotten into me that I wanted to tease him. Is he jealous dahil nakita niya kaming nagtatawanan ni Emilio?
Again, he didn't answer. Ito ang isa sa mga napansin ko kay Antonio. Sa tuwing nagkakasama kami, he turns into a soft, poetic marshmallow and he never fails to make my heart go crazy. But everytime he's with his colleague or with his superiors, he turns into a diligent, brave person that he is.
My hand drifted from his elbows down to his hands. He looked at me and I smiled as I stare into his eyes. "Di mo kailangang pagselosan si Emilio. Mahal pa din nun si Corazon. Saka, ikaw lang ang mahal ko."
He stared into my eyes and I waited for a smile to appear on his lips but it didn't. Instead he lightly gripped my hand, "Krsitin, nais kong makilala ang iyong mga magulang."
Natigilan ako sa sinabi nito. "A-Antonio.."
"Nais kong ligawan ka." Gamit ang isa niyang kamay napahimas siya sa kanyang batok. "Nais kong ipagtapat sa kanila ang pag-ibig ko para sa iyo."
I was rooted to the ground. My mouth dried and I swallowed the lump in my throat. My Family.. He wants to meet my parents. I wanted to.. But I'm not from here. We belong in two different worlds. He's from the past and I'm from the future.
"Alam kong hindi ako karapatdapat. Hindi ako mayaman at wala akong pinag-aralan. Anak ako ng mga magsasaka at kasapi ako ng isang grupong maaaring ikapahamak ng aking sarili.." he leaned closer and his eyes stared deeply into my eyes. "Ngunit, Kristin, handa akong ipaglaban ang nararamdaman ko para sayo. Handa ako baguhin ang sarili ko kung kakailangan upang matanggap ng pamilya mo ang pagmamahal ko sa iyo."
It has dawned upon me that we really can't be together.
I intertwined our fingers and I tried hard to give him a genuine smile. I inserted the strand of his behind his ears. "Hindi mo kailangang baguhin ang sarili mo. Kaya kita minahal dahil mabuti kang tao. Kaya kita minahal dahil ikaw si Antonio Hidalgo. At, tinitiyak ko, magugustuhan ka ng mga magulang ko... Pero.. Hindi muna kita maipapakilala sa kanila."
I want to. I want them to meet the guy who changed their daughter. I want them to meet the person who has showed me the light. I want them to meet the most wonderful person in the world. But how? I'm not from this timeline.
"Kristin.."
How I wish I could bring Antonio back to the present
"Antonio, wag muna nating pag-usapan ang mga magulang ko. Ligawan mo man ako o hindi, maging kasintahan mo ako o hindi, wala akong pakialam." I held his hand tighly, "Sayo lang ako, okay?"
Antonio stared at me for a moment. He sighed and a smile appeared on his lips,"Sayo lang din ako."
-
"Napakalapit po nila sa isa't isa," I said while looking at Emilio and Andres.
Nakangiting tumango si Oryang saka inilapag ang tasa ng inumin. "Tama ka, hija. Parang nakababatang kapatid na ang turing ng aking asawa sa batang iyan."
I looked at her, "Naikwento sa akin ni Emilio kahapon. Ang supremo raw ang naturo sa kanyang magsalita ng tagalog. Saka, bago raw siya pumasok sa katipunan ay kinumbinsi raw siya nito na ipagupit ang mahaba niyang buhok."
"Wala ng uuna kay Andres sa paghanga sa batang iyan," she said saka inayos ang natitirang mga papel sa mesa.
I helped Oryang in filing the the Katipunan's documents. Dumaan ako sa kubo nila para sana ihatid ang nilutong kakanin ng ina ni Nenita. Nagvolunteer na ako dahil may ginagawa si Nenita. Saka hindi naman gaanong kalayo ang bahay nina Nenita sa bahay ng supremo. Pagdating ko doon nadatnan ko silang nagpupulong. Masyado silang abala kaya hindi nila napansing pumasok ako. Sa kabilang silid ay nadatnan ko si Oryang na nahihirapan sa pag-aayos ng mga papeles kaya tinulungan ko na siya.
"Lahat ng mga suhestiyon ng supremo ay isinasangguni nito sa batang kalihim. Mas marami pang lihim na ipinagtapat si Andres kay Emilio kaysa sa akin."
I chuckled, "Nakakatuwa sila."
Ibinalik ko ang tingin sa kanila but this time, dumapo ang tingin ko sa lalaking nasa likod nila. Seryoso siyang nakikinig sa sinasabi ng supremo. Mas lalo siyang gumwapo habang nakakunot at nagsasalubong ang makakapal na kilay.
"Kung nakakatunaw lang ang tingin, malamang kanina pa natunaw si Antonio." Agad kong inalis ang tingin kay Antonio at napayuko.
"P-pasensya na po," sabi ko. That was embarrassing. Oryang caught me staring at a guy.
"Ayos lang. Ganyan ang mga taong umiibig."
I cleared my throat. "Oo nga po pala, ano po ang pinaguusapan nila?" I asked. Mukhang seyoso sila dito. Ni hindi nga nila ako napansing pumasok kanina.
Napansin ko ang pag-iba ng ekspresyon sa mukha ni Oryang. "Naghahanda sila para sa pulong na magaganap sa Tejeros."
"Pulong?"
-
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Oryang ay umalis na ako. Hindi ko na hinintay matapos sila Antonio at nag-umpisa ng maglakad pabalik sa bahay nina Nenita. Madilim at tahimik na sa lugar. Nakasindi nalang ang ilang gasera sa harapan ng mga bahay. Sinadya kong bagalan ang paglalakad. Iniisip ko pa din ang sinabi ni Oryang kanina.
Nakatingin lang ako sa lupa habang sinisipa-sipa ang isang maliit na bato.
May isa pang pagpupulong na magaganap. And it'll happen three days from now. I have read about it in my mom's book. Pero hindi ko na ito tinapos dahil hindi ako interesado. But I remembered the events that'll happen after that convention.
"A lady in this period don't stay outside this late." I stopped on my tracks at napa-angat ng tingin.
"Wow, you're back," I said with a hint of sarcasm. "I've forgotten you existed."
He crossed his arms over his shoulder, "Everytime. Everytime you see me, you always taunt me."
"Ginagawa mo din yun sakin. It'd be unfair if I don't fight back." He didn't answer. Tinitigan niya lang ako. I couldn't clearly see his face because it was dark. I sighed. There's no use arguing with him now. He's been acting weird. "Karlos.. Do it again."
"Do what?"
"The thing you did back in Antonio's barrio in Kalookan. Noong bago ito sinugod ng mga guwardiya sibil. You brought me to a friars house to warn me with what will happen." I gripped my skirt, "Do it again. I wanna know what happened in that convention."
Karlos shook his head. "I can't. Ilang beses na kitang pinagbigyan, Kristin."
"Karlos, just this once, please." I begged.
"No. I won't let you," he answered, firmly. "But I can tell you one thing.."
I hitched my breath and I waited for him to speak.
"The upcoming Tejeros Convention is a trap set by Emilio Aguinaldo to get rid of the tough weed in his backyard, Andres Bonifacio."
My shoulders slumped. Pakiramdam ko ay nanghina ang mga tuhod ko.
"So the book was right." My voice croaked.
He nodded, "Yes. And the events that'll happen after that... will happen." Tinalikuran niya ako at nag-umpisang maglakad palayo. But before he could disappear from my sight, he looked over his shoulder. "And I will make sure it'll happen. You, interfering means that you've start a war against time."
-
Tama na ang puro pakilig. Baka masobrahan kayo sa sugar. ( ̄へ ̄)
-
Hi. Did you like this chapter? I hope you did. Don't forget to vote and comment. Thank you. O(≧▽≦)O
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro