CHAPTER 16
Naging onhand ako sa pagbili ng mga shares and dahil swerte ako halos 3/4 na ng company nila ang napunta sa akin.
“Kung se-swertehin ka nga naman,” pagpaparinig ni Ate Ella.
Nandito ako ngayon sa office niya to ask for some advice. Alam ko naman kasing kapag usapang negosyo ay master niya na ito.
“According to Light mabilis mo raw nakumbense ang mga shareholders na ibenta sa iyo ang shares nila. Did you do some trick Demitria?” Aniya na may pagsusuri.
“Correction Ate, pananakot not trick.” Nagtawanan kaming dalawa.
“So what’s your next plan?” Tanong niya.
“Magpapa board meeting ako sa mismong araw ng engagement party ni Colton at Stella. Tingnan lang natin kung ano ang magiging reaksyon nila.” Saad ko at nag krusimano.
“Are you serious about that? Demi you will ruin someone’s special day.” May pagkadisgustong saad Ate.
“Yes I will, just like how they ruined what me and Colton have.” Seryosong sagot ko.
“You’re getting worse,” sagot lang nito.
“No, Ate I just got wiser.” Sagot ko naman at tinignan siya. “They took Colton from me, so I will took their Company from them. And then we are quits na.” Ngumiti ako dahilan para pailing na umalis si ate sa harapan ko.
COLTON’s POV
I was currently having some conversations with Stella when I heard my Mom shout.
Agad naman namin siyang pinuntahan.
“What happened?” I asked her.
“We need to go home immediately,” she answered.
“But why? Our engagement party will be next week,” si Stella ang sumagot.
“This is more important than that stvpid engagement party of yours!” Sigaw ni Mom.
“Mom, huwag mo namang sigawan si Stella.” Suway ko at hinawakan ang kamay ng fiancé ko.
“I’m sorry, nadala lang ako ng emosyon ko.” Paghingi ng paumanhin ni Mommy at nilapitan si Stella.
“It’s okay po Mom, what happened po ba?” Takang tanong ni Stella.
“May urgent board meeting daw for some important matter.” Sagot ni Mom at nagsalin ng tubig sa baso niya.
“But why did you shout?” Tanong ko.
“Ang sabi ng isa sa mga tauhan natin doon ay may bago na raw may ari ang company natin!” She yelled.
“What? Paano nangyari iyon?” Si Stella ang nagtanong.
“That’s the reason why uuwi tayo,” sagot niya.
“Then we should go home as soon as possible.” Sagot ko at hinawakan ang kamay ni Mom. “Don’t worry Mom, we will fix this and kung sino man ‘yang bagong may ari ay kakausapin ko kung paano niya nakuha ang company natin.”
Ngumiti naman si Mom pero halata sa mga mata niya ang lungkot.
I immediately went to our room and fixed our luggage.
“Hon, punta muna ako kay Mom. May need lang akong itanong,” paalam ni Stella.
“Go ahead hon, ako na ang bahala sa mga luggage natin.” Sagot ko at nagpatuloy sa pag iimpake.
Siya naman ay lumabas na ng kwarto.
EMELINDA’s POV
“Kung sino ka mang hayop ka na nagnakaw ng company namin I will make sure na malalagot ka sa akin!”
“Mom?” It was Stella who was standing on my door.
Nilingon ko siya. “Yes?”
“Can I come in?” Tanong niya.
“Sure, get in.” Sagot ko at bumuntong-hininga.
“Are you sure about your plan? Talaga bang uuwi tayo ng Pilipinas? What if magkita sila ni Demitria?” Sunud-sunod niyang tanong.
“Hindi sila magkikita, if you do your job as his fiancé.” Sagot ko at hinawakan ang braso niya. “Kahit na magkita sila hindi naman siya kilala ni Colton, so it’s still useless if ever na magkita sila. So stop overthinking, okay?” Tumango naman siya.
“I’m really curious kung sino ang bagong may ari ng company niyo,” sabi niya.
“Kung sino man siya I will make sure na magsisisi siya,” sagot ko. “Now go back to your room and help Colton pack your luggage.”
Agad niya naman itong sinunod.
Colton losing his memory was the best part of my life. Dahil nawala rin sa landas namin ang baliw na bunso ng mga Gazon.
“Ano itong narinig ko na uuwi tayo ng Pinas?” Oh that’s my loving husband.
“You heard it right Nestor. Alam mo kung bakit? Dahil may pesting nagnakaw ng company natin!” Pasigaw na sambit ko.
“What? Paanong nangyari ‘yun?” Even my husband got curious.
“I fvcking don’t know! Sisiguraduhin ko talagang magsisisi kung sino man ang gumawa nito.” Exaggerated kong saad.
“Calm down, watch your blood pressure. Baka sumama pa ang pakiramdam mo at hindi tayo makauwi ng Pilipinas.” Pagpapakalma sa akin ng asawa ko habang hinahagod ang likod ko.
DEMITRIA’s POV
Kasalukuyan akong nasa bago kong opisina... yes you heard it right, bagong opisina.
“Have you heard the good news?” Natatawang ani ate.
“Hindi, I’m not a marites like you naman kasi eh.” Sagot ko habang ipinagpatuloy ang ginagawa ko.
“Marites agad? It’s just that some of my source told me na uuwi raw ang mga Alovero.” Sabi niya at nagkrusimano.
“I already knew about that, syempre uuwi sila dahil nagpatawag ng urgent meeting ang bagong may ari ng kumpanya nila.” Natatawa kong sagot.
I heard my ate ‘Oh’ kaya mas lalo akong tumawa.
“What's with that ‘Oh’ sound ha?” Sambit ko at pinaningkitan siya ng mata.
“Nothing,” sagot niya.
“Really ha?” Taas-kilay kong ani.
“Finish what you are doing na, Gareth is here at Pinas. He is inviting us to have dinner with him,” sambit niya na ikinangisi ko.
“Us? Baka ikaw lang ate.” Pangungutya ko at mas lalong pinalaki ang pag ngiti.
“Stop smiling like an iddy Demitria,” saway niya sa akin.
“I’m not an iddy ate! Hindi ba pwedeng kinikilig lang ako?” Natatawa na ani ko.
Iddy is her term for id*ot. Ewan ko ba minsan itong Ate ko ay may sariling talasalitaan. Oh di ba ang lalim, sa kanya rin galing ‘yan.
“Well, kikiligin ka naman na lang talaga sa relasyon ng iba.” Sambit niya at bumilat bago lumabas ng office ko.
Wait what? Relasyon ng iba? Agad akong tumakbo palabas para habulin siya.
“Did I heard it right?” Tanong ko habang sinasabayan ang mabilis niyang paglakad.
“Heard what?” Pa inosente niyang patanong na sagot.
“Come on! Painosente ka pa eh.” Nagdabog na ako.
“Hey! Huwag kang magdabog diyan. Para kang hindi CEO ng isang company ah,” saway niya. “And anong narinig mo? Baka guni-guni mo lang iyon.”
“I’m not deaf Ate, I heard it loud and clear.” Pasinghal na ani ko tinignan siya.
“Stop doing that, stop analyzing my facial expression.” Sagot niya at pinitik ang ilong ko.
“Ouch Ate!” Hinawakan ko ang ilong ko. “Masakit ah!”
“Kung umasta ka parang retokada ‘yang ilong mo.”
“Hey I’m not retokada!” Sagot ko.
“May sinabi ba ako? Ang sabi ko parang... parang.” Pag uulit niya.
“Sabi ko nga, pero seryoso ate kayo na ba ni Doc Gareth?” Pang iintriga ko.
Ah basta now bet kong maging marites.
“Marites ka na Demi,” sagot ni Ate.
“No I’m not,” pagdedeny ko. “I’m just curious.”
“Well, curiosity kills a cat Demi.” Sagot niya at ngumiti.
“But I’m not a cat Ate.” Pamimilosopo ko.
“Eh ano ka daga?” Pagtataray nito.
“Ang ganda ko naman para maging daga,” sagot ko.
“Tom, Jerry ang ingay niyo. Para kayong mga bata.” Saway ng kung sino.
“Nahiya naman kami sa’yo Doggie,” sagot ni Ate at tinaasan ng kilay ang sasabat pa sanang si Kuya Deather.
“Okay, our squad is now complete. So let’s go na, let’s go shopping. Magpaganda ka na rin Ate, may date ka mamaya eh.” Sabi ko.
“Sinong may date?” Pagkaklarong tanong ni Kuya.
“Bingi.” Sambit ni Ate sa gitna ng kunwari niyang pag ubo.
“Narinig ko ‘yun ha!” Singhal ni Kuya.
“Oh eh narinig mo nga kahit hindi klaro di’ba? So bakit hindi mo narinig ang sinabi ni Demi?” Nagtaray na siya.
“Narinig ko, pinapaulit ko lang sa kanya para mas mainis ka.” Sagot ni Kuya at humalakhak.
“Wishing you choke!” Singhal ni Ate at naglakad palayo sa amin.
“Ang sama talaga ng ugali ni Ate nuh? Hindi na ako magtataka kung saan ka nagmana.” Anito sa akin at sinundan si Ate, ako naman ay naiwang nakanganga.
Ano daw? Walang hiyang lalaki ‘yun ah.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro