Chapter 59
JADEN
Maingay ang paligid may mga taong nag sisiyawan at may mga tao din na nag hihiyawan. Nasa 316 bar ako kasama ang pinsan ko.
Hindi ko kinaya ang mga pangyayari sa buhay ko nitong mga nakaraan madami akong nalaman na hanggang ngayon hindi padin matanggap ng isipan ko.
"Bro? Tara na lets party!" basag sa kahimikan ng isa kong tropa.
"Masyado kang senti diyan!" sabi ni Archel.
Tumayo naman agad ako at sumali sa party na me'ron sila. Birthday kasi ng isang tropa namin dati kaya naman nayaya din ako.
Sa kalagitnaan ng kahibangan nakaramdam ako ng naiihi ako kaya naman pumunta muna ako ng comfort room.
Sa pag tingin ko ng babae at lalaking cr ngayon ko lang napansin na may pang LGBTQ+ nadin. Napangiti ako.
Nasa isip ko madami nadin tumatanggap sa dating katulad ko. Pag ka tapos ko sa comfort room may nakita akong mag jowa pag labas ko. Halatang may pinag uusapan sila sa gilid parang medyo bangayan.
Lumakad ako sa harap nila habang inaayos ang buhok ko. Habang nag lalakad ay napa side eye ako sa kanilang dalawa.
Hindi ko naman sinasadyang marining ang usapan nila. Oy! Baka pag kamalan mo'kong chismoso niyan hindi ah!
So ito na nga ang kanilang usapan.
Girl: Bakit hindi na gumagana 'tong cellphone ko? masungit na tanong niya sa jowa niya.
Boy: Malay ko i try mo kaya irestart.
Girl: *Binatukan si boy* Hindi na nga gumagana eh irerestrat pa! Baliw!
Boy: ah eh *sabay napa kamot sa ulo*
Lumapit itong lalaki at kinuha ang cellphone na hawak hawak ng kaniyang jowa.
Napatigil tuloy din ako sa pag lalakad at tinitingnan sila.
Girl: Oh? Anong ginagawa mo ?!
Naka tingin siya sa ginagawa nung lalaki habang naka taas ang kilay.
Boy: Ama namin sumasalangit ka ding--
Bigla akong natawa sa may isang gilid.
Girl: Abay tarantado ka pala eh!
Nakita nila akong tumatawa sa gilid. Sabay silang dalawa na napatingin sakin.
Napa tigil naman ako sa pag hagikhik.
Bigla akong kinausapan nung babae.
"Kuya? Problema mo? Happy yan? Sobrang happy nyan?" pang aasar niyang sabi.
'Yung jowa naman niya ay inaawat siya. Niyaya siya nito umalis na sila sabay umalis nadin ako. Bumalik na'ko sa pwesto namin doon sa bar. Sobrang sakit sa mata ng mga lightings puro yellow, blue, red halo halo. Nakakahilo!
Habang nag sasaya ang dalawa kong kasama. Tumingin naman ako sa cellphone ko. 12 am na pala napaka bilis ng oras nakakadalawang bottle nadin ako ng inom.
Nakita kong papalapit sa'min yung tropa namin na may birthday. May dala dala itong babae, naka skirt at naka tube na black.
"Jaden!" tawag niya sa'kin.
Nako hindi na nga ako nakipag eye to eye sakaniya lumapit pa talaga sa kinauupuan ko.
Napa tingin naman ako sa kaniya.
"Meet Gail!" sabi niya.
Napatingin naman ako sa babae. Mukhang familiar.
"Hi." sabi nitong Gail.
"Ay Gail, please entertain Jaden para hindi kasi siya masaya sa party ko." sabi nito sabay kindat nito sabay alis.
"Teka!" sambit ko kaso biglang tumabi sa'kin si Gail.
Kumuha ito ng shot glass tas niyaya pa'ko uminom.
"No, thanks." sabi ko.
"Ano kaba?" malambing at malanding boses na sabi niya.
"One shot lang Jaden." sabi niya sabay abot ng shot glass.
Sa unang pag kakataon na hindi ako naka tanggi ininom ko nalang. Nag shot din siya ng kaniya.
Inaayos ayos niya ng bahagya ang buhok niya.
"Jaden? Are you single?" tanong niya habang palapit siya ng palapit sa'kin at naka titig pa sa mga mata ko.
"Ah-- ahhh yes." uncomfortable kong sagot.
Nagulat ako ng biglang hinawakan niya ako sa braso. Hinimashimas niya pa ito.
Dali dali ko itong tinanggal.
"Ah Gail hindi ata tama yan haha." ilang na sabi ko sakaniya habang umiwas ng upuan.
"Jaden! Ano ba?" nagalit ito. Pumunta nanaman sa tabi ko.
"Teka!" sigaw ko na halatang kinagulat niya.
"Jaden ayaw mo ba?" tanong niya.
Gaga 'tong babae na'to! Minumura mura ko na siya sa isipan ko.
"Ayoko!" mariin kong sagot.
"Bakit? Maganda naman ako? Single ka? Ano ano bang gusto mo malaki din 'tong d*d* ko!!!" Pa sigaw niyang sabi na halatang desperada na.
"Ayoko sabi ang kulit mo!" sigaw ko din sakaniya.
Nagulat ako ng bigla akong puntahan ni Archel. Pinakalma at umalis naman nadin 'tong Gail.
Umupo kami sa ibang upuan. Napa hinga ako ng malalim.
"Okay ka lang bro?" tanong niya.
Tumango naman ako.
Hindi ko napigilan ang emosyon ko bigla akong naluha.
"Bakit?" takang tanong niya.
"Hindi ko padin matanggap!"
Tinapik tapik niya naman ang braso ko.
"Uwi na tayo." niyaya niya ako.
Lumabas na kami ng bar sumakay sa motor si Archel na nag drive ng motor dahil wala na'ko sa wisyo. Ramdam ko na ang alak sa utak ko.
Habang nasa byahe napapapikit pikit ako.
Sinisigawan niya naman ako apra magising ako. Habang nasa kalagitnaan ng daan biglang bumuhos ang malakas na ulan.
"Archel?" tawag ko sakaniya.
"Oh bro?" sagot naman niya sa'kin.
"Anong nangyari kay Caseline?" tanong ko.
"Ha? Anong klaseng tanong 'yan!" patawang sagot niya.
"Feeling ko kasi buhay pa siya, so ano buhay paba siya?" lasing na lasing na tanong ko.
Walang sumagot sa tanong ko bigla nalang ako nakaramdam na nalaglag na kami sumemplang na pala ang motor.
"Sh*t!" banggit ni Archel.
Medyo nahimasmasan ako ng konti wala naman kaming natamong mga sugat pero medyo nasira na ang motor dahil maulan den tapos na semplang pa.
"Bukas nalang natin 'yan kunin may cctv naman dito." sabi ko.
Nakakita kami ng waiting shed at napag desisyunan naming dalawa na mag antay ng E-jeep nalang.
Habang naka upo sa waiting shed. Sinasampal sampal ko ang sarili ko para mas magising pa'ko.
"Kaya ikaw Archel pag mag mamahal ka huwag todo bigay lahat!" nga salitang lumabas sa bibig ko na out of my control.
"Naman matulad pa'ko sayo eh!" pang aasar niyang sabi.
Mamaya pa ay may ilaw na sa hindi kalayuan may isang E-jeep na paparating napatingin ako sa oras kala ko naduduling lang ako sa pag ka lasing pero 5am na pala!
Pumara naman ka agad si Archel, sabay kaming sumakay naka alalay padin siya sa'kin dahil hindi pa gano'n ka tino ang utak ko.
Sobrang aga pa pero madaming mga mag tratrabaho ang papasok.
"Ang malas natin ngayon whooo!" sabi ni Archel.
"Oo nga!" sabi ko.
"Anak ng puteteng oh! Puro na nga tayo putik sa katawan dahil sa pag kakasemplang para pa tayong sardinas dito sa loob ng E-jeep!" halatang iritang sabi niya.
"Manong para ho, para ho! Ang baho!" sigaw ng isang matanda sa gilid na tapat lang namin.
Pinipigilan ko ang tawa ko dahil alam kong kami ang sinasabihan ng matandang iyon! Puro putik kasi kami sa katawaan at talagang mabaho!
"Kung hindi lang ho kayo matanda eh." pabulong kong sinabi.
"Ano 'yon iho? May sinasabi ka?" masungit na sabi nito habang pababa ng E-jeep.
Napa iling nalang ako. Maya maya pa ay naka upo nadin kami. Mga 30 minutes naka uwi na kami.
Dali dali na'kong pumunta ng bathroom at naligo. Habang naka babad sa bathtub kinuha ko ang cellphone ko.
Naka tulala at binabasa ng paulit ulit ang mensahe na mula sakaniya. Paulit ulit ang mga mensahe na'yon sa isipan ko.
Biglang tumunong ang doorbell doon na lamang ako nahimasmasan. Tumayo ako para buksan ito.
Nag sout muna ako ng bath robe at uminom ng tubig.
Noong binuksan ko na ang pinto laking gulat ng dalawa kong mata ng makita siya.
"Ikaw." tanging mga salitang nabanggit ko.
Kitang kita ang pag kasabik sa mga mata niya. Paano nangyari 'to? Mga tanong sa isipan ko na tila gulong gulo.
Panaginip lang ba ang lahat? Nanaginip ba'ko? Kailan ako gigising?
"Jaden." sa isang pamilyar na boses na aking kaharap. Naka ngiti ito ng maaliwalas.
Hindi ko alam ang gagawin ko? Hindi ko alam kung hangover padin ba'to sa mga nainom ko!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro