Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 17

Ngayon ang araw ng engagement party nila Colton at Stella, but... ngayon din ang araw ng uwi nila dito sa Pinas.

“Ayos ka rin manira ng special occasion eh nuh,” sabi ni Ate.

“Ayos nga rin sila manira ng relasyon eh.” Sagot ko at inayos ang fitted dress na suot ko.

My body figure becomes almost perfect when I started taking care of it. Hindi na rin ako madalas sumpungin ng sapak ko and thanks to Ate and Kuya.

“Are you ready for later?” Si Kuya Gareth ang nagsalita.

I almost forgot, tama nga ang narinig ko last time. Isipin niyo may jowa na ang Ate ko.

“I was born ready Kuya, and I am always ready.” Sagot ko rito at tiningnan ang kabuuan ko sa whole body mirror.

“Baka mabasag ang salamin.” Paninira sa moment kong sambit ng kakapasok ko lang na kapatid.

“Shut up Kuya Deather!” Singhal ko.

“Easy Demi, kakampi mo ako aba!” Sagot nito.

“Tatahimik ka o tatahiin ko ‘yang bunganga mo?” May pagbabantang ani ko.

“Oh kalma na kalma na, Deather lumabas ka na. Baka maging manika ka pa rito,” saad ni Kuya Gareth.

“Manika?” Takang tanong ko.

“Yes, have you seen a doll ng mangkukulam? May tahi sa bibig ‘yun right?” Nangungutya na anito.

“So you’re telling me I’m a witch?” Tinaasan ko ito ng kilay. “Ang ganda ko namang witch if ever.” Ngumisi ako. “Mirror, mirror on the wall. Who will be my next victim of them all?” Sabi ko habang nasa salamin ang tingin.

“Sabi ko nga, Mi amoré sa labas muna ako. Sundan ko lang si Deather.” Paalam ni Kuya Gareth.

“Ang creepy mo Demitria, umayos ka.” Pagbabanta ni Ate. “Labas na rin ako, fix yourself and go out if you’re ready para makapunta na rin tayo sa company mo.” Ani Ate referring to the company of the Aloveros.

I just nodded and started fixing my long black hair.

Makalipas ang halos isang oras ay lumabas na ako ng kwarto ko.

“All set.” Ani ko at ngumiti.

“Let’s go.” Sagot ni Ate at inabot ang kamay ko.

Inabot ko naman ito at bumulong sa kanya. “Kamay ni Kuya Gareth ang dapat hawak mo eh.”

Pinisil naman nito ang kamay ko kaya napa igik ako. “Baliin ko kaya itong mga buto mo sa kamay?” Nakangiti nitong ani.

Sumimangot naman ako. “Masakit Ate ah,”

“Then umayos ka.” Saway nito at niluwagan ang paghawak sa kamay ko.

“Get in ladies, we need to be there as early as we can.” Turan ni Kuya Gareth at unang pinagbuksan ng pinto ng sasakyan si Ate bago ako pagbuksan ng pinto sa kabila.

“Mas gusto ko ngang ma late tayo eh, para pang highlights.” Ani ko at ngumiti. “Sb muna tayo, gusto ko mag kape.”

“Sb?” Sabay na tanong ng magjowa.

“Starbucks, duh!” Ani ko at umirap.

“Isa pang irap Demi dudukutin ko na ang mga mata mo.” Banta ni Ate kaya napabusangot ako.

“We’re here,” sambit ni Kuya Gareth. I didn’t notice na nakarating na pala kami sa starbucks. Buong byahe kasi kaming nagbabangayan ni Ate.

Agad akong bumaba at dire diretsong pumasok ng Cafe. At kung mamalasin ka nga naman...

“Look who’s here Hon. Your ex girlfriend.” Nakangising saad ni Stellalinta habang nakalingkis ang kanang kamay sa kaliwang braso ni Colton.

“Look who’s talking, the innocent leech.” Nagulat ako sa nagsalita sa likod ko.

It was my Ate with her boyfie. Tinaasan ko naman ng kilay ang babaeng nasa harap ko na bumahag yata ang buntot.

“Ate, she is not innocent. For all we know may kinalaman ‘yan sa pagnanakaw ng kumpanya ng mga Alovero eh.” Dinuro ko pa siya.

I will make you the suspect Stella. Inumpisahan mo talaga ako ha.

“What the hell? Hon, huwag kang maniwala sa kanila.” Depensa niya sa sarili at nagpaawa kay Colton.

“Can you please stop pointing your filthy finger on my fiancé Ms. Gazon.” Pagdedepensang sigaw ni Colton kay Stella dahilan para maningkit ang mga mata ko.

Those words from him are like a knife stabbing my heart. Akala ko wala na akong feelings para sa kanya meron pa pala. Hatred.

“You don’t have any right to yell at my sister.” Sagot ni Ate at dinuro rin si Colton.

“Just like how you don’t have any right to point a finger on my fiancé.” Pag uulit niya pa.

“Ay paulit-ulit? Sirang plaka ka?” Pang iinsulto ko. “Alam mo Ate, ngayon ko lang na realize, ang cheap pala ng starbucks? Nagpapapasok ng mga poor.” Ani ko at diniinan pa ang huling salita.

“Then I guess we should leave, may important meeting pa tayong need puntahan.” Sagot ni Ate at nauna pang maglakad.

“Oh I forgot, congratulations to your engagement. Ang kaso hindi kayo nagka party. Bakit pala kayo umuwi?” Tanong ko at ngising tinalikuran ang dalawa.

“Ate change of plan.” Saad ko pagkapasok ko ng sasakyan.

“And what is it?” Takang tanong nito.

“Makinig ka na lang.” I said at tinawagan si Ate Ella.

“Buenas dias Ate,” bati ko.

[“What do you need?"]

“Can you help me? May balak kasi akong iframe up eh.”

Nakita ko ang mga pagtataka sa paraan ng pagtingin ni ate Victoria sa akin.

[“On what matter?”]

“Gustong kong palabasin na si Stella ang bagong may ari ng kumpanya ng mga Alovero. Let’s just say na... gumawa tayo ng pekeng papeles stating that she is the new owner. Para magmukhang ninakaw niya ang kumpanya.”

“You sound like a kontrabida Demi.” Singit ni Ate Victoria.

“Bidang kontrabida,” sagot ko.

“Can you help me Ate Ella?” Pagpapatuloy ko sa kausap ko sa cp.

[“Consider it done, ipapaasikaso ko ‘yan ngayon din. Wala pa naman kayo sa company building right?”]

“Wala pa Ate,” sagot ko.

[“Huwag kayong tumuloy, magpadala na lang kayo ng taong pwede niyong maging spy. Then let me handle the rest.”]

“Muchas Gracias Ate, bye po.”

Pinatay ko na ang tawag at kinausap si ate Victoria.

“Are you sure about that?” Paniniguradong tanong nito.

“Yes ate, tingnan lang natin kung anong gagawin nila.” Sagot ko at nag krusimano.

“Paano kapag nalaman nila?”

“Then it will be too late. In that time siguro nabagok na ulit ang ulo ni Colton,” sagot ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro