KABANATA 32
My Handsome Katipunero MV on the media. And, pakibasa po nung author's note sa dulo. Thanks.
-Panda
***
"
Kumusta kayo ni Santiago?" tanong ko kay Corazon habang sinusuklay ang mahaba niyang buhok.
She flinched. I looked at her reflection in the mirror. Napangiti ako nang mapansin ko ang pamumula nito.
Isang linggo na ang lumipas mula nung naitakas namin si Santiago mula sa hacienda Del Bosque. Fortunately, he gained consciousness after two days. Bukas pa din ang sugat niya sa likod kaya hindi siya masiyadong nagsisigalaw. Sa buong linggo ay halos si Corazon ang nag-alaga kay Santiago. Pero kahit na halos palagi silang magkasama ay pansin pa din ang pagiging awkward nila sa isa't isa.
Tuwing gabi naman ay bumibisita si Matias dala ang sulat mula sa mga magulang ni Santiago. Araw-araw sumusulat ang mga ito upang kumustahin ang kalagayan ng kanilang anak. Ibinabalita din nila kung ano na ang nangyayari sa labas. Laganap na sa bayan ang balita tungkol kay Santiago. Unfortunately, mukhang sinira nung padre Torres at ng mga kasamahan niya ang reputasyon ni Santiago at ng pamilya niya. Wala sa amin ang bumaba sa bayan maliban nalang kay Emilio at Antonio.
Speaking of Antonio, I haven't talked to him simula nung nagkasagutan kami. Palagi naman siyang wala at sa tuwing nagkikita o nagkakasalubong kami ay agad ko siyang iniiwasan. Alam kong napakababaw ng rason ko para iwasan siya, but what can I do? I just felt sad.
"Ayos lang naman," Corazon answered. "Bakit mo nga pala natanong?"
I shook my head, "Wala lang." I put the comb on the vanity table and started braiding her hair. Corazon had nice hair. It was jet black and hangs up to her waist. It was silky and glossy. "Alam mo ba, bago mawalan ng malay si Santiago ay may sinabi siya sakin na iparating ko raw sayo."
Tinignan niya ang repleksyion ko sa salamin, "A-ano raw?"
"Sa tingin ko sinabi niya 'yun dahil akala niya 'di na siya magigising. Wala ako sa posisyon para sabihin 'yun. Kaya mas mabuti kung siya mismo ang magsasabi sa'yo."
Nawala ang kinang sa mga mata nito. She averted her gaze from mine. "P-pero hindi pa kami gaanong nagkakausap," she said in a low voice. "Wala akong lakas ng loob upang kausapin siya na tulad ng dati. Lalo na't tinrato ko siya na parang hindi isang malapit na kaibigan."
I sighed, "Corazon, may nararamdaman ka ba para kay Santiago?"
Natigilan siya sa tanong ko. She lowered her gaze and started fidgeting her fingers. I continued braiding her hair while waiting for her to answer. Pero hanggang sa natapos ako ay hindi siya nagsalita.
Kinuha ko ang maikli at pahabang tela na nakapatong sa vanity table saka ito itinali sa buhok ni Corazon. Naupo ako sa upuang nasa tabi niya. "Naalala mo ba ang sinabi ko sayo? Na hindi hihinto ang oras para kanino?"
It took her a while before answering, "O-oo."
Napangiti ako saka hinawakan ang isang kamay niya. Napatingin siya sakin, "Hindi mo man sabihin sakin, pero alam kong may nararamdaman ka para kay Santiago." Nanlaki ang mga mata niya. "Wag mong hintayin na mangyari uli ang kinatatakutan mo bago mo sabihin ang mga bagay na gusto mong iparating sa kanya."
She blinked saka ibinaba ang tingin sa gaserang nakapatong sa vanity table. Inalis ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko. "Parang ako ang gamu-gamong 'yan," Nagtataka akong napatingin sa gasera. A moth was flying around the lamp. "At si Santiago ang apoy sa gasera. Kahit na nabibighani ang gamu-gamo sa liwanag ng apoy, hindi niya pa rin magawang lumapit."
She smiled bitterly, "Noong nagising siya, gusto ko siyang yakapin at huwag nang bitawan. Gusto kong sabihin sa kanya ang aking nararamdaman, ngunit pinigilan ko ang sarili ko." Bakas sa boses nito ang lungkot. She looked at me, "Kristin, alam mo namang hindi ako nagmula sa isang mayamang pamilya. Mahirap lamang ako. Ang pamilyang pinanggalingan ni Santiago ay malayong-malayo sa pamilyang pinanggalingan ko. Milya-milya ang layo ng aming mga mundo. Langit siya at lupa ako. Kaya pilit ko siyang iniwasan mula noong bumalik siya galing Inglatera. Pinilit ko ang sarili ko na hindi muli mapalapit sa kanya. Pinilit kong itatak sa isipan na hindi kami pwede sa isa't isa. Na ang nararapat sa kanya ay isang babaeng kapantay niya at hindi isang hampas-lupa."
I was astonished with what she said. Alam kong mula bata ay magkakaibigan na sila. Kahit na malalayo ang agwat ng kanilang edad ay malapit silang apat. But I didn't know that Corazon liked Santiago eversince they were little.
Pero sa kabila nun ay hindi ko mapigilan ang ngumiti. You'll never witness a love story like this in the twentieth century. "Hindi man ako dalubhasa pagdating sa mga bagay na ganyan pero, naisip mo ba kung bakit kay Santiago tumibok ang puso mo?"
She looked at me, confused.
"Dahil ang pag-ibig, walang pinipili. Kapag tumibok na ang puso mo para sa isang tao, wala ka ng magagawa." I raised my hand to my chest. I fell for a guy from the past. Isang taong mula sa nakaraan ang nakapagpatibok ng puso kong binalot na ng yelo. I never asked for this. I never asked for someone. But it came. "Tulad ng gamu-gamong 'yan, kahit na alam niyang pwede siyang masunog kapag lumapit siya sa apoy ay hindi siya nagpapigil."
Muli kong hinawakan ang kamay niya, "Hindi ang estado sa buhay ang magdidikta kung kanino titibok ang puso. Kaya masarap magmahal dahil walang bawal." Corazon helped me a lot. She's my friend. And what I want for my friends is happiness. "Kaya Corazon, sundin mo na ang puso at hindi ang sasabihin ng nakararami."
Nakakatawa dahil nagagawa kong magbigay ng ganitong mga advice when all I know is bitching other people. All I do is hurt people who treats me as their friends. Which reminds me of Jane. At first, I thought she was annoying. Her kindness annoys me. Ang pagiging concern niya sakin ay kinaiinisan ko. I thought she was doing it to gain a higher social status in the university. But in my stay here, I realized... I owe her a lot. She gets me out of trouble everytime and by doing that she gets herself in trouble too. Masyadong makitid ang utak ko noon, akala ko ginagawa niya lahat ng yun because she was a social climber. And I was wrong. Dahil kahit na ilang beses ko siyang itinaboy, she stayed.
Corazon smiled, "Maraming salamat, Kristin."
I raised a brow, "Para san?"
"Maraming salamat dahil naging kaibigan kita. Namin."
I smiled back.
Sabay kaming napalingon sa bintana nang may narinig kaming ingay mula rito.
"Ano 'yun?" I asked. Nagkibit balikat si Corazon saka tumayo at naglakad palapit sa bintana. Pero bago pa man niya buksan ito ay muli naming narinig ang ingay. Para bang may bumabato sa nakasarang bintana.
Napatayo na din ako saka naglakad palapit sa kanya, "Wag mo nalang kayang buksan? 'Di natin alam kung ano ang gumagawa ng ingay baka mapahamak ka pa."
Tumango si Corazon, "Mabuti pa nga."
Pero 'di pa man kami tuluyang nakakalayo sa bintana ay may narinig kaming boses at tunog ng gitara.
"Dungawin mo sana
Bituing marilag
Bigyan mo ng pag-asa
Dapat mong malaman sa oras na ito
Nais ko ay ligaya
Kung tunay mang ang yong puso'y nakasangla na
Pilit kong kukunin
Sa kamay ng iba"
The music stopped and was followed by another noise in the window.
"Binibini!" Nagkatinginan kaming dalawa ni Corazon. "Binibining Corazon, buksan mo ang iyong bintana at ako'y dungawin!"
Nanlaki ang bilugang mga mata ni Corazon. "S-Santiago? Anong ginagawa niya rito? H-hindi siya dapat nagsisigalaw, baka mas lalong bumukas ang sugat niya." Mabilis na naglakad si Corazon palapit sa bintana saka ito binuksan at dumungaw sa bintana. Sumunod naman ako.
Doon nakita namin sa baba si Santiago na nakangiti at nakatingin kay Corazon. Kasama niya si Emilio na may hawak na gasera at umaaktong babatuhin pa sana ang bintana. Agad naman niyang ibinababa ang maliit na bato at inayos ang pagkakatayo saka ibinaling ang tingin sa ibang direksiyon. I stiffled a laugh. Lumipat naman ang tingin ko kay Antonio na may dala-dalang isang gitara. Nawala ang ngiti sa mukha ko at napalitan ito ng gulat. I didn't know he could play the guitar. I bit my lower lip. I guess... I don't know much about him. Antonio looked up and our eyes met. We stared into each other's eyes. I hitched my breath. Dahil sa dalang gasera ni Emilio ay kitang-kita ko ang emosyon sa mukha nito.
Agad nag-iwas ng tingin. Pinigilan ko ang sarili kong mag-expect o bigyan ng meaning ang tinging ibinigay niya sakin. Ibinaling ko nalang ang tingin kay Santiago.
"C-Corazon..." halata sa boses ni Santiago ang kaba. Paminsan-minsan siyang napapalunok at napapapahid ng kamay sa suot na salawal. "A-ah.. Pa-paumanhin kung kami'y nakakadisturbo. N-nais ko lamang na haranahin ka.."
Napatingin ako kay Corazon. Mahigpit ang hawak nito sa sill ng bintana. She was staring at Santiago. And there was something in her eyes, it was twinkling. Seryoso siyang nakatingin kay Santiago, but there was longing in her eyes. Para bang may gusto siyang sabihin kay Santiago. Napangiti ako at ibinalik ang tingin sa tatlong lalaki sa baba.
Napakamot ng ulo si Santiago. Sobra nga siyang kinakabahan dahil hindi siya mapakali. He gulped before taking a deep breath. He raised his head and stared directly into Corazon's eyes, "Narito ako upang ipagtapat ang aking nararamdaman sa pamamagitan ng isang awitin."
Narinig ko ang paghinga ng malalim ni Corazon. Santiago looked at Antonio at may sinenyas dito. Antonio nodded then he started strumming the guitar.
Santiago cleared his throat dahilan upang maibalik ko ang tingin sa kanya. Muli niyang ibinalik ang tingin kay Corazon saka nag-umpisang umawit.
"Sa bawat sandali tayo ay magkapiling
Sa bawat lunggati pakinggan ang hiling"
Hindi ko masasabing isa siyang magaling na singer. But Santiago's voice was smooth and deep. And it was full of emotion.
"Ang puso ko't budhi ay hindi sinungaling
Sana ay ulinigin damdamin ko, giliw~
Asahan pangarap nitong buhay
Lahat ng araw kita'y mamahalin
Iwasan ang iyong alinlangan
Lahat ng araw kita'y mamahalin"
Ito pala ang sinasabi nilang harana. Witnessing it first hand, I can say it's beautiful. Kakaiba sa pakiramdam kahit na hindi ako ang hinaharana. I never used this word in my entire life, even when I'm fawning over One Direction. This traditional harana is.. nakakakilig. Mas nakikita mo ang effort ng isang lalaki na ligawan ang babaeng tinitibok ng puso niya. And he expresses it in beautiful songs that hold heartwarming messages.
Corazon's eyes were turning red. Then, a single teardrop rolled down her cheeks na mabilis naman niyang pinahid. But she didn't look sad. She's happy. Wala na ang pag-aalinlangan sa mga mata nito. Instead, napalitan ito ng determinasyon. Confidence. She was ready to tell Santiago how she felt. I smiled.
Suddenly, I felt uneasy. Like someone was watching me. Inalis ko ang tingin kay Santiago at ibinaling ito sa taong iniiwasan ko. Muli, nahigit ko ang aking hininga. While strumming the guitar, his gaze was fixed on me. Wala namang ibang tao sa likod ko. He was looking at me.
"Sa labi ng imbing kamatayan
Itangi yaring pagmamahal"
My heart started thumping. I could feel it, every single pound in my chest. Then the pesky butterflies started flying inside my stomach, twisting and turning. Kahit na napansin niya ng nakatingin na din ako sa kanya, he did not dare avert his gaze. For the second time that night, we just stared into each other's eyes.
"Tulutang magtapat sa'yo hirang
Lahat ng araw kita'y mamahalin"
Nag-iwas lang ako ng tingin nang matapos ng umawit si Santiago. Why did he give me that look like he wants to tell me something?
Binalot ng katihimikan bago muling nagsalita si Santiago. "Binibining Corazon Galleros, ako si Santiago Iglesias, kaibigan mo mula pagkabata, ay nagtatapat ng pag-ibig sa harapan mo ngayon. Saksi ang ating mga kaibigan, ang buwan at mga bituin." Napahawak sa braso ko si Corazon, halatang pinipigilan niya ang sarili na maiyak. I held her hand to assure her that it's gonna be fine. "Kahit na hindi mo masuklian ang pag-ibig ko sayo, kahit na may nilalaman ng iba ang iyong puso, hindi ko pipigilan ang sarili ko na mahalin ka."
Corazon breathed in. She looked at me, her eyes were puffed. I smiled at her and mouthed, "Go."
She let go of my hand at itinukod ito sa sill ng bintana, "Matatanggap mo ba ang isang babaeng katulad ko? Mahirap lamang ako, ulila, walang pinag-aralan. Matatanggap mo ba ako?"
Isang masayang ngiti ang sumilay sa mukha ni Santiago. "Hindi kita magiging kaibigan simula pagkabata kung hindi kita tanggap. Ikaw ang Corazon na tinitibok ng puso kong ito," he paused and poited his chest. "At kahit na ano ka pa man, kahit na ano pa ang estado mo sa buhay, ikaw si Corazon. Ang nagmamay-ari ng aking puso. Ako, matatanggap mo rin ba ako?"
Another tear fell down Corazon's cheeks and with all her heart she shouted, "Oo! Iniibig din kita. Simula pagkabata, inibig na kita. Simula't sapul, ikaw na ang nilalaman ng puso ko."
At last. Nagka-aminan na din. Napatingin ako kay Emilio. Nakatingin ito kay Corazon. Nakangiti ngunit hindi umabot sa mga mata nito.
-
Kinabukasan.
Habang naglalakad ako papunta sa sala ay nakasalubong ko si Emilio na kakalabas lang mula sa silid kung saan una ko siyang nakilala. Isang linggo na din dito si Emilio. I guess finding the traitor is that hard.
"Magandang umaga," I greeted.
He gave me a tight smile, "Magandang umaga rin."
Sabay na kaming naglakad dahil pareho lang naman kami ng pupuntahan. "Di niyo pa rin nahahanap ang pumipigil na maipadala ang mga sulat sa katipunan?" I asked.
Emilio tried to warn the principales who are members of the Katipunan in Kalookan about the danger they'll face by sending a letter to the organization. Pero may pumigil dito. Emilio didn't receive any response to his letter dahilan kung bakit nandito siya ngayon. At ang taksil din na 'to ang dahilan kung bakit napahamak si Santiago. And that padre Torres.
Tumango siya, "Wala akong lubusang kapangyarihan dito sa Kalookan. Hindi ko magawa ang dapat kong gawin."
"Sabihin mo kaya kay Andres— I mean kay supremo?" I suggested.
He shook his head, "Maraming problema ang kinakaharap ngayon ang supremo. Lalo na't wala ng katipunan sa Maynila at ang bantang pagbuwag ng Magdalo sa samahan. Ayokong dagdagan pa iyon."
"Tama ka nga naman. Pero maiba tayo," I paused nang maalala ko yung kagabi."Mukhang ang lungkot mo kagabi, ah? 'Di ka ba masaya para kay Corazon at Santiago?"
Muli siyang umiling, "Masaya."
"E bakit parang pinagsukluban ka ng langit at ng lupa? Mukha ka ng pinaglihi sa sama ng loob, oh?" sabi ko habang pinipigilan ang sarili na matawa.
He chuckled, " Hindi. Nalulungkot lamang ako dahil unang beses ko pa lang na umibig ay nabigo agad ako."
I patted his shoulders, "Ayos lang 'yan. One will go, thousands will come. And maybe, even better."
Kumunot ang noo niya, "A-ano?"
Umiling ako, "Makakakilala ka din ng taong mamahalin ka din gaya ng pagmamahal mo kay Corazon. Considering how good you are, I think Karlos' deity-friends will give you someone."
"Nakakamangha ang iyong mga sinasabi kahit na hindi ko maintindihan," he said, amusement evident in his eyes.
"Baka magkagusto ka din sakin."
He stiffled a laugh, "Ayoko na magmahal ng taong may mahal ng iba." He paused. "Si Antonio, tama ba?"
My cheeks flushed, "W-wag kang ano."
He laughed. I cleared my throat at napatingin sa hawak niyang libro. I remember that book. It was his journal. A journal about how he meet Corazon, how he fell for her. A journal about Corazon.
"Diba 'yan yung libro mo na puro tungkol kay Corazon?" I asked while pointing the book the was holding.
Napatingin naman siya rito, "Ah, oo. Napagdesisyunan ko na ibaon na muna ito sa lupa."
"Para maibaon mo din ang nararamdaman mo para sa kanya?"
"Sana nga."
Hindi na ako nagtanong pa. We just continued walking hanggang sa makarating kami sa sala. Napalingon sakin si Emilion nang mapansing huminto ako sa paglalakad.
"May problema ba?" tanong nito pero hindi ko siya sinagot. I dare not move. I just stood there rooted to the ground. My eyes were fixed to the woman sitting on the sofa. Nakayakap siya kay Corazon habang si Tandang Sora naman ay hinihimas ang kanyang likuran upang patigilin ito sa pag-iyak. Antonio and Santiago were standing behind them.
Pakiramdam ko natuyo ang lalamunan ko nang mapansin ang tinging ibinibigay niya sa babae. Antonio looked worried for her. Expresyong nakikita ko sa mukha niya sa tuwing nasasaktan o napapahamak ako. He was holding the same expression.
Ibinalik ko ang tingin sa babae. What the hell is she doing here?
"Sino siya?" narinig kong tanong ni Emilio nang mapansing nakatingin ako sa babaeng kayakap ni Corazon.
I swallowed, "Si Burandai." The two-faced bitch of the nineteenth century.
"Kristin, Emilio, narito na pala kayo!" They all raised their head when Santiago called us. I felt Antonio's gaze landed on me pero hindi ko inalis ang tingon kay Burandai na ngayo'y umalis sa pagkakayakap ni Corazon at pinapahid ang mga luha sa mukha. Hindi ko inalis ang tingin sa babaeng mahilig magbalat-kayo. I forgot about her for a while. Tagal niyamg hindi nagparamdam, and now here is. Showing up without a warning.
"Kristin," naibaling ko ang tingin kay Emilio nang mahina nitong tinapik ang aking balikat. "May problema ba?"
Umiling ako, "Wala."
Nag-umpisa na kaming maglakad palapit sa kanila. Habang papalapit kami ay sumilay ang isang malademonyo ngiti sa mukha ni Burandai.
"Kristin, kumusta ka na?" she asked using her sweetest voice nang makarating kami sa kinaroroonan nila. Her expression quickly changed from the devil she is into an angel she pretends to be.
I gave her a fake smile, "Mabuti naman."
Before she could answer, Tandang Sora stood up. "Maiiwan ko muna kayo." She turned to Burandai, "Bernarda, hija, magpahinga ka muna."
"Maraming salamat po, Lola Sora." Boses palang niyang cringy na pano pa kaya pagkatao niya?
After that Tandang Sora went out of the room.
"Aalis na rin muna ako." Emilio said saka lumabas ng bahay. At gusto ko siyang murahin sa ginawa niya. Okay lang ba kung murahin ko ang isang national hero?
"Akala ko umuwi ka na sa inyo?" I swear to God, kapag hindi tumahimik 'tong babaeng to, makakatikim to ng malulutong ma mura.
I crossed both arms accross my chest. "Ikaw? Ba't nandito ka?" I asked with a brow raised.
Burandai's face sunk. She lowered her head. Ilang sandali lang ay nag-umpisa na siyang umiyak. Agad namang pinakalma ni Corazon si Burandai. I rolled my eyes heavenward. What's with the drama?
"Kristin, hindi mo dapat sinabi yun," malamig na sabi ni Antonio. Walang emosyon siyang nakatingin sakin.
"May masama ba sa sinabi ko? I just asked her why she's here."
"A-ah, ano kasi Kristin. Naglayas si Bernarda. Umalis siya sa kanila." Si Santiago na ang sumagot sa tanong ko. Tinignan lang ako ni Antonio. Hindi ko mabasa ang iniisip niya.
"A-ate Bernarda, may pasa ka." Lahat kami napalingon kay Corazon at Burandai. Burandai hid her bruised arm using the sleeve of her chemise.
"Wala ito."
Umiling si Corazon, "Hindi. Malaki ang pasang yun. Tapos may isa pa akong nakita."
Natigilan ako nang agad-agad na pumunta si Antonio sa harapan ni Burandai at naupo. "Nasan?"
"W-wala 'to, Antonio," pagmamatigas nito.
"Bernarda, kailangan kong malaman kung ano ang nangyari sa'yo." Nakatalikod sakin si Antonio pero halatang halata ang pag-aalala nito kay Burandai. "Bakit may mga pasa ka?"
Burandai bit her lower lip before answering, "S-si ina."
"A-anong ibig mong sabihin?"
She raised her head and looked at Antonio. She was crying. Naibaba ko ang kamay ko. Is this still a part of her act?
"Alam na ni ina ang mga ptago nating pagkikita. Sinasaktan ako ni ina, Antonio. Sa tuwing nalalaman niyang tumatakas ako upang makipagkita sayo, palagi niya akong sinasaktan. Kaya ako umalis ng bahay dahil sa pananakit niya." Muling nanuyo ang aking lalamunan nang niyakap ni Burandai si Antonio. "Antonio, ilayo mo na ako doon. Mababaliw ako bahay na yun. Ipapakasal nila ako sa anak ng isang mayamang haciendero, ngunit nalaman na ni ina na nahalikan mo ako. Antonio, mahal kita. Mahal kita higit pa sa aking buhay. Ilayo mo ako doon, parang-awa mo na." Umalis siya sa pagkakayakap kay Antonio. Ipinatong niya ang dalawang kamay sa balikat nito. Tears continued to roll down her cheeks. She looked desperate. "Antonio, pakasalan mo ako. Iyon lamang ang magliligtas sakin sa mga gapos ni ina."
My heart sank. Nabato ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanilang dalawa. Slowly, my heart was being torned into tiny little pieces. It ached. It hurt so much that I went numb. Hindi magsink-in sa utak ko ang mga sinabi ni Burandai. My heart hurt na hindi ko na napansin na may tumulo na palang luha mula sa mga mata ko.
-
Hi. Sorry ulit sa napakatagal na update.
May binago pala ako. From Antonio Crisostomo to Antonio Hidalgo. Andami kasing naguluhan dun sa Crisostomo. And yes po, ibinalik ko si Burandai/Bernarda. Di naman talaga siya nawala. Bumwelo lang saka bumalik. Alam ko pong isang malaking tinik sa lalamunan si Burandai, pero character pa din siya ng story. At lahat mg characters ng story'ng to ay mahal ko so refrain yourselves from bashing. De jk lang. Ibash niyo na. LOL.
So anyways, Burandai arc na tayo. Pagkatapos ng arc nito ay ang huling arc and then matatapos na ang kwento.
Thanks.
-Panda
-
Hi. Did you like this chapter? Hope you did. To show your support for the story, feel free to smash that vote button and share your hinanaings in the comment section. Thank you.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro