Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 54

JADEN

"Napaka ganda ng cultural representation nila dito pag gabi." sira ko sa katahimikan na namumuo sa'ming dalawa.

Nakita kong naka ngiti at halatang nag eenjoy siya habang nanonood at hawak hawak ang fruit juice na hawak niya. Dahan dahan kong hinawakan ang kamay niya.

"Sir try 'nyo po!" masiglang yaya ng fire dancer sa'kin. Habang inaabot 'yung apoy na ginagamit nila sa pag sayaw. Umiling naman ako.

Pinalo ako sa balikat ni Caseline. "Teka bakit?" tanong ko.

"Tsk, dapat nag go ka eh!" sabi niya.

"Hala bakit? Delikado kaya." sabi ko.

Halatang tinopak siya at hindi nag salita. Lumapit naman ako sa kaniya at binulong. "Sige ka ikaw din mawawalan ka ng mapapangasawa." biro ko. She just look at me with a sweet smile.

Habang patuloy lang sa panonood napansin kong naiiba na ang music mula sa kanina kaya naman tumayo ako at inaaya siyang sumayaw. Inalok ko ang aking kamay.

"Let's dance baby." sabi ko. Binigay naman niya ang kamay niya sa'kin.

I slowly hold her waist at dahan dahan kaming nag sway sway. Soft and sweet lang habang rinig ang music at alon ng dagat.

"Bakit mo'ko nagustuhan?" she asked.

"Bawal ba?" pabirong tanong ko.

"Eh!" sabay hampas sa braso ko. "Bakit nga?" dagdag niyang tanong.

"Eh kasi gusto kita!" I Kissed her on her forehead.

"Ang sweet naman ni Ma'am saka Sir!" sabi ng isang entertainer sa gilid.

"Tara na pasok na tayo sa hotel natin." sabi niya. Habang nakahawak sa ulo niya.

"Let's go are you okay?" tanong ko.

"Okay lang---" sabi niya habang nanghihina ang boses niya. Inakay niya ang kamay ko papunta sa hotel namin.

Next morning.......

"Yehey! Pabalik na tayo!" nagulat akong bulalas ni Caseline sa loob ng eroplano.

"Shh lang!" sabi ko. "May mga tulog baby." dagdag ko.

"Sorry sorry! Masaya lang!" sabi niya with full energy.

"Deretcho na tayong school 'no?" tanong niya.

Nag taka ako bakit naman kami dederetcho sa school? Eh kakagaling lang namin sa trip pagod pagod padin kami.

"Why?" I asked. Sabay tanggal ng headset ko.

Lumapit siya sa'kin. "Graduation day!" bulalas niya. "Ayaw mo naba grumaduate?" dagdag pa niya.

Sh*t! Nakalimutan ko! Graduation nga pala ngayon!

"Oh! Makakalimutin kana ha. Dederetcho tayo sa school do'n nadin tayo mag aayos alam naman nila papa eh, aantayin nila tayo do'n." she went back checking her phone.

"Okay sige." bugtong hininga kong sinabi.
After 45 mins naka baba na kami airport tapos within 30 mins naman naka dating na kami sa school.

Nakita ko na nandoon nga ang papa saka kapatid ni Caseline. Kumakaway palang sila malayo pa. Nag bless ako sa papa niya pag lapit namin.

"Iho! Napaka gwapo mo naman." bola pa ng papa niya. Dito pala talaga nag mana si Caseline joke!

"Kuya Jaden diba bakla ka po---?" naputol na tanong ng kapatid niya. Dahil tinakpan ni Caseline ang bunganga nito.
Ngumiti na lamang ako sinuot ang toga at pumunta sa seat kung saan dapat ang mga graduates.

"Kamusta trip to Palawan? Grabe kita ko mga post niyo ha?" isang pamilyar na lalaking boses mula sa katabi ko. Kinakausap ni Vin si Caseline.

Tinuro ko siya. "Kala ko aalis kana pa Japan?!" pag tatakang tanong ko.

"Wait lang next week pa excited?" sagot niya sa'kin.

"Oh kaya pala! Ingat ka Vin ha!" sabi ni Caseline. Umirap ako nakakairita!

"Baby! Lumalabas nanaman pag ka bading mo." panlolokong sabi ng girlfriend ko.

"Selos ka?" dagdag pa niya.

"No! Akin ka lang!" sabi ko. Ngumiti lang siya ng nakakaasar na ngiti.

"Okay students today is your graduation day! First of all congrats to all of you! Gragraduate na kayo at hindi kayo nabuntis at naka buntis ng maaga pa!" ay masyadong pasmado bibig ng speaker today.

Sa haba haba ng pag aantay after dalawang oras mahigit natapos din ang graduation. Inaya ko sila kumain sa restaurant treat ko na para sa kanila sa family ni Caseline.

Habang kumain sa restaurant yung agency na pinapapunta ako for interview nag text na nakita daw ang post ko sa graduation at need ko nadaw ayusin ang papers para sa pag punta ko sa UK. Teka kalma lang naman oh! Kumakain pa ang tao. Pero 'yun nga gusto ko ituloy ang pag punta ko sa UK. Paano ko kaya sasabihin kay Caseline. Bukas interview sabi sa text message sa'kin.

Sa bilis ng oras hindi ko namalayan na mag gagabi na kaya naman umuwi na kami sa kanya kanyang mga bahay namin. Sinubukan kong itext si Caseline para ipaalam sa kaniya na may interview ako bukas.

Baby I have interview tomorrow. Para sa pag alis ko sa UK.
-sent

Go lang support kita sabihan mo'ko kung kaylan alis mo ha.
-from GF

I will baby goodnight! I love you!
-sent

I love you too. With an emoji heart.
-from GF

Kinabukasan....

"So tell me what is the reason why do you want to pursue working abroad?" tanong ng interviewer.

"I like to work abroad so I can fulfill my dreams for myself and for my special someone." sagot ko.

Chinecheck naman ng HR yung papers ko. Tapos may mga tintype siya sa computer.

"Okay Mr. Jaden Saber! Next week pwde kana makaalis ng bansa ready naman na yung passport and VISA." sabi niya.

"Next week??? Agad agad?" gulong gulo isip ko palabas ng automatic na glass door nila. Paano ko kaya ito sasabihin sa girlfriend ko?

Umuwi na muna ako at nag ayos ng gamit inayos ko din mga gamit sa maleta ko need ko ng mga groceries din lalo na iba ang culture sa UK ayoko minsan ng foods nila do'n. I went the grocery sinabay ko ng bilhin yung favorite na chocolate ni Caseline plus yung yogurt strawberry limang piraso. Dali dali akong pumunta sa bahay nila kumatok sa pintuan nila.

Sumalubong naman sa'kin ang kapatid niya nag tataka ako bakit wala siya? Pinaupo muna ako ng kapatid niya at nag kwentu-kwentuhan. Napapansin kong aligaga yung kapatid niya kaya naisipan ko ng tanungin.

"Saan ba sila Caseline?" tanong ko.

"Ummm, ummm nag pa check po." pautal utal niyang sabi.

"Saan nag pa check up? Saka bakit hindi man lang niya ako nasabihan?" tanong ko.

"Umm, ummm gusto niyo po bang kumain muna? Or uminom ng juice?" tanong niya. Nakakaramdam na'ko ng medyo kakaiba sa mga nangyayari.

Maya maya pa biglang may kumatok, at nag sisigaw sa labas ng pinto nila.

"Nak! Nak! Pabuksan pinto." Tawag ng tatay ni Caseline. Agad agad naman binuksan ito ng kapatid niya.

"Pa! Andito pa po pala kayo!" nakita ko na akay akay niya si Caseline may turok ito sa balikat na hatalang galing injection.

Agad agad naman akong lumapit sa kaniya. "Ayos ka lang?" tanong ko.

"Iho okay lang siya, pahinga lang napagod ata." sabi ng tatay niya.

"Tara nak! Hatid natin ate mo sa kwarto niya." hinatid nila sa kwarto si Caseline. Ramdam kong may hindi tama, alam kong may nangyari kay Caseline. May hindi ba sila sinasabi sa'kin? Mga tanong tumatakbo sa isip ko.

"Okay lang ba siya?" nag aalalang tanong ko sa kapatid niya.

"Opo kuya! Huwag kayo mag alala dehydrated lang po siya." sabi nito sa'kin.

Tumahimik nalang ako. Ngayon ko pa naman sasabihin sa kaniya na aalis na'ko papuntang UK. Maya maya pa nakita kong bumaba na ng hagdan ang papa niya. Naka ngiti ito sa'kin pero bakas naman sa nga mata nito ang lungkot.

"Iho, kumain kana muna diyan at uminom ng juice or kape." aniya niya sa'kin habang inaabot ang tinapay saka juice.n

"Iho, may dapat kang malaman." aniya.

Nakaramdam ako ng lamig sa buong katawan ko dahil kinakabahan ako sa sasabihin sa'kin ng papa ni Caseline. Nararamdaman ko ang bilis ng pag hinga ko.


"Si Caseline kasi iho----" naputol na sasabihin niya.


Tingtiringtingting tingtiringtingting! sabay naman tumunog ang phone ko dahil may tumatawag.















To be continue.......

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro