Pangalawa
Halos gapangin na ni Raine ang pag-akyat sa hagdan patungo sa kanyang kwarto. Kagagaling lang niya mula paglalakad pauwi galing SGA.
Oo nilalakad niya ang papunta sa SGA at pauwi hg CHF. Malapit lang naman kasi anim na kanto lang ang layo ng eskwela at ng inuuwian niyam. So keri lang.
Pagoda. Yan ang laging drama ng buhay ni Raine. Kasi naman gusto niyang yumaman ng bongga. Hindi lang para sa kanya kundi na rin para sa mga bata sa CHF. Mayroong 30 na bata na kinukupkop ang foundation. Lima sa mga ito ang may sakit at pawang mga abandonado.
Kaya todo kayod din si Raine, para kahit papano makatulong sa CHF na naging tahanan na niya sa loob ng sampung taon.
Pahirap na pahirap na rin kasi ang pagkuha ng mga sponsors at donors para sa foundation. Minsan naririnig niya si Ms. Monet at Ms. Dianne na naguusap tungkol sa mga bayarin ng foundation. At kahit anong gawin na paglilihim ng mga ito, ay alam niya na nagkukulang ang pondo ng CHF para icover ang mga gastusin ng foundation.
She actually donates half of her monthly allowance to CHF. Noong una ay ayaw tanggapin ni Ms. Monet dahil baka daw magalit si Mr. Leo. Pero nagpumilit siya, her monthly allowance is actually worth 3 mos of her monthly expenses. Aanhin naman niya ang sobra?
Marahang ipinihit ni Raine ang doorknob ng kanyang kwarto. Agad siyang dumiretso sa pangisahang kama at niyakap ang stuff toy niya. Dahan-dagan siyang nagbuga ng hininga at tumihaya, ang mga mata ay nasa kisame.
Nakakapagod maging mag-isa.Kaya ramdam niya ang pinagdaraanan ng mga batang abandonado sa CHF. Kasi siya lumaki din siyang walang magulang.
Ano kaya ang pakiramdam ng may pamilya? Ni hindi man lng niya maalala ang knyang mga magulang. Tinanong niya iyon kay Dr.Andrew ang doktor niya. Amg sabi nito na may selective ammesia daw siya. Probably a result of a traumatic experience.
Napapikit siya.
Bakit ba kasi wala siyang maalala? Ano bang nangyari kasi?
In her heart she wanted to know her roots. But because she dont know where to start, it's not on top of her list. But she promised herself that she'll surely do to that in the future.
Mayamaya pa ay nakarinig siya ng katok sa pintuan at ang marahang pagpihit niyon.
"Girl! Hilata na naman?" nakaingos na puna ni Kira na nakapigtails ang maikli nitong buhok.
"Syempre pagoda. Wag mo muna akong asarin, magrerecharge lang ako promise," aniya na di natinag sa pwesto niya.
"Hmmp! Pano ka also di mapapagod, kulang na lang pati utang ng buong Pilipinas bayaran mo na sa OA mong pagbabanat ng buto ah! Imbes na pagpapaanda ang inaatupag mo, puro ka sideline dito sideline doon. Aba daig mo pa si Madam Selya?"
"Selya?" nagtataka niyang tanong.
"Selya ang babaeng walang pahinga," madramang sagot ni Kira na niyapos pa kiunwari ang katawan at ngumuso.
"Eewww! Ampangit mo!" nakataas ang kilay na sabi ni Raine at napilitan ng bumangon sa kama.
"Labas ka na nga, magpapalit lang ako tapos baba na ko. Mauna ka na sa kusina sigurado nagluluto na si Tito Boy at Tita Letty." Ang tinutukoy niya ay ang mga cook ng CHF.
"Uy bilisan mo ha, para maagao tayo matapos then mi-make upan kita ulit," excitd na pahayag ni ng bakla.
"Make up na naman? Tsk! Magrereview ako noh! Sige na! Labas na! Labas na."
Tinulak na palabas ng pinto ni Raine anf kaibigan.Madali siyang nagpalit ng damit pambahay at bumaba sa kusina.
Siya at si Kira ang nakatoka sa pagsusukat ng mga kakainin ng mga alaga ng CHF. Maingat niyang binuhat ang tray ng puno ng rasyon ng pagkain para sa mga bata na naghihintay sa dining.
Pulos nakangiting mga mukha ng mga bata na maayos na nakaupo sa dalawang mahabang lamesa ang sumalubong sa kanya sa dining room.
"Magandang Gabi nagiisang Dyosa Raine!" sabay-sabay na bati ng mga bata sa kanya.
Naghagikhikan ang mga ito pagkatapos. Kagabi lang niya kaso tinuro iyon sa kanila at syempre feel na feel niyang matawag na Dyosa!
"Magandang gabi mga pretty and cute little darlings ni Dyosa Raine! " ganting bati niya sa mga ito na kuntodo rin ang ngiti habang inilalapag ang panghapunan ng mga ito sa lamesa.
"Ate Raine, ang ganda ganda mo talaga. Sana paglaki ko maging kagaya kita," nakangiting bati ni Mimi, may leukemia ito at inaalgaan ng CHF.
"Ay sure na sure na yan Mimi magiging super ganda ka din gaya ni ate paglaki mo basta magpagaling ka at kumain ka ng mabuti," ani Raine at masuyong hinaplos ang pisngi ng bata. Agad na napangiti ang paslit.
"O mga cute little darlings, anong gagawin bago kumain?" tanong niya sa mga bata.
"Magdadasal po!" sabay sabay na sagot ng mga ito.
Agad na nagdasal ang mga ito sa pamumuno ni Ms. Monet, matapos niyon ay puro kalansasingan na lang ng mga kubyeryos ang maririnig sa dining.
Bitbit ang tray ay agad namang bumalik sa kusina si Raine kasunod si Kira.
"Hoy bruhilda! Anong kasinungalingan na naman ang pinagtuturo mo sa mga bagets?!" si Kira na nakataas ang kilay.
"Tinuturuan ko silang magsabi ng totoo! Honesty is the best policy Akihiro! Remember that," natatawang sagot ni Raine.
"Eewww!!! Sino si Akihiro?!!!!" patiling sabi ni Kira. Nakapamaywang na ito at tila umuusok ang bunbunan.
"Ikaw! Honesty na di ba! Tsk! Mr. Akihiro Furukawa. sixteen years old from the Land of the rising sun! Jepen!"
Napahalakhak pa si Raine pagkatapos. Lalobg lumukot ang mukha ni Kira.
"Akihiro???" pinandilatan siya ni Kira. "Haler!! Nakapigtails ako oh! Nakashorts at blouse! Sa ganda kong to pagkakamalan mo akong min! Juskelerd! Sablay talaga yang Dr. Andrew na yan! Di magamot gamot yang toyo mo! Hmmp!"
Muling natawa si Raine, this time kasama na niyang tumatawa sina Tito Boy ay Tita Letty.
"Gusto mo share tayo sa toyo ko? Di ko ipagdadamot sayo," natatawa pa ring sabi ni Raine.
"Ay di na girl! Ayos lang ako. Iyong iyo na yang kabaliwan mo. Walang Sisa sa Jepen! Di bagay sa fes ko hahaha!"
Nagtatawanan pa ang lahat ng biglang may sumungaw na pamilyar na bulto mula sa backdoor.
Matangkad ito, matangos ang ilong at naghahalo na ang itim at puti sa buhok nito.
"Mr. Leo!" bulalas ni Raine at agad niya itong nilapitan at nagmano sa may katandaan nang lalaki. Ngumiti ito sa kanya.
"Kumusta ka na hija?"
"Maayos po! Maayos na maayos po," masiglang bati niya. Bumati rin si Tito Boy, Tita Letty at Kirasa nakayatandang Reyes.
"Mabuti naman kung ganon," anito at bahagya pang ginulo ang buhok niya.
"Bakit po pala dito kayo sa likod dumaan? Nakakahiya naman po dito sa kusina mausok po at medyo magulo," si Raine ulit.
"Ayos lang yon, hija. Napansin ko kasi na medyo madilim na at baka abala na kayo sa paghahanda ng hapunan ng mga bata kaya dito na ako dumiretso. Siya nga pala nasaan si Ms. Monet?" tanong nito.
"Nasa Dining Room po. Halika po kayo sasamahan ko po kayo," prisinta ni Raine na nagpatiuna nang naglakad patungo sa dining.
"Mr. Leo!" bulalas ni Ms. Monet na nakakunot ang noo. Agad itong lumapit sa kanila.
"Dumaan lang ako para ipaalala na susunduin ko si Raine next week para sa christmas vacation niya sa Rancho."
"O-opo sige po! Ipapaalala ko po yan kay Francine. Wag po kayong magalala," nakangiting sagot ni Ms. Monet.
Napatango-tango si Mr. Leo.
"Can we talk in private Ms. Monet. I have some important things to discuss with you."
"Sure right this way Mr. Leo," ani Ms. Monet. "Raine, pakiutusan si Letty na magdala ng juice sa opisina ko. Salamat."
Tumango lang si Raine at ginawa ang iniutos ni Ms. Monet. Matagal na nagusap ang dalawa. At di mapigilan ni Raine ang magtaka. Inutusan sila ni Ms. Dianne na mauna nang kumain at ito na kang daw ang bahala sa mga bata. Naunang umakyat ng kwarto si Kira pagkakain sumunod siya matapos ang ilang minuto.
Napadaan siya sa opisina ni Ms Monet. Hindi pa rin tapos magusap si Mr. Leo at Ms. Monet.
Ano kayang pinaguusapan ng mga ito?
Wala sa sariling inilapit niya sa nakapinid na pintuan ang tenga niya.Wala naman siyang maintidhan masyado. pulos safety, secret at pondo ang naririnig niya.
Hmmp wag na nga! aniya ng manawa sa pakikinig sa nakapinod na pinto.
Mukhang seryoso ang mga ito sa pag-uusap. Hindi siya dapat nage-eavesdrop. Bad manners yun.
Dapat di lang ganda at talino ang meron siya dapat pati good manners and right conduct din. Yun ang ingredient sa pagiging dyosa na dapat i-embibe niya araw araw.
Nagshower na siya at hinarap ang mga aralin. Second day ng exams bukas, magrereview pa siya.
Mayamaya pa ay narinig niya ang papalayong sasakyan ni Mr. Leo. Sayang di na siya nakapagpaalam. Baka akala nito tulog na siya.
Di bale magkikita naman sila next week. Nalukot ang mukha niya sa salitang week.
Isang linggo.
###
Please don't forget to vote mga bhe. I also want to hear from you, pls don't hesitate to message me or comment.
Pls also like my FB page: https://www.facebook.com/heydazzlinggirlWP/
Thankie!
xxx
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro