Chapter 58
JADEN
Nagising nalang ako nasa hospital ako medyo nahihilo hilo pa napa hawak ako sa ulo at napa kusot ng mata.
"Sh*t."
Sinubukan ko hanapin cellphone ko pero wala. Maya maya pa napansin kong may bumukas ng pinto ng kwarto.
Naka uniform na blue at may dala dalang folder na puti. Inikot ikot ko pa ang mata ko, tinitingnan ko ang paligid.
"Kamusta Mr. Saber?" nakangiti niyang sinabi. Sabay adjust ng dextrose ko.
"I'm fine nurse bakit nga pala ako nandito?"
Sobrang takang taka ako wala na'kong matandaan. Sobrang sakit ng katawaan ko para akong nakipag boxing.
"Sir may nakakita po sainyo eh, nalulunod na sa pool." sagot niya.
"Fucckk---" tanging nabanggit ko nalang. Oo nga pala tinamaan ako ng sobra tapos hindi ko na alam mga sumunod na nangyari.
*knock knock knock*
May kumatok sa pinto binuksan naman ito ng nurse. May pinag usapan sila ngunit hindi ko naririnig. Mamaya maya pa isang pamilyar na lakad at hugis ng katawan ang napansin ko.
Si Archel bumisita sa'kin. May kasama din siya isang pamilyar na mukha din si Vin.
"Insan? Kamusta?" bati ni Vin sa'kin. "Kakabalik ko lang ng Pilipinas ganito pa maabutan ko sa'yo." pang aasar niyang sabi.
Nag smirk ako. "Ngayon lang 'to."
"Bro nga pala, ito mga prutas tas pang lugaw saka fried chicken balita ko kasi hindi kapa nag lulunch." singit ni Archel.
Kinuha ko naman ito. Nakaramdam na nga ako ng gutom hindi na'ko nag dalawang isip kumain.
"Kamusta ka Vin?" tanong ko habang ngumunguya.
"Ha?" sabi niya habang naka upo sa isang gilid at nag cecellphone.
"Sabi ko kamusta ka naman?" habang tuloy sa pag nguya.
"Ha? Ahhwaoskdndkwoan ha?" pang aasar niya.
Hinagis ko naman sakaniya ang unan sa tabi ko. "Ahhh---" sambit ko habang nakaramdam ng sakit sa balikat ko.
Tumawa silang dalawa.
"Nga pala bro." biglang singit ni Archel sabay labas ng chess board.
"Oh bakit?" tanong ko sabay tingin sa chess board na dala niya.
"Ano 'yan?" kunot noo kong tanong.
"Let's make a deal, let's play a game." sabi niya.
"Huh? Okay ka lang nakikita mo'ko may dextrose na nakakakabit, tas ni suklay saka toothbrush hindi ko pa nga nagagawa." sabi ko.
Binuksan niya ang chessboard sa may gilid ng kama ko.
"Ano ba game ba o hindi?" tanong niya.
"Para san ba? Saka anong deal?" tanong ko.
"Kapag natalo ka set up date ka namin ni kuya Vin, so kapag ako naman natalo mo I'll tell you one secret." sabi niya.
"Aba aba nadamay nanaman ako diyan ha!" singit ni Vin sa gilid habang nag lalaro sa mobile phone niya.
"Ano bro? Deal?" sabay abot ng kamay niya na gusto makipag shake hands sa'kin.
"Deal." banggit ko sabay shake hands.
Nag umpisa na kaming mag laro. Ginalaw ko na ang classic opening move.
"Okay E4." sabi ko
Nakita ko naman nag E5 si Archel.
"Knight to F3." tira ko.
"Knight to C6." sabi niya sabay tingin sa mata ko na para bang nang aasar.
Habang nag iisip ako ng ititira ko nakita kong umulan naman sa bintana.
"Its a good sign?" tanong ni Archel sakin.
Ginalaw ko na ang bishop ko sa B5.
Natawa siya.
Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"A6 para sa bishop mo hahahaha." sabay kindat.
"Queen to E2. Let's see kung ano pang kaya mong gawin." pang aasar ko din sakaniya.
"Bishop to G4. Konting pressure sa queen mo." amba niya.
"Knight to E3." tira ko.
Natahimik ng saglit ang kapaligiran.
"Queen to D7. Check mate." sabay tayong sabi niya.
"Hays alam ko namang matatalo ako pero sige ano yung deal mo? Makikipag date ako?" tanong ko.
"Oo HAHAHAHA! Ano game? 2 days from now set up kita ng blind date." sabay kuha niya sa bag niya.
"Aalis kana?" tanong ko.
Tumango naman siya.
"Ikaw vin?" tanong ko.
"I have hubby duties insan bye." sabay umalis nadin ito kasama ni Archel.
Mga tao na'to talaga oh! Blind date blind date uso paba 'yun sa panahon ngayon? Mga nakakatawang tanong nag mumula sa isipan ko.
***
Isang araw ang lumipas. Pumunta ako sa dating school ko. May kailangan kasi akong kunin.
Habang nag lalakad natakam ako bigla sa nag bebenta ng icecream. Kaya naman tumigil muna ako sakto dahil mainit init din ang panahon.
"Manong isang icecream nga po."
"Anong flavor iho? May mango, chocolate saka vanilla? O hindi naman kaya avocado pampagana." sagot niya sa tanong ko.
"Pampagana ho saan manong?" tanong ko.
Tumingin nalang ito sa'kin hindi ko naman naintindihan meaning niya.
Maya maya may dalawang bata din ang bumili. Kakaabot lang sa'kin ni manong ng ice cream ko avocado flavor inorder ko dahil ito ang cinacrave ko ngayon.
Habang kumakain napatingin ako isang bata dahil dalawang bata sila na nag uusap.
Habang kumakain ako napansin ko na tumulo ang sipon ng isang bata. Halos ma duwal duwal na'ko! Habang inaabot pa nito bayad kay manong lumobo pa ito tas tumalsik!
Hindi ko na kinaya! Umalis na'ko at tinapon ang ice cream nalang na kinain ko. Avocado flavor pa naman din order ko! Naimagine ko tuloy na yung sipon nasa ice cream ko! Kadiri!
Napailing nalang ako tuluyan nag lakad papunta sa school ko dati.
Nakita ko si Ensley sa hindi kalayuan. Tinawag ko ito.
"Ensley!" sigaw ko.
Lumingon naman siya at ngumiti sa'kin.
"Jaden!" sabi niya habang papalapit sa'kin.
"Kamusta?" tanong niya.
"Okay naman ikaw kamusta?" tanong ko din sakaniya pabalik.
"Anong sadya mo pala dito at nga pala nakabalik kana galing UK?"
"Oo kakabalik ko lang last week. Ahh, ito may mga need lang asikasuhin nag babalak na kasi akong kumuha ng masters." sabi ko.
Tinitingnan niya ako mula taas pababa.
"Bakit may problem ba?" tanong ko.
Mabilis naman siyang umiling. "Wala, wala." sabi niya.
"Teacher kana pala rito." masayang sabi ko.
"Oo nga eh parang kailan lang ikaw din laki ng pinag bago mo physically saka pananalita mo laki ng pinag bago! Sayang day off kasi ni Caseli---." naputol bigla 'yung sinasabi niya.
Nag katinginan kami sa mata.
"Ha? Paki ulit nga sinabi mo." sabi ko sakaniya habang ang bilis ng tibok ng dibdib ko.
Nag katitigan kami, kitang kita sa mga mata niya na may takot siya. Hindi ko maintindihan kung bakit.
"Teacher E!" tawag ng mga estudyante sakaniya mula sa classroom.
Kinawayan niya naman ito.
*ting!*
Tunong na mula sa cellphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ko.
"Nga pala Jaden ano ahh..." baku-bakong salita na naririnig ko mula sakaniya habang naka tingin sa cellphone ko.
"Ano Jaden aalis nako---."
Mga salita na naiintindihan ko sa mga sinasabi may mga sinasabi pa siya sa'kin habang patayo siya sa kinauupuan namin pero dahan dahan itong nawawala sa pandinig ko.
Hanggang sa lumalabo nadin paningin ko. Naririnig ko naman tinatawag ako ni Ensley pero sobrang hina ng boses niya na hindi ko maintindihan.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Hindi ko maintindihan dapat kong maramdaman.
Nakita kong natutumba na'ko.
Nakita kong kinuha ni Ensley ang phone ko dahil naka bukas lang ito.
Kita ko ang gulat sa mukha niya habang hinawakan niya ako sa braso.
"Jaden pasensya na kung ngayon ko lang sasabihin pasesya na----." Huling mga salita na narinig ko sakaniya bago pa tuluyan ang blackout ang paningin ko.
Hindi ko naiintindihan ang mga nangyayari........
Anong ibig niyang sabihin sa'kin?
Kanino nanggaling yung text message na'yon?
Hindi ko na alam naguguluhan ako!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro