Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Pang-Apat

A/N Para sa mga bhe-dazzles ko sa FB at mga bagong followers ko @voice6 and MATTIEKATH_mendoza  innocent_M syrelljarilla 

Salamat po sa pagfollow at pagbabasa!

PS this is for you also:

Lyanne_Hidju 

_____________________________________________________

Nagdrive pa ito ng ilang minuto hanggang makarating sila sa rancho. Sinalubong sila Yaya Mildred. Actually yaya ito ni Carlo kaso nakikiyaya na rin siya, kasi naman ito ang nag-aasikaso sa kanya tuwing nasa rancho siya.

"Oh san kayo galing? Kanina pa namin kayo inaantay ah." komento ng babaeng mid-50s na ang edad.

"Matagal po kasi siyang nagempake 'ya," pagsisinungaling ni Carlo.

Baliw talaga! Ako pa talaga ang ginawang dahilan?!

Kunsabagay siya nga naman ang dahilan kung bakit di sila nakakain ng maayos.

Hmmp! Baliwag Central Terminal!

Nginitian siya ng matanda. Agad namang napayakap si Raine at binati din ito.

"Oh halina kayo, kanina pa nakahdanda ang mesa.Si Angela na ang bahala sa bag mo hija." Si Angela ang isa pang katulong ng ma Reyes, nasa mga 30 pataas na siguro ito.

Sumunod sila ni Carlos sa matanda.

Wow! Puro gulay! iyon ang unang naisip ni Raine.

"Lunes ngayon, meatless Monday dito sa bahay. O siya kain na kayong dalawa. Lalo ka na Gian Carlo. Mainam sa katawan ang gulay pampatibay ng resistensya." Tila nangungumbinsi ang tinig ng matandang babae.

Lukot na lukot naman ang mukha ni Carlo.

Lihim na natawa si Raine sa itsura nito. Kaya siguro nag-aya itong sa fast food kanina. Alam nito ang madadatnan nitong pagkain sa rancho.

Umupo na siya, ganoon din ito. Lihim siyang nagdasal sa grasya na nasa harapan niya at nagsimula siyang sumandok pagkatapos.

Ilang sandali pay napansin ni Raine na di kumakain ang kaharap niya.

"Masama ang tumatanggi sa grasya. Marami ang di kumakain ngayong oras na to. Maswerte ka dahil may pagkain sa harap mo ngayon." seryoso niyang paalala.

"Are you preaching me?"

"I am letting you see of the blessing that you're trying to ignore. Not all people are as lucky as you. Yung iba hindi sigurado kung kailan ang susunod na kain nila o kung buhay pa sila para sa susunod na kain na yun. Ang iba nagbabanat pa ng buto ngayon oras na 'to para may kainin sila mamayang gabi. Ang iba naman---"

"Fine! Fine! Tssss... Kakain na nga oh," inis na putol nito sa kanya. "You talk to much!"

Napangiti ng lihim si Raine. May kunsensya naman pala.

Kumuha ito ng pinakbet at torta. Naaliw si Raine na panoorin itong kumain, hirap na hirap ito pero pinipilit nito ang sarili.

Si Yaya Mildred naman ay nakaflash ang ngiti ng tunay na tagumpay dahil nga unang beses na kumain ang alaga nito ng gulay.

Makahulugan itong tumingin kay Raine pagkatapos.

Matapos ang tanghalian ay lumabas ng bahay si Carlo. At dahil walang magawa naisipan ni Raine na magbake ng cookies habang nakikipagkwentuhan kina Yaya Mildred at Angela.

Panay ang puri ng mganito sa niluto niyang cookies. Syempre naman best seller kaya yun sa CHF. Walang dila ang di makakaapreciate ng cookies niya.

Nang gumabi ay nagprisinta si Raine na tumulong magluto kahit todo tanggi ang dalawang katulong. Nagpasya siyang hintayin na lamang si Carlo para may kasabay siya sa hapunan. Ayaw niya kasi nang magisa kumain.

Malungkot. Nakaka-emo.

Kahit naman anong pilit ni Raine sa dalawang kasambahay ay ayw din siyang sabayan ng mga ito sa pagkain. Mahigpit iyong utos ni Ms. Rosie at nakamulatan na niya ang kautusang iyn sa mansyon.

So naghintay na lang siya.

Nagpasya siyang umakyat muna sa tinutuluyang kwarto upang magshower.

Malawak ang kwartong lagi niyang inookupa tuwing naroon siya. Kulay puti at pink ang dingding at gawa sa matibay na kahoy ang four poster bed. Pati ang mga display na naroon halatang di rin basta-basta.Marangya para sa kanya. Syempre di naman siya sanay sa ganoong pamumuhay.

Agad siyang nagpalit ng simpleng shorts at blouse bago humilata sa kama.

Ramdam na niya ang pagwewelga ng tyan niya dahil malapit ng mag-alas dies ng gabi pero wala pa din ang mayabang na housemate niya.

Jusko! Balak pa ata akong bigyan ng ulcer!

Nang mag-alas onse na at sobra sobra na ang pag-aaklas ng mga alaga niya sa tiyan, nagpasya siyang bumaba sa komedor. Mag-gatas at cookies na lang siya. Wala na siyang ganang maghapunan ng kanin.

Malapit na niyang maubos ang tinimpla niyang gatas ng marinig niya ang pagparada ng kotse ni Carlo sa garahe.

Kasunod niyon ang pagbukas ng front door ng mansyon. Mula sa kitchen island na kinaroroonan niya ay masisilip ang front door at grand staircase patungo sa ikalawang palapag.

Naitakip niya ang kamay sa bibig at agad na bumaba sa paanan ng kitchen island at nagtago dahil sa eksenang nasaksihan!

Tanging ang ilaw lamang sa kusina ang nakabukas sa buong kabahayan pero sigurado siya may kahalikan si Carlo habang papaakyat ang mga ito ng hagdan.

Napangiwi siya.

Ganun ba talaga dapat yun?! Dapat ganun ka-wild? Aba kulang na lang magpalit ang dalawa ng mukha ah!

Tsk! Oh my! My virgin and unpolluted mind! Wala na! Dinumihan na ng manyak na si Carlo at ng kahalikan nito.

Sumilip siya ulit.

At lalo lang nalukot ang mukha niya ng tumigil ang mga ito sa pang-gitnang landing. Lalong nanlaki ang mga mata niya ng makitang wala nang saplot pang-itaas si Carlo at nakahiga na sa landing ang kasama nitong babae.

Agad siyang bumalik sa pwesto.

Shemay!!! Sa hagdan pa talaga! Paano siya aakyat ngayon?!

Mrahan siyang napabuga ng hangin. Kailangan niyang makalayo doon. Hindi siya pwedeng maging saksi sa kahalayan ni Carlo at ng kasama nito.

Mayamaya pa ay nakarinig na siya ng mga ungol. Napatakip nalang sa tenga si Raine agad na sinipat ng backdoor. Kung magiingat siyang kumilos siguradong mararating niya yon at makakalabas siya ng mansyon.

Ungol.

Gapang.

Ungol.

Gapang ulit.

Anak ng tinapa! Di man lang manahimik ang babaeng kasama ni Carlo! Nakakainis ang pag-ungol nito ah!

Nang marating ang backdoor ay maingat niya iyong binuksan at lumabas.

Sumalubong sa kanya ang malamig na panggabing hangin.

Jusko! Kakayanin ba niya ang matulog sa labas ngayongh gabi?

Baka paggising niya bukas estatwa na siya!

Matik na nangunsumi si Raine lalo na ng maalala ang tinakasan niya sa loob ng mansyon.

Hindi na siya babalik doon. At least not for tonight.

Nagpasya siyang katukin si Yaya Mildred.

"Yaya, dito na lang po muna ako matutulog," mabilis niyang sabi ng pagbuksan siya nito ng pinto.

"Bakit anak? May nangyari ba?" nakakunot noo na tanong nito.

"Ahhh meron po at hindi ko ma-take... ay ang ibig ko pong sabihin, uhmm yung maybahay po....ay namamahay po ako..." mali-mali niyang paliwanag.

"O siya sige pasok na at baka ikaw ay magkasakit. Malalagot tayo kay Sir ng di oras."

Ibinagy ng matanda sa kanya ang kama nito. Agad kinuha ni Yaya Mildred ang folding bed at doon pumwesto kahit na anong pilit ni Raine na magpalit sila ayaw ng matanda.

At dahil antok na rin siya dahil sa gulat at pagtakas niya sa mansyon ay agad siyang nakatulog.

------

Carlo was so into what he's doing. Nica is very hot and too willing in front of him.

Nagkita sila sa bar sa bayan. He had a few shots of a premium drink and he must admit he can't think straight right now.

So when Nica seduced him into going all the way with her, again, who is he to refuse? Besides, he needed distraction.

He only do it once with a girl. That's why its called one night stand. One time use only.

But since he is too confused today, mukhang malilimutan niya ang # 1 rule niya na yon!

She started kissing him with so much urgency. And he responded with so much aggressiveness. She removed her top and his shirt came next. He buried his head on her neck and kissed the sensitive part of it enough for her to let out a moan.

Doon niya naramdaman ang kaluskos. His trained ears cant miss it! Noong una ay di niya pinansin ngunit nang malaon ay tama ang hinala niya na may kasama silang iba ng mga oras na iyon ng marinig niya ang pag-ingit ng back door.

Shit! Lagot sa kanya ang nagtangkang manilip sa laro nila ni Nica.

Itutuloy pa sana niya ang "pinagkakaabalahan" ng magring ang cp niya.

Ayaw na sna niya iyong sagutin pero makulit ang caller, ayaw tumigil sa pagring ang cp niya.

Napamura siya bago niya sinagot ang tawag.

"Dad," halata sa boses niya ang inis.

"Carlo, nasundo mo ba si Raine?" dirediretsong tanong ng ama. Napaupo siya sa isa sa ma baitang.

"Yes Dad. Bakit?"

"Hindi siya kasi sumasagot sa mga tawag ko, naga-alala lang ako Carlo. Can you go check on her."

Fck! Ano siya yaya ni Raine? Tsk!

"Dad its almost midnight, malamang tulog na ang alaga ninyo," naisuklay ni Carlo ang mga kamay sa buhok dahil sa pagkairita.

"Just do what I say young man," anito sa awtorisadong tinig.

"Fine!" inis na siyang tumayo at kinuha ang tshirt at marahas iyong isinuot. Sinenyasan rin niya si Nica na magbihis na, kuntodo ang paglabi nito ngunit di niya pinansin at agad na nagtungo sa tinutuluyang kwarto ni Raine.

Bukas pa ang ilaw niyon. Bahagya siyang kumatok ng makailang ulit. Ngunit walang nagbukas sa kanya. Pinihit niya ang seradura, hindi iyon nakalock.

Pakiramdam niya ay nawala ang kalasingan niya ng makitang wala sa kwarto nito ang dalaga. Nagtungo siya banyo wala din.

Tsk! Saan naman yun nagpunta?

"Ano? tulog na ba?" tanong ulit ng tatay niya sa kabilang linya.

Agad siyang nagisip.

"Yes Dad she's fast asleep," pagsisinungaling niya."Listen to this," bahagya niyang inilayo ang cp at nagkunwaring humihilik. "Rinig mo yun?"

"She snores?" takang komento ni Leo. "Sa payat niyang yan? Tsk! Mas maganda siguro ipa-check ko siya uli pagbalik namin dyan."

"Well uhmmm yeah Dad," alanganing sagot no Carlo sa ama.

"Look after her for me son, see you in 2 days," at bago pa makasagot si Carlo ay tinapos na ng ama ang tawag.

Shit! Saam na naman kaya nagsuot ang babaeng yun!

Nagmadali siyang bumaba ng hagdan. Nakabihis na si Nica at prenteng naninigarilyo sa sala.

"C'mon Nica I'll take you home," utos niya sa babae.

"But babe-"

"Wag ka nang maarte pwede, while Im being nice." Its more than a statement, its a threat. "Tumayo ka na diyan kung ayaw mong maglakad pauwi."

Agad na tumalima ang babae at nagdadabog na sumakay ng sasakyan.

Matapos ihatid so Nica ay agad na inisa-isa ni Carlo ang bawat kwarto ng mansyon.

Mabigat na ang ulo niya dahil sa epekto ng alak. Nagmumura na rin siya kada bakanteng kwarto na nabubuksan niya at wala doon si Raine. Nang magalugad ang buong mansyon ay matik na napasabunot soya sa sarili.

Wala ang alaga ng tatay niya na inihabilin sa kanya!

Pinasya niyang katukin si Yaya Mildred.

"Oh Carlo? May kailangan ka?" bungad ni Yaya Mildred sa kanya.

"Nawawala po si Raine 'ya," pahayag niya.

"Nakainom ka na naman ba?" nakakunot ang noo na tanong ng matanda.

Napa-tsk siya at napakamot ng ulo. The least thing he needed now is a goody-two-shoes preaching. He could take a tongue lashing but never a preaching, its too formal and he hates it. Kailangan niyang hanapin si Raine kundi malalagot siya sa tatay niya.

Bumuntong hininga si Yaya Mildred, marahil nabasa nito ang inis sa mukha niya.

"O siya di na kita sesermonan. At saka hindi nawawala si Raine andito siya," bahagya pang niluwangan nito ang pagkakabukas ng pinto upang masilip niya si Raine.

He instantly felt relief when he saw her sleeping lilke an angel.

Maamo talaga ang mukha nito kaso kabaliktaran kapag nagsalita na at umandar ang toyo.

He smirked when he remembered the scene in the fast food. As if tussling her hair in a disorderly manner will make her invisible. She will always be looker no matter what she does or what she wears, with or without make up. Silly, he thought.

"Hindi yan naghapunan, hinintay ka niya. Pinipilit kami ni Angela kanina na makisabay sa kanya. Kaya Carlo kahit sa dalawang araw man lang na wala ang mga magulang mo samahan mo siyang kumain para naman di siya mailang. Alam mo naman simula pagkabata ninyo ay madali yang malungkot pag nag-iisa."

Hinintay siya nito? Tsk! May toyo talaga!

"Sige ya, matutulog na ko." paalam niya sa matandang katulong.

Paakyat na siya ng hagdan ng mahagip niya ang baso na may laman pang gatas na nakapatong sa kitchen island.

Npakunot noo siya. Gatas? di naman nagg-gagatas si Yaya Mildred at Angela.

Di kaya?

He smirked.

Mukhang alam na niya kung sino ang nanilip kanina sa kanila ni Nica.

_____________________________________

Marahas na pagyuyog sa balikat ang nagpagising kay Raine. Kung sino man ang gumising sa kanya dapat magtago na kung hindi kakalbuhin niya talaga!

Ang ganda na ng panaginip niya eh. Magkasama sila ni Mike, magkaHHWW. Tapos binilhan siya nito ng balloons at teddy bear tapos sabi nito may sasabihin daw ito sa kanya. Kilig na kilig na siya sa puntong iyon kaso biglang may pseteng pilit siyang ginigising!

Kahit sa panaginip pabitin talaga ang kilig niya!! Nyeta lang talaga!

Inis siyang napaupo sa kama at ubod nang talim na inaninag ang taong dahilan ng naudlot na panaginip niya.

Nanlaki ang mata. Namula ang pisngi. Nagjumping jack ang puso. Napanganga ng ubod ng laki.

Yan ang mga nangyari kay Raine ng mapagsino ang gumising sa kanya.

Si Carlo.

Nakangisi ito.

Agad na nag-flash back ang nasaksihan niya kagabi!

Oh my now polluted mind!

Napasinghap siya at agad nagtalukbong ng kumot.

Bakit ba kasi kailangana masaksihan niya yun! Nakakainis!

"Psst bangon na diyan. Tanghali na oh! Gutom na gutom na ko." reklamo nito.

"Tulog pa ko! M-mauna ka na lang," pagdadahilan niya habang nasa ilalim pa din nang kumot.

Natawa ito ng bahagya na sobrang kinainis niya.

May gana pa talagang magtatawa ang manyak!

Makatawa pa kaya ito kung umbagin niya? Tsk! Mixed martial arts expert ito, sigurado siya parang kagat lang ng lamok amg datong ng suntok niya rito.

"Bakit ka ba nakatalukbong diyan? Nahihiya ka ba?"

Agad na umusok ang bumbunan no Raine.

Tama!

Bakit siya ang mahihiya eh ito ang may ginawang kababalaghan?

Inis siyang umupo ulit at sinalubong ang nanunudyong mata nito.

"At bakit ako mahihiya sa 'yo aber? May ginawa ba akong masama? May ginawa ba akong kasumpa-sumpa? May ginawa ba akong labag sa Diyos? Ha?! Meron ba?" nakataas ang noo niyang sabi.

Feeling niya mapapatid ang litid niya sa leeg kakatingala dito.

Ngumiti ito ng nakakaloko. A kind of smile that she had never seen before. Yung parang nagpapacute na hindi. Yung parang may kahulugan na wala. At yung parang nagpapabilis ng pintig ng puso pero hindi dapat.

Shet! Anyare sa kanya?

"Ewan ko sa 'yo. Baka lang kasi may nakita ka na hindi dapat kagabi."

Namula ang mukha niya pero pinilit niya pa ring magtaray.

"Anong akala mo sa akin naninilip? Hoy para sabihin ko sayo, mataas ang grade ko sa Christian Living! Saulado ko lahat ng dasal At minsan ko na ring binalak mag-madre!" singhal niya rito.

Napatayo siya sa kama para ito naman ang tumingala sa kanya.

Tsura nitong lalaking to kundi lang pak na pal ang abs nito matagal na niya itong sinilaban!

"You're defensive Raine. I wonder what did you see last night that made you crawl out of the house?" nakangisi ulit ito.

Napalunok na si Raine.

Anak ng tinapa! Nakita ba siya nito kagabi? Imposible! Ungol ng ungol ang kasama nito eh!

Ah Ewan! Bahala na itong magisip!

Bumaba na siya ng kama at nagmadaling lumabas ng maids quarters.

Di na niya keri ang makipagtitigan dito. Nagi-guilty siya kahit wala naman siyang kasalanan.

Pumasok siya ng mansyon upang mapahinto lamang sa tapat ng grand staircase.

Shit!! Dito pa kasi eh! May kwarto naman ito! Huhubels! RIP My innocent and pure mind!

"Hey," bulong nito sa mula sa likuran niya.

"Bakit para kang tuod dyan? May naaalala ka ba?"

His voice was deep and hot on her ears. Bigla siyang kinilig este kinilabutan. Ay kinilig. Mali, kinilabutan talaga!

Nainis naman siya sa sarili kasi di niya malaman ang nararamdaman!

Naitakip niya ang kamay sa mga tenga bago hinarap ito.

"Pervert!" singhal niya rito bago nag-martsa paakyat ng hagdan.

Malakas na halakhak lamang ang isinagot ng hambog na manyak na may pak na pak na abs.

####

2615words

Please dont forget to hit the little star and drop down your comments.

xx

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro