CHAPTER 15
“Mr. Grandeza, have a sit.” Pag aya ko sa matandang nasa harap ko.
“Ms. Gazon.” Pabalik na bati nito at umupo.
“Demi na lang po.” Sagot ko at ngumiti.
“Bakit ka nakipagkita sa akin?” Tanong nito.
Mabait si Mr. Grandeza, infact kaklase ko noong highschool ang anak niyang si Sofia.
“I heard binebenta mo ang shares mo sa company ng mga Alovero.” Pag umpisa ko ng usapan. “And I also heard that Sofia is sick and she needs to be treated.”
“Tama ka ng narinig Demi. Sofia have stage 2 brain tumor kaya ibebenta ko ang shares ko kay Emelinda.”
“Ibenta mo ang shares mo sa akin and I will pay you double. Plus, ako ang magpapagamot kay Sofia. Hindi naman siya iba sa akin since she was once my classmate when we were in high school.” Sa sinabi kong iyon ay may sumilay na ngiti sa labi niya.
“Talaga hija?” Hindi makapaniwala na tanong niya.
“Opo, so ano po? Deal?” Sabi ko at inilahad ang kanang kamay.
“Deal.” Masayang sagot nito at tinanggap ang kamay ko.
Sa mundong ito, money really talks.
Agad kong pinapermahan sa kanya ang deed of sale bilang proof ng pagbenta niya ng shares niya sa akin.
One down Aloveros, and many more to go. Sisiguraduhin kong sa pag uwi niyo dito sa Pilipinas ay mawiwindang kayo sa kaganapan. Lalo ka na Emelinda Alovero.
Umuwi akong may ngiti sa labi.
“Looks like someone gets what she wants.” Si Kuya ang sumalubong sa akin.
“Indeed Kuya, mabilis naman palang kausap si Mr. Grandeza. By the way, can I ask for your help?”
“What is it?” Tanong niya pabalik.
“I want to help Sofia, Mr. Grandeza’s daughter. Gusto ko siyang ipagamot, she have stage 2 brain tumor and I want her to be treated.” Seryosong ani ko at umupo sa sofa.
“You are still soft-hearted up until now Demi,” ani Ate Victoria na kakarating lang.
“I just to help them Ate as an exchange sa pagbebenta ni Mr. Grandeza ng shares niya sa akin,” sagot ko.
“Kailan?” Tanong ni kuya.
“Ora mismo kuya, I want Sofia to be treated ASAP.” Nakangiting ani ko.
Ngumiti si Kuya at may tinawagan, lumayo ito sa amin. Maya maya ay pinatay niya na ang tawag at lumapit sa amin ni Ate.
“The best neurosurgery team is waiting for our signal para maasikaso na nila si Sofia.” Siguradong ani Kuya.
Agad akong ngumiti at tinawagan si Mr. Grandeza.
“Saang hospital naka confine si Sofia?” Tanong ko pagka sagot nito.
Hindi ako mahilig sa paligoy-ligoy kaya iyon na agad ang intro ko.
Sinabi nito sa akin kung saan at sinabi ko naman sa kanya ang mga kailangang gawin. Ilang beses pa itong nagpasalamat bago ko pinatay ang tawag.
“Magbibihis muna ako, may isa pa akong kikitain mamaya. And Kuya pwede bang ikaw na lang ang mag asikaso ng pagsundo kay Sofia sa ospital kung nasaan siya naka confine?”
“Sure Demi ako na ang bahala. Asikasuhin mo na lang ‘yang kailangan mong asikasuhin and leave Sofia to me.” Sagot ni Kuya.
Ngumiti naman ako at pumanhik na sa kwarto ko para magbihis.
“Mr. Santos.” Ngising ani ko sa taong nasa harap ko.
“What do you want?” Tanong nito habang nakatayo.
“Why don’t you have a sit first?”
“I don’t have time for your sh*ts Ms. Gazon, go straight to the point.” Sagot niya. Kahit kailan talaga walang modo ang matandang ito.
“Ibenta mo sakin ang shares mo,” diretsong ani ko.
“What if I won’t?” Ngising nitong tanong.
“Okay, then ipapakita ko na lang ‘to sa asawa mo.” Sabi ko at ipinakita sa kanya ang photos niya kasama ang kabit niya. “Hindi lang iyan ang meron ako Mr. Santos, I also have scandal videos kung saan ikaw ang bida.” Pamba-blockmail ko.
Nakita ko ang pagdaan ng galit sa mukha niya pero panandalian lang iyon dahil agad itong napalitan ng takot.
“Now Mr. Santos uulitin ko, ibenta mo sa akin ang shares mo or else magiging viral ka kasama ang kabit mo. Kaya ko itong ipa upload sa mga p*rn hubs in that way kikita na ako mapapahiya ka pa. Ano na lang kaya ang sasabihin ni Mrs. Santos?” Pagpapatuloy ko.
“Are you insane?” Galit na ito.
“No I’m not, because I am more than that.” Matigas pero kalmado na ani ko.
Inabot ko sa kanya ang ballpen at agreement contract. Padabog niya itong pinermahan.
“Thank you Mr. Santos, don’t worry your secrets are safe with me.” Saad ko bago tumayo at magpaalam.
Thanks to Kuya Light and Ate Ella mas mapapabilis ang pag angkin ko sa kumpanya ng mga Alovero. Am I mean? Well, they deserve it.
Kaunting push na lang at ako na ang magiging may ari ng Alovero Textile Company.
“Kailan ka pa natutong uminom ng wine?” Rinig kong sabi ni Ate Victoria ng madatnan ako nito sa mini bar namin.
“I just want to treat myself Ate.” Ani ko at sumimsim ng wine.
“Someone sent this to me.” Lahad niya sa akin ng cellphone niya.
Tinignan ko ito. “I saw that already and I don’t care. Magpakasal sila wala akong paki, tignan ko lang kung matutuloy ‘yan kapag nalaman na nila kung gaano kalaki ang problema nila dito sa Pinas.” Walang emosyon kong sambit.
“Hindi mo na ba siya mahal?” Tanong ni Ate.
“I love him ate, pero ano magagawa ko? He can’t remember me and ayokong ipilit ang sarili ko sa kanya. I'm Gazon and I am a limited edition. Just let him, one day he will realize that he lost the most precious diamond because he chose a useless stone.”
“Parang hindi ikaw ang kausap ko Demi, ibang-iba ka na. Ang laki ng pagbabago mo.” Sabi ni Ate at nagsalin din ng wine sa wine glass.
“They changed me Ate. In fact wala namang kasalanan si Colton eh kasi nga diba may amnesia siya.” Sagot ko.
“So what’s your next move?” Tanong niya.
“Ipagpapatuloy ko ang pagbili ng mga shares ng mga shareholders nila.” Sagot ko habang pinaglalaruan ang wine sa wineglass ko.
“You know that we are always here to support you. Just promise na mag iingat ka,” habilin niya sakin.
“I will Ate, hindi ko naman papasukin ‘to kung alam kong hindi ko kaya.” Sagot ko. “Cheers?” Yaya ko.
“Cheers.” Sagot niya at nakipag cheers sa akin.
Matutuloy kaya ang kasal niyo kung alam niyong naghihirap na kayo Colton?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro