Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 3

“The nacho chips with lots of spicy ground beef and cheese overload are ready!” Rinig kong sigaw ni Deather mula sa baba.

“Did you hear that? Your favorite is ready. Let’s go downstairs na,” turan ko sa girlfriend kong nakasiksik pa rin sa’kin.

Tumango-tango naman ito na parang bata at hinila na ako palabas ng kwarto niya.

“Ikaw gumawa kuya?” Taka nitong tanong sa Kuya niyang naka apron.

“Alangan naman si Colton? Eh nandoon siya sa tabi mo at nilalambing ka.” Pabalang na sagot ni Deather habang tinatanggal ang apron na suot.

“Thanks Kuya, ang gwapo mo. The best Kuya ka talaga. You really are my favorite Kuya.” Saad ni Demi at hinalikan si Deather sa pisngi.

“I know that I’m handsome Demi and besides ako lang naman ang nag iisang Kuya mo.” Sagot nito sa kapatid at ginulo pa ang buhok.

Pinangunahan ni Demi ang pagkain sa Nachos kaya syempre sumunod na kami ni Deather.

“By the way, Demi you need to go back to your condo na. I will be out of the country this weekend,” pag umpisa ng usapan ni Deather.

“Ano ang gagawin mo doon, Kuya?" Tanong ni Demi at sumubo ng isang buong nachos.

“Dahan-dahan sa pagsubo, walang aagaw sa‘yo.” Saway ko sa kanya.

Pero sa halip na sumagot ay tinignan lang ako nito ng masama.

“I need to meet one of my client in Singapore Demi, so I do suggest you behave. Huwag mong bigyan ng sakit sa ulo si Colton,” habilin ni Deather.

“It depends,” tanging sagot ng girlfriend ko.

“It depends?” Tanong ko.

“It depends on my mood.” Sagot nito at ngumiti.

“Stop smiling like that Demi, ang creepy mo.” Saad ni Deather at ngumiwi.

“Maganda naman.” Sagot ni Demi at tumayo.

“Hangi–”

“Subukan mong ituloy ‘yang sasabihin mo langga, may tatarak sa lalamunan mo.” Putol nito sa sasabihin ko at pinaikot-ikot sa kanyang mga daliri ang hawak na tinidor.

Napalunok naman ako ng wala sa oras.

“PATOLA!” Sigaw nito at tumawa.

“Langga naman eh.” Saad ko habang nagkakamot ng batok.

“If you can just see your face, para kang tinakasan ng dugo.” Tumatawa pa rin niyang saad.

“It’s not funny langga,” seryoso kong sabi sa kanya.

“Then, doon ka sa nag HI COLTON sa‘yo. Baka mapatawa ka niya.” Sagot nito at padabog na lumabas ng kusina.

“Ano na naman nagawa ko?” Tanong ko kay Deather.

“That’s what we both don’t know. And it’s for you to find out.” Sagot nito at tinapik ang balikat ko.

“Ano na naman kasalanan ko?” Tanong ko sa butiking nasa kisame. “Baka ikaw alam mo.” Dugtong ko pa, pero ang pist*ng butiki naglaglag lang ng tae sa harap ko at umalis.

“Walang hiya kang butiki ka!” Sigaw ko at kumuha ng pamunas para punasan ang tae niyang iniwan.

Pagkatapos kong punasan ang iniwang ginto ng butiki ay lumabas na ako ng kusina at tumungo sa sala.

Akmang maglalakad na ako papuntang kwarto ni Demi ng...

“Aalis ka na?” Takang tanong ko pero nilampasan lang ako nito. “Oy langga!” Habol ko dito pero walang epek pa rin. “Demitria Gazon Arevalo!” Sigaw ko na agad nagpalingon sa kanya.

“Yes?” Nakangiti nitong tugon.

Oh diba guys effective. Gawin niyo rin sa mga girlfriend niyong may sapak sa utak. ‘Yon ay kung mayroon kayo.

Agad akong lumapit sa kanya. “Ako na magdadala niyan, ayokong napapagod ang palangga ko eh.” Saad ko at kinuha ang dala niyang maliit na maleta.

Isang malapad na ngiti naman ang iginawad niya sa'kin.

“Bati na tayo ha,” saad ko at tumango naman siya.

Napangiti naman ako dahil doon.

“Tara na,” pag aaya nito sa akin kaya tumango ako.

Pagkarating namin ng condo niya ay agad siyang dumiretso sa kwarto niya, agad ko naman siyang sinundan.

Pagpasok ko ay nakasalampak na siya sa kama niya.

“Tired?” Tanong ko sa kanya.

“Just a little bit, I want to sleep langga.” Sagot niya at pinikit ang mga mata.

“Then rest. By the way langga, uuwi pala muna ako ha. I need to finish some stuffs for school pa eh.” Tumango naman siya kahit nakapikit. “But I promise babalik ako agad dito after.” Dugtong ko at hinalikan siya sa noo.

Dumilat naman siya. “Just please lock the door when you leave." Utos niya at pumikit ulit.

Nagpaalam na ako sa kanya and as she asked I made sure that the door was locked when I left.

Pagkarating ko sa bahay ay wala na naman akong naabutan. May pasok yata ang parents ko sa school kung saan sila nagtuturo. Agad akong dumiretso sa kwarto ko para magpahinga saglit at ayusin ang dapat gawin mamaya.

Agad akong humiga sa kama at ilang sandali pa ay bumigat na ang aking mga talukap hanggang sa nilamon na ng dilim ang paligid.

“Langga?” Rinig kong tawag ni Demi.

“Langga? Where are you?” Sigaw ko dahil sobrang dilim ng paligid.

“Langga, help me please!” Umiiyak niya ng sigaw.

“Demi, where the hell are you?!” Sigaw ko pabalik.

Agad kong naalala na may dala pala akong cellphone, inilabas ko ito mula sa bulsa ko at binuksan ang flashlight nito.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid, I saw blood scattered on the floor. Agad ko itong sinundan until I reach the corner of my room.

Then I saw Demi holding a gun, and pointing it to me.

“L-langga, w-where did you get that gun?”  Kinakabahan kong tanong.

“You all betrayed me, You said you love me!” Sigaw nito pero nakatutok pa rin sa akin ang baril.

“I love you Demi, you know that!” Sigaw ko sa kanya dahilan para magpaputok siya ng isang beses.

Napapikit naman ako at pinakiramdaman ang sarili ko.

“You love me?” She chuckled. “If you do love me you won’t let them hurt me! You won’t let them put me on that fvcking facility! You told me what ever happen hindi mo ako iiwan!“ Sigaw niya pero hindi pa rin ako dumidilat. “Open your eyes Colton, look at me.” Sa sinabi niyang iyon ay dahan-dahan kong iminulat ang mata ko.

Pagmulat ko ay nakita ko siyang tinutok ang baril sa sarili niyang ulo habang tumatawa.

“Langga, please don’t do that.” Pagmamakaawa ko habang unti-unti siyang nilalapitan.

“Huwag kang lalapit!” Sigaw niya at mas idiniin ang baril sa ulo niya. “Kagaya ka lang nila, sinaktan mo lang ako.”

Akmang tatakbo ako sa kanya ng biglang...

“Colton! Wake up! You are having a nightmare!” Rinig kong sigaw ni Mom habang ginigising ako.

Wala sa sarili akong bumangon. “Where is Demi?” Agad kong tanong.

“Demitria is not here Son," nag aalala na sagot ni Mom.

“I need to see her.” Sagot ko at bumangon.

“No Colton, stay here. Ipahinga mo muna ang sarili mo. I know Demi is okay.” Sagot ni Mom at pinahiga ako ulit.

Parang wala akong lakas para bumangon. I feel so drained, I feel so... tired.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro