CHAPTER 21
“Handa ka na bang harapin siya?” Tanong sa akin ni Ate.
“I have to do this Ate, kailangan kong palayain ang sarili ko sa galit na nasa puso ko. I have to continue moving forward.” Sagot ko lang at ngumiti.
Bumaba na kami ng sasakyan. At agad na pumasok sa loob.
“Nasaan siya?” Tanong ko sa attendant na inassign ko para sa kanya.
“Nasa kwarto niya po, bihira lang lumabas.” Sagot nito at naglakad na, sinundan naman namin siya.
Huminga ako ng malalim... kaya ko ‘to!
Pagkarating namin ng kwarto niya ay nakita ko siyang nakaupo sa kama habang nasa kisame ang tingin.
“Stella...” pagtawag ko ng atensyon niya.
Agad naman siyang lumingon sa akin. “Demi... Demi nasaan si Colton? Sabihin mong kunin niya na ako dito oh. Ikakasal pa kami eh, Demi tulungan mo akong makalabas dito. Baka naghihintay na si Colton sa simbahan hindi pa ako naka bihis ng wedding gown, ni hindi pa ako naayusan look I'm ugly na.” Sunud sunod na aniya habang nakahawak sa kamay ko.
Akmang kukunin ng Nurse ‘ang kamay niya sakin pero pinigilan ko.
“Just let her,” saad ko.
“Baka po saktan niya kayo,” may pag aalala na aniya.
Umiling ako. “She can’t do that.” Ngumiti ako kay Stella. “Upo muna tayo?” Tanong ko na ikinatango niya.
Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya. “Demi, tulungan mo akong makaalis dito. Kailangan ako ni Colton sa simbahan.” Bulong niya.
“Sorry Stella, but I can’t.” Bulong ko pabalik. “And besides umalis na sina Colton, Stell.” Dugtong ko.
“Saan siya pumunta?” Tanong niya pero umiling ako bilang sagot. “That mother of him, she used and manipulated me. Ang sabi niya sa akin kapag daw sinunod ko ang gusto niya ay magiging akin si Colton pero nagsinungaling siya!” Sigaw niya.
Agad na nataranta ang Nurse dahil sa sigaw ni Stella. Lumabas ito at ewan kung ano ang gagawin. Si Ate naman na nasa pinto at naging alerto.
“Walang hiya siya! Hayop siya! Dapat sa kanya ay mamatay!” Sunud sunod na sigaw niya.
Lumayo ako sa kanya, mahirap na. Pero kumukuha lang ako ng tyempo para malapitan siya at subukan sa kanya ang ginagawang pagpapakalma ng Nurse attendant ko noon.
Unti-unti akong lumapit sa kanya. “Stell...” inabot ko ang kamay niya at nag umpisang imassage. “Calm down, inhale... exhale...” luckily sinusunod niya naman.
She started to calm down and started to cry. “Hush now Stella, sorry if naging biktima ka ng pagiging masama ng Mommy niya.” Saad ko habang hinahagod ang likod niya.
Hinihingal na pumasok ang nurse niya pero napapigil pa ako ng tawa ng makita ang gulat niyang mukha. “Napakalma niyo po siya?” Tanong niya ngumiti naman ako at tumango.
“She was once like Stella,” singit ni Ate. “Oh wrong, she is much worse than Stella.”
“Ate!” Saway ko.
“Just stating the fact Demi.” Sagot ni Ate at nag peace sign.
“Buti naman po.” Hinihingal pa ring sabi ng nurse. “Kapag po kasi nag uumpisa siya magwala sarili niya po ang sinasaktan niya. As you can see po, may mga pasa at sugat siya.”
Sa sinabi niyang iyon ay tinignan ko si Stella, she is right may mga sugat at pasa nga si Stella.
“Why are you hurting yourself?” Tanong ko sa kanya.
Pity, that’s what I feel for her right now. I also felt a little bit guilty kasi ginamit ko pa siya or should I say dinamay ko pa siya sa galit ko sa mga Alovero. Not knowing she is also a victim.
“I don’t want to hurt anyone here Demi, baka kasi puntahan ako ni Colton tapos magsumbong sila na sinasaktan ko sila and magalit sakin si Colton. I don’t want that to happen.” She said and umiyak na naman.
“Miss Demitria excuse po, tapos na po ang visiting hours.” Saad ng attendant niya habang nasa wristwatch ang tingin.
“Babalik ako rito ha, I will visit you again. But please Stella, stop hurting yourself.” Habilin ko sa kanya habang minamasahe ang magkabilang kamay niya. “Just do this kapag magwawala siya.” Habilin ko sa attendant habang patuloy na minamassage ang kamay ni Stella.
Tumango naman ang attendant.
“Thank you po sa pagbisita sa kanya Miss Demitria, simula po kasi ng pinasok siya dito ay wala pang pumupuntang kamag anak niya.” Saad ng attendant habang sinasabayan ang paglakad namin ni Ate.
“She’s an orphan.” Saad ko lang at nagpaalam na kami.
“Paano mo nalaman that she’s already an orphan?” Agad na tanong ni Ate pagkapasok namin ng sasakyan.
“I did some research about her Ate, that’s why mas lalo akong naguilty dahil dinamay ko pa siya.” Bumuntong-hininga ako. “
“I know that you’re just blinded by anger Demi, so stop blaming yourself again and again. Instead, let’s help her... tulungan natin siyang makarecover ng mabilis. Malay natin maging friends na talaga kayo for real,” pampalubag loob na sambit ni Ate.
Bumuntong-hininga na lang ako.
Tutulungan ko si Stella na makarecover, in that way ay mawala na rin ang guilt na nasa puso ko.
COLTON’s POV
Babalik ako ng Pilipinas and this time hindi na ako papayag na pigilan na naman ako ni Mommy.
“Uuwi ako ng Pilipinas.” Saad ko habang iniimpake ang mga damit ko.
“Are you out of your mind ha, Colton?! She pushed you away! Iniwan ka na niya!” Singhal ni Mommy.
“Yeah, she left me. And that is all because of you!” Sigaw ko sa kanya.
Wala na akong pakialam kung sabihin niya pang wala akong respeto sa kanya, she lost it...
“Don't be stvpid Colton! Hindi ka aalis!” Sigaw niya at inagaw ang maleta ko.
“Ayaw mo akong umalis? Then fine, magpapakamatay ako!” Sigaw ko at kinuha ang calibre 38 na nasa drawer ko at tinutok sa sintido ko. “Sige Mom ano? Papayagan mo akong umuwi ng Pilipinas o magpapakamatay ako!” Sigaw ko at idiniin ang baril.
“Colton no!” Sigaw niya. “Please son I’m begging you don't do this.” Unti-unti siyang lumalapit.
“Huwag kang lalapit!” Sigaw ko. “Payagan mo lang akong umuwi ng Pilipinas at wala tayong maging problema.”
“F-fine, I’m allowing you. Pero sasama ako,” saad niya.
“Hindi ka sasama. Mahirap na baka makialam ka na naman.” Seryosong ani ko.
“C-colton...”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro