Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 19

I woke up with someone beside me.

“S-sino ka?” Agad na tanong ko rito. “Nasaan ako?”

“Omyghad son, I am so happy you are finally awake after 2 months.” Saad ni Mom.

“Sino siya?” Tanong kong muli sa kay Mommy na nasa harap ko.

“Son, I am your Mommy Emelinda and this is your girlfriend, Stella.” Pagpapakilala niya sa sarili at sa babaeng kasama niya. “Stella, go call the Doctor. Tell him that Colton is awake.” Utos niya sa babaeng sa tingin ko ay kaedaran ko lang.

“I know you Mom,” sagot ko.

“May masakit ba sa’yo? Do you want anything?” Sunud sunod na tanong ni Mommy.

I just shake my head a little as a sign of nothing. She just nodded.

Maya maya ay pumasok na ang girlfriend ko kuno kasama ang isang Doctor.

“Doc, why can’t he remember Stella?” Agad na tanong ni Mom.

“Colton is suffering from Anterograde Amnesia,” sagot ng Doctor.

“Anterograde Amnesia?” Pag uulit ni Mom sa sinabi ng Doctor.

“A person with anterograde amnesia cannot remember new information. This usually results from brain trauma, such as a blow to the head that causes brain damage. The person will have their full memory from the time before the injury.” Mahabang paliwanag ng Doctor.

“Pero gagaling pa naman siya right?” Si Stella ang nagtanong.

“Yes, but it will take time.” Sagot ni Doc.

Tumango naman si Mommy at umupo sa tabi ko. “You may lose your memory but we promise Son, we will create new ones... beautiful ones.”

Tango lang ang sinagot ko kay Mommy.

~

“Mom sino ba talaga ang babaeng ‘yon?” Tanong ko kay Mommy referring to the girl na nag trespass earlier.

“That girl is so obsessed with you son. She is the reason kung bakit ka na aksidente.” Saad ni Mommy at naghilot ng sintido niya.

“Why did she said na girlfriend ko siya?” Tanong kong muli.

“I don’t know son. Can you please stop asking about her? I think tataas na naman ang dugo ko because of the crazy girl.” Sa sinabing iyon ni Mom ay tumahimik na lang ako.

Years passed and ang daming nangyari. I proposed to Stella, I know deep in my heart hindi ko siya mahal. But this is what Mom wants so gagawin ko.

Everything is set until...

Umuwi kami ng Pilipinas because of some bad news. Someone stole our company and the worst thing is that my fiancé stole it.

Hearing those words from Mom makes me really mad. So hindi ko totoong girlfriend si Stella. She lied to me... all of those years she lied to me!

And the whole truth is si Demitria ang girlfriend ko. My Psycho Girl.

Nagising ako sa puro puting kwarto pero basi sa amoy nito ay nalaman kong nasa ospital ako.

“Son are you okay? You fainted earlier.” May pag alalang sambit ni Mom pero masama ko lang siyang tinignan.

“How dare you lie to me?” Tanging tanong ko.

“What do you mean?” Kunwari ay nagtataka ng aniya.

“You lied to me!” Siguradong sambit ko na. “For almost 2 years you let me live with a lie! At talagang pinalabas mo pang si Stella ang girlfriend ko at si Demitria ang dahilan kung bakit ako naaksidente. Which is not true dahil alam ko na alam mong ikaw ang dahilan kung bakit ako naaksidente!”

Hindi ko na mapigilan ang sarili kong sumigaw. Kung hindi ko lang siya ina ay baka nasaktan ko na siya.

“Son, I’m so sorry.” Tanging nasabi niya habang nakayuko.

“Sorry? Kaya bang ibalik niyang sorry mo ang mga araw na niloko mo ako? Kaya bang burahin niyang sorry mo ang mga masasamang  salita na nasabi ko sa girlfriend ko? Ha!” Sigaw ko kaya napaigtad siya. “Get out!”

“S-son.” Nauutal na pagsusumamo niya.

“I said get out! Bago ko pa makalimutang Mommy kita!” Sigaw ko kaya dali-dali siyang lumabas ng hospital room ko.

I couldn’t believe what just happened to me. Mukhang matatali pa ako kay Stella dahil sa mga kasinungalingan ni Mom. I couldn’t imagine myself being with someone else but only Demitria.

“C-colton.” Pagtawag sa akin ni Stella pagpasok niya.

“What?” Supladong ani ko.

“I swear to God I didn’t stole your company.” Umiiyak na sabi niya. “I don’t even know kung paanong may pirma ko ang documents na iyon. I know nagsinungaling kami ng Mommy mo sa’yo pero ang totoo dun ay mahal kita Colton. Simula pa noon ay mahal na mahal na kita.” Sambit niya at hinawakan ang kamay ko.

Tinabig ko ang kamay niya. “Don’t you ever touch me. Hindi pala si Demitria ang baliw eh. Ikaw! Kayo ni Mommy ang baliw! I will make you pay for what you did!”

“Colton please, your Mom just used me. Wala akong kasalanan,” sabi niya.

“Walang kasalanan? Stella, you let my Mom use you! So how come wala kang kasalanan? Ha!” Bulyaw ko. “Lumabas ka ng kwarto ko bago ko pa makalimutang babae ka at baka masapak kita!”

Umiiyak naman siyang naglakad palabas ng kwarto ko.

I need to see Demitria. Pinindot ko ang red button sa gilid ng kama ko. Maya-maya pa ay pumasok ang Doctor ko.

“Release me now. I need to see my girlfriend.” Utos ko rito.

“Girlfriend? Sinong girlfriend?” Isang pamilyar na boses ang nagpatigil sa akin.

“Demitria, langga.” Pagtawag ko rito.

“Langga? May I know whom you are referring to?” Tanong niya.

“Ikaw, you are my girlfriend.” Sambit ko. “Pakibilisan naman sa pagtanggal ng swero.” Utos ko sa Nurse.

“Chill Mr. Alovero, kung galit ka sa mundo dahil sa ginawa ng Mommy mo at ng girlfriend mo daw huwag mong idamay ang mga staffs dito.” Seryosong aniya ng hindi man lang umaalis sa akin ang tingin.

Pero hindi sa sinabi niya na tuon ang pansin ko kundi sa pagtawag niya sa akin gamit ang apelyido ko.

Demitria never called me by my last name.

“Nurse, can you please leave the two of us first?” Aniya sa Nurse kaya tumango ito at umalis. “That’s the way you should treat hospital staff.” Proud niyang ani.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro