Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 8

Pagkarating namin sa ospital ay agad kaming inasikaso doon. Paano ba naman kasi naka uniform pa si Ate. Wala yatang balak magbihis ‘to eh.

“What happened?” Tanong ng Doctor.

“She cut her pulse,” seryosong sagot ni Ate.

Nakaka intimidate kausap si Ate. Kasi kahit ang Doctor ay kumakapa ng mga salitang sasabihin nito.

Agad namang dinala si Demitria sa E.R para asikasuhin.

Sumunod naman doon ang Doctor samantalang ang nurse naman ay lumapit kay Ate at may inabot na fill up form.

Ilang minuto din kaming naghihintay sa labas ng e.r. Maya-maya ay lumabas na ang Doctor.

“Kailangan siyang salinan ng dugo dahil sa dami ng dugong nawala sa kanya,” seryosong saad ng Doctor sa amin.

“Ako na ang mag dodonate,” sagot ni Ate.

“Sumunod po kayo sa akin ma’am.” Tugon ng Doctor at naglakad na, agad namang sumunod si Ate.

Samantalang ako ay naiwan na nag aalala para kay Demitria.

I want to call Colton but I promised my sister na hinding hindi ko siya papangunahan sa desisyon niya.She still don’t want to see her boyfriend. And I respect her.

Ilang sandali ay bumalik na si Ate Victoria.

“I told you, Demitria needs to be treated. Look what she had done, she almost ended her life.” Nag aalala pero galit na saad ni Ate.

“If that’s what is best for her Ate, susuportahan kita.” Ngumiti ako. “Tatawagan ba natin si Colton?” Dugtong ko.

“I think we should, kailangan niyang malaman ang nangyari kay Demitria.” Seryosong saad ni Ate at nagtipa sa cellphone niya.

Akala ko ay tatawagan niya si Colton pero mali ako, lumayo siya sa akin. Mukhang importante ang pag uusapan nila ng kausap niya. Kaya ako na lang ang tumawag kay Colton.

[“Yes bro?”]

“Demitria is in the hospital.”

[“Ano? Bakit?”]

Kahit nasa kabilang linya ay halata ang pag aalala niya.

“Nagpakamatay siya.” I heard him cussed.

[“This is all my fvcking fault. Saang hospital kayo? Pupunta ako diyan.”]

I told him immediately kung nasaang hospital kami.

‘That’s it Colton blame yourself. Ikaw sa sarili mo alam mong hindi marunong mag sinungaling si Demi,’ Sambit ko sa sarili kong isip.

“Saan ka galing Ate? And sino po ‘yung kausap niyo?” Tanong ko kay Ate pagbalik niya.

“Si Doc Gareth,” sagot niya at inabot sa akin ang isang cup ng kape.

“Doc Gareth?” Takang tanong ko.

“Doctor Gareth Kuzma, he is the best Psychiatrist in Dominican Mental Hospital. He will be Demi's personal Psychiatrist.” Seryosong sagot ni Ate at uminom ng kapeng dala niya.

Sabay kaming tumayo ng lumapit sa amin ang Doctor ni Demitria.

“She is now conscious pwede na kayong pumasok sa kwarto niya.” Saad ng Doctor, nagpasalamat naman kami ni Ate sa kanya.

Umalis na ang Doctor sa harap namin kaya agad kaming lumapit sa kwarto ni Demi.

Papasok na sana si Ate pero pinigilan ko siya. “Ate, huwag niyo po muna siyang pagalitan ha.”

Tumango naman si Ate at ngumiti. Tuluyan na kaming pumasok.

“How are you feeling?” Bungad niyang tanong.

“Nahihilo ako,” sagot ni Demi.

Hinaplos naman ni Ate ang buhok niya. “Ganyan talaga, maybe because of the medicine and isa pa sinalinan ka kasi ng dugo.”

“Ate, Kuya sorry po ha. I didn’t mean to do that, I just can’t control myself.” Saad niya habang kinukutkot ang kuko niya.

“Shhh, we understand you Demitria. Do you want to eat something?” Pag iiba ko sa usapan.

“Nachos po Kuya,” sambit niya.

“Hindi ka pa pwede sa mga hard food Demi, mag soup ka muna.” Sambit ni Ate na ikinabusangot ni Demi.

Pinagtatawanan namin si Demi ng may biglang kumatok.

Nagkatinginan muna kami ni Ate Victoria bago ako tumayo para buksan ang pinto.

“What is he doing here?” May inis sa boses ni Demi.

“I called him,” sagot ko.

“Kuya I told you ayoko siyang makita right?” Galit na siya.

“Demi, it's better for you and Colton to talk. Don’t let your anger control you,” si Ate ang sumagot.

“But Ate I don’t want to!” Nagtaas na siya ng boses.

Lumapit naman si Ate sa kanya at may binulong. Tumango-tango naman si Demi.

“Fine.” Sagot nito at tinignan si Colton.

“Labas na muna kami para makapag usap kayong dalawa.” Sambit ni Ate at niyaya akong lumabas.

Paglabas namin ay dumiretso kami sa cafeteria nitong hospital.

“Ano ang binulong mo kay Demi, Ate?” Takang tanong ko.

“I told her na much better na mag usap sila para makapag paalam na rin siya.”

“Ha?” Hindi ko masyadong gets ang sinabi ni Ate.

“Kapag fully recovered na siya and madischarge na aalis kami agad papuntang Europe for her treatment.”

Tumango-tango naman ako.

“Omorder ka na, gutom na ako.”

“Makautos Ate ah?” Natatawa kong sambit.

“Susunod ka or you will follow?”

“At nagtaray na siya. Oo na ito na, oorder na po.” Saad ko.

Pagkatayo ko ay may babae akong nabunggo. Shit, ang lakas yata ng impact natumba siya eh.

“Oh God, I’m so sorry Miss I didn’t mean it.” Paghingi ko ng despensa at tinulungan siyang tumayo.

“Okay lang po Sir, pasensya din po at hindi ko rin napansin ang biglang pagtayo niyo.” Sambit niya at inayos ang salamin niya sa mata.

“Roana?” Hindi makapaniwala na tanong ko. “Kailan ka pa nakauwi?”

“Hala Detdet ikaw na ‘yan? Nitong nakaraang araw lang, inatake sa puso si Papa eh.” May nagdaang lungkot sa mata niya.

“Oh, sorry to hear that. So how is he?” Tanong ko ulit.

“Ehemm,” singit ni Ate.

“Ah Ate, naaalala mo ba si Roana?” Nakangiting sambit ko.

“How can I forget her? Kung puro Ro–” Hindi na natuloy ni Ate ang sasabihin niya dahil tinakpan ko bibig niya.

Tinignan niya naman ako ng masama kaya agad kong kinuha ang kamay ko.

“Roana, ang babaeng espasol sa buhay ni Deather.” Diretsahang sambit ni Ate kaya hindi ko siya napigilan.

Oh cafeteria floor, eat me now!

“Babaeng espasol pala ha.” Natatawang sambit niya.

I call her babaeng espasol when we were kids kasi sobrang puti niya. Para nga siyang may lahi eh. Kasi ‘yung buhok niya ay kulay chestnut brown.

“Nasaang room si Tito I want to visit him,” pag iiba ko sa usapan.

“At iniba na nga ang usapan. Ako na nga lang oorder.” Mataray na parinig ni Ate at umalis na sa kinauupuan niya kanina.

Nagkwentuhan na lang kami ni Roana habang hinintay ang pagbabalik ni Ate.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro