Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

SHYE's POV

Nag excuse na muna ako para pumuntang comfort room matapos akong magpamalas ng kahusayan sa larangang musika.

Akala ng Naruto na 'yon, eh! Napanganga tuloy siya muahahaha.

Pero nainis talaga ako kanina kasi inubos niya 'yong piatos na paborito ko. Muntikan ko na tuloy'ng maibuhol sa leeg niya 'yong wire ng mic, pasalamat nalang talaga siya't nandoon si Byun.

Ang saya-saya talaga nilang kasama except kay Naruto dahil isa siyang aburidong jinjuriki, syempre. Tse!

Though exclusive lang sa aming labing-tatlo 'yong room, nag enjoy talaga ako ng sobra kasi nga kasama ko si Byun ack!

"Ay, sorry, miss!" Agad kong pinulot ang panyo niyang nahulog ko.

Nabangga ko kasi siya paglabas ko ng cubicle. Ano ba naman ang nakain niya't tatayo-tayo siya sa harap ng pinto? 'Yan tuloy. Char, naninisi pa nga.

"It's okay," mahinhin nitong sagot.

Natigilan ako nang marinig ko ang boses na 'yon, kaya tumingala ako para tignan siya at hindi ako nagkamali, it's Monika.

"Uy, hi. Ikaw pala, kumusta?" Masaya kong bati pero nginitian niya lang ako ng tipid.

"Okay lang naman. How about you, guys?"

Bahagyang tumaas kilay ko.
Kayo? Sinong kayo tinutukoy niya?

"Ah... nino?" Paninigurado ko.

"You and Luhan oppa, silly hehe," ang hinhin niyang tumawa, nailang tuloy ako.

"Ah! Okay lang din n-naman," humina boses ko sa huli nang ma realize kong in-oppa niya si Naruto the great jinjuriki.

Close sila?

"Hmm that's nice to know," yumuko siya saka kinuha ang panyo niya na hawak ko pa pala.

"Bye, I need to go now," nginitian niya ako nang 'di umaabot sa kanyang mata saka tumalikod na at naglakad palabas.

Ewan ko lang, but for unknown reason, I don't like her. Mabait naman siya, maganda, pero 'di ko siya feel o sadyang manhid lang talaga ako—echos.

Napahikbit-balikat nalang ako tapos pumunta sa harap ng salamin para ayusin sarili ko't mukhang nagsisimula nang masira mukha ko lols.

After no'n, lumabas na ako. Nasa 3rd floor ako habang nasa 4th floor naman 'yong SportBOX.

Punuan kasi ang banyo sa itaas, wala rin kasing sariling banyo 'yong KTV. Apaka cheap——echos ulit!

Sumakay ako'ng escalator paakyat at ewan ko lang kung bakit sumagi sa isip ko ang ngiti ni Monika kanina. Apaka plastic kasi.

Ewan ko kung ayaw niya ba sa akin kaya gano'n siya kung maka ngiti o sadyang 'di lang talaga siya masaya sa buhay niya.

Kung naniniwala kayo sa kasabihang "liars go to hell", ako naman naniniwala sa kasabihang, "plastics go to non-biodegradable".

Napairap nalang tuloy ako. Bahala siyang magpakalungkot diyan. Kung ayaw niya naman talaga sa akin, bahala siya. 'Di naman malalagas buhok ko dahil lang do'n.

Pinanlisikan ko ng mata ang mga taong parang mga shunga na nakatingin sa akin ngayon. May pabulong-bulong pa talaga silang nalalaman.

Maganda ako at alam ko 'yon. Pahalata masyadong insecure, pwe!

"Eh?" Nagsalubong mga kilay ko nang mapansin kong 'di man lang ako umangat, eh, kanina pa ako dito.

Yumuko ako para tignan 'yong escalator at napangiwi nalang.

Potragis! 'Di pala umaandar ang tarantado.

Agad akong inilayo ng isang janitor sa lecheng escelator na 'yon nang pagtatadyakan ko ito.

Ang kapal ng mukhang ipahiya ako sa maraming tao. Kaya pala ako pinagbubulungan kanina.

Naghagdan na nga lang ako't baka masira ko pa 'yon. Wala pa naman akong pera pambayad.

"What took you so long?" Bagot na tanong ng jinjuriki nang makapasok ako.

"Pasenysa na, ah. Nagdasal pa kasi ako't kailangan ko ng dagdag na pasenysa ngayon pa't lagi kong nakikita mukhang mong hmm," saglit akong huminto saka umaktong pipisilin mukha niya.

"Mukha mong pambakla," ngumiti ako ng pagkatamis-tamis at ngumiti rin siya ng naniningkit ang mga mata.

"You're just jealous."

"Uhm... No," umirap ako't agad na tumabi kay Byun bago pa mandilim paningin ko.

"Kyut kyut talaga ng Byunnie ko," pa-cute kong sabi saka mahinang pinisil pisngi niya.

"Eh? You're cuter than I do," sagot niya naman saka ako sinubuan ng chips. Syempre, agad ko 'yong kinain.

Ayieeeh! Kakilig. Mapagtripan nga ulit. Kumakanta si Dyo kaya 'di nila maririnig kalokohan ko.

"Byunnie kooo," pagpapa-cute ko ulit. "'Di ba sabi mo iki-kiss mo ako? Ilang araw na'ng lumipas, ah?"

"Ah, huh? M-May sinabi ba ako?" Utal niyang tanong. Kita ko pa ang maliit niyang adam's apple na tumaas-baba.

Feminine talaga ang katawan ni Byun. Maski nga boses niya, matinis. Mukha pa, pambabae, lalo na ang mga kamay. Manipis din katawan niya pero may muscles naman 'yong dibdib niya't sure akong may abs rin siya.

Sumubsob ako sa dibdib niya, eh. Pasimple ko ring nahimas tiyan niya't may pandesal talaga do'n.

"Byunnie ko, meron. Don't worry, pananagutan naman kita, eh," tinusok-tusok ko pa baywang niya kaya maslalo siyang namula't yumuko nalang.

"Kasi——" kinagat niya mga labi niya.

"Kasi ano?" Pag-ulit ko.

"Ahh... T-The truth is," sinulyapan niya ako. "I-I don't know how."

Napaatras ako ng kaunti't nagulat ako sa kanyang naging rebelasyon.

"Seryoso ka?!" Medyo malakas boses ko, tama lang para 'di ako marinig ng iba. "Ikaw?! 'Di ka pa nakakahalik? Sure ka?!"

"You're too muchhhh," ungol niya nalang. "I've never got any girlfriend ever since, who would I kiss then?"

Ngumuso siya kaya tumigil na ako.

I can say he's really innocent pagdating sa mga ganyang bagay. Same naman kami. Kahit ilang taon kaming magkarelasyon ni Matt, 'di parin 'yon nakaka-score sa akin, kaya siguro sa ibang ring tumira.

Naka three points pa ata 'yon at balita ko umalis sila ng kalantari niya. For sure, buntis. Otherwise 'di papayag parents ni Matt na bigla nalang aalis anak nila sa Scarlet Heart.

Malaki utang na loob nila sa may-ari ng school, eh. Si Matt na nga ang representative ng isa sa mga stockholders do'n.

Bahala sila diyan. Kahit ilan pa iluwal ng babaeng 'yon sa mundo, dapat wala akong pakialam.

"That's okay," agad kong sabi bago pa ako malunod sa aking emosyon. "That's okay kasi tuturuan kita."

"J-jinjja?" Gulantang na sabi ni Byun.

"Alam ko na talagang maganda ako. 'Wag mo nang palaging inuulit. Pikit ka na!" Umusog ako papalapit sa kanya saka ngumuso-nguso.

"Huh? A-Are you sure we're going to do it here?" Nag-aalangan niyang tanong.

"Oo nga! Pabayaan mo lang sila. Maghanap sila ng kahalikan gusto nila," ngumuso ulit ako.

Tumaas-baba na naman ang Adam's apple ni Byun tapos ilang beses pang napakurap-kurap saka niya inilapit ng dahan-dahan mukha niya sa akin.

Tangina ahahaha. Nadadala na siya.

"Mahiya naman kayo sa mga langgam!"

Natigilan kaming dalawa ni Byun saka napalingon kay Luhan na ngayo'y nandidiring nakatingin sa amin.

Nakapang dekwatro pa talaga ang aburidong si Naruto with matching cross arms.

Kabanas! 'Yon na 'yon, eh. Mahahalikan ko na Byunnie ko, eh!

"Bakit? Inggit ka? Dapat ba ikaw i-kiss ko kasi ikaw 'yong BOYFRIEND ko?" Diniinan ko pagkakasabi no'n kaya nama't napangiwi siya.

"Please continue!" Sabi niya saka itinuon ang atensyon kay Dyo na kumakanta ng Sway.

"S-Should we continue?" Nahihiyang tanong ni Byun.

"Haist! Huwag na. Nawalan na ako ng gana," sabi ko saka nag cross arms.

Ngumuso naman si Byun saka ginaya 'yong ginawa ko.

Gaya-gaya, walang originality!

Kahit kyut si Byun, hindi ko parin ibibigay first kiss ko sa kanya, uy! Hindi ako gano'ng kapawarang babae.

Pero kong mapilit talaga siya, pwede ko pa namang pag-isipan. Babae parin naman ako't marupok——charots!

Ilang oras din kaming nandoon sa loob hanggang sa magsawa na ako sa mga pagmumukha nila kaya isa-isa ko na silang ipinatumba—charots ulit!

Lumabas na kaming KTV kaya ito, nakapulupot na naman ulit ako sa braso ni Naruto.

Pwede naman akong maglakad ng 1 meter away sa kanya, ah? Ang OA naman kasi masyado nitong pinaggagagawa namin. Mainit pa naman dugo ko sa isang 'to. Baka mabali ko lang braso niya.

Pero in fairness, may muscles siya. Pasimple ko kasi itong hinimas at pinisil-pisil kanina.

Himasin ko din kaya ang abs niya? Pero next time na siguro 'pag tulog siya at baka maiangat niya lang ako sa ere at maitapon kung saan. Apaka dangerous no'n!

And because may kasunduan nga kami kagabi, nandito ulit ako sa kotse ni Naruto. Dito ako DAPAT palagi.

Gusto ko sana talagang sa kotse ni Byun sumakay kaso hindi raw talaga pwede kasi nga baka ma-issue na naman.

Pero nagmatigas ako, syempre!

Niyakap ko si Byun ng sobrang higpit huwag lang akong mapunta kay Naruto pero dahil bwesit as ever ang ibang miyembro ng EXO, pinagtulungan ba naman nila akong hilahin papalayo kay Byun saka kinaladkad papasok ng kotse ni Naruto.

Nanlaban pa ako kaya binuhat na talaga ako ni Kris. Isinablay niya nga lang ako sa balikat niya na parang sako lang ng bulak saka ipinansak sa loob ng kotse ng jinjuriki.

Tumama pa tala likod ng ulo ko kaya muntikan na akong mawalan ng malay, potangina!

Natawa nalang tuloy ako sa itsura ni Byun kanina. Nakayakap din kasi siya sa upuan ng kotse niya para 'di siya matangay sa paghila nina Kai at Chen sa akin papalayo sa kanya.

Gaya ng usual, si Naruto ulit ang nagkabit ng seatbelt ko kaya sitting pretty lang ako dito.

Aba dapat lang! Minaltrato kaya nila ako kanina.

Pupunta raw kaming studio ngayon. Ewan ko lang kung saang studio. Dami kasi nilang studio dito.

Ngayon raw kasi nila ipeperform 'yong music video nilang overdose ata 'yon? Ano naman kayang klaseng kanta 'yan?

Nakashatol silang lahat, gano'n?

Pagdating namin sa sinasabi nilang studio, agad silang nagbihis saka minake-upan kaya bago pa nila matalbugan ang ganda ko, pinili ko nalang ang lumabas ng makeup room.

Pa swing-swing pa mga braso ko habang naglalakad papalabas nang may tumawag sa akin na agad ko rin'g nilingon.

Isang may edad na babae ang lumapit sa gawi ko. Nakasuot ito ng red pencil cut na whole dress at ang dami niyang kolorete sa katawan.

Para tuloy siyang Christmas tree. Anlalaki kasi ng mala-bola niyang earrings, sinamahan pa ng pearl necklace niyang mag-sing laki ng mata ng pusa.

Though may edad na siya, bakas parin sa mukha niya ang pagiging maganda. Ang puti din niya.

"Ah... po?" Sagot ko nalang.

Seryoso siyang naglalakad papalapit sa akin kaya halos lumabas na sa dib-dib ko ang walang pakinabang kong puso. Ewan ko pero napaka-intimidating ng kanyang presensya.

"We need to talk," bagsak-boses niyang sabi the moment she stopped in front of me.

Feeling ko hihimatayin ako ngayon kaso napag-isipan kong mamaya nalang 'pag nandito na si Byun para masalo niya ako.

Diba? Mindset lang kasi dapat 'yan.

"Po? Tungkol po saan?" Tanong ko ulit at mukhang hindi natuwa si madam do'n.

Tumaas kaliwa niyang kilay. "About you and my son—Lu."

"Lu?" Bulong ko.

May kakilala ba akong Lu?

"Ah," bulong ko ulit nang ma-realize kong si Luhan pala tinutukoy niya't napatakip nalang ng bibig.

Shuta! Mudra pala 'to ng jinjuriki!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro