Una
Halos takbuhin na ni Raine ang papasarang gate ng San Gabriel Academy (SGA) ang pribadong eskwelahang pinapasukan niya. Late siya kasi hindi agad naubos ang pandesal na tinda niya sa harapan ng Caring Hearts Foundation-ang bahay ampunan na tinutuluyan niya. Hindi din kasi niya pwedeng hindi maubos iyon ngayong araw, bukod sa wala siyang babauning pera, masasayang lang ang ipinihunan niya.
Napapalatak siya nang biglang may humintong sasakyan sa harap niya. Magara iyon, makintab, parang bagong labas sa casa. Pero kahit pa gaano kaganda ang sasakyang nasa harapan niya gusto niya itong pagpira-pirasuhin dahil muntik na siyang mabundol.
Putspa! Kesyo bago ang kotse may karapatan nang dumisgrasya!
Nakita niya ang gate pass ng SGA sa windshield ng nagmamagaling na sasakyan. Taga SGA ang may-ari ng hinayupak ng kotse. Napairap si Raine ng wala sa oras. Inis na inis siya sa mga mayayaman na estudyante ng SGA. Magara ang kotse, maayos manamit, kulang na lang gawing confetti ang mga pera nila sa bulsa para adornohan ang mga nilalakaran nila, PERO, wala namang brains.
Pwe! Walang silbi!
Hinintay niya ang pagbaba ng bintana sa drivers side ng kotse pero di iyon nangyari. Inaninag na lamang niya ang lulan ng kotse pero kahit iyon ay di rin niya magawa ng maayos dahil heavily tinited ang sasakyan. Umusad ang kotse papasok ng gate ng SGA. Habang siya ay nagngingitngit pa din malapit sa nakasara nang maliit na gate.
Shit! Sarado na ang gate!
"Kuya Guard, pakibuksan po ulit itong gate papasok na po ako, sige na po, please," ani Raine sa supladong guard na sa sa hula niya ay na mukhang naga-andropause na ata kahit na mid 20s palang nag edad.
Sumitsit ito."Alis diyan! Di ka na pwedeng pumasok.Late ka na! NAguumpisa na ang flag ceremony, sige na umuwi ka na."
Naimbyerna agad si Raine pero pinigil niya ang pagbulwak ng naguumapaw na inis niya. "Kuya, Manong, Sir, sige na po. Ngayon po ang umpisa ng periodical exams, hindi po ako makakapag-exam pag di niyo ako pinapasok, please."
Muling umirap si manong guard. "Hindi nga pwede ang kulit mo ah! Uwi na! Tsupi!"
Naikuyom na ni Raine ang mga palad. Gusto na niyang sugurin ang pinaglihi kay Hitler na guard ng SGA. Ilang beses na niya itong pinompyang, binugbog at kinalbo sa isip niya, maibsan lamang ang inis na nararamdaman niya.
Nagbuga siya ng inis na hininga at nag-isip.Hindi siya pwedeng hindi pumasok ngayon. Ilang minuto niyang pinagana ang isip at di naman siya binigo nito.
*******************************************
"Okay class, 1 more minute to finish your test after that finished or unfinished pass your papers," sabi ng teacher nila sa social studies na si Ms. Medina.
Mabilis na ibinalik ni Raine ang pansin sa sinasagutang exam paper. Actually, kanina pa niya tapos iyon ayaw lang niyang ipasa kasi gusto niyang ulit-ulitin na ireview. Kailangan kasi perfect ang score niya, di pwede na kagandanhan lang puhunan niya, kailangan mayroon ding laman ang kanyang beautiful brain. Dapat isa lang ang kapintasan na masasabi ng mga tao sa kanya, yan ay ang pagiging ulila. Pero kahit naman iyon ay di niya ikinakahiya, eh ano kung laking ampunan siya, bakit ba?
Nang muling magsalita si Ms. Medina ay agad siyang tumayo at nagmatrsa patungo sa lamesang okupado ng guro sa harapan ng blackboard. "Perfect again Francine?"
"I am hoping Ma'am," nahihiya niyang sagot sa guro. Nginitian lang siya nito at siya naman ay tuluyan ng lumabas ng classroom. Palabas na ang halos lahat ng mga estudyante sa mga classroom, lunch break na kasi. Kung ang lahat ng estudyante papalabas ng HS building siya naman ay hindi, papunta siya sa likod para kumain ng lunch. Sa likod ng building ay may mga puno at sa lilim niyon ay may mga rock set na pwedeng tambayan at doon ang lunch area niya. Siya lang kasi ang nagbabaon, mas tipid kasi. Di niya kagaya ang mga kaeskwela niya na proud iwagayaway ang mga hawak na take out na kape na mahigit isandaan ang presyo! Nananakit ang batok niya tuwing nakikita niya ang mga ito.
Kape? Isandaan mahigit? Juskolerd! sa 3 in 1 na lang siya six petot lang.
Ayaw niya kasi ng nagsasayang ng pera.Hindi naman siya kapos, may nagpapa-aral sa kanya. Si Mr.Leonardo Reyes. Ang sabi nito ay isa siyang malayong kamag-anak, and she gets to spend important holidays with them together with his family. Lahat ng kailangan niya ay ito ang nagpo-provide, may allowance din siya buwan buwan na sobra sobra pa sa mga pangangailangan niya, at pinapacheck up siya nito buwan buwan kahit wala naman siyang sakit.
Ayon kila Ms. Monet, ang direktor ng CHF, si Mr. Leo ang nagdala sa kanya sa ampunan siyam na taon na ang nakararan niya at naaalala niya iyon. Ayon dito ay wala na daw siyang mga magulang at si Mr. Leo ang guardian niya. Hindi nga lang siya pwedeng tumira sa kanila kasi ayaw ng pinaglihi sa dragon na si Ms. Rosie, ang asawa ni Mr. Leo. She can actually remember bits of memory from her past, like the day MR. Leo brought her to CHF. But things before that, mukhang pinipilit itago ng nagmamagaling na utak niya.
Napabuntong hininga siya ng matawan ang bakod sa likod ng HS building. Nasa 7 feet or mas mataas pa, siguro ang taas niyon at gawa sa bakal at semento. Inakyat niya iyon kanina dahil hindi siya pinapasok ni manong guard. Mabuti na lamang at naka PE Uniform siya kung hindi gasgas marahil ang kanyang super kinis at super sexy legs.
Hmmp! May araw ka ding guard ka!
Umupo siya sa lilim ng isang puno at nagsimulang iabas ang laman ng kanyang lunch bag. Napalingon siya ng may sumitsit sa kanya.
"Mike?"
Ngumiti ang lalaki at nagsimulang lumakad patungo sa kinaroroonan niya. Classmate niya ito. Maykaya din at matalino at natatanging kumakausap sa kanya sa loob ng klase. Madalas ay sumasama ito sa paglo-loner niyang maglunch. Gaya ngayon, may bitbit na naman itong take out mula sa isang sikat ng fastfood chain. Marami kasing sikat na establishments sa harap ng SGA iyon ang usual na tambayan ng mga sosyalang classmates nila.
"Hindi mo na naman ako hinintay, sabi ko naman na sabay na tayo pumunta dito," anito hbanag inilalapag sa mesa ang take out nito.
"Sersyoso, sasabay ka ngayon sa akin?"tila ayaw maniwala ni Raine.
"Oo naman, bakit masama ba?"
"Ano ka may amnesia? Di ba nga nung isang araw pinagalitan ka ni Ms. Garcia na sumabay sa akin ng lunch?" Ang Ms. Garcia na tinutukoy niya at ang Teacher nila sa Filipino at tiyahin ni Mike.
"Sus! kelan di ko maalala?"
"Di mo maalala? Eh kulang na lang magbuga ng usok yung bunbunan ng tita mo ah sa sobrang inis sayo nung isang araw. Kulang na nga lang siguro ifiring squad niya ako dahil bad influenece daw ako sa yo. tch! Ako pa talaga ang bad influence sayo, sa ganda kong 'to!" paliwanag niya habang patuloy sa pagkain.
Natawa si Mike sa itsura niya."Wag mo nang pansinin si Tita Mel, di ba nga sabi ko sayo may pinagdaraanan ang love life niya 10 years na."
"Antagal namang hindi makamove on ng Tita mo. Last century pa pala siya broken hearted."
Napangiti ulit si Mike. "Alam mo ba kung bakit gustong-gusto ko na makipag-lunch sayo?" Umangat ang tingin niya rito. "Because your funny."
"Tsss.. walanjo! komedyante pala ang hanap mo. Alam mo bang pwede kitang pagkakitaan. Ang laki ng kita ng mga stand up comedians ah!Kahit bente lang isang araw malaki-laki na rin kikitain ko sayo sa loob ng isang school year."
"You really are crazy!" natatawang komento nito habang sumusubo ng pagkain.
"Hindi lang ikaw ang nagsabi niyan," uminom siya ng tubig and cleared her throat bago nagpatuloy. "Last month tinanong ko na rin yan sa doktor nung check up ko, sabi ko "dok tapatin niyo po ako, ano pong gamot sa toyo ko?" Alam mo sabi niya?"
"Ano?"
"Wag kang magugulat ha? Sa'yo ko lang to sasabihin. Kahit si Mr. Leo di din niya alam," seryoso niyang umpisa at napailing."Sabi niya,"Raine, mahirap gamutin ang toyo,pasensya na, dagdagan mo na lang ng suka at bawang para adobo na!hahaha!"
Nahirinan si Mike sa banat niya.Agad itong namula at uminom ng tubig.
"Ang lakas talaga ng trip mo Francine!!"
Tawang-tawa si Raine sa itsura nito. Pero in fairness gustong-gusto niya itong nakikitang nakatawa. Super fafable naman kasi ang itsura, matangkad, matangos ang ilong, malantik ang mga pilik-mata at maayos manamit. Tipikal na konyo pero mabait at down to earth. Sa katunayan crush niya ito. Pero syempre di niya pwedeng sabihin dito, di naman siya bobo pagdating sa mga love churva na yan. Mahilig siyang manood ng telenobela kasama ni Kira-born and raised as akihiro but chose to be called kira lalo na tuwing gabi. Ito ang kasama niyang lumaki sa foundation. Kaya alam niya kung hanggang saan lang talaga siya, ang layo kaya ng agwat nila. Ilusyunada siya pero di naman gaano kalala at alam niya given the time and effort, lahat ng pangarap niya kaya niyang tuparin sa tulong ng pagpapataba ng brain cells niya at pagiingat sa natural niyang kagandahan.
"Hay naku Mike,next time talaga sisingilin na kita ng talent fee," nangingiting sabi niya.
"Seriously, pwede kang maging writer. Ang lakas talaga ng tama mo Raine! But you're cute," naiiling pa ito bago muling ipinagpatuloy ang pagkain.
May nagtambling at nagcartwheel sa dibdib niya. Joskolerd! Ano ba to? Pigil na pigil niya nag sariling mapangiti dahil sa sinabi nito. Alam niyang maganda siya. Sabi ni Mr.Leo, Italyano ang tatay niya at Pinay ang nanay niya. Kaya yayamanin ang facial features niya. But hearing a compliment from Mike is just too much for her system to take. Pero kailangan pumormal siya, di pwedeng mangisay siya sa harap nito dahilsa sobrang kilig.
"Cute? Ano ko aso?" nakalabing tanong niya rito.
"Hindi kaya. Maganda ka dahil half half ka."Napakunot noo si Raine. "Half German, half shephered"
Naibato niya ang napkin sa mukha nito ng di oras. Napahawak pa ito sa tyan nito sa katatawa. Namula siya sa hiya. Feel na feel pa naman niya matawag na maganda. Di na lang kasi siya nakuntento sa cute gusto niya mas level up pa. Yan tinotoong aso siya tuloy ni Mike!
Putspang half breed yan!
Nagkwentuhan pa sila tungkol sa maraming bagay hanggang sa maubos nila ang mga dala nilang pagkain. Nagprisinta siyang siya na lang ang maglilinis ng pinagkainan nila kung kayat nauna nang bumalik sa HS Building Si Mike.
Pabalik na siya ng HS Building ng may humarang sa kanya. Grupo iyon ni Maxine. Ang pinakakonyo,pinakamaarte, pinakamatapobre, at super dehydrated ang brain cells na mga classmates niya.
Araw-araw itong gumagawa ng eksena. At araw-araw din siyang umiiwas dito. Sabi kasi ni mr. Leo ng minsang magsumbong siya rito, they ain't worth your while, hindi mo sila kalevel.
Dinibdib niya iyon kaya, kaya hindi niya ito pinapansin ang mga just beauty with no brains na kampon ni Maxine.
Lalampasan na lang sana niya ang mga ito, pero sapilitan siyang hinarang ng mga ito at hinila pabalik sa likod ng HS Building. Pinalibutan siya ng mga ito at isinanadal sa maruming dingding. Kipkip ang binder ay pilit siyang nagtapag-tapangan at taas noong kinausap ang mga ito.
"Ano bang kailangan ninyo?" angil niya.
"Ha! Ang tapang mo pa din ha?" nakataas ang kilay na sabi ni Maxine.
"Ano ba kasing kailangan mo sa akin. From what I can remember you're not even talking to me in class tapos bigla mo akong iko-corner dito? Ayos ka din ano?"
"That is because you are poors. Hindi mo kami ka-level. At nagtataka ako kung paano ka nakapasok dito sa SGA."
Poors? Pores? Josko! Nagenglish pa! Tsk!
"Iyon lang ba ang pinagpuputok ng butse mo? Aba isa ka pang di makamove on ah! 2 years na ko dito sa SGA yan pa rin ang problema mo?" Grade 8 na sila, last year pa ang hugot ng konyitang kaharap?!
"Natural! Nakakapagtaka na ang isang kagaya mong laking ampunan makakayanan ang tuition fee dito sa SGA na walang ibinibigay na scholarships," mataray pa din na putak nito.
"Bakit pag laking ampunan na dapat ba wala nang pera? Di ba pwedeng ulila lang pero may kaya?"
"Grrrr! Just shut up you bitch! Whatevs with you, I won't care!I want you out in this school and away from our boyfriends!" angil nito sa kanya. Super high pitched nga eh sa sobrang panggi-gigil nito sa kanya.
Hindi na niya mapigilan ang matawa. Super trying hard ang pagi-english nito! Kung di pa niya alam na nakikisabay lang ito sa mga konyo nitong kasama.Hindi naman kasi ito talaga kasama sa mga upper-heavenly-level na mga elitista. Nanalo lang ng bongga ang tatay nito sa lotto kaya feeling nito ay super-rich na ito. Pero di halata sa kilos at pananalita.
"Ahhhh so yun pala talaga eh no! Yung mga boyfriends ninyo na gaya niyo rin na ga-munggo ang utak ang dahilan ng lahat ng kaguluhang ito," naniningkit ang mga mata niya sa sobrang asar sa mga kaharap. "I have 3 points for you Ms. Maxine dela Rosa and your minions. First, hindi ako nag-aaral sa SGA para makipaglampungan o kahit magkaboyfriend man lang, nandito ako para matuto. Second, wala akong ni ga-tuldok man lang na interes sa mga boyfriends ninyong walang alam mula grade school kundi mag-apply ng gel sa buhok at pumorma ng nakikita sa mga billbooards, sorry they are not my type, not every girl fancies them. And last but not the least, di ko na kasalanan kung gusto nila ko, may magagawa ba ako kung noong nagsabog si bro ng natural na kagandahan gising na gising ako at pinuno ko lahat ng drum, batya, balde, at kaserola sa bahay namin? Tsk tsk tsk!Get a life! Patingin ka sa doktor girl baka may gamot na sila ngayon sa inggit!" taas noo niyang sabi. Kita niya na pulang-pula sa inis ang apat na kaharap. Pero wala siyang pakialam mukhang natameme naman ang mga ito. Muntik na nga siyang magvictory dance eh.
Pero ang di niya inaasahan ay nang maglabas ang isa sa mga ito ng cutter. Maxine smiled, devilishly.
"Yang ganda mo, gaano man karami ang reserba mo, kayang kaya naming sirain," malamig nitong banta.
"Don't you dare lay your hands on me!"
"Why? what would you doing? tayo tayo lang dito." ngumisi ulit si maxine.
Napamura na naman ng lihim si Raine. Kailangan na niya ata ng blood transfusion, kanina pa naghehemorrhage ang utak niya sa pagproseso ng mga sinasabi nitong grammatically waley! Seriously wala ba itong tutor!
Agad na bumalik ang atensyon niya dito ng muli itong magsalita.
"Hawakan niyo siya," utos nito sa mga kasama. Inirolyo nito pataas ang cutter at kumislap sa ilalim ng araw ang talim niyon. Nagpumiglas si Raine. May sayad talaga ang mga ito! Oh my my beautiful face! Ilang pulgada na lang ang layo nito sa mukha niya at inasahan na niya ang hapdi na ididlout niyon ng may biglang magsalita.
"Young ladies like you shouldn't play with dangerous toys Ms. dela rosa," anang baritonong tinig na pagmamay-ari ng isang lalaking sumungaw mula sa hallway papasok ng HS Building.
Nakita ni Raine na napanganga ang grupo ni Maaxine. Dahan-dhan siyang lumingon, upang lalo lamang nerbyosin ng akita niya kung sino ang may-ari ng tinig na iyon.
He's tall, handsome, and devilishly grinning at them.
Shit! Bakit kailangan pa nitong makita ang ganitong eksena?
Alam niyang makkarating na naman ito kay Mr. Leo.
Lumapit ito kay Maxine at basta na lamang inagaw mula sa kamay nito ang hawak na cutter. Maxine didn't move a bit nor even winked. Hanggang ngayon nakatanga pa din ito. Kung madudukot lang ni Raine ang cp sa bulsa niya, ginawa na niya. Ang epic kasi ng itsura ng classmate niya, ang sarap gawan ng meme.
Napapiksi silang lahat ng muling magsalita ang lalaki.
"Alam mo bang bawal magdala ng ganyang bagay dito sa SGA, ms. de la Rosa? I wonder what would your Dad say if I tell him about this incident? And as for your minions," ipinagala ng lalaki ang mata sa tatlo pang kasama ni Maxine. " Toilet cleaning for a month would be fun right? Mairecommend nga yan sa school director."
Napasinghap ang mga minions ni Maxine at parang mga unggoy na nagtatakbo pabalik ng HS Building at iniwan si Maxine.
"I hate you Gian! Ate Nica will... is...--- ah basta isusumbong kita sa kanya!" singhal ni Maxine sa lalaki, ang tinutukoy nito ay ang nakatatandang kapatid na ka-fling ngayon ng hambog na lalaki.Muling bumaling kay Raine ang nag-aapoy na mata ng babae, taas baba ang dibdib nito sa pinipigil na galit. Taas ang kilay at noo na sinalubong ni Raine ang titig ng kaeskwela.
Bakit ba? Ito lang ba ang may karapatang mag-taray?
"You won't gets away next time?"
Imbes na matakot ay natawa na naman si Raine sa banta ng kaeskwela.
"Natawa ka pa talaga," hindi makapaniwalang sabi nito sa kanya, sabay irap.
"Patutor ka ng english hoy! Available ako! 100 pesos per hour!"tatawa tawang habol na sigaw niya rito nang maglakad ito palayo.
Agad nawala ang ngiti niya nang salubungin ang pang-asar na kulay abong-mata ng kaharap. Awtomatiko ang pag-ingos niya rito.
"Well, well, well you're having too much trouble for a day Ms. Alejandro. Kanina pagpasok ng school muntik mo nang magasgasan yung kotse ko.Tapos ngayong lunch time muntik naman malaslas yang mukha mo. I wonder what trouble will you get into this evening." nakangisi nitong sabi.
"Kotse mo yun?" agad na tumalim ang tingin niya rito. "Wow ha! hiyang-hiya naman ako sa kotse mo? May buhay yung kotse mo? Kung makapagsalita ka parang mas mapapasama yung kotse mo kung nabangga ako kanina ah!"
"Bagong labas yun sa casa, nakita mo naman di ba? Tapos tatanga tanga kang tumawid. Tsk! Late ka pang pumasok! Ano kayang sasabihin ni Dad pag nalaman niya to?"
Inis na ipinaikot niya ang kanyang mga mata dahil sa mga sinasabi ng impaktong nasa harapan niya. "FYI, hindi ako late kanina sakto lang dapat ako eh, kaso nga yung nagmamagaling na kotse mo muntik na akong sinuro! Hindi ako late, nandito nga ako di ba, nakapasok ako oh.At saka ano sayo kung ma-late ako, alam naman ni Mr. Leo na working student ako!"
"Late ka! Inakyat mo yang pader kanina di ba? Vinideohan ko kaya!" nang-aasar na sbalita nito.
Napanganga siya at di nakapagsalita. May video talagang kagaapan?
"At saka working student talaga? Bakit kulang ang sustento ni Dad sa 'yo?" nangu-uyam na ang pagkaksabi nito.
"Tch!" she unbelievably looked at him. "Isipin mo kung ano ang gusto mong isipin, wala akong dapat na ipaliwanag sa 'yo!" kipkip muli ang binder ay akma na sana siya aalis ngunti hinigit nito ang braso niya mahigpit.
"Hindi ka man lang ba magte-thank you? I clearly saved your ass back there."
She rolled her eyes. Nagoover heat na ang utak niya sa inis, konti na lang masasapok na niya ito.
"Eh di thank you po kuya!" pinaliit pa niya ang boses para tunog sweet pero ang talas ng mata niya dito.
Sandali itong natigilan na para bang may di ito gusto sa sinabi niya. Inilapit nito ang ulo nito sa kanya na siyang muling nakapag-paatras sa kanya sa maruming dingding.
"Di kita kapatid. 'wag mo 'ko tawaging Kuya," Bumaba ang tingin nito sa naural na kulay rosas na bibig niya bago muling bumalik sa mga mata niya ang nanghihipnotismong kulay abo na mga mata nito. "Ayusin mo nga yang bibig mo, parang laging naghahanap ng kahalikan kaya ka napagkakamalang malandi!"
Ano daw? Siya? Malandi?
"Ha?"
"Wala sabi ko sa susunod 'wag kang lalampa-lampa. Matuto kang ipagtanggol ang sarili mo. Dyan ka na! Sibat na ko!" iyon lang at tumalikod na ito patungo sa bakod ng eskwelhan na labis na ipinagtaka ni Raine.
"Eh ba't dyan ka? Sa'n ka pupunta?" di napigilang usisa ni Raine.
"Sa gym, may training ako ng jujitsu," sagot nito habang sinusubukang akyatin ang pader.
"Exams kaya ngayon?"
"Kaya nga!" Sagot nito, nakaakyat na ito sa pader at nakawagyway na sa kabilang bahagi ng pader ang isang binti nito. "Wag kang magsusumbong kundi lagot ka sa akin!" iyon lang at tuluyan na nitong tinalon ang kabilang bahagi ng pader.
Naiwan si Raine na iiling-iling. Di bale, isang taon na lang sa senior high at lalayas na si Gian Carlo LaRue Reyes, ang ultimate badboy/charmer ng SGA. At pag nangyari yun aayos na ang buhay estudyante niya.
###
3296words
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro