KABANATA 29
Emilio didn't answer. He just stood there. Tinitigan niya ako na para bang hinihintay niyang bawiin ko ang sinabi ko. Pero tunitigan ko din siya pabalik with determination plastered on my face.
"Iligtas natin si Santiago. Kahit tayo lang. Kahit na walang tulong mula sa Katipunan, maililigtas natin siya. Alam ko kung pano," I said.
Umiling siya, "Paumanhin binibini, ngunit isang kahibangan ang iyong pinaplano. May tulong man ng samahan o wala ay mahihirapan tayong pasukin ang tahanan ng mga Del Bosque."
"But—"
"Pasensya na. Magandang araw sa iyo," isinuot niya ang hawak na sumbrero saka ako tinalikuran at akmang sasakay muli sa karwahe.
I balled my fist, "Hindi ba't kapatid ang turingan ng isa't isa sa Katipunan? Kabilang din sa samahan si Santiago, wala ka man lang bang gagawin para iligtas siya?"
He stopped but he didn't utter a word. I gritted my teeth. "Kahit na hindi mo 'to gawin para kay Santiago. Kahit na gawin mo nalang 'to kay Corazon." I saw how his hand gripped the metal bar that supports the calash top of the carriage.
"Hindi ko maintindihan ang iyong ibig na iparating," he said, his back still facing me.
"Alam nating dalawa na mahalaga si Santiago para kay Corazon. At alam kong mahalaga rin si Corazon para sayo."
Humarap siya sakin. Kitang-kita sa mga mata nito ang pagkainip. "Pasensya na, ngunit wala akong alam sa iyong sinasabi."
I scoffed, "Oh come on, Emilio. 'Wag ka ng magmaang-maangan pa. May nararamdaman ka para kay Corazon. Sa mga tingin palang na binibigay mo sa kanya, sa librong isinulat mo, alam kong siya ang tinutukoy mo. At alam kong alam mo na may nararamdaman si Corazon para kay Santiago. I'm pretty sure right now— I mean, siguro nga ipinagdarasal mo na mawala si Santiago pero—"
"Kahit kailan hindi ko ipinagdasal na mawala si Santiago!" Halos mapaatras ako sa gulat nang galit itong sumigaw. Words died in my throat. Agad akong naguilty sa sinabi ko.
"Emilio—"
He balled his fist. His jaw clenched as veins appeared on the side of his forehead because of anger. "Iniibig ko si Corazon ngunit kahit kailan ay hindi ko ginusto na mawala ang taong iniibig niya! Hindi ako ganoong klaseng tao, binibining Kristin. Hindi mo ako lubusang kilala kaya huwag mo akong huhusgahan na para bang ilan taon na tayong magkakilala."
His eyes were blazing with anger. I bit my lower lip. Guilt was consuming me. I was wrong. Hindi ko narealize ang mga salitang lumabas sa bibig ko. I bowed my head, unable to look at him, "S-sorry.."
He sighed saka sumakay sa karuwahe, "Umalis na tayo."
I raised my head and stared at the carriage. I sure did hit a nerve.
"There goes my chance of having someone to help," I muttered.
Tuluyan nang dumilim nang bumalik ako sa bahay ni Lola Adelina. Nang makapasok ako sa living area ay agad kong napansin Lola Adelina at Tandang Sora. They were in a deep conversation so I decided not to disturb them. Instead, I went to the kitchen and helped Aling Lucia with the chores.
"Nagising na po ba si Corazon?" I asked.
"Oo. Ngunit nakatulog din ito kakaiyak. Naaawa na ako sa batang iyon. Sa murang edad niyang iyon, ganitong pagsubok agad ang kanyang kakaharapin."
Napabuntong-hininga ako saka inayos ang pagkakaupo. I traced my fingers on the grains of the table.
"Ilang buntong-hininga na ang naririnig ko mula sayo, ah?" tanong ni Aling Lucia.
"Nag-aalala lang po ako kay Santiago." I sighed. Si Emilio na malaki sana ang maitutulong, ayun, nawala. All because of my tactlessness. No matter how much I try to change, I still hurt those who are around me.
Aling Lucia sat beside me. She patted my back, "Huwag kang mag-alala, Hija. May awa ang Diyos. Hindi Niya pababayaan si Santiago. Magtiwala ka lamang sa Kanya."
I raised my hand and brought it to my chest. I felt the fast beating of my heart under my palm, "Pero hindi pa rin po mawala sa dibdib ko ang kaba."
"Walang pagsubok na ibinigay ang Diyos na hindi natin kayang lagpasan. Ang mga pagsubok na ito ay siyang magtuturo sa atin upang maging matatag. Kaya Hija, manalig tayo na sana'y walang mangyaring masama kay Santiago. Ito lamang ang maitutulong nating kababaihan."
The last sentence caught me. No. I can do more. I know something they don't. I've been to the mansion of the Del Bosques many times. Alam ko na ang pasikot-sikot dito. I know each corner of the house. I know how to get there. And with these information, I can help the others infiltrate the mansion.
I stood up, "Aling Lucia, sa dulo ng Haciendang ito ay ang Hancienda Del Bosque, tama ba?"
Nagtataka namang tumango si Aling Lucia, "Tama ka nga, Hija. Ngunit mahaba-haba ang lalakarin bago mo maabot ang mansyon. Bakit mo nga pala naitanong?"
"Nakapasok ka na po ba doon?"
Mas lalong kumunot ang noo nito, "Hindi pa. May hangganan ang bawat Hacienda at bawal lumampas ang bawat isa sa teritorya ng kabila. Ngunit ang aking kapatid ay doon nagtatrabaho."
"That's it!" I exclaimed. "I know how we'll get inside!"
"Ah?"
Bumalik ako sa pagkakaupo saka mas lumapit kay Aling Lucia. "Maaari niyo po ba akong tulungan?"
"S-sa alin?"
"Gusto ko pong makausap ang kapatid niyo."
-
"Corazon?" I said once I entered the room. There I saw Corazon cleaning the room.
She looked at me then a smile appeared on his face but it didn't reach her eyes. "Kristin, sandali lang. Tatapusin ko lang ito," she said.
"Magpahinga ka kaya muna."
Umiling siya, "Ayos na ako. Saka, hindi ako sanay na walang ginagawa."
Naglakad ako palapit sa vanity table sa isang sulok ng silid katapat ng higaan saka naupo sa upuan nito. I was facing Corazon's back.
"Sigurado ka bang ayos ka na?" nag-aalalang tanong ko. Huminto siya sa pagtutupi ng kumot. "Nag-aalala kami para sayo. Lalong lalo na sina Tandang Sora at si Lola Adelina."
Her shoulders slumped. Ibinaba niya ang hawak na kumot at nakarinig ako ng malalim na buntong-hininga mula rito. I waited for her to answer. But she just stood there. She stayed quite that all I could hear was the sound of the birds chirping and the whistling of the wind as it passes through the white curtains of the room.
Her legs started wooble. I rushed towards her at inalalayan siyang makaupo sa kama. I sat beside her saka hinimas ang kanyang likuran upang pakalmahin.
"Corazon,"
"Natatakot ako, Kristin. Kahit na anong pilit kong magpatatag ay mas nananaig takot na aking nararamdaman. Natatakot ako na baka mangyari kay Santiago ang nangyarisa aking mga magulang."
" 'Wag kang mag-isip ng ganun. Hinding hindi 'yun mangyayari, okay? Magiging maayos din ang lahat."
She shook her head as tears starts to roll down her cheeks, "Kahit anong pilit ko, hindi ko, hindi ko mapaniwala ang sarili ko na magiging maayos ang lahat."
She clutched her chest, "Ayokong maulit ang nangyari noon. Na hindi ko man lang masabi kay Santiago ang tunay kong nararamdaman. Nawala ang aking ama't ina nang hindi ko man lang nasabi kung gaano ko sila kamahal. Ayokong mangyari ulit iyon, Kristin."
I hugged her. Nang yakapin ko siya ay doon siya mas napahagulgol. Corazon has been through a lot. In such a young age, she's lost her parents. And now, a person important to her is in danger and she can't do a thing. I let her cry in my arms. Hinayaan kong mabasa na sa luha ang sleeves ng damit ko.
I hushed her while patting her head, "Alam mo, ako rin. Malapit ako sa kuya ko pero kahit kailan hindi ko nasabi sa kanya kung gaano siya kahalaga sakin." Uminit ang gilid ng mga mata ko nang maalala ko ulit ang sinapit ni kuya sa kamay ng mga terorista. "Hanggang sa ilayo na niya ang sarili niya mula sa mundo. Ikinulong niya ang sarili sa isang malungkot na silid. Buhay siya ngunit hindi namin siya makausap, hindi niya kami marinig, hindi niya kami makilala."
A bitter smile appeared on my face as I tried to stop myself from crying. Corazon raised her head to look at me, "Kristin.."
Pinahid ko ang kumawalang luha mula saking mata, "Pero alam mo, kahit papano ay nabawasan ang sakit. At dahil 'yun sa inyo. Nang makilala ko kayo, marami akong natutunan sa buhay. Binago niyo ako, at ngayon gustong suklian ang kabutihang ibinigay niyo sakin."
Umalis siya sa pagkakayakap sakin saka pinahid ang luha, "A-anong ibig mong sabihin?"
Umiling ako, "Just trust me on this." Hinawakan ko ang kamay niya, "Corazon, nasabi na ito ng isang kaibigan dati, hindi hihinto ang oras para kanino. Kaya hanggang may oras ka pa, gawin mo na ang lahat ng gusto mo. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin para kay Santiago."
Kinabukasan.
The plan is set. All I need to do now is to convince Emilio. I can't find Antonio. He's been gone since yesterday. After nung paguusap namin kasama si Matias ay agad siyang umalis. I asked Aling Lucia about his whereabouts, she said he went out to meet with a few members of the Katipunan. This is better. Mas makabubuti kung hindi niya malalaman ang plano kong pagligtas kay Santiago. Alam kong tututol 'yun.
I met Mang Gonzalo— Aling Lucia's brother, this morning. He confirmed Matias' statement. Santiago was indeed brought to the Del Bosques. I told him about my plan and he agreed to help without any hesitation. He told me about the party that was gonna happen tonight. Mas madaling makakapasok sa teritoryo ng mga Del Bosque dahil mas naka-focus ang mga guwardiya sa pagbabantay sa harapan ng hacienda, kung saan magsisidatingan ang mga bisita, kaysa sa likod. There will be lesser guards in the dungeons because they will be in the living area where the party would take place. Tonight would be the best time to execute the plan.
Aling Lucia was against it at first but later on agreed when I told them Emilio would help me. But I haven't talked to Emilio since yesterday, so, yeah. I lied. Hindi nga siya bumalik. I decided not to tell Lola Adelina and Tandang Sora, even Antonio about my plan
There was no other way of freeing Santiago in a peaceful way. That's why we've got to do this. It was almost dusk and my anxiety increases every minute that passes. This is a suicide mission with no possible refuge. Walang kasiguraduhan kung magtatagumpay kami o hindi. Anytime pwede kaming madakip kung hindi kami mag-iingat and worse, we might get killed.
I breathed the cold air as I stared outside the window. May natitirang oras pa para umatras ako. Unti-unting nawawala ang confidence na meron ako kahapon at kaninang umaga habang mas lumulubog ang araw. If ever I died here, in this period, will I cease to exist in my real timeline?
I shook my head. This is no time for me to entertain these thoughts. I've already made up my mind, I'm gonna save Santiago.
Santiago asked me a question when we first met."Ikaw, Kristin, ano ang handa mong isakripisyo para sa bagay na mahalaga sayo?"
I've already answered that question. That's why I have can't back out now. I already found my purpose and I won't let anything take it away from me again.
Umalis ako sa pagkakadungaw sa bintana saka lumabas ng bahay. Habang naglalakad-lakad ay napansin ko ang isang lalaking nakatayo at pinagmamasdan ang silid kung saan nananatili si Corazon. Huminto ako nang mapansing si Emilio ang lalaki.
Hindi ako gaanong malayo mula sa kinatatayuan niya kaya siguro ay napansin na niya ako. I stayed quite. Tinignan ko lang siya habang tahimik na nagmamasid sa bintanang nakasara sa silid ni Corazon. I couldn't clearly see his expression because it was almost dark.
"Minsan ng nasabi ng supremo sa akin," napaayos ako ng tayo nang magsalita ito. "Hindi na daw ako ang Emilio Jacinto'ng nakilala niya. May emosyon na raw siyang nakikita sa aking mukha. Natutuo na raw akong ngumiti. Lumalampas na daw sa sampu ang mga salitang aking binibitawan kahit na wala kami sa isang pulong."
Napayuko siya habang napangiti, "Maski ako ay nagulat sa sarili ko. Kaya ko palang ngumiti. Kaya ko palang ibaling ang atensiyon ko mula sa mga aklat at sa digmaan. Kaya ko pala." Muli niyang inangat ang tingin at pinagmasdan ang silid ni Corazon, "Siguro ay dahil 'to sa kanya."
"Simula noong una ko siyang nakilala ay mistulang nagkaroon ang kulay ang mundo. Bumilis ang tibok ng aking puso. Noong una'y inakala kong may karamdaman ako. Unang beses sa buhay ko nakaramdam ako ng sobrang kaba. Kabang hindi ko maipaliwanag. Masaya. Ewan. Hindi ko alam."
I witnessed a national hero falling in love.
"Nagkaroon ako ng kagustuhang protektahan at mapasaya siya. Ngunit wala akong lakas ng loob upang sabihin sa kanya ang aking nararamdaman kay itinago ko ito ng mahigit dalawang taon." His shoulders slumped, "Hanggang sa dumating ang taong iniibig niya. Nakita ko ang saya sa mukha niya kahit na pilit niya itong tinatago. Doon ko napagtanto na hindi ako ang lubusang makakapagpasaya sa kanya."
I witnessed a national hero falling in love. And it was an unreciprocated love.
I sighed, "May mga tao din akong gustong protektahan at mapasaya.
Ang mga taong nakapaligid sa akin. Si Corazon, si Santiago, ang Tandang Sora... Si Antonio."
His eyes finally landed on me. "Tulungan mo ako. Iligtas natin si Santiago."
He stared at me for a minute with those sad eyes before answering, "Sige."
Nagulat ako sa sagot nito. I didn't expect him saying yes, considering the fact the I did him wrong yesterday.
"Bibitawan mo na si Corazon?" I asked.
Tumango siya, "Ngunit sinaktan siya ni Santiago, handa akong bawiin siya mula rito. Hindi ko pipigilan ang puso kong mahalin siya. Handa akong ibigin siya ng patago."
Wow, you don't get to see guys like him in the 21st century.
I cleared my throat, "Oo nga pala, gusto kong humingi ng paumanhin dun sa sinabi ko sayo kahapon. Nadala lang siguro ako ng pag-aalala para kay Santiago."
"Huwag kang mag-alala, hindi ako nakakalimot ngunit hindi naman ako nagtatanim ng galit."
"Ah..?" I.. don't know how to take that. Good or bad?
Naglakad siya palapas sakin saka ako nilagpasan. Sinundan ko siya ng tingin. Bago pa siya tuluyang makalayo ay huminto siya. He looked over his shoulders, "Hindi ko lamang ito gagawin para kay Corazon. Kasapi ng katipunan si Santiago, at kapatid ang turingan ng isa't isa sa katipunan, gagawin ko ito dahil kapatid ko siya."
I hitched my breath. May nararamdaman akong kakaiba. I was having goosebumps. He was a national hero, and if I'm not wrong, he was considered as the Brain of the Katipunan or even the Brain of the Revolution. Is this what it feels like meeting one of them? Hindi ko mapigilan ang sarili kong humanga.
I smiled. Emilio Jacinto was Emilio Jacinto again. The bossy, expressionless one. But this time, his eyes holds emotion.
-
Okay. Susunod na chapter ay chapter 30, obviously. Ibig sabihin malapit nang matapos ang kuwento. Well.. Hindi malapit na limang chapters nalang, marami-rami pa. Pero konti natin. Lol.
Nasabi kong malapit na dahil may bagong kuwento na naman akong isusulat na hindi lalampas sa 15 or 20 ang chapters. Historical fiction din siya na malalaman niyo sa last chapter ng kwentong ito. Noong isinulat ko ang prologue nung bagong story, sakit agad ang naramdaman ko kaya abangan niyo. Hehe. LOL. XD. LMAO. ROFL.
P.S. Hindi po talaga nangyari ang mga events na 'to in real life. Alalahanin po natin na ang category na kinabibilangan ng kwentong ito ay, Historical FICTION, and that pretty much explains everything.
-
Hi. Did you like this chapter? I hope you did. A comment and a smash on that vote button will motivate this lazy author. Thank you.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro