Pangatlo
Higit ang hininga na hunarap ng salamin si Raine. Dumating na naman ang araw na kinakatakutan niya ang Christmas Vacation.
Ayaw na sana niyang magempake. Pakikiusapan na lamang niya sana si Mr. Leo na kahit sa pasko na lang siya pumunta sa bahay ng mga ito pagkatapos ay uuwi rin siya sa CHF sa gabi. Pero mapilit si Ms. Monet. Kailangan daw ay ipakita niya kay Mr. Leo ang pag-appreciate niya sa mga bagay na ginagawa nito para sa kanya. Tutal naman daw at isang linggo lang sa isang taon ang pakikipanirahan niya sa guardian niya.
Kaya hayun siya nakaharap sa salamin at sinisipat ang sarili kung maayos na ang itsura niya.
Wala naman talagang aayusin, dahil na rin sa pananalig niya na talagang nakakasilaw ang ganda niya.
"Uy girl! Kanina ka pa diyan ah. Kahit pa magbabad ka ng ilang oras diyan di na magbabago ang itsura mo!" ani Kira na nakapamaywang sa pinto ng kwarto niya.
Nakangisi siyang lumingon dito.
"Alam ko Kira naguumapaw ako sa kagandahan."
"Magkape ka nga para tablan ka naman ng hiya! Puro kagandahan mo na lang ang bukambibig mo ah!"
"Eh alangan namang kagandahan mo?"
"Siempre, kung ikaw naguumapaw ang kagandahan, ako bumabaha ang kagandahan ko sa sang kalupaearth."
"San banda? Turo mo." Napahalakhak siya.
Napaingos si Kira ng wala sa oras.
"Bruhilda ka talagang babaita ka! Ang lakas mong mang-asar. Sige lang manawa ka kaka-api sa kagandahan ko. Bawing-bawi ako mamaya pag umeksena na si Madam Dragonica."
Agad na nalukot ang mukha ni Raine sa tinuran ng kaibigan. Ang Madam Dragonica na tinutukoy nito ay si Ms. Rosie ang sawa ni Mr. Leo.
Matary ito. Strikta. Animo laging may stiff neck sa taas ng chin up nito tuwing nakikita siya. Noong bata siya ay narasan niyang mapalo at nakurot nito. Pero wala nang sasakit pa sa mga salita nitong makalusaw ng pagkatao.
Tinawag siya nitong anak sa labas, putok sa buho, oportunista, at kerengkeng.
Anong alam niya sa pagkerengkeng, kinse lang siya! well technocally magsi-sixteen na siya bday na niya next week, New Year's Day.
Madumi ang utak ng Dragonica na yun. Kaya kuntodo iwas siya. Masakit din sa bangs kapag nakikipagusap ito sa kanya kasi naman minsan nagi-Italian ito. Gaya niya half Italian ito pero laking Milan,kaya matatas itonf mag-italian. Eh siya, sa ganda lang yalaga siya mukhang Italyana.
Mayamaya pa ay may bumisina na sa baba. Tiyak niya iyon na ang sundo niya. Makailang-ulit siyang huminga ng malalim bago lumabas ng kwarto. Kaagapay niyang bumaba ng hagdan si Kira. Nasa puno na siya ng hagdan ng iabot sa kanya ni Kira ang malaking takip ng kawali.
"Para san to?"
"Pag nagbuga ng usok ang dragon gawin mong shield!" natatawang paliwanag nito.
"Siraulo ka talagang baklita ka! Uhm!" mahina niyang itinuktok sa ulo nito ang takip ng kwali. "Andyan si Mr. Leo mamaya marinig ka!" saway pa niya sa baliw na kaibigan na tawa ng tawa.
"Oo na sige na! Pinapatawa lang naman kita. Basta may idea ka na kung sakaling magbuga ng apoy hahaha!! txt mo ko girl ha!" pahabol pa nito.
"Oo na babush!"
Agad siyang tumakbo patungo sa lobby ng CHF.Naroon na din ai Ms. Monet. Napabaling siya sa kotseng nakahimpil sa tapat ng gate ng CHF. To her disappoinment, hindi si Mr. Leo kundi si Carlo ang sundo niya. Kilala niya ang kotse nitong muntil ng sumuro sa kanya noong isang linggo.
"Magpapakabait ka dun Raine ha."
a
"Opo Miss. M-mauna na po ako." paalam niya sa direktora.
Huminga siya ng malalim bago binuksan ang pinto ng passengers seat. Agad siyang umupo at ipinatong sa mga binti ang gym bag na naglalaman ng mga damit niya.
"Hello!" nakangising bati nito sa kanya habang minamaniobra nito ang manibela.
Bumukas ba amg langit at bumaba ang mga anghel?
Ansabe nito?
Hello daw?
Milagro!
Ngayon palang ito nag hello sa kanya.
Mukha siyang shubga na napatitig dito. Clean cut na ang gupit nito. Di gaya ng huli silang magkita na medyo mahaba ang buhok nito. Kumpleto tuloy ang porma nito sa pagiging sanggano noon. Naroon pa din sa kanang tenga nito ang maliit na silver hoop earring. In fairness mas gusto niya ang itsura nito ngayon.
Maginoo pero medyo bastos.
Napakurap-kurap siya at itinuon ang mata sa daan.
Juthko! San nangggaling ang mga iniisip niyan iyon?!
Mamaya magdadasal siya na iadya siya nawa ng Diyos sa sumpa ni Gian Carlo LaRue Reyes.
"Wala ka man lang bang sasabihin?"
"Ha?"
"I said hello to you, Wala ka bang sagot."
"Hi."
"Ano ba naman yan, walang kabuhay buhay! Tsk!" komento nito.
"May sakit ka ba?" tanong niya rito,iritado.
"Bakit?"
"Nagbabait-baitan ka eh. Sa school naman di mo ko kinakausap kahit magbanggaan pa tayo sa lobby."
He smirked.
"Bakit gusto mo ba na naguusap tayo sa school?."
Sophie rolled her eyes.
"Hindi."
Ayaw niya tong makausap sa school dahil dadagdag na naman ito sa mga chismis na pinagtitiisan niya sa SGA. Suki siya ng chismis. Pati ito suki din ng chismis. Marami kasing marurumi ang utak sa SGA. Konting kausap lang, kinabukasan nakaheadline na sa imaginary chismis board na may ka-something na naman siya.
Kaya ayaw niyang magkakalapit man lang silang dalawa ni Carlo sa school.
"Oh yun naman pala eh. At saka wala namang batas na nagsasabing di kita pwedeng kausapin sa labas ng school di ba?"
Napabuga siya nh hangin. Kahit talaga kailan di uubra ang katabilan niya dito. Pinili na lang niyang manahimik. Baka kasi kung saan saan na naman mapunta ang paguusap nila at di niya mapigilan ang sarili ng sapukin ito.
Mayamaya pa ay huminto ito sa harap ng isang fast food chain.
"Bakit tayo dito?" takang tanong niya.
"Natural kakain."
Napairap ng di oras si Raine.
Pilosopo talaga kagigil!
"Eh ba't dito pa dun na lang sa bahay niyo," aniya na pigil na pigil ang emosyon. "Baka hinihinitay na tayo -"
"Wala sila kaya ako ang sumundo sayo. 3 days sila sa Manila. May inaasikasong importanteng papeles si Dad. So baba ka na dyan nang makakain na tayo. It's almost lunch. Di pa ko nagb-breakfast." bored na paliwanag nito.
Ha! Sila lang dalawa sa bahay nito. Well technically apat dahil may dalawang maid ang mga Reyes, but still may maids quarters ang mga ito na nakahiwalay sa main house.
Ibig sabigin tatlong araw niyang pagtitiisan na kausapin ang matigas na mukha ng mayabang na si Carlo? Napapalatak aiya ng lihim. Kung mamalas malasin ka nga naman.
Dumiretso siya ng upo at ibinaling sa labas amg tingin.
"B-baka may makakita sa atin dito na magkasama, iba na naman ang tsismis. " alanganin niyang sabi.
He smirked yet again and unbelievably looked at her.
" Akala ko ba wala kang pakialam sa sasabihin ng tao?"
"Wala nga. Pero ayoko na may itsi-tsismis na naman sila sa akin. Masyado nang magulo ang buhay ko para dagdagan ng isa pang tsismis lalo na kung kasama ka sa kwento."
Natawa ito. A kind of laugh that is deep and the one that lingers in the memory.
"Ayaw mo nun sikat ka na pag natsismis tayo," he said cockily.
Nalukot ang mukha ni Raine.
Ang confidence level abot hanggang heavenly bodies ha di na niya mareach!
Bumaba ito ng kotse at umikot sa gawi niya at pinagbuksan siya ng pinto ng kotse.
"Dun na lang tayo sa bahay ninyo, mas tipid. Dito mapapagastos pa tayo," muling tanggi niya.
"Ang kuripot mo talaga! Wag kang mag-alala libre kita. Tara na!"
Nagpatianod na lang si Raine ng hilahin siya nito.
Ang San Gabriel ay isang progresibong lugar sa isang lalawigan sa Gitnang luzon. Maraming establisyemento. Maraming sasakyan. At mayaman sa kultura.
Yun nga lang madaming chismosa.
Sikat sa San Gabriel ang mga Reyes. They own the largest Ranch on that side if the country. At kilala din sila sa pagkakawang gawa.
Pero ang pinakasikat sa mga ito ay si Gian Carlo Reyes. Ang nagiisang anak ni Mr. Leo and Ms. Rosie Reyes. Sikat ito dahil sa taglay nitong kaguapuhan, abs, at fightibg skills. Marami ang naghahabol dito at talaga namang sikat ang sino mang babaeng apapadikit dito.
Oo, sikat! Sikat api-apihin ng mga babaeng lokalokahan kay Carlo.
Iyon ang kinakatakot niya. Magulo at mahirap na nga ang buhay niya. Papahirapan pa ba niya? Gusto niya invisible lang siya. Mas madali ang buhay ng ganoon.
Ipipiksi niya sana ang kamay nitong nakahawak sa palapulsuhan niya pero mahigpit ang pagkakahawak nito.
Nang tuluyan silang makapasok sa fast food ay agad na nagsilingunan ang mga kumakain doon, at matik din ang bulong-bulungan. Agad na ginulo-gulo bi Raine ang buhok niya. At tinakpan ang mukha niya, parang si Sadako lang.
Shit naman kasing buhay to eh! Kailangan ko pa talagang magpa-pangit!
Narinig niyang umoorder na sa counter si Carlo pero hindi pa din nito binibitawan ang kamay niya. Nang bumaling ito sa kanya ay bahagya pa itong napaigtad dahil sa itsura niya.
"Fck! What's with you?" iritadong tanong ni Carlo.
Tumingkayad siya at binilungan ito.
"Marami kang nabiktima dito no? Ang daming nakairap sa akon ngayon oh! Ayokong makita nila ang kagandagan ko! Baka gawan nila akon ng wanted sign because Im with you."
He smriked.
"You're a nutcase!"
"Pakelam mo! Bilisan mo na umorder! Sinabi nang di ako kumportable na kasama ka eh!"
Naiiling itong muling bumaling sa cashier. Mayamaya pa ay binitawan nito ang kamay niya at binuhat ang tray na naglalaman ngga inorder nito. Inis siyang napasunod dito.
"Pwede bang ayusin mo yang buhok mo? Para kang si Sisa!" inis na utos nito sa kanya nang makaupo na sila. Umirap siya pero sinunod din niya ang utos nito.
"That's better," komento nito na nangingiti. "Now eat!" muling utos nito.
Wow lang ha! Kulang na lang sit, jump, roll, fetch at papasa na siya. Ppaasa niyang aso sa kakautos nito.
Kinuha niya ang burger at nagsimulang kumagat doon.
"So cheap! Di ba last week si Daryl ang nalink sa kanya habang sila pa ni Mike. Tapos si Gian naman ngayon," pabulong na komento nh isang babae na nakaupo sa likuran niya.
"Matindi ang pangangailangan. Papasok pasok kasi sa SGA wala namang pangtuition." komento pa ng isa.
"Kaya nga. Eto pa ha, sabi ni Mom, she's also into older man. Meron daw yang sugar daddy. Tsk! Sooo desperate!" dagdag pa ng isa.
Napatigil sa pag-nguya si Raine. Napakurap-kurap at nagbuga ng hangin.
Ouch ha! Makapagsalita parang close na close kami!
Gusto niya sanang lingunin ang mga ito pero parang ayaw na rin niya. Baka di niya mapigilan ang sarili na sampalin ang mga ito.
Nagulat pa siya ng bigla na lang tumayo si Carlo at naglakad papunta sa likuran niya-sa direksyon ng mga nanlalait sa kanya.
"Hi girls!" bati ni Carlo sa mga ito. Matik na parang mga aso na kumawagkawag ang buntot ng mga ito. "Mind if I join you?"
Sabay sabay na napailing ang mga ito. Umupo si Carlo sa bakanteng upuan sa tabi ng mga ito at sumuboi ng fries na nakalapag sa mesa.
Right! So makikipagflirt lng pala ang plano ng mayabang na ito kaya sila nagpunta doon! At dahil sa kagustuhan nitong makipagflirt, tinitiis njya ngayon ang malait lait ng mga makikitid ang utak!
Kung di lang niya alam na magaling ito sa martial arts, hahamunin niya ito ng suntukan!
Muli siyang humarap sa mesa at nagpatuloy sa pagkain.
"What is it that you're saying again?" mayamaya ay tanong nito sa mga babae. Naengganyo tuloy na muling lumingon si Raine.
"W-what?"
"I heard you're talking about my date. And...." Humalukipkip ito, sumandal sa upuan ant ngumisi.
Date? Ako ba tinutukoy nito?
Shit naman! Pahamak talaga 'tong lalaking to!
"Nagtataaka ako how a lowlife like the three of you were accepted at SGA? Tsk Tsk!" dahan dahan itong umiling. "I know your familieas."
Tinuro nito ang unang babae. "You you're Dad have a mistress and your Mom has been keeping it to you." Bumaling ito sa isa pa. "You, your mom used to prostitute herself to rich men and plans to make you like her." Bumaling ito sa pangatlo. " And you. Do you know your business is on the verge of bankcruptcy? Don't answer that, I know you're gonna lie." Ngumisi ito pagkatpos tila nageenjoy sa mga itsura ng mga kaharap na pulos nakanganga at namumutla.
Natawa ito ng pagak.
"Truth hurts right? So stop talking shit about other people lest your perfect yourselves!" Mahina ngunit may diin na sabi nito, pagkatapos ay tumayo.
Walang anu ano ay hinila siya ulit palabas ng fast food.
"T-teka.." naguhuluhan niyang sabi.
"Sakay!" galit na utos nito nang makarating sila sa sasakyan.
Agad siyang tumalima. Ang balak niyang pag-angil sana dito dahil iniwan nila ang grasya sa loob ng fast food ay agad na nalusaw ng makita niya ang madilim na mukha nito.
Malayo-layo na ang nalalakbay nila nang bigla itong magprebo. Salubong ang kilay na humarap ito sa kanya.
"Totoo ba ang lahat ng sinabi nila kanina?"
Wow lang ha! Pinagtanggol nga siya para solong solo nito ang panlalait sa kanya.
"Siempre hindi." inis na sagot niya. "Pinagtanggol mo pa ko! Di ka naman pala naniniwala! Bipolar lang?" singhal niya rito. Lukot na lukot ang magandang mukha nkiya.
"Tsss! I really wonder where Dad got you?" out of the blue ay tanong nito.
"Di ba nga distant relative niyo ako?!" depensa niya.
"Hindi ako naniniwala."
"Eh di 'wag! Wala namang magbabago kesyo maniwala ka o hindi di ba?" umirap siya. Nagbuga naman ito ng hininga bago muling pinaandar ang sasakyan.
###
2167words
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro