SHYE's POV
Antagal kong pinag-isipan kung sasama ba ako kay daddy o hindi at walang ibang sinasabi ang mga lamang-loob ko kung hindi ang oo kasi wala naman akong mapapala dito.
Yes, oo. Sinabi ni Luhan na babalik siya kahit ano'ng mangyari pero one week na ang nakakalipas, ni tumawag ni mag-text, hindi niya magawa.
One week na rin silang hindi pumapasok ni Byun kaya maslalong sumasama ang loob ko. Gusto ko rin sana talagang magtanong kina Shan pero alam ko namang hindi nila ako sasagutin ng maayos.
Sasabihin lang ng mga 'yon na antayin ko lang na mag open si Luhan sa akin. Si Byun naman, alam kong nakatoka na 'yon lagi sa fiancé niya na ang gulo rin ng buhay.
"Oh? Ayos ka lang?" Tanong ni Chanyeol kaya muntikan ko na siyang masuntok sa itlog. Apaka pabor pa naman nito sa akin at ang tangkad niya nga tapos nakaupo pa ako.
"Mukha ba 'yang okay, eh, kanina pa 'yan 'di kumikibo," sagot naman ni Kai na kakaupo lang sa upuan ni Luhan. Second subject na namin, Statistics kaya nauulol na naman 'tong dalawa.
Buti nalang si Sehun, mukhang nadadala na't tinu-tutor siya ni Suho. Favorite ng lahat 'yan, eh. Siya nga kasi pinakabata sa kanila.
"Uhm do you want me to tell you what happened to him?"
Napabuntong-hininga ako saka nakapangalumbabang tumingin kay Chanyeol na ngayo'y nakaluhod na sa upuan sa harapan ko paharap sa akin.
"'Wag na, baka mapa trouble na naman kayo dahil sa akin," mahina kong sagot.
Masyado na siguro nilang napapansin ang pagiging tahimik ko't pansin kong nagsesenyasan na silang lahat kabilang na nga rin si Suho na ngayo'y nakatingin sa akin na para bang nakokonsensya siya sa mga nangyayari.
Nakaupo siya kung saan nakaupo si Monika. Yes, she's not around either. Hindi ko rin alam kung nasaan siya't maski 'yan gusto kong itanong sa kanila pero wala naman pala dapat akong pakialam do'n at sure naman akong nag-aral lang 'yon dito para kay Byun and now that he's no longer around, nawalan na siguro siya ng ganang pumasok.
Alam niya kayang ikakasal na 'yon? Aba, ewan! Pati ba naman siya problemahin ko pa?
Pero gusto ko talagang malaman 'yan, eh.
"I believe Suho hyung already told you that if Luhan hyung won't fight his feelings for you, I gladly will."
Napangiwi ako nang bigla-biglang nang c-cringe 'tong gagung Kai sa tabi ko.
"Umayos ka diyan, Kai. Alam kong umaaligid-aligid ka rin kay Jen kaya tigil-tigilan mo ako diyan sa kaharutan mo, tatamaan ka sa akin," sagot ko ng may halong pagbabanta.
"Ay, ito naman, apaka choosey! Ako na nga 'tong nagmamagandang-loob sayo, eh, para kahit papaano, isa parin sa amin ang makakatuluyan mo," nguso ni Kai kaya natawa si Chanyeol.
"Hahaha 'di ka talaga papasa diyan, Kai. Mga trip niyan girly inside and out. Tignan mo si Luhan hyung and Baek," tatawa-tawang sabi ni Yeol.
Hindi na ako naka react, tama naman siya, eh. Bakit ba?
Napairap nalang ulit ako sa kawalanan sabay ubob sa desk. Maya-maya ay pumasok na si Lec. May idiniscuss lang siya saglit tapos bigay ng activities, tapos-tapos!
Ewan ko kung nag fast-forward ba ang lahat o sadyang andami ko lang iniisip? Ewan!
Break na pagkatapos kaya lalabas na sana ako para makipagkita kay Jas, kasi ngayon na ang comeback ng gaga, nang harangin ako ni Dyo. Hindi siya nagsalita pero alam kong may gusto siyang sabihin kaya nagkunwari na muna akong may hinahalungkat sa bag hanggang sa lumabas na silang lahat at kami nalang dalawa ang naiwan.
"Oh?" Panimula ko agad saka siya nilapitan. "May ire-report ka?" Masaya kong tanong at agad naman siyang umiling.
"Wala, trip ko lang tumayo dito, why?" Walang kaemo-emosyon niyang sagot kaya nawala ngiti ko.
"Umayos ka, Dyo. Kita mo'ng nagdadamdam ako dito, tapos dadagdag ka? Baka sayo ko maibuntong lahat ng puot at galit ko!" Anas ko't nag-akmang sipain 'yong upuan ko kaya naman natawa siya.
"Whatever, follow me."
Tumaas nalang kilay ko nang bigla siyang tumalikod at naglakad papalabas. Hindi na ako nakipagsagutan pa't pakiramdam ko magkikita kami ni Ethan ngayon-sana nga lang.
Akala ko bababa pa kami pero nagulat nalang ako nang lumiko ang gagu pakanan, papuntang Men's comfort room. Dire-diretso lang siyang pumasok kaya natigilan ako ilang dipa mula sa pintuan habang siya, lumiko na pakaliwa kaya nawala na siya sa paningin ko.
Ilang segundo lang at rinig ko na ang pagdadabog ng kwago pabalik sa akin.
"I thought I told you to follow me?!" Bulyaw niya.
"Ulol ka rin, malay ko bang gusto mo lang magbanyo?!" Bulyaw ko rin pabalik, kita ko tuloy na tumubo lima niyang sungay.
Apat sa ulo, isa sa mukha charot!
"Halika ka na nga," inis niyang sabi saka ulit bumalik sa loob.
'Di nalang ako nakipagbarahan sa kanya't pumasok na.
"Oh!" Napasinghap nalang ako nang may biglang humila sa akin saka ako niyakap kaya hindi ko na nahagip kung sino 'yon.
But the way he hugged me-this smell-alam ko na agad kung sino at kahit gusto ko man siyang suntukin, hindi ko magawa.
"I missed you so much," bulong niya sabay ng paghigpit ng kanyang pagkakayakap. Nanginginig ang mga kamay kong humagod sa kanyang likuran.
"Potangina mo," hindi ko na namalayang nakayakap na rin pala ako sa kanya. "Bakit ngayon ka lang nagpakita, ha?!"
"I'm extremely sorry," mahina niyang sagot. "Gustuhin ko mang tawagan ka, pero nakabantay-sarado sa akin si Yuna. I was just lucky today because Baek helped me, he distracted her."
Napangiti ako ng mapakla.
Kahit kailan, Byun's always been my angel.
"But I won't be long. Kailangan ko ring umalis bago pa mapansin ni Yuna na nawawala ako," kumalas siya sa kanyang pagkakayakap para tignan ako.
"I really just wanna see you."
Kita ko sa mata ni Luhan ang lungkot pero hindi parin siya nawawalan ng pag-asa kaya ngumiti ako.
"Malapit mo na ba akong balikan?" Pagbibiro ko't maslalong namutawi ang kalungkutan sa mga maya niya. Nakaramdam tuloy ako ng kirot.
"M-Matagal pa ba? Gusto mo patumba nalang natin si Yuna?"
Bumaba tingin niya sa sahig saka sumulyap kay Dyo na ngayo'y nakasandal sa lavatory. Seryoso lang din siyang nakatingin kay Luhan saka bahagyang tumango.
"Just tell her; she needs to know."
Pakiramdam ko may kung sinong nagbuhos ng malamig na tubig sa akin. Nanigas ako bigla.
Anak ng saging 'yan. Bakit parang alam ko na kung saan 'to papunta.
Hindi nagsalita si Luhan; tumingin lang ulit siya sa sahig. Kita ko kung paano manginig ang kayang mga labi. Batid kong may kailangan siyang sabihin sa akin na ayaw niyang malaman ko.
And the moment he held both of my hands, I knew what it was.
"S-Sha," he started in an awful, breaking voice. "Y-Yuna and I," nangilid mga luha niya sa mata kaya hinanda ko na ang sarili ko sa pwede kong marinig.
"W-We will going to get married next week."
Hindi na ako nagulat, alam ko na kung ano sasabihin niya pero tangina, ansakit. Nanuyo lalamunan ko saglit pero agad rin naman akong nakalunok.
"A-Ah, gano'n ba?" Kumurap-kurap ako para pigilan ang mga luha kong nagbabadya nang pumatak.
"Hindi ka na pala makakabalik kung gano'n?" Hinila ko kamay ko palayo saka umatras ng ilang hakbang.
Agad ko ring hinarang kamay ko bago siya nag-akmang lumapit sa akin.
"'Y-Yan lang ba ang ipinunta mo dito? Kung 'yan lang, aalis na ako."
"No, Sha. Wait!" Lalapit na naman sana siya sa akin nang umatras ulit ako.
"'Wag!" Sabi ko na may halong pagbabanta. "Diyan ka lang at 'wag ka nang magsalita pa."
"Pero, Shye!"
"PWEDE BA!!" Sigaw ko't hindi na napigilan sarili kong mapaiyak. "Tangina mo naman, eh! Pinalaya na kita, 'di ba? Tinanggap ko na na kailan man hindi magiging tayo, eh! Pero pinaasa mo ako!"
Nagtagis mga ngipin ko sa sobrang galit at pakiramdam ko bumaon na mga kuko ko sa aking mga palad at nakayukom na aking mga kamao.
"Sana hindi ka nalang pumunta dito! Sana hindi ka nalang nagpakita," hagulgol ko. "Luhan naman!"
"Shye, calm down," mahinang sabi ni Dyo. Hindi ako nakasagot.
"Ayoko na! Tigilan niyo na akong lahat!"
"Sha, please! Listen to me first," pagsusumamo ni Luhan pero umiling ako.
"Ayoko nang marinig ang sasabihin mo. 'Wag mo na akong paasahin, Lu. Putulin na natin kung ano man ang mero tayo ngayon. Once and for all," padabog kong pinunasan mga luhang nagsisilabasan sa mga mata ko.
"Ayoko nang makita ka, naiintindihan mo?!"
"No! Ayoko!"
Hindi ko na siya nagawang pigilan nang muli niya akong yakapin. "Ayoko! I'll do everything to get back to you. Just give me time, please! Please, Shye! Please! Don't leave me."
Maslalo akong naiyak nang humagolgol siya sa mismong likuran ko. "I'll leave the band, if that's all it takes for us to be together. Let's live far away; sa lugar na walang nakakakilala sa atin."
Natulak ko nalang siya. "Nababaliw ka na ba? Hindi ka ba nag-iisip?" Sigaw ko, panay tulo parin ng aking mga luha. "Ano? Iiwan mo sina Dyo para sa akin? Ganyan ka ba ka selfish?!"
"Then what do you want me to do?!"
It took me a second to say, "wala," na siyang ikinatigil niya.
Ilang segundo niya lang din akong tinitigan habang pinupunasan ang kanyang mga luha. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago ulit nagsalita.
"I-I'll be at the mansion tomorrow. I'll wait until 12AM. That's the only time na makakatakas pa ako, a-and I hope you'll come-with me."
"'Wag mo nang asahan na pupunta ako. My decision is final ngayon palang."
"Mine's not," mabilisan niyang sagot. "Not just yet, at least, but whatever your choice might be, my feelings will remain unchanged."
Naglakad siya palapit sa akin saka isinandal noo niya sa noo ko. "I love you and I always will."
Just that, kinuha niya ang cap na nakapatong sa lavatory katabi ni Dyo saka mabilisang umalis.
Wala akong ibang nagawa kung hindi ang tumingin kay Dyo. By the looks of it, parang alam niya na ang plano ni Luhan at walang bakas ng ano mang pag-aalala sa kanyang mukha.
"A-Alam mo ang plano'ng 'yon?" Agad kong tanong at tumango naman siya.
"Alam naming lahat," mahina niyang sagot. "At alam rin naming tatanggihan mo 'yon."
Lumapit si Dyo sa akin saka nagpatong ng kamay sa balikat ko. "Shye, I know na worried ka sa amin at sa band namin, but would you rather give up your happiness to save us?"
"Syempre, kaibigan ko kayo, eh."
"Exactly! At kaibigan ka rin namin at si Luhan hyung, and we don't want you or him to have regrets for the rest of your lives," tinapik niya ang balikat ko. "Fame doesn't last forever; regrets does. It will forever hunt you."
Numipis ang kanyang mga labi.
"'Wag puro kami, 'wag puro si Baekhyun hyung; think of your happiness as well."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro