CHAPTER 9
COLTON’s POV
I am in the middle of studying ng bigla akong may naalala.
Tama, I put a hidden camera on Demi’s condo.
Agad kong kinalikot ang cellphone ko at hinanap ang date kung kailan nangyari ang argument between her and Mom.
And Demi is not lying, si Mom mismo ang gumawa ng way para matulak siya ni Demi. She provoked her.
Akmang ida-dial ko ang number ni Demi ng biglang magpop up ang caller id ni Deather.
Nanlalambot ang magkabilang tuhod ko dahil sa balitang aking narinig. This is all my fault, my fvcking fault!
Agad akong nagmaneho papunta sa ospital na sinabi ni Deather.
Pagpasok ko ng room niya ay ang sama ng tingin nito sa akin. At first ayaw niya nga akong kausapin eh, pero may binulong sa kanya si Ate Victoria kaya pumayag siya.
I was also surprised when I saw Ate Victoria.
“Langga, I want to say sorry first. Sorry kasi hindi kita agad pinaniwalaan. Sorry if sinigawan kita.” Patuloy lang ako sa paghingi ng sorry habang siya ay blanko lang na nakatingin sakin.
“Kaya mo ba akong hintayin?” Tanong niya bigla habang nakatitig sa mga mata ko.
“B-bakit? Aalis ka?”
“Kapag fully recovered na ako ay aalis kami ni Ate. Magpapagamot ako sa Europe,” sagot niya.
“Magpapagamot? Why? Are you sick?”
“Isn’t it obvious?” Pabalang niyang tanong. “I need to see a psychiatrist.”
“Kailan ka babalik?”
“As soon as I’m fully healed.” Sagot niya at ngumiti. “You will wait for me ha, promise me.”
“I will langga, I promise.” Sagot ko at hinawakan ang kanang kamay niya.
Nag usap pa kami and gladly nagkaayos na rin. Maya-maya pa ay bumalik na ang mga kapatid niya na may kasamang isang maganda at maputing babae na nakasalamin.
“Ate Roana?” Agad na tanong ni Demi.
“Ay ang galing naman, nakilala agad ako.” Tatawa tawang sambit ni Ate Roana.
“Ikaw nga Ate!”
“Kamusta ka na? I heard what you did ha. Don’t do it again, okay?” Kaunting pangaral niya kay Demi.
Kamot-ulo namang yumuko si Demi na ikinatawa ng dalawa niyang kapatid.
“Try to laugh tutusukin kita ng syringe.” Banta nito sakin na ikinapigil ko ng tawa ko samantalang ang mga kapatid niya parang iiyak na sa kakatawa.
“Ang babaw ng mga kaligayahan niyo ha,” sambit ko na lang.
“Natawa lang kami sa actions ni Demi.” Natatawa paring sambit ni Ate Victoria.
“Okay guys enough, baka may bumuga ng apoy.” Pagpapatigil ni Ate Roana. “Ikaw si Colton diba?” Baling na tanong nito sa akin.
“Ah yes po, buti at naaalala niyo pa po ako.”
“Syempre, dati sipunin ka pa eh. Ngayon hindi na.”
Sa sinabing iyon ni Ate Roana ay hindi makapaniwala akong umiling.
“Mapanakit ka Ate ha!” Nahihiyang saad ko.
“Just stating the fact.” Tumatawang saad niya.
“Okay enough na, gabi na. Demitria needs to take a rest.” Pagpapatigil ni Ate Victoria.
“Ate, pwedeng ako muna ang magbatay kay Demi?” Tanong ko.
“That’s a great idea. Kasi look at me I haven’t change my clothes yet.” Tukoy niya sa suot niyang uniform.
“Yeah and me too, I’m planning to visit Tito Gustavo in his hospital room. Matagal-tagal na rin since the last time we bond.” Si Deather naman ang nagsalita.
“Bonding kay Tito Gustavo o sa anak?” Pangungutya ni Ate Victoria.
Namula naman ang buong mukha ni Deather na parang kamatis kaya napa yuko ito. Samantalang si Ate Roana ay tawa lang ng tawa.
Nang makabawi na si Deather ay nagsalita ito. “Ate Victoria, kung wala ka pong matinong sasabihin manahimik ka na lang!” Malakas na aniya.
Nilingon ko naman ang girlfriend ko, tulog na. “Guys, pwede? Lumayas na kayo dito? Tulog na oh!” Turo ko kay Demi.
Para namang binusalan ang mga bibig ng tatlo pa naming kasama. Nag peace sign si Ate Roana, nag mouth zip si Deather habang si Ate Victoria naman ay nagtakip lang ng bibig niya.
“Alis na kami.” Pabulong na turan ni Ate Roana at pinagtutulak ang dalawang magkapatid na mahinang nagbabangayan.
Susulitin ko ang oras na ako ang bantay ni Demi, I promised her na hihintayin ko siya and iyon ang gagawin ko. I also feel guilty that I am the reason why she committed suicide.
Nagising ako dahil may tumapik sa balikat ko.
“Bro, umuwi ka muna. Ako muna ang magbabantay kay Demitria.” Si Deather pala.
“Ahmm, sige bro. Need ko rin maligo eh. Bibili na lang din ako ng pagkain at prutas pagbalik ko.” Sambit ko at tumayo mula sa pagkakaupo.
Lumapit ako kay Demi at hinalikan siya sa noo. “Uwi muna ako langga, balik na lang ako mamaya.” Saad ko sa girlfriend kong ang himbing ng tulog.
Tinapik ko ang balikat ni Deather. “Bro, alis muna ako.” Tumango naman ito at ako ay tuluyan ng lumabas ng kwarto.
Pagkalabas ko ay diretso akong pumunta ng parking lot. Pagkarating ko doon ay pumasok na ako ng kotse ko at pinaandar ito. Nilingon ko muna ang hospital building bago tuluyang umalis.
Pagkatapak ko pa lang sa entrada ng bahay bumungad na sa akin ang matatalim na mata ng ina ko.
“Where have you been all night? Bakit hindi ka umuwi?!” May bahid ng galit na tanong nito.
“Pinuntahan ko si Demi,” tanging sagot ko.
Naglakad na ako papasok ng bahay pero talak pa rin ng talak si Mommy, hindi naman siya manok.
“Hanggang kailan ba kita pagsasabihan na hiwalayan mo na ang baliw na ‘yon?” Tumataas na ang boses niya.
“Mom! Pwede ba? Stop middling on our relationship! Akala mo hindi ko malalaman na nagsinungaling ka last time? Demi didn’t pushed you for nothing! Hindi ka niya itutulak kung hindi mo siya prinovoke! Hindi ka niya iinsultuhin kung hindi mo siya ininsulto!” Sumigaw na rin ako dahilan para tumahimik siya. “I need to take a bath, babalik pa ako kay Demitria.” Matigas na ani ko at pumanhik na papuntang kwarto ko.
I am mad, very very mad. Kung hindi ko lang siya ina baka mas higit pa doon sa pag sigaw ko ang nagawa ko sa kanya.
I heard her scream pero hindi ko na iyon pinansin. Pagpasok ko ng kwarto ko ay inasikaso ko na ang susuutin ko at pumunta na ng banyo.
I need to freshen’ up to reduce my anger.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro