Chapter 57
Jaden
Toooot..... tooot.....
The sound of flatline.
The world stops. My world stops.
I can't breathe. She died.
Ang bilis ng nangyayari sa paligid lumabas yung doctor. I stood there na parang lumulutang sa sobrang gaan ng katawaan ko yung utak ko saka kaluluwa wala na sa katawaan ko.
"Caseline." sambit ko habang nakikitang nirerevive padin siya ng mga doctor at nurse.
Wala naba talaga? Tanging nasa isip ko.
Everthing black out.
Naririnig ko mga ibon na nag sisiawitan nakaramdam din ako ng silaw sa mata ko dahan dahan ko itong binuksan. I just realized umaga na pala.
Binuksan ko ang bintana ko at nakita kong maganda na ang panahon hindi na nag snosnow at may mga nag lalakad na mangilan-ngilan sa labas.
"Hows your sleep?" sambit ng isang pamilyar na boses mula sa likuran ko.
"Nanang." sabi ko sabay ngiti.
"Ano napanaginipan mo nanaman siya no? " sabi ng kasambahay na kasama ko din.
Si nanang nga pala palayaw niya lang Ate Malu talaga tawag ko pero dahil parang nanay ko na siya nanang nalang daw ang itawag ko sakaniya.
I smiled. "Oho, nanang eh limang taon na nakakalipas pero madalas ko padin siyang makita sa panaginip ko."
Hinaplos ako ni nanang sa braso.
"Jaden, iho may mga bagay at mga tao talaga na sa isip at puso nalang natin." sabay ngiti nito at kuha ng pinggan.
"Halina't samahan mo na ako dito, kumain na tayo may meeting kapa mamaya."
"Ah nanang hindi na po, hindi na'ko pupunta ng meeting may mas mahalang lugar ako na babalika--- este pupuntahan ho." sabi ko.
"O edi sige, basta kumain ka huwag papabayaan ang sarili." kita ko pag mamalasakit niya sa kaniyang mga mata.
Hindi alam ni nanang na nag book na'ko ng flight papuntang home country ko. Dahil sa loob ng limang taon hindi na'ko nakauwi sa sobrang sakit. Hindi ko kaya pero ngayon kaya kakayanin ko na?
"Attention passengers,
Our flight to the Philippines is now boarding at Gate 917. Please have your boarding passes and ID ready."
Ito na'yon. Bibisitihan kita.
After 20 hours of flight naka dating nadin ako ng Pilipinas. Nag book ako ng car papunta agad sa puntod niya. Kasi miss na miss ko na siya.
Sakto naman na umaga sa Pilipinas kahit pagod ang katawan ko sa byahe pero mas pinili kong unahin siya kasya sa pag papahinga ko muna.
Dumaan kami ng car na binook ko sa isang flower shop binili ko ang pinaka mahal na bulaklak para sakaniya. Nasa isip ko matutuwa siya alam kong hindi siya mahilig sa mga mamahaling bagay.
Pero sakaniya alam niyang lahat ibibigay ko lahat lahat. Kung gaano ko siya ka mahal dito ko lang 'yon mapapakita na kasi wala naman na siya. Wala naman na yung taong minahal ko ng sobra.
Mga 30 minutes nakadating din ako sa puntod niya. Dahan dahan ako lumapit sabay ng pag bagsak ng mga luha sa mata ko. Tinitigan ko muna ito at inabot ang bulaklak.
"Nagustuhan mo?" tanong ko.
"Dapat lang, kasi mahal yan haha joke lang."
Tumahimik saglit ang kapaligiran.
"I miss you Caseline." naiiyak kong sambit.
Habang nakatambay sa puntod niya nag pa music ako
So I'll run, run to you
Run to you, only heaven knows
Where my heart will go
Only heaven knows
Where my heart will go
Only heaven knows
Where my heart will go
Only heaven knows
Gano'n pala talaga? Kung kailan okay na, oo nga hindi mo talaga hawak ang tadhana. Lahat ng memories namin bumalik sa'kin. Yung mga kabataan namin, yung panahong hindi pa ako ito kung sino ako ngayon.
Mamaya pa may nakita akong paru-paru na dumampi sa braso ko. Napangisi nalang ako kasi alam kong siya 'yon.
"Hay nako Caseline, kilalang kilala kita."
"Alam kong na miss mo din ako." sabay tayo ko sa pag kakaupo ko.
"So paano bayan? Aalis na'ko ha." paalam ko sa puntod niya.
Habang nag lalakad ako sa mahabang daan na puno ng mga puno puno sa gilid may nakatalikod na babae akong napansin. Isang pamilyar kaya sinubukan ko itong lapitan.
"Miss---" hahawakan ko sana braso niya. Kaso bigla siyang humarap.
Nagulat ako. Gulat na gulat yung tipong naka tayo ako tapos hindi ko alam dapat kong ireact.
"Yes?" bulalas nito habang naka ngiti.
"Caseline." banggit ko na para akong binagsakan ng langit at lupa.
Teka? Paanong si Caseline to? Nakita ko siyang namatay. Sa mismong harap ko mismo.
"Ha? Caseline? Sino 'yun?" takang tanong niya.
Hindi ako mapag salita baka multo 'tong kaharap ko.
"Sir? Okay ka lang?" tanong niya.
"Ah yes--" namalik mata lang pala ako. Kahawig niya lang pero hindi siya.
"Sorry, napag kamalan kitang kakilala ko." sambit ko.
Sabay umalis na'ko napa hinga pako ng malalim dahil sa kung ano ano nakikita ko at naiisip.
Nababaliw na nga siguro talaga ako. Limang taon ng wala siya. Sobrang imposible na makita ko siya.
Nag hotel na muna ako cinontact ko ang isang nakakabatang pinsan ko. Pinapunta ko sa hotel para makapag inuman naman kami.
I used the pool para mahimasmasan mamaya maya pa dumating na ang pinsan ko si Archel.
"Bro, long time no see!" bulalas nito na halatang excited.
"Oy, Archel kamusta kana? Laki mo na 18 kana diba?" tanong ko.
"Oo naman kuya! Kamusta bukas sa UK?"
"Maayos naman puro work at puro gym." sagot ko sabay flex ng biceps ko.
Tumawa ito at may nilabas na alak.
"Talagang ikaw pa nag dala." bulalas ko.
"Kuya naman smpre! Minsan lang 'to buti nga pinayagan ako ni mama eh."
Napa smirk nalang ako. "Tara dito." yaya ko sakaniya habang sabay upo."
"Kuya kamusta? Ang puso?" tanong niya na halatang may pag aalinlangan.
"Puso padin." sagot ko.
"Hindi smpre alam kong puso padin 'yan! Kamusta kako may sugat padin ba?" tanong niya.
"May sugat? Wala ata hindi ko na maramdaman eh." malungkot kong sabi.
Kumuha na'ko ng shot glass at nilagyan ng alak sabay tunga. Ngayon nalang kasi ako ulit uminom simula nung nawala siya.
"Kuya may love life kana ba?" nagulat akong tanong ni Archel.
"Love life? Na'ko wala busy sa work dalawa dalawa work ko doon." sambit ko.
"Tara bar, may alam akong bar na puro quality mga chicks or hindi naman kaya mga gay gaya mo." gulat din siyang sinabi niya.
Napangisi nalang ako at napa shot ulit.
"Archel, nag bago na'ko hindi na'ko 'yun." seryosong sabi ko.
"Ahh." tanging nasabi niya.
"Bukas ba? Balak mo bro?"
"Wala baka pumunta ako sa isang hospital dito tas mag apply." sagot ko.
"Ha? Hindi kana babalik ng UK? Sayang naman yung malaking kita!" sabi niya.
Umiling ako. "Babalik, pero kasi ramdam ko tinatawag ako dito."
Feeling ko may hindi pa'ko natatapos dito.
Sure ako sa nararamdaman ko hindi ko ma pin point kung ano 'yun.
"May mission pa'ko Archel na alam kong hindi pa tapos." sabi ko sabay shot ulit.
"Sabagay baka oras na para malaman mo talaga totoo." mahina niyang sinabi na pabulong, pero narinig ko.
"Ano sabi mo?" tanong ko.
"Wala wala, tara i shot na ulit natin 'yan!" bulalas niya.
Napatingin nalang ako sakaniya. Yung tingin ko sakaniya na may halong pag dududa hindi ko kasi maalis sa isip ko 'yung sinabi niya kanina. Hindi nanatahimik utak ko.
May kutob ako eh na tungkol sa'kin yung sinabi niya kanina. Ngunit, hindi ko na matanong dahil tuloy tuloy na inom namin at napunta na sa ibang usapan.
Pero ano kaya 'yon?
"Bro, uwi na'ko sabi ko kasi hindi ako papagabi ng sobra." bulalas niya.
Tumango nalang ako.
"Ano bro kaya mo naba dito? Call ka lang sa'kin kung gusto mo'ko maka chill or punta tayo sa bar minsan." sabi niya sabay kuha ng jacket niya.
Tinaas ko naman kamay ko na nag papaalam sakaniya hudyat na nag paalam nadin ako.
Maya maya pa nakakaramdam na'ko na lasing ako tumayo ako kasi naalala ko may itetext pa'ko tumayo ako kasi yung cellphone ko nasa isang table malapit sa pool.
Nahihilo na'ko pero sinubukan ko padin tumayo at mag lakad. Dumodoble na paningin ko.
Habang sa isang see through kahit naduduling na'ko may nakikita akong hugis ng isang babae. Salip na kunin ko cellphone ko pinuntahan ko ito at gusto ko siyang makita.
Habang papalit ako sakaniya namumukha ko siya eh this time sure ako. Sure na sure ako!
Si Caseline.
Napatingin siya sa'kin tapos biglang tumalikod at nag lakad ng mabilis palalayo.
"Teka---" sambit ko.
Ngunit.... hindi na'ko maka hinga nadulas ako sa pool.
Hindi ko magalaw ang katawan ko. Naramdaman kong dahan dahan na'kong lumulubog pababa ng pool.
Hindi na'ko maka galaw para humingi ng tulong.
Naka tingin nalang ako sa ilaw mula sa taas ng pool.
Hanggang dito nalang ba ako? Wala ng pag asa.
Dahan dahan kong sinira ang aking mga mata habang nakikita ang larawan ng taong mahal ko sa utak ko.
Si Caseline.
To be continue......
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro