Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 12

I’m finally home. But I can feel something is still wrong.

“Nasa Pilipinas na tayo, siguro naman pwede niyo ng sabihin sakin kung ano ang problema.” Pag umpisa ko ng usapan.

“Colton is gone,” tanging sagot ni ate.

Sa sinabing iyon ni ate ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

“Anong Colton is gone na pinagsasabi mo Ate?”

“Wala na siya dito sa Pilipinas. His parents brought him to Italy.” Si Kuya Deather ang sumagot.

“And why? Ano ba kasi ang nangyari?”

“Huling balita namin sa kanya ay naaksidente siya. And after that? Wala na. His parents keep his condition in private,” sagot ni Ate.

“Do you know where in Italy?” Tanong ko pero iling ang sagot nila. “Then alamin niyo Ate, Kuya please. I want to see him, maybe he is looking for me.” May pagmamakaawa ng sambit ko.

“We already did that Demi, pero I guess ibang pangalan ang ginamit nila.” Sagot ni Kuya Deather

Nilingon ko si Kuya Deather. “Then do something!” I can’t control my temper anymore but I did what Doc Gareth told me. Inhale, exhale.

I need to calm down, because I know I can.

“Please Ate, Kuya I need to see him.” Kalmado ng sambit ko.

“I can’t promise Demi, but I will ” Sagot ni Kuya at niyakap ako.

Tuluyan na akong napaluha at naramdaman ko na rin ang pagyakap ni Ate.

I will do something para makita ka Colton. Kaya pala hindi ka nakasama sa pagsundo sa akin.

Talagang gagawin ng ina mo ang lahat para malayo ka lang sakin.

“Kuya ano na?” Irita kong tanong sa kuya kong nagta-type sa laptop niya.

“Pwede ba Demi? Control your temper. Malaki ang Italy!” Pasigaw na saad niya.

Napatahimik ako sa pag sigaw niya.

Nag aalala naman itong tumingin sa akin. “I’m so sorry Demi, hindi sinasadya ni Kuya.”

“It’s okay po Kuya, pasok na lang po muna ako sa kwarto ko.” Sambit ko at dire-diretsong naglakad.

Pagpasok ko ng kwarto ko ay agad kong isinalampak ang katawan ko sa kama ko.

Umiyak, iyan lang ang kaya kong gawin. I don’t know what to do right now. I want to scream, I want to ruin my room. Gusto kong pakawalan ang galit ko pero ayoko, ayokong bumalik sa dati. Colton won’t be happy kapag nalaman niyang wala naman palang naging magandang epekto sa akin ang pagpapagamot ko.

Patuloy lang ako sa pag iyak habang hawak ang picture namin ni Colton na magkasama. Hanggang sa nilamon na ako ng dilim.

VICTORIA’s POV

“Where is she?” Bungad na tanong ko kay Deather.

“In her room.” Sagot lang nito habang patuloy sa pag type sa laptop niya. “Got it! I finally found where they are.” Nilahad niya sa akin ang laptop niya.

“So they are in Naples, Italy ha.” Ngumiti ako sa nabasa kong location.

Naples in Italy, some says that Naples is dirty and dangerous but for me it is not. Minsan na akong nakapunta sa lugar na ito. And I saw how amazing that place is.

“Mas mapapadali ang paghahanap natin kapag may tumulong sa atin. I have some colleagues there and I can ask them na manmanan ang kilos ng mga Alovero doon.” Seryosong ani ko.

You messed with the Gazons Aloveros.

“Call Demitria, aalis tayo ora mismo.” Utos ko kay Deather at tinawagan ang mga kasamahan kong nasa Naples.

Tumango naman ang kapatid ko at pumanhik na sa kwarto ng bunso namin.

DEMITRIA’s POV

Nagising ako dahil sa mahinang tapik sa pisngi ko.

“Ahmmm?” Tanong ko pagkamulat.

“Pack your things, we are leaving.” Sa sinabi niyang iyon ay bumangon ako.

“Why? Where are we going?” Tanong ko habang kinukusot ang magkabilang mata ko.

Istorbo naman ‘to oh, sarap na ng tulog ko eh. At na miss ko ang kama ko.

“We are going to where Colton is,”

Sa sinabi niyang iyon ay agad akong tumayo mula sa kama ko.

“What are we waiting for? Go na Kuya pack your things, mag aayos lang din ako.” Pagtataboy ko sa kanya.

“Makataboy Demi ha, parang hindi mo ako Kuya ah.” Pa iling-iling siyang lumabas ng kwarto ko.

Humanda talaga kayo sa‘kin. Lalo na ang pesting Emelinda na iyan. Ang kapal ng mukha niyang ilayo sakin si Colton.

Isang bagpack lang ang dadalhin ko, kaya ko naman mamili ng mga damit incase magtagal kami doon.

“I’m ready.” Masayang sambit ko pagkapunta ng sala kung nasaan ang mga kapatid ko.

“Hindi ka naman halatang excited ano?” Nagbibirong sambit ni Ate.

“Hindi naman Ate slight lang. Mas excited ako sa gagawin ko sa Mommy niya.” Ngumisi ako.

“Don’t do that, ang creepy mo.” Si Kuya Deather ang sumagot at kinuha sa akin ang bag na dala ko.

Halos ilang oras din ang byahe at gabi na bago namin narating ang Naples, Italy.

“You two are my favorite brother and sister talaga. You guys are the best.” Saad ko at niyakap silang dalawa.

“Malamang, kami lang naman ang Ate at Kuya mo eh.” Si Ate ang sumagot at ginulo ang buhok ko.

“Panira ka ng moment Ate, super.” Sagot ko at nagpatiunang maglakad na agad naman nilang sinundan.

Pagkapasok namin sa service naming kotse ay nagsalita si Ate.

“I already talk to one of my colleague and he said nahanap niya na raw kung saan nakatira ang mga Alovero.” Pagsisimula ni Ate ng usapan.

“So what are we waiting for? Tara na puntahan na natin,” saad ko.

“Ano ka Demi? Gabi na mambubulabog ka pa?” Si Kuya ang nagsalita.

“Pwede rin, para bangungutin sila.” Sagot ko at ngumiti.

“Bawal ‘yan dito Demi. Causing trouble or nuisance here can put you in jail,” sagot ni Ate.

“What?” Hindi makapaniwala kong tanong. “Paano kung malaman nilang nandito tayo at umalis naman sila?”

“That’s impossible Demi. May nakabantay na sa kanila,”

Sa sinabing iyon ni Ate ay napabuntong-hininga na lang ako.

“Fine, bukas na lang.” Umismid ako.

“As if you have a choice,” sagot ni Kuya kaya inirapan ko siya.

“We’re here.” Saad ni Ate at tinanggal ang seatbelt niya bago lumabas.

Sumunod naman kami ni Kuya sa pagbaba.

“Ate, ‘yung totoo lang ha. Sa bawat bansa ba sa mundo ay may bahay ka?” Tanong ko na ikinatawa niya.

“Hindi naman sa lahat Demi, sa mga country lang na naka assign ako.” Sagot ni Ate at tuluyan ng pumasok sa bahay.

Bukas na bukas din ay susugod na ako sa kwadra ng mga Alovero para makita ang Prinsipe ko na itinago ng isang bruha.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro