CHAPTER 20
“I’m sorry,” tanging nasabi ko.
“Sorry? Saan ka nagsosorry? Doon ba sa pag sigaw-sigaw at pagpapalayas mo sa akin sa bahay niyo doon sa Italy? Or doon sa pagduro mo sa akin sa Starbucks?” Sunud sunod niyang tanong.
“Sa lahat langga,” sagot ko.
“Stop calling me langga. Tapos na tayo Colton matagal na,” sa sinabi niya ay bumilis ang tibok ng puso ko.
“W-what do you mean? Demi nagka-amnesia ako remember?” Patanong na sambit ko.
“Of course I do remember that. But Colton even when the mind forgets? The heart can still remember.” Diretsong sambit niya na mas nagpadurog sa puso ko.
“Pero Demitria mahal kita.” Pagpipigil ng luhang ani ko.
“I also loved you Colton… loved means past tense. But you know what’s worst? Hindi mo ako pinaniwalaan when I said na ako ang girlfriend mo. Oh I forgot, may amnesia ka pala kaya nakalimutan mong hindi ako nagsisinungaling kapag ikaw ang kausap ko. ”
“Look Demi, I'm sorr–”
“Maybe tama nga ang kasabihan na pinagtagpo tayo pero hindi tinadhana, maybe we are not meant to be lovers. Maybe we are not meant to be together forever, but atleast I guess we can still be friends.” Sabi niya at tinalikuran ako. Bago siya lumabas ay nilingon niya ako. “By the way, goodbye Colton.”
I left dumbfounded. Ayaw mag sink in sa utak ko ang mga sinabi ni Demitria.
Nag umpisa na akong magwala sa kwarto ko ng tuluyan ng lumabas si Demitria. Halos sirain ko ang buong kwarto.
“No Demitria!” Sigaw ko. “Mahal na mahal kita hindi mo ako pwedeng iwan!” Pagwawala ko.
Hindi ko namalayan sa pagwawala ko ay nakapasok na pala ang Doctor at dalawang Nurse na lalaki.
Hinawakan ako ng mga ito sa magkabilang braso. Pero patuloy pa rin ako sa pagpupumiglas.
“Colton calm down, makakasama sa’yo ang ginagawa mo.” Si Mommy.
“You! This is all your fvcking fault! Hindi sana ako iiwan ng tuluyan ni Demitria kung hindi ka pumagitna sa relasyon namin! Dati pa lang ay sinabihan na kita, stop middling in our relationship!” Nagwawala ako habang dinuduro ko si Mommy. “Kung hindi ka nagsinungaling sakin hindi mawawala sakin si Demitria. I will never ever forgive you for what you have done Mom! Tandaan mo ‘yan!” Patuloy lang ako sa pagwawala habang si Mommy naman ay sorry lang ng sorry habang umiiyak.
Hanggang sa unti-unti na akong nanghihina at pakiramdam ko ay lumalabo na ang mga mata ko. I didn’t even noticed na tinurukan na pala nila ako ng pampakalma.
“Demitria...” tanging nasabi ko bago ako lamunin ng dilim.
DEMITRIA’s POV
“Are you okay?” Tanong ni Ate pagkauwi ko.
“Yes,” tanging sagot ko.
“So how is he?” Tanong nitong muli.
“Suffering, suffering because of his Mother’s lies.” Sagot ko at tuluyang pumasok ng sala. “I also end everything about us.” Dugtong ko dahilan para sundan ako ni Ate hanggang sala.
“What do you mean? Demi... look hindi kasalanan ni Colton kung bakit niya nasabi ang mga bagay na ‘yon sa‘yo dati. He had an amnesia,” pagkaklaro ni Ate.
“Amnesia...” tumawa ako ng peke. “Ate ang amnesia ay sa utak lang, ibig sabihin utak lang ang nakakalimot at hinding hindi makakalimut ang puso.” Napataas na ang boses ko. “I’m sorry, pasok muna ako ng kwarto ko. I need to rest.” Sabi ko at dire-diretsong naglakad papuntang kwarto ko.
I fall out of love from him. Siguro nga tama sila hindi lahat ng pinagtagpo nung una ay tinadhanang magkasama hanggang dulo.
Napabuntong-hininga na lang ako sa mga naisip ko.
I myself I know na mahal ko siya, mahal na mahal ko siya... noon. But now, I can’t see a future with him lalo na at simula pa noong umpisa ay ayaw na ayaw na sa’kin ng Mommy niya.
“Ayokong ipilit ang sarili ko sa pamilyang ayaw naman sa akin ng ibang miyembro.” Sabi ko sa kawalan ng hindi namamalayang tumutulo na pala ang luha ko.
Patuloy lang ako sa pag iisip hanggang sa nilamon na ako ng antok.
“Demitria please kausapin mo ako!” Napabalikwas ako ng makarinig ako ng sigaw mula sa pamilyar na boses.
Colton...
Agad akong bumangon at inayos ang sarili bago lumabas.
“Why are you here?” Walang emosyon na tanong ko.
“Please kausapin mo ako. Mahal na mahal kita Demi don’t leave me please.” Aniya at lumuhod.
“Omyghad!” Narinig kong ani Ate bago nagtakip ng bibig.
“Tumayo ka Colton.” Ani ko at inalalayan siya patayo.
Iginiya ko siya paupo ng sofa. Tyaka ko lang napansin na naka hospital gown pa siya.
“Tumakas ka ng ospital?” Agad na tanong ko.
“Yes, ayaw kasi nila akong payagan na umalis.” Sagot niya at hinawakan ang dalawa kong kamay. “They disallowed me to see you.”
“Dahil hindi dapat, you should be in the hospital. You should be resting, you look so wasted.” Walang alinlangan na saad ko.
“My life will be wasted without you Demitria. So please bumalik ka na sa akin, I’m begging you.” Pagmamakaawa niya na naman. “You knew how much I love you and I know na hanggang ngayon mahal mo pa rin ako.”
“Mahal kita Colton...” ngumiti siya dahil sa sinabi ko.
“I kne–”
“Mahal na mahal kita... noon.” Pagputol ko sa sasabihin niya.
Nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata niya pero agad ring nawala. He laughed.
“Are you doing this para makaganti sa akin? Dahil sinaktan kita?” Nakangiting aniya.
He looks creepy.
“Then you won, I am so hurt. Tagos na tagos Demi,” dugtong niya.
“I’m sorry,” tanging nasabi ko.
“No, you don’t have to. Hindi mo kasalanan, it was all my fault dahil nagpauto ako sa Mommy ko.” Hinalikan ako nito sa noo. “Aalis na ako, ingatan mo ang sarili mo ha. Ate Victoria, sorry for causing nuisance.” Saad niya at dire-diretsong lumabas ng bahay.
Iyon ang huling pagkikita namin. The next thing I knew is umalis sila ng bansa.
“So what’s your plan about their company?” Tanong ni Ate kaya nabalik ako sa ulirat. “I told you that doing that thing is a bad idea, look at you right now para kang guilty.”
Nalaman na nila na ako ang tunay na may ari ng company nila. Pero wala naman silang habol kasi legal ang pagbili ko ng mga shares. Si Stella ay tuluyang nabaliw, obsessed nga talaga siya kay Colton. Mas malala pa pala sakin.
“I’m not guilty Ate,” sagot ko lang. “Aalagaan ko ang company nila.” Dugtong ko. “Kahit matagal na kaming wala ni Colton ay mahalaga pa rin sakin ang mga bagay na mahalaga rin sa kanya.”
“You really are mature Demi. Sobrang dami na ng nagbago sa‘yo.” Saad ni Kuya Deather kasama si Ate Roana. His girlfriend.
Oh diba, lahat sila may lovelife habang ako? Magiging rich tita in the city na lang siguro. Ate Victoria is now engaged while Kuya Deather is in a relationship with his childhood sweetheart.
Naging abala ako sa pamamahala ng company ng mga Alovero na ngayon ay Gazon Textiles na ang pangalan. Wala ng bahid ng Alovero sa Company maliban sa mga staffs nito. Kasi kahit isa ay wala akong tinanggal. Mababait sila lahat sa akin kaya wala akong rason para magalit sa kanila.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro