CHAPTER 2
Dedicated to: WeirdOhthor
“Colton!” Dinig kong sigaw ni Mom pagpasok ko ng bahay.
“What?” Sagot ko sa kanya.
“Ano na naman itong narinig ko ha, until when are you planning to involve yourself sa baliw na Demitria’ng ‘yun?” I knew it, nakarating na naman sa kanya ang ginawa ng girlfriend ko.
Wala talagang sikretong hindi nalalaman si Mom, for sure piniga niya na naman ang mga tauhan ni Dad.
“As long as she needs me Mom.” Sagot ko at pumunta sa kusina but sinundan niya pa rin ako.
“Are you insane? Colton hindi sa lahat ng oras ay kaya niyong pagtakpan ang kabaliwan ng babaeng ‘yan! That girl is fvcking crazy! That girl is a killer! That girl is–”
“Shut up!” Sigaw ko na nagpatigil sa pagsasalita ng Mommy ko. “Ilang beses ko ba dapat ulit-ulitin sa inyo! Don’t you ever say that fvcking words against my girlfriend, hindi niyo alam ang pinagdadaanan niya. Yes you are a good educator, but you can‘t educate yourself.” Sagot ko sa kanya at lumabas na ng kusina.
Kakain pa sana ako kaso nawalan na ako ng gana.
“I heard your argument with your Mom,” rinig kong sambit ni Dad na nasa sofa pala.
“As always.” Sagot ko at umupo sa tabi niya.
“Just understand your Mom, Son. She just wants to protect you,” saad ni Dad.
“I know how to protect myself Dad,” sagot ko.
“Even against Demitria?” Sa sinabing iyon ni Dad ay sandali akong natigilan.
“Y-Yes Dad, even against her.” Sagot ko at nag iwas ng tingin.
“I hope so, Son. Dahil hindi kakayanin ng Mom mo kapag may nangyaring masama sa unico hijo niya.” Ani Dad at tinapik ang balikat ko bago ako iwan sa sala.
Kaya ko nga bang protektahan ang sarili ko against Demi? Or kaya ba akong saktan ng babaeng mahal ko?
Iwinaksi ko sa aking isip ang mga tanong na ‘yun because I know my girl won't hurt me.
Pumasok na lang ako ng kwarto ko at tinawagan si Demi.
“How are you langga?” Agad na tanong ko pagka sagot niya.
[“Bored,”] tanging sagot nito.
Natawa naman ako. I know what to do when she says this word.
“Pupunta ako diyan, let’s make nachos.”
[“Really?”] base sa narinig kong tili niya ay alam kong nabuhayan na naman siya.
“Yes, so if I were you mag aayos na ako. Susunduin kita and mamimili tayo ng ingredients.” Saad ko narinig ko naman ang pagsigaw niya kay Deather.
[“Kuya! Colton will fetch me, bibili daw kami ng gagawing nachos!”]
“I’ll hang up na langga ha, wait for me there na lang.” Saad ko, I heard her say yes and I love you. Siya na rin mismo ang pumatay ng tawag.
After fixing myself ay lumabas na ako ng kwarto ko.
“Where are you going na naman Colton?” Salubong na tanong sa akin ni Mom.
“Just somewhere basta malayo diyan sa maingay mong bunganga Mom.” Humalik ako sa pisngi niya. “I love you, Mom!” Sigaw ko at tumawa ng mahina.
“Colton Alovero!” Sigaw ni Mom pero nag flying kiss lang ako.
I know hindi matitiis ni Mom ang unico hijo niya. I‘m not spoiled guys ha, it's just my parents love me so much.
I was at the middle of my driving ng tumawag ang girlfriend ko.
[“Langga where are you na?”]
“Malapit na ako diyan langga,” sagot ko.
[“Okay po,”] sagot nito pabalik at pinatay ang tawag.
Maya maya ay narating ko na ang building kung nasaan ang condo ni Deather. Dumiretso agad ako sa unit nito.
“Langga!” Agad na sigaw ni Demi pagkabukas ng pinto.
“Are you ready?” Tanong ko at parang bata naman siyang tumango-tango.
“Take care of her, Colton.” Habilin ni Deather at tinapik ang balikat ko.
“I will, bro.” Sagot ko sa kanya at inakbayan ang bubwit na kasama ko.
“Langga let’s go na.” Parang bata si Demi kung makahila sa akin.
“Okay, okay.” Sagot ko at nagpahila na lang sa kanya.
Pagkarating namin sa grocery store ay agad siyang namili ng ingredients para sa nachos. Kumuha rin siya ng iba’t-ibang uri ng drinks.
“Hi Colton.” Bati ng kung sino sa akin.
Nakita ko naman ang pag iba ng ekspresyon ng kasama ko.
“Who is that dog?” agad na tanong nito.
When she says dog it means “b*tch” kaya hinarap ko siya.
“She is my classmate langga,” sagot ko.
“So bakit kailangang mag hi?” Taas kilay na tanong nito.
“She just greeted us, langga.” Saad ko at inakbayan siya na agad niya naman winaksi.
“Us? She only says hi Colton,” ginaya niya pa ang tono ng kaklase ko. “I didn’t hear my name." Dugtong niya pa at tinalikuran ako.
Agad ko naman siyang sinundan. “Come on langga.”
Hinarap ako nito. “She likes you right?”
“Of course not langga, in fact she knows that I have a girlfriend.” Saad ko at hinawakan ang kamay niya.
“Okay, tara let’s pay na.” Sambit nito at nginitian pa ako.
She acts weird again.
Pagkatapos naming magbayad ay lumabas na kami ng grocery store pero walang pansinan na naganap hanggang sa makarating kami sa condo ni Deather.
“Pwedeng ikaw na ang magluto? Tinatamad na ako eh.” Utos niya at nilapag sa dining table ang pinamili namin.
“O-Okay langga,” sagot ko lang.
Tumalikod lang ito ng hindi nagpapaalam.
“What happened?” Takang tanong ni Deather ng makalapit siya sa akin.
“Ewan ko bro, basta bigla na lang naging ganyan ‘yan.” Sagot ko habang nilalabas sa paper bags ang mga pinamili namin.
“May ginawa ka bang mali?” Tanong ulit ni Deather.
“Wala naman, pero kanina kasi ‘yung kaklase kong babae ay binati ako." Sagot ko lang .
“Ayon... now I know. Don’t worry bro, lambing lang katapat n‘on, so if I were you iwan mo na 'yang ginagawa mo.” Inakbayan ako nito. “Let me do that nachos for the two of you, go puntahan mo na.”
Tumango naman ako at lumabas ng kitchen. Agad akong dumiretso sa kwarto na inaakupa ng girlfriend ko.
“Langga?” Sambit ko sa pagitan ng mga pagkatok.
“The door is close,” tanging narinig kong sambit niya mula sa loob.
“Langga naman oh, let me in na.” Saad ko at kumatok ulit.
“What’s the password?” Saad niya. Ito na naman siya sa pagiging childish niya.
“Palangga ta ka Demitria Gazon!” Sigaw ko.
Maya-maya ay bumukas na ang pinto. Success!
“May I know what’s our problem?” Malambing kong tanong pagkapasok ko.
“I’m jealous.” Sagot niya at nag pout.
Ginulo ko naman ang makintab na kulay itim niyang buhok.
“And why is my langga jealous?” Tanong ko ulit at niyakap siya mula sa likod.
“Because that girl says ‘hi’ to you.” Sagot niya at hinarap ako.
“Langga, kahit ilang babae pa ang mag ‘hi’ sa akin ay wala akong pakialam. Ikaw lang ang babaeng mahal ko.” Sambit ko at pinisil ang pisngi niya.
Isiniksik niya naman ang mukha niya sa dibdib ko.
My Girl is clingy again.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro