Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 13

Kasalukuyan kaming nasa sasakyan and we are on the way to Aloveros. I miss my Colton so much. And hoping that he is all well.

“I hope that he is totally well na Ate, I really miss him.” Pagbabasag ko sa katahimikan.

“Let’s manifest that Demi,” tanging sagot lang ni Ate.

“We are here,” saad ng lalaki naming kasama. He is Ate’s colleague here. “That’s the house.” Turo niya sa bahay na nasa tapat ng malaking puno.

Walang pakundangan akong bumaba na siya namang sinundan ni Ate.

I knocked around three times bago may bumukas ng pinto.

At ang isang Emelindang namumutla na parang nakakita ng multo ang bumungad sa akin.

“What the hell are you doing here?” Tanong nito.

“Because my property is here.” Sagot ko. “Where is Colton?”

“He is not here,” sagot nito.

Akmang papasok ako sa loob ng pigilan ni Ate ang braso ko. “Iba ang patakaran ng Naples, Demi. Don’t trespass.” Bulong niya kaya bumuntong-hininga ako.

“I will repeat my question. Where is Colton?!” Matigas ang pagbigkas ko ng bawat salitang lumalabas sa bibig ko.

“Mom, who’s there?” Isang babaeng halos kasing edad lang ni Colton ang lumabas.

Sino na naman ‘tong impakta na ‘to? Sa pagkakaalam ko only child lang si Colton.

Wait... I think I know this dog. Stella...

Naging maliit ang awang ng pinto pero rinig na rinig ko ang pag uusap nila.

“Huwag mong hayaang makalabas si Colton dito.” Sa sinabing iyon ni Emelinda ay malakas kong sinipa ang pinto.

Wala akong pakialam kung makasuhan ako or ano, basta ang alam ko galit na galit na ako. And fvck! I think I’m gonna lose my patience.

“Demi!” Saway ni Ate pero tinignan ko lang siya ng masama na agad niyang ikinaatras.

“Kapag hindi niyo sinabi kung nasaan si Colton. Gagawin ko kayong lechong tao!” Galit ng sigaw ko.

“How dare you trespass our pro–”

“Tumahimik ka kung ayaw mong ikaw ang unahin ko!” Banta ko kay Stella.

Napa atras naman ito at halatang natakot.

“Inuulit ko! Nasaan si Colton!” Sigaw ko. “Ayaw niyong magsa–”.

Naputol ang sasabihin ko ng may nahagip ang mata ko.

It was Colton standing at the end of the stairs, staring at us... confused.

“Excuse me Miss, why are you shouting? And why are you looking for me?” Tanong nito na ikinataka ko.

“Langga,” akmang lalapit ako pero sumenyas itong manatili ako sa kung saan ako nakatayo.

“Answer my question Miss. Who are you and bakit mo sinisigawan ang Mommy at girlfriend ko.” Sa sinabi niyang iyon ay nilingon ko si Stella at Emelinda.

Kahit namumutla ay makikita ang mayabang na pagngisi ni Emelinda. Pero si Stella ay parang nagtatago sa likod nito.

Gustong tumulo ng mga luha ko pero pinipigilan ko, nilingon ko si Ate. Even her was confuse on what is happening.

“Colton it’s me Demi. I am your girlfriend,” para na akong iiyak.

“Demi? I’m sorry but I can’t recognize you. And you are not my girlfriend, Stella is my girlfriend.” Sige Colton saktan mo pa ako.

“And who the heck told you na siya ang girlfriend mo?” Medyo tumaas na ang boses ko.

“Again huwag kang sumigaw, I am talking to you in a nice way. After being in coma for almost 2 months when I woke up Mom told me that she is my girlfriend.” Sa sinabi niya iyon ay muli kong binalingan ng tingin ang ina niya.

But this time it is not just a glare. But a death glare. I will make this woman pay for this.

“Put*ng ina Colton! Ako nga ang girlfriend mo eh! Maniniwala ka pa talaga diyan sa ina mong ubod ng sinungaling?” Galit na ako.

“Get out!” Tanging sambit niya pero pakiramdam ko ay dinurog nito ang puso ko.

Hinawakan ni Ate ang braso ko. “Huwag kang mag eskandalo.” Bulong niya.

I can’t do this anymore, tumango ako. Wala na akong salitang binanggit pa sa halip ay tumalikod na ako. Pero bago ako lumabas ng bahay ay nilingon ko si Colton gamit ang mga mata kong tuluyan ng lumuha.

Pagkalabas namin ay dali-daling isinara ang pinto. Hindi ko alam kung sino ang nagsara, pero pakiramdam ko ay siya.

Tuluyan na akong nawalan ng lakas, ang mga tuhod ko ay tuluyang bumigay kaya napasalampak ako sa damuhan na daanan nila.

“Demi,” rinig kong ani ng Ate ko.

Hindi ko siya sinagot, sa halip ang umiyak ako ng umiyak. Tinakpan ko ng dalawa kong kamay ang aking mukha.

Pinilit ako ni Ate’ng tumayo. Pakiramdam ko ay wala akong lakas dahil hindi ko man lang kayang magpumiglas.

Patuloy pa rin ako sa pag iyak, ang tanging naramdaman ko na lang ay ang pagpasok namin ng sasakyan.

“Let’s go.” Utos ni ate sa kaibigan niya.

Gusto kong magwala. Gustong-gusto kong... pumatay.

VICTORIA’s POV

Nakarating na kami ng bahay pero ang kasama ko ay tulala pa rin. Hikbi na lamang ang naririnig ko sa kanya. Namumugto na ang kanyang mga mata ang pulang pula na ang mga ito dahil sa kakaiyak.

She was forgotten by the man who was one of the reason why napapayag namin siyang magpagamot.

“Demi, we are here.” Saad ko at bumaba.

Akmang maglalakad na ako papasok ng bahay ng mapansin kong walang sumusunod sa akin. Nilingon ko ang kotse, nasa loob pa rin siya.

Bumalik ako at kinatok ang bintana ng sasakyan pero wala pa ring epekto.

Binuksan ko na lang ito. Kinalabit ko siya “Bunso, we are here.” Napalingon siya sa akin at tumango.

Walang sigla siyang bumaba ng sasakyan. Pakiramdam ko ilang sandali lang ay mag fi-faint na siya kaya inalalayan ko siya papasok ng bahay.

Hindi na ako nakapag pasalamat sa kaibigan ko dahil natuon na ang buong atensyon ko sa kapatid ko.

Pagpasok ay agad ko siyang pinaupo sa sofa. “Stay here, kukuha lang ako ng tubig.” I didn’t wait for her response na kasi alam ko namang wala akong makukuha.

Sa kusina ay nadatnan ko si Deather na nagluluto ng lunch.

“So kamusta ang lakad niyo?” Tanong nito na tanging iling lang ang naisagot ko. “Why? What happened?”

“Colton has an amnesia. And he forgot everything about them.” Sagot ko habang nagsasalin ng maiinom sa baso.

“What?” Exaggerated niyang tanong.

“Do I really need to repeat what I just said?” Tanong ko at umirap.

“So how’s our Demi?” Tanong niya.

“Ayon kanina grabe ‘yung iyak pero ngayon tulala na,” sagot ko.

“Where is she?”

“Nandun sa sala tulalang nakaupo sa sofa.” Sagot ko at naglakad na pabalik ng sala dala ang basong may tubig para kay Demi. Nakasunod lang sakin si Deather.

“Look at her, look how in pain she is.” Tukoy ko sa kapatid naming ngayon ay tulala pero lumuluha.

“She did everything for him. Our Demitria doesn’t deserve this.” Sagot ni Deather.

Lumapit na ako sa kapatid namin at inilapag sa lamesetang nasa harap niya ang tubig bago umupo sa tabi niya. Sinundan naman ako ni Deather sa pag upo.

“Don’t worry Demi, babalik din ang alaala ni Colton. And maaalala ka rin niya.” Sambit ni Deather habang hinahaplos ang buhok ng aming kapatid.

“Umuwi na tayo ng Pilipinas,” tanging sagot ni Demi.

“Are you sure? Sige bukas na bukas din uuwi na tayo,” sagot ko.

“No, umuwi na tayo ngayon. Mag iimpake lang ako.” Saad niya at tumayo na.

Napahinga kami ng malalim ni Deather.

“Pack your things,” ani ko sa kapatid kong lalaki.

Tango lang ang isinagot nito sa akin at pumanhik na rin papuntang kwarto niya. Ganun din ang ginawa ko.

That Aloveros will regret what they just did.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro