Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

SHYE's POV

Dalawang araw na rin ang nakakalipas simula no'ng makarating kami dito sa Korea and within those days, wala akong ibang ginawa kung hindi ang magpahinga habang sina Byun naman at ang iba, laging pumupuntang main studio.

Hindi rin naman ako lumalabas ng kwarto kaya fast forward na natin 'to. Nakakatamad rin mag kwento charot!

Humugot ako ng napakalalim na hininga the moment makalabas ako ng van. Sobrang siksikan kasi sa loob kasi nakisakay 'yong isang staff kuno ng EXO.

Palagi tuloy ako'ng napapagalitan ni Naruto kasi nauupuan ko minsan 'yong hita niya.

Aba! Kasalanan ko bang matambok pwetan niya kaya ang laking space 'yong kinuha niya?

Hmm! Akala ko pa naman goods na kami, pina-plastic lang pala talaga ako ng depungal.

Today is the day na lilipat kami sa mansyon na pagmamay-ari ng rich kid na si Suho at dahil nga mansyon, napa-wow na naman ulit ako.

Ilang beses na talaga akong nasampal ng katotohanang decoration lang talaga ako sa mundo'ng 'to.

Nasa harap ng mismong mansyon nag park 'yong sinasakyan naming van kaya naman halos mag bending na ako makita lang 'yong pinakatuktok.

"Suho?" Kublit ko sa kanya pagkalabas niya ng van.

"Oh?" Sinulyapan niya lang ako't isinampa ang mamahalin niyang bag sa kanyang likuran.

"Nag h-hire ba kayo ng katulong, baka pwede mo naman akong ipasok?"

Rinig kong may tumawa sa likuran ko. Si Byun, sabay akbay sa akin.

"We'll have our own house as big as this soon," bulong niya pa't nahiyaw nang batukan siya ni Naruto.

Magrereklamo pa sana si Byun pero dire-diretso lang na naglakad papasok ang aburidong jinjuriki.

"I thought you, guys, were okay?" Tanong ni Dyo, bitbit-bitbit ang mga binaon niyang mangga mula pa Pinas.

"Akala ko rin nga, bahala siya diyan. Akala niya naman kung sino'ng chiks!"

Pumasok na kami't halos mabasag mga mata ko sa kakagala ng aking paningin sa kabuuhang anyo dito sa loob. Hindi ko na nga maabot 'yong ibang parte sa sobrang lawak.

This is probably ten times bigger and wider sa tinutuluyan nila sa Pinas. Nakaakbay parin si Byun sa akin kaya 'di ko masyadong pinahalata sa kanya kung gaano ako ka ignorante amp.

"Welcome to my house," masayang sabi ni Suho.

Sanaol, happy.

"House mo lelang mo," bulong ko nalang sa sarili ko.

Nakakainggit pero kasi katas 'to ng paghihirap niya't at a very young age, nag ma-manage na siya ng sarili niyang kompanya habang ako, ito, palamunin parin uwu.

"C'mon, I'll show you to your room."

Napasinghap ako nang biglang pumagitna si Naruto sa amin ni Byun kaya nagkahiwalay kami.

Wala'ng nakapag-react sa amin at dire-diretso niya na akong hinila sa kung saan. Naiwan tuloy maleta ko sa tabi ni Byun.

Sabi ko pa'ng babalikan ko pero sabi naman niya, mga katulong nalang daw ang kukuha no'n para naman raw may silbi naman sila sa buhay ko.

Apaka mata-pobre talaga ng defuta, eh, mas mayaman pa naman talaga si Suho sa kanya. Hindi ko nga alam kung ano talaga estado niya sa buhay aside sa mayaman pamilya nila nina Byun.

Halos maduling ako sa sobrang dami ng pasilyo na dinaanan namin ni Naruto. Hindi na dapat ako ma sh-shock, eh, kasi sanay na dapat ako do'n sa Pinas pero wala, eh. Tanginang ka pobrehan 'yan.

Unlike doon sa Pinas na walang katao-tao, dito naman, meron na, kahit papaano. Pero syempre, mga katulong din lang.

Ayos 'to! May magiging kaplastikan na ako muahaha.

Ang dami rin naming nadaanang malalanding hayop––este mga katulong dito sa loob. Ansasama pa ng mga tingin nila sa akin na para ba'ng nang-agaw ako ng hindi sa akin––well, totoo naman, pero 'di ko naman talaga aagawin. Trabaho 'to, aba!

Nakatitig lang silang lahat kay Naruto habang nililigaw ako.

Ewan ko na kung saan na kami napunta. Nakailang liko pakanan, pakaliwa, paatras, paabante, pasplit, pabending na kasi kami pero hanggang ngayon hindi parin kami nakakarating sa your room na sinasabi niya.

Baka ginogoodtime na naman ako ng animal! Ikukudkod ko talaga mukha niya sa marmol na sahig nitong bahay ni Suho.

"Here we are," sabi niya't bumitaw sa pagkakahawak niya sa akin.

"Okay," matabang kong sagot.

Sinukat ko lang ng tingin ang napaka-laki'ng pintuan na nakabalandana sa mismong harapan ko.

"What kind of face is that?" Kunot-noo niyang tanong.

"Mukha ng maganda," umirap ako. "Saka naisip mo ba kung paano ako lalabas sa lugar na 'to? Wala na ba'ng mas malapit sa may entrance o exit na room?"

"Can't you just stay here?" Bulyaw niya sabay bukas ng pintuan at hinila ako papasok.

Binitawan niya ako sa mismong gitna ng room tas naglakad mag-isa papunta sa napakalaking bintana habang ako, ito, napakyu na naman ng kahirapan.

White lahat nang andito sa loob. Mula tiles hanggang ceiling. See through din ang sliding door papuntang balcony at ang puti nitong draperies kaya kitang-kita ko 'yong malawak nilang hardin.

Halatang inaalagaan ito ng mabuti ng mga katulong na nakaassign doon.

Kahit gustong-gusto ko nang magmura ng malutong, hindi ko ginawa. Masyadong halata ang pagiging hampas-lupa ko kapag gano'n. Kaharap ko pa naman ang jinjuriki'ng mata-pobre.

Narinig ko lang siyang tumawa. Tinignan ko siya. Nakahilata lang ang bwesit sa queen size bed na may pure white sheet.

"Well? Aren't you gonna explore your room?" Sabi pa ni Naruto na ngayo'y nakahilata na queen-size bed sa kanan ko.

Nakangiti pa siya.

Apaka gwapo talaga ng gagu. He's really perfect for a human. Ang swerte siguro ng girlfriend niya.

Nalungkot ako bigla nang maalala ko ang bagay na 'yon.

Nandito nga lang pala ako as his on-cam girlfriend. Obligasyon kong palaging nakasunod sa kanya kahit saan. Kahit alam kong kapag nagtagal pa 'to, masasaktan din ako.

Bakit kaya ang unfair ng mundo sa akin, ano? Si Matt, sabi niyang hinding-hindi niya raw ako iiwan pero pinako niya rin lang. Ipinagpalit niya ako! Iniwan! Sinaktan!

Tapos ngayon? May boyfriend nga akong kahit aburido, sumpungin, masungit, at kampon ng kadiliman pero mabait din naman, hindi naman akin at hinding-hindi magiging akin kasi may nagmamay-ari na sa kanya noong una pa.

Ako pa nga ata ang kontra bida sa love story nilang dalawa. Kombaga sa kwento ni Cinderella, ako ang evil step mother at syempre, si Naruto ang prince.

Sa kwento naman ni Snow White, ako 'yong witch, si Naruto parin ang prince.

Kay Sleeping Beauty, ako 'yong spinning wheel tapos si Naruto 'yong uwak charot.

"Why are you staring at me like that? Na g-gwapuhan ka sa akin, no?"

Napakurap-kurap ako nang magsalita siya.

"H-Hindi, ah!" Agad kong tanggi. "Apaka feelingero mo naman."

Agad akong tumalikod bago niya pa mahalata ang pagkabalisa ko. Nagkunwari nalang akong tinitignan 'yong chandelier na made of diamonds.

Totoo kaya mga 'yan? Makahingi nga kay Suho ng isa.

Muli siyang tumawa at feeling ko tumayo na. Tumunog kasi 'yong kama.

"Whatever, commoner," he chuckled. "Just wait for your staffs to be carried out by the maids. If you feel the needs of going to the kitchen, just turn right the moment you get outside your room. Just turn another right then go straight ahead. You'll get there in no time."

Sabi niya bago siya lumabas. Salamat at makakahinga na ako ng maayos.

Naku! Hindi talaga 'to pwede.

Hinawakan ko ang dibdib ko saka ito pinakiramdaman. Anlakas ng pagkabog nito.

"Tigil-tigilan mo 'yan, tangina mo!" Pagmura ko sa sarili kong puso.

"Hindi na ako natutuwa sa pagkabog mo'ng 'yan, ah!"

Pinakalma ko na muna ang sarili ko bago ako napaisip na lumabas muna sa pagkalaki-laki kong kwarto. Kailangan kong uminom ng tubig at feeling ko madedehydrate na ako sa sobrang pamamawis ko kanina nang mamamalayan niya akong nakatitig sa kanya.

May fridge naman do'n sa loob, kaso walang laman. Lalagyan pa lang daw sabi no'ng maid na nagdala ng gamit ko.

"Hey commoner!"

Natigilan ako saka napalingon sa likuran ng marinig ko ang boses ng uhuging si Naruto.

Hindi ko naman siya nakita.
Hala! Shit! May multo ba dito?

"Hey commoner come t––"

"Waahhh multooo!"

Napakaripas ako ng takbo nang muling magsalita ang kaboses ni Naruto. Balita ko pa namang uso ang doppelganger dito sa Korea.

Pakyu kang bahay ka!

Ilang segundo na ang lumipas bago ko ma-realize ang katangahan ko. Agad akong tumigil sa pagtakbo saka nilingon ang pintuan ng kwarto kong 'di ko na makita.

Potek! Anlaking mansyon pa naman neto. Nakapa-specific ng directions na binigay ni Naruto kanina, paano ko 'yon masusunod, eh, 'di ko alam kung ilang liko na 'yong nagawa ko.

"Anlaki mo talagang julogs," napasampal nalang ako sa sarili kong noo.

'Di pa nga ako sure kung tama pa ba 'tong naaalala ko. Parang may narinig rin kasi akong pakanan, pakaliwa, pasulong, paatras paabante, bumending, tumambling at umisplit sa sinabi niya.

Meron ba?

Kainis! Mukhang maliligaw ata talaga ako ngayon.

Lumipas ang ilang minuto at kanina pa ako pabalik-balik dito sa harap ng kwarto ko.

Oo, nakabalik ako pero, shit lang! Sa dami ng crossing, ba't dito parin 'yong bagsak ko?

"Hi, ma'am!"

"AY BAYAG NI LUHAN THE BIRD!" Napatili ako nang may kumublit sa likuran ko.

Agad naman akong napalingon at nakita ang isang babaeng nakasuot ng maid suit habang nakangising nakatingin sa akin.

"Huwag mo nga akong ginugulat!"
Anas ko pero nanatili parin siyang nakangisi.

"Anong nginingisi-ngisi mo diyan?"
Taas kilay kong tanong.

"Ay ma'am, pinay po ako. Naintindihan ko po 'yong sinabi niyo."

"Saan do'n?"

"'Yong ano po––"

"Shhh!" Pagputol ko pero bigla pa siyang dumikit sa akin saka may kung anong ibinulong.

"Nakita niyo na po ba ang bayag ni sir Luhan, ma'am? Makinis ba?"

Agad ko namang sinundot sa singit ang bruhildang 'to.

Feeling close na nga, kung ano-ano pang pinagsasabi. Sarap lang itapon sa pool.

May pool ba dito? 'Di bale, mamaya, maghahanap ako para may pagtatapunan ako sa babaeng 'to.

"Aray ko naman, ma'am! Hahaha joke lang, eh!" Reklamo niya habang tumatawa.

"Hoy! ikaw na babae ka––"

"May pangalan po ako, Ma'am. Reel po!"
Pagputol rin niya sa akin.

"Reel na kung Reel! Basta huwag mo na akong gugulatin sa susunod, nampepektus pa naman ako sa gums."

"Ay, sige po, ma'am. Saan nga po ba kayo pupunta, ma'am? Kanina pa kasi kita nakikitang pabalik-balik, eh."

"Trip ko! Bakit?" Pagtataray ko.

"Hahaha ay, si ma'am, sinungaling. Naliligaw po kayo, ano?"

Pangangantyaw niya kaya nakaldagan ko na siya sa likod. Rinig ko talagang natanggal 'yong lungs at apdo niya. Buti nga!

"Aray ko naman, ma'am! Totoo naman po, 'di ba?"

"Hindi, malamang," pagtanggi ko agad. "Pero gusto kong pumunta ng kitchen. Halika't samahan mo'ko bago pa kita maiumpog sa mamahaling pader ni Suho."

Tumawa pa ang shunga saka ako sinamahan sa paglalakad.

Ang dal-dal din ng isang 'to. Nakakabwesit na nga minsan kaya nabuhol ko na sa leeg niya 'yong kurtina.

Pero joke lang 'yon! Baka maligaw pa ako, eh. Mamaya nalang.

Masmatanda pa pala ako sa babaeng 'to ng ilang buwan. Sabi niya kaya nandito siya ay para masuportahan ang pamilya niya sa Pinas.

Hindi raw kasi sapat ang kinikita ng kanyang tatay lalo na't may sakit pa ang nanay niya kaya nagbakasakali siya dito sa Korea.

Mabait naman daw si Suho at ang laki raw ng ipinapasweldo nito sa kanila. Halata naman, ano.

Agad akong kumuha ng tubig sa fridge nang makarating kami sa kusina. Halos maubos ko nga 'yong isang bottle.

"Oh, ma'am. Maiwan na po kita diyan at baka mapagalitan na ako."

Sabi ni Reel saka naglakad na pabalik ng dinaanan namin kaso biglang natigilan ang gaga nang makasalubong niya si Sehun habang nakaheadset at umiinom ng kape.

Ang chiks din niyang tignan. Medyo magkamukha nga din sila ni Naruto, eh.

Nautal pa ang loka-lokang babae bago siya nag bow kay Sehun. Tumango lang si Sehun saka nagpatuloy sa paglakad papalapit sa akin.

Ngumiti naman agad siya ng makita ako.

"Hi Thye. Kamuthta ka dito?"

Masaya nitong tanong. Gusto ko sana siyang barahin sa pagiging buyoy niya kaso tinamad ako. 'Wag nalang.

"Okay lang naman. Kaso nakakaligaw talaga, eh."

Natawa siya sa sinabi ko. Nilapag niya ang baso sa mesa saka niya ibinaba sa leeg niya 'yong soot niyang headset.

"Anyway, you heard Baekhyun hyung'th compothed thong, right? He told me that he'th dedicating it to hith long losth, childhood girl friend who doethn't recognith him anymore."

Natigilan ako saglit para i-analyze ang sinabi niya.

Pinapahirapan pa talaga ako ng tarantado!

"Kababatang babae?" Tanong ko't tumango siya.

Malamang si Monika. Pero naaalala naman siya ni Monika, ah? Siya pa nga ang hindi nakakilala sa kanya.

"May ideya ka ba kung thino ang babaeng 'yon, Thye?"

Umiling ako. "Wala, eh."

He shrugged tapos kumuha ng peach sa fruit basket na nasa sentro ng lamesa saka niya ito kinagatan.

Hoy, shuta. Ang cool niyang tignan.

"And, oh!" Tinignan niya ako ng seryoso. "Hinahanap ka nga pala ni Luhan hyung. Natha thala thiya."

'Yon lang 'yong sinabi niya saka siya umalis. Hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataong tanungin siya sa direksyon.

"Naku, Shye! Ang sarap mo lang talagang iloblob sa inidoro."

Inis kong sabi saka ko binatukan ang sarili ko. Saan nanaman kaya ako mapapadpad ngayon?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro