KABANATA 27
"We are so glad that you came, Mr. and Mrs. Lopega," a woman in her late thirties greeted while shaking my parents' hands.
"We wouldn't want to miss seeing this historic place being opened to the public," my mother replied with a smile.
The woman looked at my brother who was standing beside me, "Is this Kevin? Such a fine young man."
My brother smiled, "Thank you, mrs. Velasco."
I removed my attention from them then averted it to a wooden door at the corner of the receiving area of the mansion. I gripped the teddy that I was holding. Because of curiosity, I walked towards the door. It was deteriorating. Binuksan ko ito at bumungad sakin ang isang masikip at madilim na hallway. Insfead of feeling scared and stepping back, I went inside. I didn't even flinch when the door closed behind me. Ang isa kong kamay ay nakahawak sa dala kong teddy bear habang ang isa'y nakahawak sa pader bilang suporta. Wala akong makita habang binabagtas ang hallway. Tanging liwanag lang mula sa pinto na nasa harapan.
Nang makalapit sa pinto ay binuksan ko ito. Agad akong napaatras nang mapansing isang hagdan pababa pala ang nasa likod ng pinto.
"Kristin,"
Napalingon ako kay Kuya na sumunod pala sakin, "Kuya?"
"Anong ginagawa mo dito?"
Ibinalik ko ang tingin sa harapan, "Anong meron sa baba, kuya?"
I heard him sigh, "Halika. Lumabas muna tayo dito."
Tumango ako saka kami lumabas sa masikip na hallway. Nang makalabas ay hinawakan niya ang kamay ko.
"Doon nakalagay ang kulungan ng Hacienda Del Bosque. Doon ikinulong ang mga sumusuway sa gobenadorcillo," he explained.
"Masasama po ba lahat ng kinukulong diyan?"
"Hindi lahat."
"Kung ganun, nakakalaya din sila?"
Instead of answering, he gave me a tight smile. It was obvious that my brother won't talk about it so I let it go. Pero muli akong napalingon sa pintong pinanggalingan namin kanina.
-
"Para san 'yan?" tanong ko kay Antonio habang nakatingin sa dala nitong mga tuyong damo.
"Ipapakain ko sa mga kabayo dpon sa kuwadra," sagot nito.
"Pwede bang sumama?"
Nakangiti siyang tumango. "Halika," sabi nito saka kami nag-umpisamg maglakad.
Nandito ako sa hacienda nina Lola Adelina. Dumiretso na kami dito ni Corazon upang ihatid ang mga ginawa niyang gamot. Nung dumaan kami dun sa shop ni Lola Adelina sa bayan ay wala siya doon, kaya naisipan ni Corazon na dumiretso nalang dito.
"Ang lawak ng lupa ni Lola Adelina, no?" sabi ko habang nililibot ang tingin sa paligid. Lola Adelina's hacuenda was used as a plantation. Most of the trees are mangoes. May nadaanan din ako kanina na mga tanim na sa tingin ko ay mga halamang gamot. There's also this large field na pwede kang magsitatakbo buong araw.
"Matagal na ang haciendang ito. Mula pa ito sa mga magulang ng señora Adelina na pawang mga principales. Pinalago ito ng kanyang asawa na dati ng naging gobernadorcillo ng bayang ito."
"Ang yaman pala nila," I commented.
"Sabihin na nating ang pamilyang nila ang pumapangalawa sa buong bayan kasunod ng kasalukuyang gobernadorcillo." Using his free hand, he pointed the horizon in front of us. "Sa dulo ng lupaing ito ay ang lupain ng kasalukuyang gobernadorcillo. Ang hacienda ng don Del Bosque."
"D-del Bosque?"
"Oo. Siya ang kasalukuyang namumuno sa bayan."
Del Bosque is a familiar name. I swear I have heard it before. I'm not sure when or where.
Maya-maya lang ay nakarating na kami sa kuwadra. Antonio opened the wooden door. The smell of hay and dirt welcomed us.
Antonio stopped me on my tracks. "Marumi at mabaho dito. Hintayin mo na lamang ako sa labas."
I shook my head, "Ayos lang. Gusto kong makakita ng kabayo."
I'm not really fond of horses. The last time I tried riding a horse, it didn't like me. The result, I landed on my butt. I cried the whole day because of that. But it's not like I'm just here because of Antonio, I really wanna the horses.
"Sigurado ka ba?"
I nodded in response. Antonio sighed before we went inside. I looked around. The horse stable was spacious. On the right side was a pike of dried grass, which I think are the horses' food. May walis at pala din sa tabi nito. I almost cringe when I saw a pile of horse crap.
On the left side were six stalls. The horses feet can be seen below and head above each doors. Most of the horses were bay and chestnut in color. But one horse catched my attention. Agad akong naglakad palapit sa stall nito. The horse neighed and stepped back upon seeing me. It was the only horse in the stable that was white. Well, not exactly white, more of gray. Its skin is black while its hair is white. Itinaas ko ang isa kong kamay habang ang isa ay itinukod sa pinto. The horse slowly stepped forward. I chuckled when its muzzle touched my palm. It was soft and warm that it tickled. Nang mapansin kong naging komportable na ito sakin, I carresed the side of its neck.
It was warm and silky. The horses' earthly, rich and grainy fragrance reached my nose. The last time a caressed a horse was when I was 8. I was with my parents and my brother that time when we went to a hacienda that was turned into a tourist attraction. It was a fun memory with my family so the scent of the horse and the sensation under my palm was nostalgic.
"Siya si Rosario," napalingon ako kay Antonio na pinapakain ang kabayo sa katabing stall. "Paborito siya ng Señor Alonzo."
Ibinalik ko ang tingin skay Rosario, "Ang ganda niya."
"Hindi ko alam na mahilig ka pala sa kanila."
"Hindi masyado. Ngayon nga lang ulit ako nakahawak ng kabayo."
Inilahad niya ang iilang tuyong damo, "Heto. Subukan mo siyang pakainin. Mas magiging malapit siya sayo."
I accepted it then feed it to the horse. Inilagay naman ni Antonio ang natitirang damo na hawak niya sa loib ng stall ni Rosario.
"Mailang sa tao si Rosario, kaya nga nakakagulat na agad siyang napalapit sayo."
I smiled.
Kinuha ni Antonio ang pala at timbang gawa sa kahoy saka sinimulang linisin ang dumi ng mga kabayo na nakatambak sa gilid. I watched him clean the horses' crap. His sleeves were rolled up to his elbows, I could see his strong veiny arms. Beads of sweat dripped on his bare neck and I quickly removed my gaze from him. I was blushing furiously.
I faked a cough to calm myself. "S-si Santiago nga pala?" I asked to clear the awkward atmosphere.
"Si Santiago?"
I nodded, "Huli ko siyang nakita ay noong isang linggo pa. Nakakapanibago lang na hindi na niya binibisita si Corazon."
Napansin kong napahinto siya sa kanyang ginagawa. "Hindi ko pa siya nakikita mula nitong mga nakalipas na araw. Hindi rin siya dumalo kahapon sa pagtitipun-tipon ng samahan," halata sa boses nito ang pag-aalala.
"Baka may importante siyang ginagawa? Siguro ay 'di pa din nakakahanap ng ireregalo kay Corazon."
Umiling siya, "Kahit kailan ay hindi lumiban sa pagtitipon si Santiago."
Magsasalita pa sana ako nang bigla kaming tawagin ni Corazon.
"Halina kayo't magmimiryenda na. Kanina pa naghihintay si Lola Adelina," matamlay ngunit nakangiting sabi ni Corazon.
Nauna kami ni Corazon na bumalik sa bahay habang si Antonio ay nilinis ang sarili. Pagdating namin sa ikalawang palapag ng bahay ay nandoon at naghihintay si Lola Adelina sa hapagkainan habang inihahain ng isang babae ang pagkain. Hinintay lang namin si Antonio bago kami nagsimulang kumain.
"Nasaan nga pala si Santiago?" tanong ni Lola Adelina matapos inumin ang baso ng tubig.
Napatingin ako kay Antonio. He cleared his throat, "Hindi pa ho kami nagkakausap ni Santiago. Ilang beses rin akong nagpunta sa kanila ngunit wala siya roon."
Napabuntong-hininga si Lola Adelina, "Kung sakaling magkausap kayo ay sabihin mo na sa kanyang bawasan ang pagpunta sa mga pagtitipun-tipon ng katipunan."
"B-bakit ho?"
Sumeryoso ang mukha ng matanda, "Kalat ngayon ang balitang may mga bandido sa bayan. At sa tingin ko, ang tinutukoy nilang grupo ng mga bandido ay ang Katipunan."
Mula kasi nung nawala ang Katipunan sa Maynila ay nagpalakas ng puwersa ang mga katipunan sa ibang bayan at probinsiya. Kasama na dito ang bayan kung nasaan kami ngayon. Kaya siguro mahigpit at madalas ang ronda ng mga guwardiya sibil. But what's this got to do with Santiago?
"Mainit ang mga mata ngayon ng Kastila sa mga principalia sa bayan. Mukhang alam nila na may mga principales na tumutulong sa samahan," dugtong ni Lola Adelina.
Napansin ko ang pag-aalala sa mukha ni Corazon nang mapatingin ito sa matanda. She gripped her skirt. Ipinatong ko naman ang kamay ko sa nakakuyom niyang kamay to calm her down. Napalingon naman siya sakin. I saw a glint of worry in her eyes.
" 'Wag kang mag-alala, walang mangyayaring masama kay Santiago," I reassured her.
She smiled.
Lahat kami ay napalingon ng may lalaking naglakad palapit samin. Lumapit siya kay Lola Adelina.
"Apo,"
Jose smiled, "Lola, magandang hapon ho." He greeted.
"Pagpalain ka ng Panginoon. Maupo ka. Alam kong pagod ka, Jose."
"Maraming salamat po." ibinaling ni Jose ang atensiyon sa amin bago naupo sa tabi ni Antonio. "Crisostomo, kumusta?"
"Mabuti lang naman. Ikaw?"
"Mabuti rin. Bali-balita sa samahan na ika'y may magandang kasintahan," Jose teased before glancing at me. "Siya ba?"
Halos mabulunan si Antonio sa sinabi ni Jose. Lola Adelina chuckled. Pansin ko naman ang pananahimik ni Corazon. Nakatingin lamang ito sa dalawa at paminsan-minsang ngumingiti. Halatang hindi pa din maalis sa sarili ang pag-aalala kay Santiago.
Antonio coughed, "H-hindi! Magkaibigan lamang kami."
Jose laughed, "Ganoon ba?" He faced me saka inilahad ang kamay sa harapan ko. "Ako nga pala si Jose. Maaari ko bang malaman ang iyong pangalan?"
Napakunot ang noo ko. Maski si Corazon at Antonio ay nagtatakang napatingin kay Jose.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Antonio. Ibinaba ni Jose ang kanyang kamay at nagugulahang napatingin muli kay Antonio.
"Gusto ko lamang malaman ang kanyang pangalan. May mali ba doon?"
"Bakit mo pa tatanungin? Hindi ba't nagkakilala na kayo noong dumating sina Kuya Antonio sa bahay ng Tandang Sora?" Corazon asked.
I met Jose when we first arrived at Tandang Sora's house. They even celebrated his birthday that time. I saw him at most of the Katipunan's gathering. I even talked to him a lot of times. How can he not remember?
"Jose. Masama ang magbiro," saway ni Lola Adelina.
"Ipagmaumanhin niyo ho, ngunit ngayon ko lamang siya nakikita."
My heart thumped faster. My stomach churned as I remembered what Karlos' said.
"Signs will tell you.."
I looked at Jose. Is this the first sign? Ito ba ang sinasabi mo, Karlos?
"Señora Adelina, may naghahanap ho sa inyo sa baba." I was pulled back from my thoughts nang biglang pumasok ang babaeng naghain ng pagkain kanina sa dining hall.
"Papasukin mo,"
"Masusunod po, señora." Then the lady rushed out of the room. Hindi lang nagtagal ay bumalik siya kasama ang apat na lalaki. I recognized one of them, Emilio Jacinto.
Tumayo sina Antonio at Jose upang magbigay pugay. Tumayo naman si Lola Adelina at lumapit sa mga bagong dating.
"Emilio?" I heard Corazon muttered.
"Magandang hapon, señora. Paumanhin at naabala ko ang inyong pagsasalu-salo," he greeted.
"Wala iyon, heneral Jacinto. Maaari ko bang malaman kung ano inyong sadya?"
"Bago ko sabihin ang aming pakay, nakita ko ang lalaking ito," Emilio looked at the guy beside him. Nakayuko ang lalaki at halatang hindi mapakali. Napansin ko ang dumi sa puting pang-itaas nito— no, it wasn't dirt. It was blood. "Kanina pa siya nag-aabang sa labas ng hacienda. Tinanong ko kung ano ang kanyang sadyo ngunit hindi siya magsasalita hangga't hindi niya nakakausap si Crisostomo."
Bago pa man makapagsalita si Antonio, Lola Adelina noticed the blood on the guy's clothes. "Hijo, ika'y duguan! Anong nangyari?"
Doon na napaupo ang lalaki saka napahagulgol, "T-t-tulong.."
"Anong nangyari, hijo?"
The guy looked at Antonio, "G-ginoong Crisostomo, tulungan niyo ang señor Santiago. S-siya'y dinakip ng mga guwardiya."
Mabilis na napatayo si Corazon at napatakip ng bibig habang nanlalaki ang mga mata. Agad naman akong nilamon ng kaba at kahit na nanghihina ang mga tuhod ay pinilit kong tumayo upang alalayan si Corazon.
"Corazon,"
She looked at me, "K-Kristin... S-si Santiago.." Her face was pale, even her lips were barely there.
I cupped her face, "Everything will be fine, Corazon. Hindi mapapahamak si Santiago, okay?" Tears started rolling down her cheeks and I wiped it. Niyakap ko siya. "Shh," I hushed.
Habang nakayakap sakin ay umiiyak siya. I continued patting her head to calm her down. But, suddenly her weight felt heavy. "C-corazon,"
Itinukod ko ang isa kong kamay sa mesa at pilit na tinignan ang mukha ni Corazon. Her eyes were closed and her breathing was ragged.
"Antonio! Si Corazon!"
-
Antagal ko na namang nag-update. Pwede niyo na akong batuhin, go ahead. Tatanggapin ko. (╥﹏╥)
Pero maiba tayo, ano nga ba ang nangyari kay Corazon? Bakit hindi kilala ni Jose si Kristin gayong nagkakilala na sila sa mga naunang kabanata? Nasaan si Santiago? Ano nga ba tunay na rason kung bakit dinakip si Santiago? May tunay na rason nga ba? Lels.
Abangan.. Dun dun dun dun..
-
Hi. Did you like this chapter? I hope you did. To show your support for the story, feel free to smash that vote button and comment. Thank you.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro