Pang-lima
A/N: Kulang po ito sa desired length na gusto ko. I might edit this and add some additional parts. Thanks!
___________________________
"Uy anyare sayo? kagabi pa kita tinatawagan ah!" reklamo ni Kira nang tawagan niya ito.
Tapos na silang mag-almusal ng manyak na may abs este ni Carlo.
At dahil ayaw niyang makahalubilo ito, heto siya ngayon nagkukulong sa kwarto.
"Ahh wala n-nakatulog ako ng maaga girl!" pagdadahilan niya.
"Gaga! Bakit ka natulog ng maaga? Paano na si fafa Carlo?" kunwari ay nanlulumong sabi nito.
Agad na umakyat ang dugo niya. Kung magpapa-BP siya siguro sa mga oras na yun magooverheat ang BP apparatus sa sobrang taas ng presyon niya.
"Anong paano siya? Bakit kaano-ano ko ba siya? Hindi ko na problema kung umuwi siya ng hatinggabi at may kahalikan at kaanohan sa hagdan!"
Napangiwi siya sa nasabi.
"Ay ano girl?! Pakiuleeet!" tili ni Kira.
Napabuga na lang siya ng inis na hininga at nagkwento.
"Ay sayang! Itatanong ko sana kung mahaba."
"Ang ano hoy?!" nanlalaki ang mata bi Raine.
"Ang legs. Kung mahaba ba talaga ang legs niya at super ma-muscle. Hahaha! Ikaw ha! Yang polluted mind umaarangkada na!" katyaw nito.
"Tse! Nagdasal na ko no! Humingi na ko ng tawad sa kasalanang nasaksihan ng tantalizing eyes ko. Kaya pwede ba, wag mo na kong asarin." mataray na sagot niya.
"Oo na! Pakadefensive!"
"Gusto ko nang umuwi dyan Kira," reklamo niya.
"Ay kung ako sayo never na akong uuwi dito kung forver kong makakasama si fafa Carlo."
"Gusto mo palit tayo?"
"Baliw ka din no! Mata ko palang di na papasang italyana! Hmmp! I-enjoy mo na lang kasi. At saka maraming gawain ngayon dito. Wala kasi si Ms. Monet, binabantayan si
Mimi sa ospital."
"Ha! Bakit?"
"Medyo nanghihina si bagets eh. Kaya mas maganda na sa ospital muna sila. Kaya diyan ka na lang muna, beauty rest ka na lang diyan ok! Sige na chika tayo ulit later
alligater tutulong ako sa paghahanda ng hapunan ng mga bagets. Tandaan gandara ka lang jan gurl! Babush!"
Bigla namang nagalala si Raine sa kalagayan ni Mimi. Agad na tinawagan si Ms. Monet. Ayon dito ay kailangang ilipat sa Maynila si Mimi para mas mabantayan ng maigi ang
lagay nito.
Kaya kahit na nahihiya, naasar, at nagngingitngit pa din dahil sa PDWA as in public display of wild affection ni Carlo at ng kasama nito kagabi, naglakas loob na
siyang makiusap dito na ihatid siya sa ospital, kailangan niyang maabutan si Mimi bago ito dalhin sa maynila.
"A-ate d-dyosa Raine," mahinang bati ni Mimi sa kanya.
Pinilit ngumiti ni Raine ng ubod ng sigla. Kahit na nagkakanda punit punit na ang puso niya sa sobrang lungkot at awa kay Mimi. Namumutla ito at halatang naghihina.
"O anong nangyari sayo?" tanong ni Raine.
"Napagod lang po ako. Napapagod na po ako," sagot nito habang pahina ng pahina ang boses nito. Napatingin siya kay Ms. Monet, bahagya itong tumango.
"Ahh ganun ba," muli siyang ngumiti, pilit. "Sabi ko naman kasi sayo dyosa lang tayo, maganda lang tayo pero kailangan natin ng pahinga."
Malawak na ngiti ang isinukli ni Mimi.
"Tatandaan ko yan ate, para paglaki ko magiging dyosa din ako kagaya mo."
"Oo naman! sure na yan mimi!" hinaplos ni Raine ang pisngi ng bata.
Mayamaya pa ay biglang bumukas ang pintuan ng hospital room ni Mimi at sumungaw doon si Carlo.
"Mr. Carlo," sambit ni Ms. Monet na napatayo sa kinauupuan.
"Hello," bati nito, at naglakad patungo sa kama ni Mimi.
"Anong ginagawa mo dito?" bulong ni Raine.
"Antagal mo kasi eh," sagot na bulong din nito.
"Anong matagal kararating ko lang-"pabulong ulit.
"Hindi ikaw ang naghihintay kaya di mo alam," bulong ulit.
Nalukot na ang mukha ni Raine. Inirapan niya ito. Ngisi naman ang sagot nito.
"Ate Dyosa Raine, boyfriend niyo po ba si Mr. Carlo?"
Natigilan ang dalawa. Nagkatitigan. Si Raine gulat. Si Carlo naman puno ng kumpyansa.
Bumaling si Raine sa bata. "Mimi, naalala mo yung mga kinwento ko sayong mga kakaibang nilalang na umaaligid sa mga dyosa?"
"Opo. Yung mga halimaw, engkanto ay ogre po."
"Yun tama. Si Mr. Carlo isa siya sa mga yun," tinitigan niya si Carlo at tinaasan ng kilay. "Ogre siya. Kaya di siya pwedeng maging boyfriend ni ate kaso kaaway siya ng mga dyosa!"
Napatakip ng bibig si Ms. Monet upang pigilan ang pagtawa nito. Si Carlo naman ay naningkit ang mata at nakikinita na niyang nalalapit na ang pagtatransform nito sa Super Saiyan Jin 2 at magiiba na rin ng kulay buhok nito gaya ni Son Goku dahil sa sinabi niya.
Bumaling ito kay Mimi na anong tamis ang ngiti.
"Mimi, kilala mo ba si Shrek?"
Tumango ang bata.
"Alam mo ba ang napangasawa ni Shrek na si Princess Fiona ay dati ding maganda, mala-dyosa, pinag-aagawam ng mga prinsipe pero in the end lumabas din ang tunay na kulay niya dahil ang totoo," bumaling sa kanya si Carlo, nakaplaster sa mukha nito ang mapang-asar na ngiti. "Ogre din pala ito!" ubod ng diin nitong sabi bago muling bumaling kay Mimi. "Kaya kahit dyosa Mimi, pwede ding maging ogre."
Mahinang humagikgik ang bata at si Ms. Monet. Nag-ngitngit naman si Raine at sinamaan ng tingin ang talipandas na lalaking mapagsinungaling at mahilig manggulo sa mga istorya niya.
Sasagot pa sana siya ng biglang dumating ang nurse at doktor na magdadala kay Mimi sa ospital sa Maynila.
Si Carlo ang bumuhat sa bata at nagtulak ng wheelchair nito.
Habang si Raine naman ang nagbuhat ng mga bag nito.
Habang hinihintay nila ang ambulansya sa lobby ng ospital ay umupo si Raine sa harap ng wheelchair ng bata upang magkalebel sila nito.
"Mimi, ilang araw na lang bday na ni ate, dapat magaling ka na no'n para gaya ng dati tutulungan niyo akong magblow ng candle sa cake ko," nakangiti si Raine pilit na itinatago ang labis na kalungkutan na lumulukob sa buo niyang pagkatao.
Malamlam amg mata ni Mimi pero pilit itong ngumiti. It was more than enough assurance for Raine that she will see again the little girl.
Nang maipasok sa ambulansya si Mimi ay nakita pa niya itong kumaway sa kanya habang papasara ang pinto ng sasakyan.
Nagflying kiss si Raine kalakip niyon ang isang panalangin-na sana kahit gaano kaimposible ay dugtungan pa ng dyos ang buhay nito.
Malayo na ang ambulansya ng mapatingin siya kay Carlo. Nagtama ang mga tingin nila, nasa mga mata nito ang simpatya.
He grabbed her hand and gently squeezed it. Hindi na siya tumanggi, kasi kahit ang mga dyosa umiiyak din.
----------------
Matuling lumipas ang mga araw. Bisperas na ng araw ng pasko at nakabalik na rin mula Maynila ang mag-asawang Reyes.
Hindi rin maintindihan ni Raine kung bakit napaka-concerned ni Mr. Leo sa kalusugan niya. Pagkarating na pagkarating ng mga ito mula Maynila ay agad siya ulit nitong pinacheck up kay Dr. Andrew dahil humihilik daw siya. Kung paano ito nalaman ng guardian ay di rin niya alam.
Madalas siyang nagkukulong sa kwarto dahil ayaw niyang makausap si Ms. Rosie, maliban na lang kung nasa harap sila ng hapag. Strikto kasi si Mr. Leo sa oras ng pagkain.
Pero dahil espesyal ang araw na iyon, plinano niya talagang mag-bake. Ngayon lang niya kasi maipapakita ang baking skills niya sa mga ito.
Nagself-study siyang mag-bake. Ilang buwan din niyang ginawang tambayan ang bakery na nadadaanan niya pauwi ng CHF galing eskwela. And of course special mention na rin si Google. So yun na nga natuto siyang magbake at so far maganda naman ang feedback.
Plinano niyang gumawa ng lemon cake with cream cheese frosting dahil iyon lang ang available ang ingredients sa pantry.
Siesta ng hapon ng umpisahan niyang magbake. Natatakot kasi siya talagang mabugahan ng apoy ni Ms. Rosie. Hands on kasi ito kapag may handaan sa mansyon. Malimit kasi ay may mga iniimbitahan ang mga itong bisita para doon mag noche buena. Kaya kung maghanda ito ay super bongga din.
Pero malimit tuwing may handaan nasa kusina lang siya at di sumasalo sa mga bisita. Ayaw ni Mr. Leo, para din daw sa kanya yun.
Para kung saan? Di niya rin knows. Pero keri na rin, di naman niya ka-level ang mga ito mga upper-heavenly-bodies elitist. Mahihirapan lang siyang makihalubilo sa mga ito.
Kaya itinaon niya talaga ang magbake na walang gaanong tao sa kusina.Para malaya siyang kumilos at mabilis biyang matapos ang pagluluto.
Mabilis ang kilos niya. Agad niyang tinipon ang mga ingredients at pinagsama-sama ang mga iyon upang makabuo ng batter. Wala pang 30mins ay naisalang na niya ang batter sa oven.
Habang naghihintay ay pinasya niyang tawagan si Ms. Monet upang kumustahin Si Mimi. Ayon dito ay stable ang kondisyon nito pero mahina pa din. Sabi ng doktor kapag bumuti ang pakiramdam nito sa mga susunod na araw ay baka makauwi na sila bago ang Bagong Taon-sakto sa birthday niya.
Napangiti siya. Sana nga makauwi ang mga ito, hindi kumpleto ang birthday niya kapag hindi kumpleyo ang attendance sa CHF.
Nang tapusin niya ang tawag ay sakto namang ok na ang bine-bake niya. Mabilis niya itong nilagayan ng dekorasyon ng lumamig ng bahgaya at ipinasok sa ref.
Napangiti siya. Sabi nila kapag masaya ang nagluto mararamdaman daw ito ng kakain. Sana nga magustuhan ito ng mga Reyes, makabawi man lang siya sa mga kabutihan ng mga ito. Nasa cake na yun ang sampung taon na pasasalamat niya sa kabutihan ng mga ito, sana nga maramdaman nila iyon sa bawat subo.
Babalik na sana siya sa kwarto niya ng may marinig siyang naguusap sa library.
At dahil intremitida, naengganyo ulit siyang makinig sa nakapinid na pinto.
"Please not my son..." umiiyak ang nagsasalita. Sigurado si Raine si Ms. Rosie iyon.
"This is what he is destined to do...." sagot naman ng kausap nito na sigurado din siyang si Mr. Leo.
"Wag mo siyang igaya sayo!" punum-puno ng hinanakit na sambit ni Ms. Rosie.
Napakunot noo si Raine. Mukhang nagaaway ang mga ito tungkol kay Carlo.
At dahil agad na nadala ng kunsensya, agad siyang lumayo sa pintuan at umakyat sa kwarto.
Bad mag-eavesdrop! Paalala niya sa sarili.
Kung ano man ang narinig niya, dapat nakazipper ang bibig niya. Pero di niya rin maiwaglit sa isip niya ang naging usapan ng mag-asawa.
Ano ba kasing ipapagawa ni Mr. Leo kay Carlo?
Ang sabi nito ay "its what he is destined to do"?
Hindi ba ang destiny ni Carlo ay magkaroon ng pak na pak na abs, magmasteral sa martial arts, at magdoctorate sa mga babae?
Nalukot ang mukha ni Raine.
Ah ewan, basta siya di na niya iisipin yun. O mas tamang sabihin na pipilitin niya ang sariling wag isipin yun.
###
"Dito ka na lang Raine, kami na ang bahala sa mga bisita," paalala ni Yaya Mildred sa kanya.
Napabuntong hininga na lamang siya habang pinagmamasdan ang dalawang kasamabahy na siyang umaasikaso sa mga kakainin ng mga bisita.
Inilabas niya ang cake na ginawa niya at inilagay sa cake stand.
Sumilip siya mula sa magarang divider na gawa sa kahoy na nagkukubli sa daan patungo sa kusina. Nakita niyang kasama sa mga bisita ng mga Reyes ngayong taon ang mga
magulang ni Mike.At kung nasaan ang mga magulang nito syempre kasama din ito.
Nagtxt siya.
"Hello! Merry Christmas! Saan ka?"
Nagreply ito agad.
"Party.Kasama ko sila Daddy at Mommy."
Pinilit ulit niyang sumilip sa mga nagkakasayahang bisita.
Bingo! Nakita na niya si Mike mi loves niya.
Super neat nitong tignan sa powder blue polo shirt at black pants.
Well, actually may kaya naman talaga ang mga ito. May-ari sila ng mga grocery store na nagkalat ang branches sa buong lalawigan so parte talaga ito ng mga upper-heavenly bodies a lugar nila.
Muli siyang tumipa sa cp niya. Wala rin lang siyang magawa, pagtitripan na niya ito.
"Ampogi natin ngaun ah! Bagay sau ang powder blue. Lakas makagwapo!"
Sumilip ulit siya sa pinagkikublihan niyang pwesto. Lihim siya napahalakhak ng makitang nagpalinga linga ito.
"Nand2 k b sa party?" txt nito.
"Wala noh!"
"Eh ba't alam mo suot ko?"
"Ay nkpowder blue k ba talaga na polo shrt taps blck pants? Tsk! Tignan mo nga naman, mukhang may future p ko sa panghuhula."
"Pinagtitripan mo ba ko?"
"Hindi kaya! Malakas lang ang vibrations ko ngayon."
"Pinapanindigan mo talaga yang pagiging manghuhula mo ah."
"Naman! Sige hulaan ko ulit ah," muling sumilip si Raine. "Iinom ka ngayon ng iced tea."
Hindi naituloy ni Mike ang paginom nang mabasa ang txt niya. Lalong nangunot at noo nito at muling nagpalinga-linga.
"Srsly Raine san ka? Inimbitahan ka ba ni Mr. Leo sa prty 2nyt?"
Si Mike lang ang natatanging kaeskwela niya na nakakaalam na si Mr. Leo ang benefactor niya. Pero di nito alam ang tungkol pa sa pakikipanirahan niya sa mga Reyes tuwing bakasyon.
"Tsk! Hindi nga sinabi, ang kulit!" natatawa niyang sagot sa txt nito.
"Sinusumpong na naman yang toyo mo!"
"Oo next time lalagyan ko na ng kalamansi para naman may ibang flavor hahaha!"
Natatawa pa rin niyang kinakalikot ang cp niya ng biglang may magsalita sa likuran niya.
"What are you doing?"
Awtomatiko ang paglingon niya.
Si Carlo with his ever dashing aura on his black jacket, gray vneck shirt and jeans. He is ruggedly handsome on the ensemble. Bulag lang ang di magsasabing gwapo ito.
Mabilis niyang pinabalik ang kaluluwa matapos panandaliang mag-astral project dahil sa ka-guapuhang nasa harapan niya. Oo gwapo ito, Soooobra! Kaso antipatiko kaya deadma na lang!
Patuya niyang ginaya ang "what are you doing nito" bago bumira ng "Obvious ba nagtetext ako no."
"I mean why are you there? Di ba bawal kang makita ng mga tao? Tsk! Di ka na naman nag-iisip na babae ka!" inis na sabi nito, at muling hinila pabalik ng kusina.
"Aray ha! Makahila naman!" reklamo niya na bahagya pang hinilot hilot ang brasong pinaghilahan nito sa kanya.
"Bakit ba ang kulit mo?Tss!" masama ang tingin nito sa kanya.
Binirahan nman niya ito ng pagatatas ng kilay.
"Ano bang problema mo? Nagtatago naman ako ah. Paka-OA!" inirapan niya ito dahil sa sobrang. "Masama bang magtxt dun? ha?! ha?!" angil niya sa kaharap.
"Sinong katext mo?" seryosong tanong nito.
Lalong tumaas ang kilay ni Raine.
"Why do you need to know?" inis na tanong niya rito.
"Patingin nga ng cellphone mo," utos nito.
Ang alam niya ay itinago niya ang phone niya pero may dumaan na hangin at ang sumunod na eksena ay hawak na ng magaling na lalaki ang cp niya!!!!
Anyare?!!!
Hindi siya agad nakakilos, tila nag-hang ang central nervous system niya.
"Mike mi loves.. Is this Mikael Hernaez? Sino to boyfriend mo?" madilim ang mukha nito, di niya alam kung bakit.
"Tss Chismoso!" napahalukipkip na siya at inirapan ito ulit.
Ngumisi ulit ito. At tinignan ang cp niya. Tinangka niya itong agawain ng isang beses pero bigo siya. Mas matangkad ito sa kanya eh. Paano niya maabot?
Tumunog ang cp niya. Mas lalo siyang nagpumilit na makuha ang ito. Bumwelo siya ng anong bilis at matagumpay niyang naagaw ang cp niya.
Pagharap niya sa lalaking chismoso at pakialamero ay nakaplaster na sa bibig niya ang ngiti ng tunay na tagumpay.
Pero imbis na mainis ito sa kanya ay nakangisi siya
nitong sinabihan ng "Goodluck!" bago nagmartsa patungo sa sala.
"Baliw," bulong ni Raine at agad na chineck ang txt ni Mike sa kanya.
Namutla.
Nawindang.
Naisip maglayas sa ilalim ng lababo.
At Humiling na lamunin na ng lupa.
Yan ang mga nangyari kay Raine dahil nagreply ang magaling na si Carlo sa txt ni Mike.
"This is Gian Carlo Reyes, pls stop texting my girlfriend."
Oo, yan ang nakalagay sa convo nila ni Mike!
Putspang chismoso yun!
Ano na lang ang iisipin ni Mike mi loves niya?
Josko di pwede 'to! Hindi talaga pwede! Cannot be!
Paano na ang future love story nila ni Mike? Paano pa magiging reality ang mga panaginip niya? But more than that, paano na lang kung iwasan siya ng todo ni Mike sa school? Wala na nga siyang kaibigan sa SGA, tinaboy pa ng talipandas na lalaking yun!
Anak ng tinapa! Pahamak talaga ang ogre na yun!
Lumabas siya ng mansyon gamit ang backdoor. Humugot siya ng malalim na hininga at lakas loob na tinawagan si Mike.
Ring lang ng ring ang cp ng kaeskwela at nag-aalala siya talaga. Inulit niya ang pag-tawag pero ganun pa din.
Nangilid naman ang luha ni Raine.
More than the special feeling, she needs Mike's friendship. Because if it weren't for him hindi niya maiisp kung pano siya nakasurvive ng 3 taon sa SGA na walang kumakausap na iba sa kanya kundi ito, siempre exemption ang isang kilometrong manliligaw niya na puro ere lang ang bukambibig.
"Hello,"
Nabuhayan ng pag-asa si Raine ng narinig niya ang pamilyar na boses na iyon ng kaibigan sa kabilanhg linya.
"M-mike! A.. ano.. ano kasi... si Kira...Si Kira ang nagtxt nung huling txt msg ko sayo. Yung ano... basta yung.. tungkol kay ano..."
Natawa si Mike sa sa kabilang linya na labis na ipinagtaka ni Raine.
Heto siya nage-emo at kinakabahan tapos natatawa yung kausap niya.
Baliw lang! Mukhang nahawa na nga ito ng toyo niya!
"Ba't ka natatawa?" may bahid na ng inis na tanong niya rito.
"Eh kasi naman alam kong joke lang yung text ni Kira."
"Ha?"
"Si Gian Carlo Reyes boyfriend mo? Tsk! Weh di nga?" muli itong natawa.
Walanjo! Anong ibig sabihin nito, di pwedeng magkagusto si Carlo sa kanya? Not that she care, but, haller mas maganda naman siya kesa sa mga babaeng nali-link sa ogre na yun!
"Wow ha! Ang taas ng stabdards? Hume-heavenly bodies lang,"inis na komento niya.
"Oo."
Aba't oo lang talaga! Hmp! Hiyang-hiya naman ang kagabdahan niya dito. Kaya siguro di siya nito nililigawan o kahit palipad hangin man lang kasi di nito type ang beauty niya.
"Sus! If I know my HD ka din sa akin. Wag ka nang mahiya. Maiintindihan kita kung naaakit ka din sa akin," patuyang sagot niya.
"Hala pano mo nalaman na may HD talaga ako sayo?"
Napatulaley si Raine. Si Mike may HD sa kanya, as in hidden desire?
"A-as in HD talaga?" kandautal niyang tanong.
"Yep! HD talaga. As in hidden diri! Hahaha!"
Nalukot ang mukha no Raine. Feel na feel na niya eh, tapos hidden diri talaga?!
Napalingon siya sa loob ng mansyon. Kung nasa harap lang niya ito baka nakalbo na niya.
Nyeta lang! Noong una half breed siya ngayon naman may hidden diri ito sa kanya.
Ang galing galing din talaga!
Confirmed! Nahawa na ito ng toyo niya!
Pero nadisappoint naman siya kasi mukhang di na niya magagamit ang linyang "dreams do come true" para sa kanila ni Mike. Pero ok lang siya. Ito na ba yung pakiramdam ng broken hearted?
Tsss maning-mani oh! Kering keri niya eh ba't yung iba halos maglupasay na sa sakit.
Tss.. OA lang kung makaemo.
Ilang minuto pa itong humalakhak at nakipagkwentuhan sa kanya. Bago nito tinapos ang tawag dahil nakahanda na raw ang hapunan ng mga ito.
Wala nang nagawa si Raine kundi ang mapa-upo sa hagdan patungo sa maids quarter. Inihilig niya ng ulo sa pinto ng kwarto ni Yaya Mildred at napabuntong hininga.
Taon-taon na lang ba ganunang drama niya? Nag-iisa tuwing pasko.
She smiled bitterly.
If only her parents were still alive, siguro masaya ang bawat pasko niya, ang bagong taon at birthday niya.
Napatingala siya. Maramaing bituin.
"Papa, Mama, namimiss ko na po kayo. Merry Christmas po."
Muli siyangbapabuntong hininga. At prenteng hinintay ang pagtatapos ng salo-salo sa loob ng mansyon habang nakahilig pa din sa pintuan ng maids quarters. Di na nya namalayan nakatulog na pala siya.
#####
3178words
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro