KABANATA 37
"Ate Kristin, ang ganda ng iyong buhok!" nakangiting sabi ng batang si Maria habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri niya.
Tumango naman si Anita saka pinitas ang mga ligaw na bulaklak sa damuhan. "Opo, napakaganda po ng kulay ng iyong buhok, katulad ng bulaklak na ito." Humarap siya sakin saka ipinakita ang bulaklak na napitas niya. It was a small yellow flower with five petals. It has the same shade of my hair. "Hindi ba ang ganda?"
Napangiti ako, "Hindi naman ito ang tunay na kulay ng buhok ko."
"Talaga po?"
"Oo," sagot ko saka itinuro ang bagong tubo kong buhok. "Nakikita niyo to? Itim talaga ang kulay ng buhok ko at hindi dilaw."
Pansamantalang nawala ang ngiti sa mukha ni Anita at napansin ko ring napahinto sa pagsuklay si Maria. Tumayo si Anita at ibinigay sakin ang isang puting bulaklak bago muling sumilay ang isang mala-anghel na ngiti sa mukha nito. "Kahit ano pa man ang kulay ng iyong buhok, maganda pa rin kayo.".
"Salamat," namumulang sabi ko saka tinanggap ang bulaklak mula sa bata. Sanay na akong makarinig ng mga ganitong papuri, but hearing kids say them, it feels so genuine.
Pinanuod ko silang dalawa na maglaro sa damuhan. Dalawang linggo na ang lumipas mula noong umalis kami sa Kalookan. Tinanggap naman kami ng Supremo dito na dito na muna sa Limbon tumira hangga't mainit pa ang mata samin ng gobernadorcillo ng Kalookan. Corazon didn't stay with us. Tinulungan siya ni Santiago na hanapin ang address na ibinigay ng Tandang Sora. They found it and Lola Adelina's sister insisted that she'd stay there. Wala namang nagawa si Corazon kundi ang tanggapin ang alok nito.
We still visit her though. Lalo na si Santiago na halos araw-araw, walang palya, kung bisitahin si Corazon. Naging mas maingat na din kami lalo na't hindi naman kami tagarito. Halos hindi ako umaalis dito sa Limbon. Nakakaalis lang ako pag bibisitahin ko si Corazon. Isang araw lang din kaming nanatili si sa tahanan nina Rafael. The next morning, he accompanied us to Bonifacio's headquarters.
Inalis ko ang tingin sa mga bata. I stared at the small flower they gave me as I remember what happened that night.
"Binibining?" Naghintay pa rin si Rafael sa sagot ko pero wala ni isang salita ang nagtangkang lumabas sa bibig ko.
"Hindi mo maalala si Kristin?" nagtatakang tanong ni Corazon.
Rafael shooked his head, "Ngayon ko lamang siya nakita. Kaya nga nagtaka ako noong sinabi ng aking ama na apat kayong narito."
"S-sigurado ka ba, Rafael?" Santiago asked. He laughed, pero halatang pilit ito just to lessen the tension in the atmosphere. "Baka pinaglalaruan mo lamang kami."
Napaayos ng tayo si Rafael. Kunot-noo niyang tinignan si Santiago,"Hindi ako nagbibiro. Ito ang unang beses na nakita ko siya. Kaya ko nga tinatanong ang kaniyang pangalan. Hinding hindi ako magsisinungaling sa inyo. Pangako."
Namumuo ang kaba sa dibdib ko. My heart was pounding. It was so loud na para bang mabibingi na ako. /It happened again. Napatingin ako kay Antonio. Halatang naguguluhan din ito sa sinabi ni Rafael. Confusion was evident in his eyes.
"Imposibleng di mo siya makilala. Nakasama natin siya sa Balintawak. Kina Tandang Sora," pagpapaliwanag ni Antonio.
"Paumanhin, Antonio ngunit hindi ko alam ang iyong sinasabi.."
Stop.
"Sabay tayong dalawa na nagpunta sa Balintawak, wala tayong kasamang iba."
Please.
"Hindi kita maintindihan, Rafael."
I stood up. Ngumiti ako saka inilahad ang kamay ko. My lips was quivering, "Kristin. Ako si Kristin." My voice croaked. I was smiling but deep inside I was on the verge of crying. "S-sandali, may naiwan lang ako sa loob. Kukunin ko lang," I lied. Di ko na sila hinayaang magsalita at mabilis na pumasok ng bahay. Pagkapasok na pagkapasok ay agad na nagbagsakan ang mga luha ko. It wa
Una, si Jose. Ngayon naman ay si Rafael. Sinong susunod? Si Corazon? Santiago? Will they all forget me? Dadating ba ang panahon na di na nila ako maalala lahat, na para bang hindi ako naging bahagi ng buhay nila? Will he forget me too? The thought scared me. What if it'd happen? What if makalimutan din ako ni Antonio?
I clutched my chest. Napaupo ako nang maramdaman kong naghina ang mga tuhod ko. I cried, silently. I didn't know that something could scare me like this.
"I'm sorry..." a gentle and small voice said. Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko at dumapo ito kay Karlos na nakatayo sa harapan ko. He was looking at me with guilt and pity in his eyes.
I sniffed, "Why?"
"This. I did try to warn you."
He did. He told me not to fall. Wala namang kaso batas ng oras. He warned me about it because we both know, I'm not from this timeline. Alam ko ding pag nangyari yun, mahihirapan ako. Pero anong magagawa ko? Like magic, it just happened. One day I woke up, mahal ko na pala si Antonio.
"What can I do? The heart wants what it wants."
He sighed, "You can't stay in the past, Kristin."
Napayuko ako, "Alam ko naman yun sa umpisa palang. But... but I didn't know I'd be leaving this way. It just.. It hurts so much."
Karlos stayed quite. Pero hindi siya umalis. He just stood in front of me.
"Time waits for no one."
Karlos told me that out of nowhere. Is this what he meant? Unti-unti na bang nauubos ang oras ko dito? That's why he's telling me to make the most of it. Inalis ko ang tingin sa bulaklak at ibinaling ito sa direksyon kung saan nakatayo ang ilang mga bahay dito sa limbon. Sa di kalayuan ay napansin kong nakatayo si Antonio kausap si Andres.
Pagkatapos noong nangyari kina Rafael, iniiwasan ko na na maungkat uli yun. Alam kong gusto nilang malaman kung anong nangyayari. They want their answers dahil naguguluhan din sila. But they never mentioned it to me anymore. Even Rafael. He apologized for not remembering me but I told him not to. Dahil wala naman talaga siyang kasalanan.
When we arrived in Limbon, I was nervous. Natatakot ako na baka hindi na ako makilala ni Oryang o ni Andres. Natatakot ako na baka tulad ni Rafael at ni Jose, nakalimutan na rin nila ako. Pero nakahinga ako ng maluwag when Oryang hugged me the moment we arrived in Limbon. Andres even greeted me.
Tumayo ako at tinignan muli ang mga bata. Napansin ko namang kasama na nito ang ina nila kaya napagdesisyunan kong lumapit kina Antonio. Natigil sila sa pag-uusap nang mapansin ako.
"Magandang tanghali, supremo," nakangiting bati ko kay Andres.
Ngumiti ito at binati ako pabalik, "Magandang tanghali rin sa iyo, binibining Kristin. Kumusta ang iyong paninirahan dito sa Limbon?"
"Mabuti lang naman po. Sa katunayan, napakasaya nga rito. Ang babait ng mga tao at ang daming bata," sagot ko habang nakatingin kina Anita at Maria na naglalaro kasama ang kanilang ina.
Tumango naman ang supremo, "Sila'y mga anak ng mga kasamahan natin sa Katipunan. Kahit papano'y naiibsan ang aming lungkot at problema sa tuwing nakikitang masaya ang mga bata."
"Ang saya nilang tignan." Ibinaling ko ang tingin kay Antonio nang magsalita ito. Oo nga pala. Antonio is fond of children. I remembered hin playing with them a lot.
Tinapik ng supremo ang balikat ni Antonio. "Nasa tamang edad ka na upang bumuo ng sarili mong pamilya, Antonio."
Napatawa ako ng mahina nang napansin kong natigilan si Antonio. "H-hindi pa ho pumasok sa aking isipan ang bumuo ng pamilya," nahihiya nitong sagot habang hinihimas ang batok.
"Nasa iyo naman ang desisyon kung gugustuhin mo na." The supremo gave us a tight smile, "Oh pano, Antonio, Kristin. Ako'y mauuna na muna sapagka't may mga aasikasuhin pa ako. Maiwan ko na kayo."
"Sige po," sagot ni Antonio saka umalis ang supremo.
Naiwan kami doon ni Antonio. No one spoke, we just watch Andres' back as he walks away from us.
"Ang bait ng supremk, noh?" I said out of nowhere.
Sumang-ayon si Antonio, "Matapang at nakakatakot man ito sa una, pero kapag lubusan mong nakilala, siya na ata ang pinakamabait na taong iyong nakilala."
"I agree." Inalis ko ang tingin sa supremo at ibinaling ito kay Antonio. "Oo nga pala, 'di kita nakita kaninang umaga."
He looked at me, "Ah, oo. Nagpatrolya kasi ako sa paligid. Gawain ko na ito tuwing umaga simula ngayon."
"Ganun ba?"
"May naalala ako, sandali," wika nito saka kinapa ang bulsa ng salawal niya. Nagtataka naman akong tinignan siya. Maya-maya ay dinukot niya mula sa kanyang bulsa ang isang bulaklak.
I smiled when I saw how his face expression changed from excitement to disappointment when he saw the flower. Isa itong kulay pulang rosas. Parang naipit na ang itsura nito at putol na ang stem. May nalaglag pa ngang petal.
"Pinitas ko ito kanina habang nagpapatrolya." His ears turned red saka itinago ang mukha mula sakin. "Ibibigay ko sana sayo kaso..."
Mas lalong lumawak ang mga ngiti ko. He was so cute. We already kissed, confessed our feelings for each other and he's still shy around me. He tells me stuff na halos patayin na ako sa kilig pero hindi niya sinasadya lahag yun, but he's still shy with showing his affection. And I find it cute.
I took the flower. Nagulat naman siya sa ginawa ko. I stared at the rose and traced my fingers over its petals. My cheeks flushed, "Ang ganda."
"Pero naipit na ito.."
"Sa tuwing binibigyan ako ng kuya at ng ama ko ng bulaklak, iniipit ko ito sa mga aklat na tapos ko ng basahin. Tapos pagbubuklatin ko na ulit ang aklat, makikita ko ang bulaklak na halos maging kakulay na ng aklat."
Pressed flowers are really beautiful. I always do it when I was still small. If I a flower catched my attention, I'll pick it and then insert it in my books. But I stopped doing it after the incident with my brother. Actually, halos lahat ng gusto kong gawin ay itinigil ko mula noong nangyari ang insidenteng yun. That event really did changed me.
"Hindi ba't mas maganda kung sariwa pa ang bulaklak?"
Tumango ako, "Oo. Pero, hindi ko alam. May kakaiba sa mga bulaklak na iniipit sa mga libro. Para bang pinapanatili nito ang mga ala-ala ng bulaklak. Na sa tuwing bubuklatin mo muli ang libro at makikita ang bulaklak dun, maaalala mo kung ano ang nangyari nung araw na napitas mo ang bulaklak."
I loved pressed flowers because it preserves memories.
Memories..
I looked at him, "Say, Antonio.." I swallowed the lump in my throat. "Anong gagawin mo kapag.. kapag nakalimutan ka na ng mga taong mahalaga sayo?"
Naguguluhan siyang napatingin sakin, "A-anong ibig mong sabihin?"
"P-paano kung hindi ka na maalala ng mga taong napalapit na sayo? Anong gagawin mo?"
It took him a moment to answer. He stared at me as if searching the meaning of my question in my face. "Kung ganun, ipapaalala ko sa kanila kung sino ako."
"Pero paano kung hindi ka na talaga nila maalala. Na para bang hindi ka nangyari sa buhay nila. Na para bang hindi ka man lang naging parte ng mga alaala nila."
"Kristin, anong ibig mong ipahiwatig?" Natigilan ako sa tanong ni Antonio. Di ko na napansin na masyado na pala akong nadadala ng emosyon ko. Masyado na akong nadadala ng takot na baka siya ay makalimutan din ako.
I shook my head, "W-wala to.. Pasensya na."
"Tungkol ba ito sa nangyari kay Rafael?" There, he said it. Yes. This is about me disappearing without lwaving a trace.
Inilahad niya ang kamay niya. Nagtataka ko naman itong tinignan. "Maaari ko bang hawakan ang iyong kamay?"
I held his hand. A smile appeared on his face. He raised our hands and he stared at it. I blushed when he intertwined our fingers.
"Hindi ko man maintindihan kung ano ang nangyayari. Naguguluhan man ako. Gustuhin ko mang masagot ang lahat ng aking mga katanungan.." He removed his gaze from our hands and he stared deeply into my eyes. "Ipinapangako kong hinding hindi kita makakalimutan."
A simple sentence but means everything. Lahat ng kaba at takot ay nawala sa simpleng mga salitang sinabi niya.
"Nakatatak na ang iyong pagkatao saking puso't isipan. Para kang isang nobela na hinding hindi ko makakalimutan. Bawat kabanata, bawat pahina, bawat pangyayari, bawat pangungusap, bawat salita, bawat letrang nakasulat. Lahat. Lahat ay narito na saking puso."
There goes my heart again. Beating and playing a melody. I stared deeply into his brown eyes. It was staring at mine with emotions I wanted to see.
I grabbed his hand and in a flash, I was hugging him. Naramdaman ko namang nabato siya sa kinatatayuan. But I didn't mind. I hugged him even tighter. My chest was pressed against his kaya nararamdaman ko ang malakas at mabilis na tibok ng puso niya.
"K-Kristin.."
I closed my eyes, "Salamat. Salamat at dumating ka sa buhay ko."
I'm glad Antonio happened to me. Kung noong una, ayaw na ayaw ko sa lugar na to. Sa panahon na to. Kung noon hindi ko matiis na matulog sa katreng gawa sa kahoy, kumain ng tuyo at kamote, mag-igib ng tubig sa ilog, maligo sa isang makeshift na banyo, spend the whole day watching the sky, doing household chores. Ngayon kaya ko na lahat. Kaya kong tiisin lahat dahil nandito siya.
-
Noong sumapit ang gabi ay tumulong ako sa ibang kababaihan sa paghanda ng hapunan. Sabay-sabay silang kumakain dito kaya sinasabay na ang pagluluto mg makakain. Lahat din ay nagtutulungan. Kahit na kakaunti ang pagkain ay mapapansin mong masaya sila. Hindi alintana ang digmaang nangyayari.
I sat down near the bonfire after washing the sweet potatoes. Tinali ko ang buhok ko saka inilibot ang tingin sa paligid. They look like they were having a feast. Halos ganito araw-araw. Isa na itong normal na pagsasalo-salo ng lahat ng narito. The kids were having fun eating with their families. They were happily talking while eating.
"Magandang gabi, Kristin. Maaari ba kaming maupo rito?" naibaling ko ang tingin sa babaeng nagsalita. It was Amor. She was holding a plate of foods. Iska and Nenita was with her.
Amor, Iska, and Nenita were the only unmarried girls here in Bonifacio's headquarters. Halos mga kaedaran ko lang sila kaya mabilis akong napalapit sa kanila. But I can't say that I've mde friends with them. Sila lang ang madalas kong nakakausap dito.
Tumango ako at naupo naman sina Iska at Nenita sa bangkong katapat ko habang si Amor naman ay tumabi sakin.
"Kristin, hindi ka ba talaga kakain?" Iska asked.
"Sumalo ka na sa amin. Heto," itinapat sakin ni Nenita ang hawak niyang pinggan. "Kumain ka. Baka magkasakit ka."
I smiled, "Hindi na, Nenita. Hindi pa naman ako nagugutom."
"Naku, Kristin. Marami ang pagkain, hindi namin ito mauubos,'" Amor said.Siya ang masasabi kong pinakamaganda sa lugar. Well, that was before I arrived. I know, napakaconceited nun pakinggan, but it's a fact.
Amor had a long wavy hair, much longer than Corazon's. Kung si Corazon, itinatali ang buhok, Amor doesn't. She just let her hair down freely. She's too proud of it. She had big eyes and a tall nose. She was an inch shorter than me. Balingkinitan din ang kanyang katawan. Kaya halos lahat ng mga binata dito ay gusto siyang ligawan.
I looked at Nenita. Nenita is a timid girl. Masyado siyang mahiyain. Parang wala siyang confidence sa sarili niya. She had a thick black hair na palagi niyang tinatali. She had dark skin, an expressive round eyes and a flat nose. Medyo mataba din siya.
Iska is the tomboyish one. I've seen her lift heavy objects. Palagi nga siyang nasisita ng ina niya. Mas matangkad sakin ng kaunti si Iska. Katamtaman ang pangangatawan at may mahaba't manipis na buhok.
Tinignan ko lang silang kumain habang nakikinig sa pinag-uusapan nila. It wasn't really that interesting kaya paminsan-minsan ay ibinabaling ang tingin sa ibang direksyon. Doon ko napansin na biglang tumahimik si Amor at nakatingin ito sa malayo. Napansin naman ito ni Iska kaya iwinagayway niya ang isang kamay sa harap ni Amor.
Amor snapped out of her thoughts, "A-ano?"
"Kanina ka pa nakatingin sa malayo. Teka.. Ano bang tinitugnan mo?" Iska turned to around para hanapin ang tinitignan kanina ni Amor. Sinubukan siyang pigilan ni Amor pero siya nagpapigil. "Ah! Alam ko na kung sino ang iyong tinitignan."
"Sino?" Nenita asked eagerly.
Ibinalik ni Iska ang tingin samin at napangiti ito ng malawak. "Sino pa ba ang nakakaagaw ng atensiyon ng lahat ng kababaihan sa barrio? Edi sina Santiago't Antonio."
Napansin kong namula si Amor when Iska mentioned their names. Napakunot ang noo ko at ibinaling ang tingin sa direksyon nina Antonio. Nakatayo sila malapit sa apoy at abala sa pag-uusap kasama si Rafael. Mukhang hindi nila kami napansin dahil may kalayuan sila samin.
"Kaya naman pala. Sabihin mo, Amor, may gusto ka ba isa sa kanila?" Iska teased.
Sa isang iglap, naging interesado ako sa pinaguusapan nila. I was eager to know Amor's answer and was hoping that she'd say "Wala".
Amor inserted a strand of her hair behind her ear using her fingers. "N-napapaisip lamang ako kung may mga nagpapatibok na ba ng kanilang puso o kung may natitipuhan na ba silang babae."
"Minsan nga'y napapaisip rin ako," Nenita agreed. "Lalo na si Santiago."
"May nililigawan ng babae si Santiago. Sa tingin ko'y habang-buhay na niyang mamahalin yun," I said out of nowhere. Habang wala si Corazon, I'll watch Santiago for her. She's my friend and I won't let any girl take her lover away from her. Hindi naman sa kayang gawin ni Santiago na maghanap ng iba habang wala si Corazon, pero lalaki pa rin siya. "Napapansin niyo ba ang palaging pag-alis ni Santiago? Palagi siyang pumupunta sa bayan upang dalawin ang babaeng pinakamamahal niya."
I saw Nenita's shoulder slumped. Honestly, wala naman akong problema sa tatlo. They're nice and all, it's just that, I don't want them to fall for someone who's heart is already taken.
"Oo nga pala, Kristin. Malapit ka sa dalawa," Iska said.
"S-si Antonio? M-may natitipuhan na rin ba siya?" mahinang tanong sakin ni Amor.
And honestly, that ticked me off. Not as much as Burandai, but still. I gave her a tight smile, "Meron na. Meron ng babae na nagpapatibok ng puso niya."
"S-sino?" Now that's really annoying. Why does Amor have to ask every single detail about him? "Nililigawan ba niya ito? Kasintahan?"
I was caught off guard by the question. Hindi na ako nakasagot. Napatingin nalang ako sa kinaroroonan ni Antonio.
Antonio and I kissed and confessed our feelings for each other and after that.. I don't know. Now that I think about it, hindi ako nililigawan ni Antonio. He didn't ask me to be his girlfriend. He just confessed his feelings.
I was cut off from my thoughts when a guy walked towards us. Tumigil siya sa harap namin at binigyan kami ng ngiti. But his eyes was fixed on Iska. He was holding a guitar at mukhang ayos na ayos. It was Pedro. Iska's admirer.
"Magandang gabi, binibining Iska," nakangiting bati nito.
Hindi na hinintay ni Pedro na sumagot ang dalaga at humarap na ito sa karamihan at kinuha ang kanilang atensyon.
"Magandang gabi sa inyong lahat!" malakas na bati nito. Lahat naman ay natigil sa ginagawa at napalingon sa kaniya. Napansin ko namang natigil sa paguusap sina Antonio. "Maari ko bang makuha sandali ang iyong atensyon?"
"Pedro, anong ginagawa mo?" an old guy asked.
Napangisi si Pedro, "Mang Garo, ito po ang aking ipinagpaalam sa iyo kanina. Kaya kung maaari po sana ay mamaya niyo na ako habulin ang itak. Kahit isang oras lamang po. Nais ko lang ipahayag ang aking nararamdaman para sa inyong anak."
"Anak ng puta! Ilang beses ba kitang tatakutin at nang layuan mo ang aking anak." Nagulat ako nang tumayo ang matandang lalaki dala-dala ang isang itak at naglakad palapit kay Pedro.
"Garo! Hayaan mo na muna sila!" saway ng asawa nito.
Napansin ko namang nagtawanan ang iba. Tatayo na sana si Iska upang pigilan ang ama nang biglang nagsalita ang kararating lang na si Andres.
"Garo, kumalma ka muna. Bakit hindi natin hayaan ang taong nagmamahal?"
Napahinto naman ang matanda at napapakamot ng batok na bumalik sa kinauupuan nito.
"Ituloy mo na, Pedro."
"Salamat, Supremo." Tumikhim si Pedro at tinignan ang nakatayong si Iska. Am I gonna witness another harana?
"Narito ako, sa harap ng mga taong ito. Sa harap ng iyong ama't ina, upang sabihin sa iyo..." He stared deeply into the eyes of the woman he loves. Halata mo sa kanya ang kaba dahil paminsan-minsan niyang pinupunas ang kamay sa suot na salawal. "Na ika'y matagal ko ng iniibig."
Nakatayo lang si Iska habang tinitignan si Pedro. "Iniaalay ko ang awiting ito para sayo." He gave her a nervous smile bago lumingon sa kinatatayuan nina Antonio. Nagtaka ako nang biglang naglakad si Antonio palapit sa kinatatayuan nina Pedro. Ibinigay ni Pedro sa kanya ang gitara na agad naman niyang tinanggap. "Sana'y magustuhan mo ito."
Before strumming the guitar, Antonio glanced at our direction and gave me a smile.
"Nginitian niya tayo, Amor!" Nenita squeeled. Awtomatikong napairap ako.
Pedro started humming. Surprisingly, he's got a soothing voice. He was pretty good. But that didn't caught my attention. My whole world was fixed on the guy playing the guitar. Antonio...
"Ikaw ang aking panaginip
Ikaw ang tibok ng dibdib
Pusong humihibik, dinggi't umaawit
Tinataghoy ay pag-ibig"
The night breeze was starting to get cold. But the song was calming.
"Ikaw ang ligaya sa buhay
Sa piling mo'y walang kamatayan"
Antonio was indeed the happiest thing that happened to me. It wasn't One Direction, it wasn't my new car, it wasn't me being being born into the wealthiest family. It was him. A simple guy who came from a family of humble farmers. A guy who is member of a rebel group wanting to dethrone the Spanish regime. A handsome Katipunero. Meeting him was enchanting to the point that it all feels so unreal.
My dad was right. The happiest thing that can happen to a human being is another human being.
"Puso ko'y nangumpisal sa birheng dalanginan
Na ang pangarap ko'y ikaw"
Antonio stopped strumming. Doon ko lang inalis ang tingin ko sa kanya. Rafael was finished singing. It was just a short but meaningful song. Iska was stopping herself from crying.
"Iska, m-maaari ba kitang ligawan?"
Everyone went silent. They were all waiting for Iska's answer.
Iska opened her mouth and everyone was eager to hear her answer. "L-ligawan mo muna ang aking mga magulang." Iska gripped her skirt, "S-saka mo matatanggap ang Oo."
It took Pedro awhile to react. He was too overwhelmed by the girl's answer. But when he got himself back, he jumped and shouted. And everyone laughed and congratulated the guy. He's harana was a success.
Di ko na din napigilan ang mapangiti.
Andres faked a cough to get everyone's attention, "Bakit hindi natin iaalay ang gabing ito sa ating mga mahal sa buhay? Kahit isang gabi lamang, kalimutan muna natin panandalian ang lahat ng problema, ang gulo, at isayaw natin ang mga taong mahal natin." Everyone agreed with the supremo. Ang munting hapunan ay naging isang malaking pagsasalo-salo.
"Antonio, maaari mo ba kaming tugtugan?" tanong ni Andres. Sasagot na sana si Antonio nang biglang nagsalita si Rafael.
"Naku, supremo! Ako na ang tutugtog, mukhang mag gusto isayaw si Antonio," Rafael said in a teasing voice. He walked towards Antonio saka kinuha ang gitara.
The moment Rafael started strumming the guitar, Antonio started walking towards us. Amor and Nenita started panicking but I didn't care. My eyes was fixed on the walking adonis. Our eyes were both glued to each other.
My heart started going crazy when he stopped at our table. He then greeted us with a smile. He walked pass Amor and Nenita and stopped beside me. He offered his hand.
"Maaari ba kitang isayaw, binibining Kristin?"
Antonio may not be courting me. Hindi man kami magkasintahan. Who cares? Wala na akong pakialam kung walang label ang relasyon namin. As long as I know that he loves me and I love him, it's already enough.
I smiled.
And under the moonlit night, along with these people, I danced with my handsome katipunero.
-
The end. Joke. There's more pa. Hanggang December 31. Basta, hanggang January 17, 2018 nalang ang MHK.
-
Hi. Did you like this chapter? I hope you did. Don't forget to vote and comment.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro