SHYE's POV
Lumipas na ang isang araw at gabi na naman pero nanatili parin akong pretty—este, hindi parin ako lumalabas ng kwarto ko.
Wala kasi ata akong ganang kumilos at makipagplastikan sa mga tao sa labas. 'Di ako sure.
Hindi nga rin ako kumakain simula pa kaninang umaga. Kanina pa nga nila ako kinakatok pero hindi ko sila pinansin. Snob ako, eh.
Tamad ako sa buhay. Mula nang makalabas ako sa hospital kagabi, nagkulong na ako dito sa kwarto ko na pagmamay-ari ng milyonaryong si Suho.
Isa lang kasi ang hinihintay kong kumatok para buksan ko 'yong pinto at 'yon ay ang aburidong jinjuriki. Assuming na kung assuming pero umaasa talaga akong kumatok siya diyan sa mamahaling pinto ni Suho at magmakaawa sa aking magpakasal sa kanya—este, na patawarin siya.
Aba! Dapat lang, ano! Kung hindi lang ata talaga ako agad na naisugod ni Byun sa ospital, bloodless na ako at umabot pala hanggang pulso ko 'yong sugat. Kaya balot na balot ng benda 'tong kaliwa kong kamay ngayon.
Kanina pa ako nakahilata dito sa kama at nagmamaganda—este, nagdadrama.
Hindi ko kasi talaga inaasahang kaya niya akong saktan para lang do'n sa nabasag kong snow globe niya na ibinigay sa kanya ng girlfriend niya.
Kasalanan ko naman talaga 'yon, eh! Kung hindi lang sana ako pumasok sa kwarto niyang puno ng hello kitty merchandise, hindi ko sana 'yon nabasag. Ito kasing pagka entitled ko minsan, sarap sakal-sakalin.
Napatingin ako sa pintuan nang may kumatok. Bumalikwas ako ng upo.
"Sino 'yan?" Tanong ko at umaasang maririnig ko ang boses ng isang jinjuriki.
"It's Byun, Shye," napasimangot ako sa sumagot.
"Sino nga ulit?" Pag-ulit ko. Baka kasi kapag inulit ko si Naruto na 'yong sumagot.
"It's Byun," sagot niya rin ulit.
"Ano?"
"It's Byun Baekhyun, Kristine Shye Padua! So, will you please open the door and my hands are getting numb. This tray is amazingly heavy!"
Napaismid ako sa naging sagot niya.
First time kasi niyang ginamit ng totoo niyang apelyedo, eh. Hmm pero kainis lang at wala na talagang pag-asang maging siya si Naruto. Tumayo nalang ako at naglakad papalpit ng pinto saka ito binuksan.
Bumungad naman agad sa akin ang mukha ni Byun na may 'sing lawak ng pacific ocean na ngiti.
"Salamat naman at binuksan mo na," sabi niya saka pumasok at inilapag sa mesa ang tray na dala-dala niya.
"If I only knew that you would only open the door if it's me then I shouldn't have attended the meeting," tinignan niya ako.
Hindi, ah. Iba gusto kong pagbuksan kaso ang cute mo rin kasi talaga, sino ba naman ako para mag-inarte amp.
"They told me that you won't go out. You weren't eating as well. Tsk! Sorry if took me a lot of time to get back here. I still have to answer those intimate questions about what have had happened yesterday."
Napasimangot ako sa sinabi niya. Dahil kasi sa nangyari sa akin, nagkaroon kaming tatlo ng issue. Kaya nga ipinadeactivate ni Kai sa akin 'yong Facebook ko. Para raw hindi ko mabasa 'yong mga death threats ng kanilang mga fans.
Hohoho andami ko na ata talagang bashers! Sarap sa feeling magkaroon ng haters noon, eh, ngayon 'di na ako natutuwa.
"Hey! Stop stressing yourself. It's not your fault, okay?"
Napangiti ako nang guluhin ni Byun 'yong buhok ko.
"Kumain ka na nga lang."
Tumango ako't umupo para nga kumain. Kanina pa kasi talaga kumakalam sikmura ko. Ang hirap naman kasi pag-inartehan ng gago'ng Naruto. Parang sorry lang, eh.
"Ang sarap, ah! Saan niyo 'to inorder?"
Tanong ko nang matikman ko 'yong Carbonara.
"Jen made that. Delicious?"
Gulat akong napatango-tango.
"Talaga? Nandito pala siya?"
"Yeah. You must have forgotten that he's Kyungsoo's ALL-IN-ONE maid."
Napanguso ako.
"Kawawa naman si Jen. Parang galit nga ata si Dyo sa kanya, eh," pasimpleng ngumiti si Byun.
"You think?" Tanong niya kaya agad akong tumango. 'Yon kasi 'yong napansin ko, eh.
"How are you feeling?" Napatingin ako sa kamay ni Byun na humaplos sa pisngi ko saka ako napatingin sa kanya.
Natigilan tuloy ako sa pagkagat ko ng hotdog. Para kasi akong tinutunaw ng mga titig niya.
"A—ayos naman na ako."
Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko habang nagsasalita.
"That's great! I'm really worried."
Napalunok ako. Bakit ganito kung magsalita si Byun? Feeling ko inaakit niya ako. Jusme! Itong babae tayo at marupok! Madali lang tayong matukso— chor!
"Ahem! Kumain ka na ba?" Pag-iba ko ng topic. Masyado kasing awkward 'yong atmosphere.
"A—oo, tapos na," nauutal niyang sagot sabay hila ng kamay niya palayo.
"Tikman mo nga 'tong carbonara. Masarap, sobra!"
Kumuha ako ng carbonara para isusubo sana sa kanya. Kinuha niya kasi agad ito at isinubong mag-isa.
Ano ba 'yan. Moment na 'yon, eh!
"You don't need to serve me. You're injured," ngumunguya niyang sabi.
"Well, it's the least thing I can do for you. Palagi mo nalang kasi akong tinutulungan."
"It's because I like you."
Natigilan ako saka siya dahan-dahang tinignan. Just like me, nagulat din siya sa sinabi niya.
"A—I mean—I didn't mean it that way! A-ano kasi—"
Gusto kong matawa sa naging reaksyon niya. Ang pula-pula na niya naman kasi at hindi siya makatingin sa akin ng diretso.
"Ayeehhh! Ikaw Byun, ah? Crush mo pala ako hindi mo man lang sinabi."
Panunukso ko kaya maslalo siyang namula.
Napahagikgik nalang ako ng bigla siyang tumalon sa kama ko at nagtalukbong ng kumot.
Kita mo 'to! Masyadong guilty, eh.
Tumayo ako saka ko hinila ang kumot.
"Parang tanga 'to ahahaha. Nahiya ka pa, eh, ang kapal na kaya ng mga mukha natin sa isa't-isa."
Panunukso ko ulit habang hinila-hila 'yong kumot pero ang gagu nagmamatigas at nakipag-agawan pa.
"Aniya!" Pag-iinsik ng pota. Haist!
Napunta na kasi siya sa gilid ng kama sa kakaagawan namin ng kumot.
Nakatalukbong parin kasi siya kaya hindi niya namamalayan. Kapag itong kumot napunit, makakatanggap talaga kaming dalawa ng mamahaling suntok galing sa milyonaryong si Suho.
Umakyat akong kama para matodo hila ko 'yong kumot. Isang kamay lang kasi ang gamit ko.
"AY BAYAG NI—"
Hindi ko na naipagpatuloy ang linya ko nang bumagsak akong sahig. Nahulog kasi si Byun sa kama kaya nahila ako kasi nga hawak ko lang 'yong kumot. Buti nalang hindi nadali 'yong sugat ko.
Namulat ako at laking gulat ko nang bumungad sa akin ang mukha ni Byun na gulat na nakatingin sa akin kaya muli akong pumikit.
Noko po! Lumalandi na naman po 'yong puso ko.
Muli akong namulat nang maramdaman ko ang kamay niyang humaplos sa pisngi ko.
Saktong nagtama 'yong mga mata namin kaya nanigas 'yong buo kong katawan.
Halos 'di na ako makahinga ng maayos sa posisyon namin ngayon. He's literally on top of me at ang lapit-lapit lang ng mukha niya sa akin.
Hindi ko mabasa ang ipinahihiwatig ng mga mata niya. Nalulungkot ba siya? Masaya?
I froze nang muli niyang hinaplos pisngi ko ng kaliwa niyang kamay.
Jusmeyosantisima!
Puso ko! Huwag kang kumerengkeng diyan. Huwag kang pumayag na dalawang uwak ang makapangloko sayo!
Ewan ko na lang kung nakailang mura na ako sa isipan ko nang dahan-dahang inilapit ni Byun 'yong mukha niya sa mukha ko hanggang sa—WAAAHHHHHHH—WALA!
Ninose-to-nose lang ako ng gagu.
Nakakadisappoint! Magsama sila ng kapatid niya.
Nginitian niya muna ako bago naupo sa tabi ko at maingat akong tinulungan sa pag-upo.
"Are you okay? Are you hurt?" Tanong niya saka tinignan 'yong sugat ko.
"Yukata!" Dagdag niya pa.
Napataas ako ng kilay. Bigla-bigla nalang kasi siyang nag Jajapanese. Otaku ako noon at dating sigang miyembro ng hentai clan kaya nakakaintindi ako ng Nihonggo.
Nakatitig lang ako sa kanya habang walang kibo.
Bakit hindi nalang ako sayo nahulog ng ganito ka sama Byun? Masasalo mo kaya ako? Dati naman san kitang crush, eh.
Muli ko na namang naramdaman ang pagkirot ng puso ko.
Napaka masokista ko pala.
Bakit hindi ko man lang namalayang mahal ko na pala talaga ang Luhan na 'yon at kahit sumagi lang sa utak ko 'yong nagawa niya sa akin, ganito na ako kung masaktan?
Ang unfair lang kasi hindi niya nakikita 'yong hinanakit ko o baka nakikita niya naman sana, wala lang talaga siyang pakialam.
Napatingala ako nang punasan ni Byun 'yong luha ko sa pisngi.
Umiiyak ako?
"Mygosh! Pinagpapawisan ata mga mata ko."
Sabi ko habang tumawa-tawa but he didn't buy it, seryosong-seryoso siya habang nakatingin sa akin.
"It's okay to cry. I won't judge," bulong niya.
Gusto kong ngumiti at magbiro pero hindi ko kaya sa ngayon. Ganito pa nga lang ang natatanggap kong pasakit galing kay Naruto, pakiramdam ko hindi ko na kakayanin.
Supposedly, magagalit ako sa kanya pero bakit parang hindi ko magawa?
"Byun? Bakit nga ba tayo nasasaktan kapag nagmamahal?"
Panimula ko habang pinipigilan ang mga hikbi ko. Nakita kong tumaas 'yong kilay niya pero agad naman itong bumaba.
"So, you do really love him."
Hindi ako kumibo. Hindi naman siguro siya ganoong katanga para hindi mapansin, 'di ba?
"We tend to get hurt because we love," he sighed.
Nanatili akong nakayuko.
Ayokong nakikita niya akong ganito. Ayokong nakikita niya akong mahina at nasasaktan.
Tinignan ko kamay niya nang hinawakan niya pisngi ko.
"Stop crying now."
Bulong niya. Tignan niyo nga 'tong tulangis na 'to! May nalalaman pa kaninang It's okay to cry. I won't judge, tapos ngayon pinapatahan niya ako? May sayad ata siya sa hypothalamus!
"Stop crying, jebal. I'm sorry, but I just hate seeing my Sha-sha crying."
Tumaas kaliwa kong kilay sa kanyang sini-say.
Anong Sha-sha ba pinagsasabi ng gagung 'to?
May kaunting ngiti ang gumuhit sa labi niya habang hinahaplos ang pisngi ko.
Gandang-ganda talaga siya sa akin ngayon, eh, no? Gosh! Ang hirap talaga kapag maganda.
"And I know Luhan hyung don't want to see you crying either," napairap ako sa sinabi niya.
"Ayos ka lang, Byun? Eh, siya nga ang rason kung bakit ako umiiyak ngayon."
Napangiwi nalang siya sa 'di ko alam na dahilan.
"Seriously! Ang sarap niyong ipag-uuntog na dalawa. Actually, ikaw lang pala. Marunong ka bang mag-isip?" Untad niya.
"Ay hala! So, inaaway mo na ako ngayon? Kung saksakin ko kay mata mo ng tinidor?"
Bulyaw ko kaya natawa siya.
"Hindi talaga ako mananalo sa'yo ahaha"
"Buti alam mo!" Singhal ko.
"You haven't change at all."
Napangiwi na naman ulit ako. "Sumasakit ulo ko sayo, Byun," sabi ko pero nginiwian lang ako ng tukmol.
May kinapa pa siya sa bulsa niya saka inilabas ang isang litrato.
"I have a story," nakangiti niyang sabi.
"Wala akong pake."
"Parang share lang, eh!"
"Kfine!"
"Once upon a time, there was a little girl who fell into the play ground," panimula niya.
"Ang ang tanga!" Sabat ko.
'Di kasi tumitingin sa dinadaanan, eh! Tanga talaga.
"Hahaha oo nga! Ang tanga-tanga niya talaga."
Ewan ko kung anong rason pero bigla nalang siyang bumulalas ng tawa. Baka nabaliw na 'tong si Byun?
Nooo! Paano na ang future naming dalawa? Charot!
"Kaya 'yun natanggal ang swelas ng sapatos niya at—" pagpapatuloy niya pero binara ko ulit.
"Ay peke ng sapatos! Ang cheap naman ng batang 'yan."
"WAHAHAHAHA Seriously?"
Tinaasan ko nalang siya ng kilay. Ano bang problema nito?
"Patingin nga niyang litrato!" Bulyaw ko saka inagaw 'yong litrato sa kanya.
Biglang napaawang ang bibig ko ng makita ko ang isang babaeng sobrang cute katabi ang dalawang lalaking singkit.
"Teka! Sa pagkakaalala ko ako 'tong babae, ah?"
Taka kong tanong. Rinig ko nalang napabuntong-hininga si Byun saka may kung ano pang pinagchuchuchu. Umiinsik nanaman kasi, eh!
"Ano'ng sabi mo?" Tanong ko.
"Geez! That's you, Shye!"
"Huwag mo nga akong pinagloloko, Byun! Hindi ka funny. Bakit naman tayo magkakasama sa isang picture noon?"
Nasampal niya nalang sarili niyang noo saka napahilamos ng mukha.
"Look!" Inis niyang sabi saka inagaw pabalik 'yong litrato.
"That girl is you!" Sabay turo niya do'n sa babaeng sobrang cute na sa pagkakaalam kong ako.
"And them—" tinuro niya ang dalawang katabi ko.
"That's me and Luhan hyung!"
Kumunot-noo ko saka siya tinignan.
"Ano?" Mahina kong tanong kaya mariin siyang napapikit.
"Shye! I'M HYUNNIE AND LUHAN HYUNG IS LULU!" Sigaw niya nalang talaga.
Dahan-dahan akong napatakip ng bibig.
Lulu? Oo, siya!
Siya 'yong kaibigan ko noon na nagbigay sa akin ng kwintas na palagi kong suot ngayon at 'ykng lalaking nangako sa akin.
Hindi ako nakapagsalita dahil sa mga ala-alang isa-isang bumabalik sa isipan ko.
Hindi ko nalang namalayang tumulo na naman ulit 'yong mga luha ko.
All this time! All this time nasa harap ko na pala ang taong matagal ko nang hinihintay. 'Yong kauna-unahang taong akinh minahal. 'Yong lalaking nangako sa akin na bubuo kami ng pamilya paglaki naming dalawa.
"Potangina," mura ko nalang saka natawa ng sarkastiko. "Potangina lang talaga. Ang saklap."
Kinagat ko agad labi ko para 'di muling maiyak.
Nagbago na ang lahat. Wala nang gano'n, Shye. 'Yong ipinangako niya noon sayo, sa iba niya na gustong gawin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro