Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 25

Kaming dalawa ni Ronald ang bantay kay Colton ngayon, nailipat na kasi siya sa recovery room.

Napalingon kaming dalawa ng bumukas ang pinto.

“Colton.” Umiiyak na sambit ng Mommy niya pagkapasok. “You! This is all your fault!” Duro nito sakin pero hindi man lang ako natinag.

Akmang magsasalita ako ng biglang magsalita si Ronald.

“You don’t have any right to blame my fiancé.  Hindi kasalanan ni Demitria kung bakit naaksidente ‘yang anak mo.” Singhal ni Ronald na ikinangiti ko.

“And who the heck are you?” Nagwawalang tanong ni Emelinda habang pinapakalma siya ng asawa niya.

“At sino ka para sagutin ko?” Pabalang na sagot ni Ronald.

Burn, sunog…

“How dare you, hindi mo ako kilala? Pwes magpapakilala ako. I am Emel—”

“Hindi ako nagtanong.” Sagot ni ronald at tinalikuran ito. “Love let’s go, hayaan natin silang bantayan ‘yang anak nilang may sapak.” Saad nito sakin na agad ko namang sinunod.

Pagkalabas namin ng kwarto ni Colton ay tumawa kaming pareho at nag high five pa sa isa’t isa.

“Have you seen how pissed she was?” Tanong nito sakin habang nakaakbay.

Naglalakad na kami papuntang Canteen.

“Yeah, ano nga ulit Love? Hindi ako nagtanong.” Pag uulit ko pa sa sinabi niya.

Agad na sumeryoso ang awra niya. “Kapag ikaw sinisi niya sa nangyari sa anak niya ipapakulong ko siya.”

“Ronald…”

EMELINDA’s POV

Awa, iyan ang nararamdaman ko ngayon para sa anak ko. This is all my fault, dapat talaga hindi ko na siya hinayaang umalis eh. But how? Tinakot niya akong magpapakamatay siya kaya wala akong choice.

“Stop crying.” Pag aalo ng asawa ko.

“Naaawa ako sa anak natin. Paano kung hindi na siya makakita?” Umiiyak na tanong ko.

“Don’t be negative Emelinda. Makakakita pa ang anak natin, ibalik na lang siya natin sa Italy para doon na siya mapagamot.” Tumango ako.

Demitria already moved on and may fiancé na siya. While my son? Bulag na, hindi lang sa pagmamahal kundi pati sa totoong buhay na.

Nakita kong gumalaw si Colton kaya lumapit ako sa kanya.

“Son, Mommy is here.” Sabi ko at hinawakan ang balikat niya.

“Mom, bakit ang dilim? Why I can’t see anything?” Tanong niya na ikinaiyak ko.

“S-son…” I can’t say anything, hindi ko kaya.

“Son, it’s me your dad. Ang sabi ng Doctor the accident affect your vision.” Sabi ng asawa ko at niyakap ako.

“Where is Demitria?” Tanong ni colton na ikinainit ng ulo ko.

“Pwede ba Colton? Can you please stop looking for her? May kasintahan na pala siya. Hindi mo ba alam ha?” May galit na sabi ko.

“Alam ko Mom,” sabi niya.

Unbelievable… “Alam mo? So bakit hindi ka pa umuwi?”

“Kasi hindi ko kaya, hindi ko matanggap.” Sagot nito at nag iwas ng tingin kahit hindi niya naman kami nakikita.

“Kaya ka nagpakamatay?!” Sigaw ko na.

“Emelinda, your heart.” Pagpapakalma ng asawa ko.

“Kausapin mo ‘yang anak mo. Baliw na!” Sigaw ko at lumabas ng hospital room niya.

COLTON’s POV

Akala ko mamamatay na ako hindi pa pala. Pero parang ganun na rin kasi bulag na ako. Pinayagan ako ng Doctor na bumyahe pabalik ng Italy para dito na lang magpagamot.

“Son, are you ready? Today is your operation.” Dinig kong sabi ni Mom.

“Ready but nervous Mom, paano kung hind—”

“Cut that word Son, gagaling ka.” Putol ni Mom sa sinabi ko.

Tumango naman ako.

After the operation ay bumalik ang paningin ko kaya sobrang tuwa nila Mom and Dad.

I miss seeing their faces.

“We are so happy for you anak.” Umiiyak na sabi ni Mom.

Niyakap ko naman siya. “So am I, Mom.”

Halos dalawang taon din akong bulag pero nagising na sa katotohanan. Demitria is already married to the man who really deserves her. A man I know who will love  her until the end.

“Son are you ready to go home?” Tanong ni Mom.

Ngayon ang araw ng uwi namin sa Pilipinas.

“Yes Mom, I am.” Nakangiting sagot ko.

Nagpatayo ng bagong kumpanya ang parents ko sa Pilipinas. And I heard kasosyo daw nila ang Gazon Textile.

Everything really happens for a reason. Sa paglipas ng panahon ay nagkasundo na ang mga pamilya namin. And me? Sa paglipas ng panahon ay naka moveon na rin, time doesn’t heal wounds for it only teaches us how to deal with the pain.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro